You are on page 1of 1

Alamat ng Rosas (Version 2)

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang ‘Rosa’, na balita sa kanyang
angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang
kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga


nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay
di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito
sa hardin.

Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot ni
Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang
di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang
halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa
talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si
Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di pagnasaang pupulin
lamang ng sinuman.

Ang maikling alamat na ito ay tungkol sa pinoycollection.com

You might also like