You are on page 1of 10

KABANATA:11

“Mga Hari-harian”
• Ang tatay ni Crisostomo na si Don Rafael ang
pinakamayaman sa bayan ngunit hindi siya
tinaguriang makapangyarihan.

• At maging si Kapitan Tiyago kahit na


sinasalubong ng orkestra ng mga may utang
ay hindi parin ito maituturing na
pinakamakapangyarihan sa bayan.
• Sapagkat sa maayos na pakikitungo ng mga tao sa kanya ay pabulong
siyang sinasabihan na “Sakristang Tiyago”.

• Hindi rin ang gobernadorsilyo ang pinakamakapangyarihan. Siya ay


utusan lamang ng alkalde mayor. Binili niya ang kanyang katungkulan sa
halagang limang libong piso na kaniyang pinaghirapan alang-alang sa
karangalan.
“Ang mga makapangyarihan ay sina Padre
Salvi at ang alperes. Sila ay
nagpapaligsahan sa kapangyarihan ngunit sa
kabila nito ay nagpapansinan at
nagkakamayan parin sila.”
Kabanata:12
“Todos los Santos”
• Mababasa dito ang dalawang sepulturero na naghuhukay
ng bagong libingan. Ang isa ay wala sa isip kung
magtrabaho. Samantalang pinagpapawisan naman ang
kasamahang humihithit ng tabako at dura ng dura.
• Sinabi ng naninigarilyong lalaki na sa ibang lugar na lang
sila maghukay dahil sariwa pa ang puntod na kanilang
hinuhukay.
Sumagot ang kausap, na siya raw ay maselan at
marahil kung siya ang nasa kalagayan niya na
humukay ng isang bangkay na dalawampung araw
palang nalilibing habang kasalukuyang umuulan
ng malakas at namatay pa ang ilawan, ay
paniguradong mangingilabot.
Dinugtong pa nito na “ilalagay ko sana ang
bangkay sa libingan ng mga tsino gaya ng utos ng
kura, ngunit dahil sa bigat ng ataul at malayo pa
ang sementeryo- “ hindi na niya tinapos ang sinabi
at umalis.
Kabanata:13
“Mga Banta ng Unos”
Dumating si Crisostomo kasama ang kanyang katulong na
nakaaalam sa libingan ng kanyang ama. Itinanong niya kung
saan ito nakalibing, itinuro ng matanda ang palatandaan ng
puntod sa likod ng malaking krus. Lumakad sila palapit sa
direksyon ngunit nalito ang matanda at hindi na maalala ito
dahil wala nang makitang krus sa tabi-tabi.
Hinanap nila ang libingan at tinanong ang
sepulturero. Ito naman ay nagsabi ng totoo na
hinukay niya ang bangkay ngunit hindi niya ito
nilibing sa libingan ng mga tsino at inilunod sa
lawa. Nagdilim ang paningin ni Crisostomo lalo
na ng malaman na ang kura ang may
kasalanan, sinugod niya si Padre Salvi at ito ay
nagsabi na hindi siya ang nagpahukay kundi
ang pinalitan niyang kura na si Padre Damaso.

You might also like