GRD 9 Poem

You might also like

You are on page 1of 4

Ang daming bituin sa langit nakakapukaw (nakakabighani)

‘Kay kalisod (hirap) nilang bilangin, walang katapusan ang kanilang ganda
Isa, dalawa, tatlo, ako’y nalilito na
Isang gatus ug unom ka pito (Isang daan at anim na pu't siyam), muntik nang maubusan ng
bilang

Hanggang makab-ot (makaabot) na ng bilyon, aking nakikita


Sobrang kadam-an (dami) nila, 'no? Parang luha sa aking mga mata
Minsan bilyon kapag nakatingin ako sa langit
Minsan dalawa kapag nakatingin ako sa iyong mga mata

Ang mga bituin, mga alitaptap ng kalawakan


Tila mga pangako, mga pangarap na hindi mapapawakan
Sa kadulom (dilim) ng gabi, sila'y kumikislap at nagliliyab
Tanda ng pag-asang hindi dapat mawala

Ngunit ang mga bituin ay hindi lamang mga tala


Silang mga himig ng kalangitan, musika sa aking pakikinig
Sa bawat pag-ihip ng hangin, sila'y umaawit
Nagbibigay ng kalipay (aliw) sa mga pusong nag-iisa

Kaya't sa tuwing ako'y nalulumbay at nangangamba


Naglingi (Lumilingon) ako sa itaas, sulyap sa langit na wagas
Ang daming bituin, sila'y nagpalambo (nagpapalakas) ng loob ko
Nagpapaalala na ang mundo ay puno ng liwanag at pag-asa

Sa bawat paghinga, sa bawat hakbang at galaw


Ang mga bituin ay sumasabay, kumakalasap ng buhay
Sila'y mga gabay, mga tagapagbigay ng inspirasyon
Kahit sa gitna ng kawalan, sila'y patuloy na nagliliwanag

Ang daming bituin, hindi mabilang sa bawat iglap


Ngunit sa bawat bilang, ako'y humahanga
Bawat isa'y nagmamarka, nagbibigay ng saysay
Kahit sa madilim na gabi, sila'y nagpapakita ng liwanag

Ang daming bituin, sa langit nagliliyab


Sa mga mata mo rin, sila'y naglalaho't nagsisilab
Ang bilang ay walang hanggan, tulad ng pag-ibig ko sa'yo
Ang daming bituin, tulad ng bawat tula na isinusulat ko.
Madalas ako noong makinig
sa musikang nasabtan (naiintindihan) ako.
Minahal ko ang musikero,
minahal ko ang awitin.

Pero habang nagpalambo (gumagaling) ako,


nabawasan ang pakikinig ko sa kanila.
Nasa gilid ng isip ko, ayos na ako,
di ko na kailangan ng makaiintindi sa akin.

Ganito nga siguro ang pakiramdam


ng musikang minahal ko't iniwan ko
nang mag-ayo (maghilom) na ako.
Ganito siguro kasakit maiwan
ng taong minahal mo't inayos,
dahil hindi na niya kailangan
ang ako na isang musikang
nagpahulay (nagparamdam) na may nakikinig sa kaniya.

Ako ang musikang iniiwan


kapag hindi na ako naiintindihan.
Minsan Bilyon, Minsan Dalwa

Ang daming bituin sa ating kalangitan


Ang lisod (hirap) nilang bilangin,
Usa, duha, tulo (Isang, dalawa, tatlo), walang katapusan
Napulo, Duha'g kawhaan, Tulo'g kawhaan (Sampu, bente, tatlumpu) hanggang umabot ng bilyon

Sobrang kadaghanan (dami) nila, 'no?


Minsan bilyon kapag nakatingin ako sa langit
Minsan dalawa
kapag nakatingin ako sa mga mata mo.

Magdagdag man ako, dalwa ay sapat na,


Ang puso ko'y natahap (nasisilaw) sa iyong mga mata
Hulaton (Hihintayin) kita, hindi kita mamadaliin
Iintayin ang panahon ako naman ang iyong piliin

Ang daming bituin, kadaghan kaayo (napakarami)


Iisa lamang ang aking hangyo (hiling)
Nais ko na ika’y makasama
Subalit parang salungat san nais ko ang tadhana,

Katulad ng mga tao sa mga bituin


Tinadhana ako sa malayo na ika’y hanggain
Pinagtagpo ngunit di tinadhanang pagsamahin

-Colleen Manalo

You might also like