You are on page 1of 3

I.

Pamagat: Alamat ng Rosas


ll. Istilo ng Paglalahad: Magkasunod-sunod ang pangyayari na may malinaw na
paglalahad sa kwento
lll. Sariling Reaksyon/Tauhan :
Rosa- may angking kagandahan,kayumian at kabaitan
Cristobal- ang mapangahas na manliligaw ni Rosa
Panginoon- ang taos pusong pinaglilingkuran ni Rosa
Nangangailangan ng tulong- ninais ang kabutihan ni Rosa
Mga manliligaw- ang hindi binigyang pansin ni Rosa
lV. Pagpapahalaga sa Nilalaman
E. Kalagayang Sosyal: May payak na pamumuhay
F. Kulturang Pilipino: May matibay na pananampalataya sa panginoon,
Matulungin sa kapwa at marunong makisama
G. Pilosopiyang Pilipino: Palaging manalangin kahit saan magpunta
H. Simbolismong Pilipino: Rosas - kagandahan
Tinik- hirap
Tangkay- matuwid na pananamplataya
V. Pananalig sa Pampanitikan( Teoryang Pampanitikan):
Bayograpikal- may pinaka malungkot na pangyayari
Realismo- hango sa totoong buhay
Feminismo- ang pangunahing tauhan sa akda ay babae
Eksistensyalismo- dahil may kalayaan ang ang tao na pumili
Vl. Bisa sa Pampanitikan:
Ito ay nakapagdudulot ng aral sa mga mambabasa lalo na sa pagiging
pananampalataya sa Diyos
Vll. Bisa sa Damdanin: kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos at kung paano
kumilos ang Diyos sa buhay ng tao
Vlll. Bisa sa Isip:
Kailangan tayong manalangin araw-araw upang gabayan tayo palagi sa ating mahal
na Panginoon
IX. Bisa sa Kaasalan:
Ang natutunan ko sa kwentong ito ay dapat nating tularan si Rosa dahil siya ay
matulungin, mabait at may matibay na pananampalataya sa Panginoon. Dapat hindi
natin tularan si Cristobal kung may magustuhan man tayong tao dapat sa tamang
pamamaraan.
PANITIKAN SA REHIYON 1

ANG ALAMAT NG RROSA


ni Jr. Segundo D. Matias

Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang "Rosa," na balita sa


kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangayupapa sa
kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.Dahil ang
gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga
nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si cristobal, isang mahigpit niyang
mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y
nagtangtangkang agawin si Rosa at dinala sa hardin.Ngunit nanalangin si Rosa sa
Panginoon at noon din'y siya'y naging bangkay.Sa takot ni Cristobal ay ibinaon ni
Cristobal sa bakuran ang dalaga at saka siya lumayo sa pook na iyon upang hindi na
magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita si Rosa ng taga roon. Sa halip, sa bakurab nito ay may
isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay
mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng
Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na
tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.

Franciscan College of the Immaculate Conception Baybay Leyte Inc.


Baybay City,Leyte
First Semester
A.Y.: 2019-2020

PROYEKTO
SA
GE11
(Panitikan ng Pilipinas)

Ipinasa ni: Greece S. Cabintoy BSED Math-2


Mag-aaral

Ipinasa kay: Bienvenida T. Bactasa, M.A.


Guro

You might also like