You are on page 1of 2

Maikling kuwento

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Kayarian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kuwento ng
isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling
panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin
itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Mga Elemento

 Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
 Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
 Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan,
tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
 Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
 Kakalasan- Tulay sa wakas.
 Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
 Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
 Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
 Kaisipan- mensahe ng kuwento.
 Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento

Mga uri
May sampung uri ng maikling kuwento:

 Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga


tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.
 Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit
ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
 Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
 Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala.
 Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
 Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
 Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang
tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong
bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
 Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng
kuwento. Pagiging sabik o kauna-unahang karanasan.
 Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
 Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao

Tema
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang
kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging
tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng
may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap
ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.
Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mga bahagi
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:

Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing
tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.

Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian
naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-
unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At
ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng
kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang
maaring kahinatnan ng kuwento.

You might also like