You are on page 1of 2

Alamat ng rosas

May isang magandang babae sa bayan ng Sta. Rosa. Ang kaniyang kagandahan ay
hindi ordinayo itoy naiiba sa lahat na kahit si Aphrodite ay maiinggit sa taglang niyang
kagandahan. Siya ay may sobrang puting balat na katulad ng niyebe, mapupulang mga
labi na parang isang mansanas at yung kagandahang iyong babalik balikan. Siya ay si
Rosa.
Maraming nagkakagusto sakanya dahil sa sa sobrang ganda niya at sa kanyang taglay na
angking kabaitan. Maraming nagtangkang manligaw sakanya ngunit ni isa ay walang
pumasa sa mga pagsubok na binigay niya. Hanggang sa may isang mayamang binatang
galing sa kilalang pamilya ang nabighani sakanyang kagandahan ito ay si Philipe. Lagi
siyang binibigyan ng kung ano-ano ni Philipe pero wala pa rin itong epekto sakanya>
Samantala, may isang binata naman na simple lang ngunit ubod ng kakisigan at
kagwapuhan siya ay si Zacharias o mas kilala sa pangalang Zach. Hindi man galing sa
mayaman o kilalang pamilya si Zach siya ay nagtataglay ng angking kabaitan, may
respeto din siya sa mga babae at higit sa lahat siya ay mapagmahal hindi lang sa
kaniyang pamilya ngunit pati na rin sa ibang mga tao tulad ng mga bata, ito marahil ang
nagustuhan sakanya ni Rosa. Si Rosa at Zach ay may pagtingin sa isat isa pero itoy
kanilang tinatago dahil baka malaman ni Philipe na baliw na baliw kay Rosa. Hindi
nagtagal at pagkalipas ng ilang buwan ay naging magkasintahan na sina Rosa at Zach.
May isang taong galit na galit kay Zach ang nagsabi kay Philipe tungkol sa balitang ito.
Nang malaman ni Philipe ang balita siya ay nagalit at nakabuo ng isang masamang plano.
Akin ka lang Rosa. Akin lang. Hindi ako makakapayag na may ibang mag may-ari
sayo kundi AKO LANG!! sobrang galit na pahayag ni Philipe.
Ngunit hindi man alam ng iba ay may sakit sa pag-uutak si Philipe na sikretong
nagpapatingin sa isang doktor.
Pagpatak ng alas sais ng gabi ay balak dakpin ng mga tauhan ni Philipe si Rosa
pagkagaling nito sa bukirin. Iyon ang plano ni Philipe. Nang malapit na sa bahay si Rosa
ay biglang may nagtakip sakanyang bibig ng isang panyo na nilagyan ng pampatulog.
Nagpumiglas si Rosa Hmmm! Hmm! sigaw niya ngunit hindi niya nakayanan labanan ang
antok. Umayon sa lahat ang plano ni Philipe nadakip nga nila si Rosa ngunit ang hindi nila

alam na may nakakita sa pangyayaring ito siya ay si Juan na matalik na kaibigan nila
Zach at Rosa. Dali dali agad na tumako ng mabilis si Juan upang sabihin kay Zach ang
kanyang nasaksihan. Z-ZACH!! Dinakip si Rosa ng mga tauhan ni P-philipe! Kkailangan mong iligtas si Rosa! Bilisan mo! Hinihingal at natatarantang sigaw ni Juan
kay Zach. Nasan siya dinala?!?! sigaw ni Zach na sobrang kinakabahan. Sa tingin ko
sa doon sa bundok! Yun lang ang posibleng pagdalhan kay Rosa dahil may isang
kubo doon. Pahayag ni Juan. Sige! Salamat! sabi ni Zach at agad- agad na pumunta
sa lugar na kinaroroonan ni Rosa. Ngunit sa kanyang pagdating nadatnan niyang
tangkang gagahasain ni Philipe si Rosa kayat agad agad siyang tumakbo doon at
pinagsasapak si Philipe. Napakawalanghiya mo! Mamatay ka na! sabi ni Zach habang
patuloy na pinagbubugbog si Philipe. Pagkatapos niyang bugbugin si Philipe ay agad
silang umalis ni Rosa doon takbo dito takbo doon ngunit biglang nakarinig sila Rosa ng
isang putok ng baril nang marinig nila ito ay mas lalo pa nilang binilisan ang pagtakbo
pero nakita sila ng isa sa mga tauhan ni Philipe at pinaputok ang baril sakanila akmang
tatama ang bala kay Rosa pero itoy sinangga ni Zach ngunit nabaril din si Rosa habang
yakap yakap si Zach na nakahandusay sa lupa.
Pagkadating ng mga taong bayan doon sa lugar na iyon nadatnan nilang patay na sila
Rosa habang sila ay magkayakap at doon nila mismo sa lugar na iyon inilibing sila Rosa
at Zach na magkasama dahil kahit anong gawin nila hindi mapaghiwalay ang dalawa kaya
mas minabuti nilang ilibing itong magkasama. Hanggang sa lumipas ang ilang taon,
napansin ng mga tao na may tumutubong isang halaman o bulaklak sa mismong lugar
kung saan nakaliibing sila Rosa itoy napakaganda at pulang pula katulad ni Rosa pero sa
tangkay nito ay may mga tinik. Iniisip nilang si Zach iyon na handa pa ring protektahan
si Rosa kahit anong mangyari. Pinangalanan nilang Rosas ang bulaklak na ito alaala sa
namayapang si Rosa at Zacharias.

You might also like