You are on page 1of 1

BAKIT BRGY. ILOSONG?

NI: JPR
Sa liblib na bayan ng Nagmamaganda naninirahan ang napakagandang Dyosa ng
kalikasan na nagngangalang Eskarboro. Bagama’t liblib ang kanyang tinitirahan ay hilig pa rin
syang puntahan ng mga tao sapagkat meron itong napakagandang alindog at napakabuting puso.
Sinasamba sya ng buong bayan ng Nagmamaganda sapagkat kahit anong hilingin nila sa Dyosa
ay ipinagkakaloob nito.
Isang araw, pumunta si Lawan sa lugar ni Dyosang Eskarboro, bathala ng kadiliman na
nagkuwaring tao upang akitin ang dyosa at gawan ng kasamaan. Nahulog ang loob ni Dyosa
Eskarboro kay Lawan, at dahil naakit na ni Bathalang Lawan si Dyosang Eskarboro ay
pinagsamantalahan niya ito, pagkatapos ay iniwan na lamang. Nadurog ang loob ni Dyosa
Eskarboro at kinamuhian, kinapootan niya ang lahat ng tao sapagkat ang akala niya ay tao ang
nagpa-big at nagsamantala sa kaniya. Pinagkait ni Dyosa Eskarboro ang lahat ng yamang
kalikasan sa mga tao dito niya ipinakita na di kayang yurakan ng mga tao ang kanyang dangal
bilang dyosa ng kalikasan.
Ilang buwan ang nakalilipas nagbuntis ang dyosa at nagluwal ng kambal na sanggol,
pinangalanan niya itong Ilo at Song. Sa kabila ng pagluwal niya sa kambal ay pinalaki niya ito
ng agaran sapagkat noong araw na ipinanganak ng dyosa ang kambal ay binawian na siya ng
buhay. Si Ilo at si Song ay nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan sapagkat ang kanilang
mga magulang ay isang bathala ng kadiliman at dyosa ng kalikasan.
Noong malaki na ang kambal na si Ilo at Song, itinanong nila sa punong bantay ang
istorya ng kanilang ina. Sinabi nito na napakabuting dyosa ng kanilang ina ngunit isang araw si
Lawan ang bathala ng kadiliman ay nagkunwaring tao at pinaibig si Eskarboro ng husto
pagkatapos ay pinagsamantalahan at iniwan na lang, kaya’t nawasak ang puso ng Dyosa ng
kalikasan at kinapootan ang sangkatuhan ng bayan ng nagmamaganda, sinabi din ng punong
bantay na hindi tao ang nagsamantala sa kanilang ina kundi isang bathala, kaya naman ang lakas
ng kambal ay kakaiba sa ibang anak ng mga dyosa.
Nagalit si Ilo at si Song sa kanilang nalaman, kaya’t pinagpasiyahan ng kambal na
kalabanin ang kanilang kanilang alam. Hindi nadaliang kalabanin ng kambal ang bathala ng
kadiliman, inabot ng ilang taon ang kanilang labanan. Natalo nila ito sapagkat dumalangin sila sa
kanilang ina na tulungang matalo ang bathlang lumawalanghiya sa kanya, nagliwanag ang buong
kalikasan at lahat ng kaliwanagang ito ay ay pumasok sa loob ng magkapatid. Muli nilang
kinalaban ang kanilang ama at dito na nga’y ipinilamon nila sa kanilang ama ang Liwanag ng
kalikasan. Nagwagi si Ilo at Song sa labanan, ibinalik nila ang kasiyahan at yaman ng kalikasan
sa sang katauhan ng bayan ng Nagmamaganda, muli nilang pinaunlad ang bayang kinapootan ng
kanilang ina.
Natuwa ang mga tao sa panunumbalik ng kasiyahan, kasaganahan ng kanilang lugar,
sobra nilang pinasalamatan ang magkapatid na si Ilo at Song. Simula noon ang dating bayan ng
Nagmamaganda ay pinalitan nila bilang bayan ng IloSong, ito’y pasasalamat sa kabutihang
ginawa ng magkapatid sa kanilang lugar. Sa kinalaunan at sa modernong panahon ang bayan ng
IloSong ay tinawag ng Brgy. Ilosong hango sa pangalan ng kambal na magkapatid na si Ilo at si
Song.

You might also like