You are on page 1of 2

Alamat

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Ang alamat ay isang uri ng kwentong bayan at panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang "legendus"
ng wikang Latin at "legend" ng wikang Ingles na ibig sabihin ay "upang mabasa".

ALAMAT NG ROSAS
ALAMAT NG ROSAS

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa kanyang angking
kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga
ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang
tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang
dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon
niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang
tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng
halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga
tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

Alamat ng Saging

ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y
labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-
iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si
Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana.
Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang
bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw
na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa
kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

You might also like