You are on page 1of 2

ALAMAT NG HOPELESS ROSAS

Hidalgo at San Luis

Noong unang panahon, sa isang lugar sa may silangang baybayin ng Pilipinas, bayan ng San
Marcelino, kung saan nakatira ang isang dalaga, na ang pangalan ay Rose. Ang dalaga ay may
taglay na kagandahan subalit, hindi kayang mag ayos ng sarili at kung tingnan ay marungis,
hindi nagsusuklay, hindi nag aayos, ang pananamit na akala mo’y mukhang siga, at higit sa
lahat si Rose ay bihira lang maligo kada linggo, kabigha bighani ang kanyang kagandahan
ngunit wala siyang pakialam sa kanyang sarili. Marami ang nabibighani sa kanya ngunit na wala
ng gana sapagkat hindi marunong mag ayos si Rose. Ngunit may isang lalaki ang nakapag
pabago kay Rose. Siya ay si Luis, si Luis ay isa sa mga kalalakihan na may taglay na
kagwapuhan na siya kinababaliwan ng maraming kababaihan, at isa na rin doon si Rose.

Bukod tanging si Luis ang hindi mag ka gusto gusto sa taglay na kagandahan meron si Rose,
bukod sa ganda lang ang meron ito, ay wala ng iba pang kagusto gusto kay Rose, at dahil roon
nagbago si Rose, nag ayos siya naliligo araw-araw nagsusuklay at naglalagay na siya ng
kolorete sa mukha, Gumawa si Rose ng paraan upang maakit niya si Luis, sa bago niyang
anyo, naging isa siya sa mga babaeng nanliligaw kay Luis.

Napapadalas ang pagpunta ni Rose sa bahay nina Luis, sa may tabi ng arkong bayan ng San
Marcelino, upang umakyat ng ligaw. Si Rose lang ang babaeng malapit kay Luis sa kanyang
mga manliligaw, sapagkat si Rose ay madali kaibiganin at siya rin ang babae na laging dala ang
kanyang paboritong bulaklak na kulay pula na kung tawagin ay Rosas, na makikita lamang niya
mga litrato dahil ang bulaklak na iyon ay bihira lamang tumubo sa kanilang lugar, kaya siyang
palaisipan kay Luis kung saan nahahagilap ni Rose ang paboritong bulaklak na Luis.

Nagdaan ang, araw, buwan, taon, siya pa rin tuloy ang panliligaw at pag kakaibigan ni Rose at
Luis ngunit isang araw kung saan pupuntahan sana ni Rose si Luis, sa kanilang tagupuan, sa
parke ng san marcelino kung upang batiin ito ng maligayang kaarawan, Dala ni Rose ang
paboritong bulaklak ni Luis, ngunit nakita ni Rose si Luis na may kasamang babae na isa rin
dati sa mga kasabay ni Rose pag siya ay umaakyat ng Ligaw, isa magandang babae, namay
taglay rin na aking ganda, na mukhang siya ang sinagot ni Luis.

Napatigil na lang si Rose sa paglapit sa kanila dahil nakita niya kung gaano kasaya ang dalawa,
labis siya na lungkot dahil kung isipin nag bago si rose para lang maabot niya ang standards ni
Luis at inakala niya rin may pag asa silang dalawa, sa pagkat si ay nagkakamabutihan na.
Napatitig nalang si Rose sa dala niyang pulang bulaklak at napa sabi na 'Sana isa nalang akong
kulay pulang bulaklak para kahit bulaklak lang ako ay magustuhan ako ni Luis; at nagkatotoo
nga ito, nagkaroon ng liwanag na siyang napansin ni Luis at ng kanyang kasintahan, nakita nila
kung paano naging bulaklak si Rose. Labis na nalungkot si Luis dahil tinuring na rin niya na
kaibigan si Rose, kaya nakapag desisyon na lamang ni Luis na itanamin ang pulang bulaklak na
hango ang pangalan nito sa pangalan ni Rose, Rosas.

You might also like