You are on page 1of 4

Noong araw ay may isang

magandang dalagang nagngangalang


‘Rosa’, na balita sa kanyang
angking kagandahan, kayumian,
at kabaitan. Maraming
nangangayupapa sa kanyang
kagandahan. Ngunit ni isa sa
mga ito ay hindi niya
mapusuan.

Dahil ang gusto ni


Rosa ay ang maglingkod sa
Panginoon at sa pagtulong sa
mga nangangailangan ng
kanyan tulong.
Ngunit si Cristobal,
isang mahigpit niyang
mangingibig, ay di
makapapayag na di
mapasakanya ang dalaga, at
ito’y nagtangkang agawin si
Rosa at dinala ito sa hardin.

Ngunit nananalangin si
Rosa sa Panginoon at noon
di’y siya’y naging Bangkay.
Sa takot ni Cristobal ay
ibinaon niya ang dalaga sa
bakuran nito at saka siya
lumayo sa pook na iyon upang
di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa.
Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na
may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay
mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang
hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing
bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na
tagapangalaga rito upang di pagnasaang pupulin lamang ng
sinuman.

You might also like