You are on page 1of 1

Alamat ng Tinik sa Rosas

Noong unang panahon, walang tinik ang mga rosas kaya mas madali itong
nahahawakan ng sinuman. Ang tagapangala at kinikilalang reyna ng mga rosas ay si
Reyna Rose. Si Reyna Rose ay isang diwata. Labis niyang minamahal ang kanyang
mga rosas at sinisiguradong hindi ito natutuyo o masisira. Ang kanyang hardin ng mga
rosas ay laging bukas sa sinuman ang gustong bumisita dito.

Isang araw nakita niyang may sira at putol ang isa sa kanyang mga rosas, labis siyang
nagalit kaya naman pinakatutukan niya ang ginagawa ng mga pumapasok sa hardin.
Doon niya nadiskubri na may mga batang pinaglalaruan ang mga rosas niya. Unti
unting dumadami ang mga sira nito dahil sa mga bata at ibang hayop na lumalapit dito.
Simula noon ay nilagyan na niya ng tinik ang mga rosas gamit ang taglay niyang
kapangyarihan upang maprotektahan ito. Ipinasarado na din niya ang hardin upang
masiguro na wala ng makakasakit at makakasira ng kanyang pinakamamahal na mga
rosas.

You might also like