You are on page 1of 1

Alamat ng Rosas

Ni Chavez, Ashley Jhoy C.


9-Rutherford (Filipino)

Noong unang panahon may isang prinsesa na may kaibig-ibig at may mga mapulang labi na
nagngangalang Rosa. Ngunit ang Prinsesa ay may itinatagong paghanga sa kanilang hardinero na si
Sandro. Ang prinsesa ay bumibisita sa hardin araw-araw. Ayon sa kanyang ama, ang prinsesa ay
mahilig sa mga bulaklak. Gayunpaman, hindi alam ng kanyang ama na hindi iyon ang dahilan ng
madalas na pagbisita ng kanyang anak sa hardin. Bumisita ang prinsesa Rosa para kay Sandro, na
madalas gumagawa ng iba't ibang pabango na kinagigiliwan niyang gamitin at nalalanghap dahil sa
kakaibang aroma nito. Ngunit sa isang pagkakataon, nakita ng kanyang ama ang dalawa na naglalakad
na magkahawak-kamay sa hardin. Galit na galit ang hari at inilihim sa lahat ang pagmamahal ng
prinsesa sa isang hamak na hardinero.

Binigyan ng utos ang isang sundalo na ipatapon si Sandro sa kagubatan at panatilihin siya
doon hanggang sa siya ay pumanaw. Agad namang sinunod ng sundalo ang utos ng hari, mabilis na
iniwan ng sundalo si Sandro sa gitna ng gubat. Nang maglaon ay namatay si Sadro, sa kabilang banda,
ang prinsesa ay nagh ihintay pa rin sa hardin, ngunit hindi na nito nakita ang kanyang minamahal na si
Sandro. Naghintay si Rosa ng ilang araw nang hindi kumakain o naliligo. Kinaumagahan, hinihintay pa
rin niya si Sandro nang hindi man lang natutulog.

May ideya ang prinsesa na umalis sa palasyo at hanapin si Sandro, hindi nito ininda ang
gutom at panghihina ng katawan. Gayunpaman, nawalan siya ng lakas sa kanyang paghahanap.
Pagkaraan ng ilang araw, hinanap ng hari ang prinsesang si Rosa. Nagtungo siya sa hardin upang
salubungin si Rosa,sa lugar kung saan naghihintay si Sandro. Ngunit ang nakita niya ay isang malago
na halaman na may napakapulang bulaklak ngunit mga tusok o tinik sa kanyang tangkay . Kasingbango
din ng halamang iyon ang pabango na ginagawa ni Sandro para kay Rosa. Ang hari ay nagdadalamhati,
at inalagaan na lamang ang halaman na naiwan bilang pagpupugay sa kanyang anak. Binigyan niya
ang halaman ng mga pangalang Rosa bilang alaala ng kanyang nag-iisang prinsesa. At nang maglaon
ay tinawag na itong Rosas.

Wakas.

You might also like