You are on page 1of 7

KABANATA 52

BARAHA NG MGA PATAY AT MGA ANINO

Itinatago ng madilim na langit ang buwan; samantalang


winawalis ng malamig na hangin na palatandaan ng pagdating ng
Disyembre ang ilang dahong tuyo at alikabok sa makipot na
landas patungo sa libingan.
Tatlong anyong anino, ang marahang nag-uusap sa ilalim ng
pintuan.
            “Nakausap mo ba si Elias?” ang tanong ng isang tinig.
            “Hindi, alam mo naman na ang taong iyon ay maingat
at malihim; ngunit siya ay kailangang makasama natin; 1
Iniligtas ni Don Crisostomo ang kanyang buhay.”
            “Kaya nga ako sumama,” ang sabi ng unang tinig,
“ipinadala ni Ginoong Crisostomo ang aking asawa sa Maynila
upang ipagamot sa bahay ng isang manggagamot!2  Ako ang
lulusob sa kumbento upang magtuos kami ng kura.”3
            “At kami ay sa kuwartel upang ipakita sa mga guwardiya
sibil na ang aming ama ay may mga anak na lalake.”4

1
MGA PALIWANAG
Waring hindi kumpleto o magiging buo ang pagkilos ng mga tauhan na
ito kung hindi nila kaalam o kasama si Elias. Parang pinaglaruan ng
tadhana si Rizal, dahil bago sumiklab ang Himagsikang Pilipino ng 1896
ay ipinaalam sa kaniya at pinilit siyang ibinabahagi ng mga
manghihimagsik sa gaganaping rebolusyon.

2
Kinalinga ni Ibarra si Sisa sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa
pagamutan sa Maynila. Sa mga pagkakataong iyon na hindi sinasabi ng
nobela ay ipinapahanap din ni Ibarra ang mga anak ni Sisa – isang
bagay na ayaw na mangyari ni Padre Salvi - ang matuklasan kung ano
ang tunay na nangyari sa magkapatid.
3

Mahihiwatigan na alam ni Pedro ang naganap sa kaniyang mga anak.


Maging ang kamatayan ng kaniyang anak na si Crispin, alam niya na sa
loob ng kumbento naganap ang kasawian g kaniyang sambahayan.
Papaano niya nalaman ito?
Si Pedro ay kabilang sa mga sinawing maging naging latak ng lipunan –
may dinamismo ang mga tauhan na kabilang sa mga sawimpalad na ito
na hindi nakikita ng mga taong nabubuhay na kaayon ng lipunan – at
ito ay ang malaman ang mga itinatagong baho ng mga mararangal na
tao. Maaring may mga taong marangal sa harapan ng lipunan, ngunit
nakatago ang kaniyang mga kasamaan. Ang sirkulo na kinapapalooban
ni Pedro ay katulad lamang ng septic tank ng lipunan na nakaalam ng
lihm na baho ng mga mararangal na tao.
4

601
            “Ilan kayo?”
            “Lima, sapat na ang lima.  Ang sabi ng alila ni Ginoong
Crisostomo ay dalawampu raw kami.”
            “At kung hindi tayo magtagumpay?”
            “psst!”  sabi isa at lahat ay tumahimik.
            Sa magkahalong liwanag at dilim ay napansin nila ang
paglapit ng isang anino na pasubok-subok sa bakod; sa bawat
sandali ay tumitigil na tila may nililingon. Talaga namang
mayroong, sapagkat sa likuran niya, sa agwat na may mga
dalawampung hakbang, ay kasunod niya ang isa pang anino na
lalong malaki at nakakahigit ang kadiliman ng aninong ito kaysa
sa una:  napakagaang ng pagkakatuntongsa lupa at biglang
mawawala sa sandaling humihinto at lumilingon ang nauuna.
           “May nasunod sa akin!” bulong ng una, “guwardiya sibil
kaya?  Ang sakristan mayor kaya ay nagbulaan?”5
           “Dito raw ang tipanan,”6 ang mahinang sabi ng
pangalawang anino, “marahil ay masama ang layon sapagkat
ipinaglilihim sa akin ng magkapatid.”
           Ang unang anino ay nakarating sa pintuan ng libingan. 
Ang tatlong naadoon na ay sumalubong.
          “Kayo ba?”
          “Kayo ba ang hinihintay namin?”
  “Maghiwalay tayo sapagkat may sumusunod sa akin.  Bukas
ninyo makukuha ang mga armas at bukas ng gabi ang
pagsalakay.  Ang sigaw ay:  ‘Mabuhay si Ginoong Crisostomo!’7 
Sulong na kayo.”
        Ang tatlong anino ay nawala sa likod ng bakod na bato.  Ang
unang anino ay ay nagtago sa sulok ng pintuan at tahimik na nag-
antay.
“Tingnan natin kung sino ang sumusunod sa akin!” ang
bulong.

Ang tatlong nag-uusap dito ay sina Pedro at ang magkapatid na Bruno


at Tarsilo.
5

Tandaan ang sinabi ng unang anino na “nagbulaan kaya ang sacristan


mayor” – nagpapakita na may alam ang sacristan mayor sa lihim na
gagawin ng unang anino.
6

Ang ikalawang anino ay mayroon ding alam sa magaganap sa loob ng


libingan – sa usapan ng magkapatid na Bruno at Tarsilo ay inaasahan
na darating si Elias. Ito ay nagpapakita na ni-rerecruit nila si Elias,
ngunit hindi nila ipinaalam ang tunay na dahilan ng tipanan sa libingan.
7

Ang tunay na ang layunin ay isabit si Ibarra dahilan sa ang ginamit na


sigaw sa pag-aalsa ay ang pangalan ni Ibarra.

602
          Ang pangalawang anino ay maingat na huminto upang
magmamasid sa kanyang paligid. “Nahuli ako ng dating!” ang
sabing marahan, “maaring magsibalik.”
          Pumatak ang manipis na ulan na nagbabantang magtatagal
ay nagtungo siya upang kumanlong sa pintuan. Gaya ng
maaantay ay nakatagpo niya roon ang isa.
           “Ah!  Sino kayo?” ang tanong ng bagong dating na ang tinig
ay matigas.
           “At sino naman kayo?” ang tiwasay na sagot ng isa.
          Isang sandaling katahimikan; kapwa nila nais na kilalanin
ang kausap sa pamamagitan ng boses at pagbabanaag ng mukha.
          “Ano ang hinihintay ninyo rito?” ang tanong ng may tinig na
matigas.
          “Hinihintay ko ang pagtugtog ng ikawalo upang makakuha
ng baraha ng patay, ibig kong makipagsugal ngayong gabi,”8 ang
sagot ng isa na ang tinig ay mahinahon, “at kayo?  Ano ang
ipinarito ninyo?”
            “E…iyon din.”
            “Mabuti kung gayon!  Sa gayon ay hindi ako mag-iisa. 
May dala akong baraha; pagtunog ng unang tugtog ay ilalagay ko
ang baraha; sa pangalawa ay babalasahin ko; ang barahang unang
gagalaw ay ang sa mga patay at dapat agawin sa kanila sa
pamamagitan ng tagaan.  May dala ba kayong baraha?”
        “Wala!”9
        “Paano kayo maglalaro?”
        Madali; kung paano ang paglalagay ninyo ng baraha upang
sila ay tumaya ay hihintayin ko naman na sila naman ang
maglalagay at ako ang tataya.”
        “At kung hindi maglagay ang mga patay?”

Hinihintay ang ikawalo ng gabi para makipagsugal sa mga patay – isang


paniniwala noon na ang tugtog ng kampana sa ikawalo ng gabi ay
nakaukol upang tawagin ang kaluluwa ng mga namayapa, ito ang
dahilan kung bakit ang magkapatid na Basilio at Crispin sa gabi ng
Todos Los Santos ay pinilit pang patugtugin ng kampana kahit sa
kalakasan ng ulan. Sa kabanatang ito, ito pinalalabas ni Lucas na
dahilan kaya siya nasa simenteryo ay ito ang pinakamagandang
pagkakataon na makipagsugal sa kanila. Subalit ang sinabing
pakikipagsugal ni Lucas sa mga patay ay isa lamang pagdadahilan
upang pagtakpan ang tunay niyang sadya sa loob ng simenteryo. Si Elias
ay nagkunwaring iyon din ang pakay, sapagkat ang tunay naman nitong
sadya ay ang magmanman sa magaganap sa sementeryo.
9

Walang dalang baraha! - Sa sagot ay lumilitaw na hindi tunay na


makikipagsugal sa libingan ang misteryosong anino (si Elias).

603
        “Ano ang magagawa ko ?  Hindi naman pinipilit ang mga
patay na magsugal …”
        Dumaan ang sandaling pananahimik.
          “May armas ba kayong dala?  Papaano ninyo
lalabanan ang mga patay?”
        “Sa suntok,” ang sagot ng pinakamalaki.10
        “Ah, diyablo, ngayon ko naalaala!  Ang mga patay ay hindi
tumataya kapag mahigit sa isang katao ang kalaban, at tayo ay
dalawa.”11
        “Siya nga ba?  Ayokong umalis.”
        “Ako man, kailangan ko ng salapi,” ang sagot ng maliit,
“ngunit ganito ang gawin natin:  magsugal tayo at ang matalo ay
aalis.”
            “Oo…” ang sagot ng isa na may di-kasiyahang loob.
            “Kung gayon ay pumasok tayo… mayroon ba kayong
posporo?”
           Pumasok sila, at sa kadilimang iyon ay naghanap sila ng
isang maayos na lugar; di-natagalan ay nakakita sila ng isang
nicho at nag-upuan.  Ang pinakamababa ay kumuha sa kanyang
salakot ng baraha at nagsindi ng posporo ang isa.12 Sa
panadaliang liwanag ay nagtinginan silang dalawa, ngunit sa
kanilang mga mukha ay hindi sila magkakilala.  Gayunman ay
makikilala natin na ang pinakamataas at may matigas na tinig ay
si Elias, at ang maliit ay si Lucas dahil sa peklat sa pisngi.
        “Hatiin ninyo!” ang sabi nito, na hindi inilalayo sa kaharap
ang tingin. Inilayo ang ilang buto na nasa ibabaw ng nitso at
binatak ang isang alas at isang kabayo. 
Sunud-sunod na nagsisindi ng posporo si Elias.
           “Sa kabayo!” ang sabi, at upang matandaan ang baraha ay
pinatungan ng isang buto.
           “Juego!” ang sabi ni Lucas, at sa ikaapat o ikalimang
baraha ay sumipot ang isang alas.
           “Natalo kayo,” ang dugtong, “ngayon ay bayaan ninyo
akong maghanap-buhay na mag-isa.”
           Hindi kumibo si Elias at nawala sa gitna ng kadiliman.

10

Pagpapamukha sa kausap ng kaniyang natatanging kakayahan sa


pakikipaglaban sa pamamagitan ng kamay.
11

Pagpapakita ng takot o kawalan ng kakayahan na kaya niyang


makipaglaban ng away.
12

Ang pagkikiskis ng posporo ay ginawa ni Elias hindi upang bigyan ng


liwanag ang pagsusugal nila, kundi upang makita, makilala at
matandaan ang mukha ng kaniyang kausap.

604
           Makaraan ang ilang sandali ay tumugtog ang ikawalo sa
orasan ng simbahan at itinugtog ng kampana ang mga kaluluwa
ng namayapa; ngunit walang hinamong sinuman si Lucas, hindi
tinawagan ang mga patay gaya nang sinasabi ng mga pamahiin,
kundi ang ginawa ay nag-alis ng salakot at bumulong ng ilang
dasal, nag-antanda ng katulad ng ginagawa sa mga sandaling
iyon ng pinuno sa Cofradia del Santisimo Rosario.13
          Sa buong gabi ay hindi tumigil ang ambon.  Nang
ikasiyam ay madilim na ang mga lansangan at wala ng naglalakad;
ang mga ilawang ginagatungan ng langis ng niyog na inilalagay ng
mga mamamayan ay bahagya nang makaliwanag sa isang dipa
ang layo:  waring inilawan upang ipakita ang kadiliman.14
            Ang dalawang guwardiya sibil ay palakad-lakad sa isang
kalye na malapit sa simbahan.
           “Maginaw!” sabi ng isa sa wikang Tagalog ngunit boses-
Bisaya, “wala tayong mahuling isang sakristan, walang
magtatrabaho sa kulungan ng manok ng alperes… Natakot dahil
sa pagkamatay noong isa; naiinis ako.”
           “Ako din,” sagot ng isa, “walang magnakaw, walang
manggulo; ngunit salamat sa Diyos at sinasabing narito sa bayan
si Elias.  Sinabi ng alperes na ang makahuli sa kanya ay ligtas sa
palo sa loob ng tatlong buwan.”
           “Aa!  Naaalaala mo ba ang mga palatandaan niya?” ang
tanong ng Bisaya.
           “Aba, oo!  Ang taas ay mataas, sa sabi ng alperes ;
katamtaman naman ayon sa sabi ni Padre Damaso; kulay,
kayumanggi; mata, maiitim; ilong, katamtaman; bibig,
katamtaman; balbas, wala; buhok, itim…” 15

13

Makikita ang isang bahagi ng pagkatao ni Lucas – pansinin ang ginamit


ni Rizal na ang paraan ng kaniyang pag-aantanda na katulad ng ng
Cofradia del Santisimo del Rosario. Si Lucas ay isang tao na pinuno ng
nabanggit na kapatiran sa ibang bayan.
Si Lucas ay isang tao na naniniwala na ang ipinagagawa sa
kaniya ay hindi lamang para sa tatamuhing salapi, kundi higit para
sa kabanalan ng kaniyang makasalanang kaluluwa. Mula dito ay
masasapantahan na sa pagkakataong ito, si Lucas ay kumikilos na
maliwanag na sa kaniyang isipan, na si Padre Salvi ang
nagpapagalaw ng mga pakana laban kay Ibarra.
14

Pag-iilaw sa lansangan – sa panahong iyon ay laganap ang aktibidad ng


mga tulisan, at nagbabantang sumalakay sa mga bayan-bayan. Dahil
dito ay naging kautusan sa mga mamamayan na maglagay ng ilaw sa
labas ng kanilang mga bahay, ang mga lugar na walang tao ay ang
pananagutan na palagyan ng ilaw ng mga pamahalaang lokal.
15

Ipinapakita ni Rizal ang katangahan ng mga guwardiya sibil – lahat ng

605
           “Aa!  At mga tanging tanda?”
“Barong itim, salawal na itim, mangangahoy…”16
“Ah!  Hindi makakawala; nakikini-kinita ko na.”
“Hindi ko pagkakamalan kahit na makamukha niya.”
At nagpatuloy ang dalawang sundalo sa pagalalakad. 
Banaag sa liwanag ng mga parol ang dalawang anino na
magkasunod at maingat.  Isang malakas na sino ka ang
nagpahinto sa dalawa, at ang una ay sumagot ng España! Na
nanginginig ang boses.
Binatak siya ng dalawang sundalo patungo sa liwanag
upang kilalanin.  Siya ay si Lucas, ngunit ang mga sundalo ay
nag-aalinlangan at nagtanungan sa tingin.
            “Hindi, sinabi ng alperes na may peklat!” ang sabing
marahan ng Bisaya, “saan ka pupunta?”
            “Magpapamisa po para bukas.”
           “Hindi mo ba nakita si Elias?”
          “Hindi ko po kilala siya, ginoo!” ang sagot ni Lucas.
            “Hindi ko itinatanong kung kilala mo siya, ulol!   Hindi din
namin siya kilala; itinatanong ko ay kung nakita mo.”17
            “Hindi po.”
            “Pakinggan mo, sasabihin ko sa iyo ang mga tanda.  Ang
taas kung minsan ay mataas, kung minsan ay katamtaman; mata
at buhok, maiitim; ang iba pang sangkap ay katamtaman,” ang
sabi ng Bisaya.  “Nakikilala mo na?”
            “Hindi po!” ang sagot ni Lucas na palito.
            “Kung gayon ay umalis ka na, hayop ka!  Hangal!” at
itinulak si Lucas.
            “Alam mo kung bakit ang sabi ng alperes ay mataas si
Elias at katamtaman naman ang sabi ng kura?” ang tanong na
nagmumuni-muni ng Tagalog sa Bisaya.
            “Hindi.”
            “Pagkat nang makita siya ng alperes ay nakabaon sa
putik, at ang kura ay nakatayo nang makita.”
            “Siya nga!” ang bulalas ng Bisaya, “matalino ka…bakit ka
guwardiya sibil?”18

palatandaan na pagkakakilalanan kay Elias ay makikita halos sa lahat


ng mga katutubong Pilipino – sa taas na maaring magkaroon ng tiyak na
despripsiyon ay hindi pa nagkakaisa (matangkad at sa iba ay mataas).
16

Ano ang akala ng mga guwardiya sibil kay Elias, walang kakayahan na
magpalit ng damit. Nangangahoy – lahat naman ng mga katutubong
Pilipino noon ay bahagi iyon ng kanilang trabaho.
17

Sa tanong lamang ay makikita ang katangahan ang mga guwardiya sibil


na nagpapatupad ng batas ng pamahalaan.
18

606
            “Noong araw na hindi pa ako sibil, ako ay cotrabandista,”
sagot na nagyayabang ng Tagalog.19
Subalit natigil sila sa pag-uusap ng isa pang anino ang
nabanaag:  sinigawan ng quien vive! at dinala sa liwanag.  Sa
ngayon ay ang tunay na si Elias ang dumating.
“Saan ka paparoon?”
           “Hinahabol po ako, ginoo, ang isang taong nanakit at
nagbanta sa kapatid ko; may isang peklat sa mukha at ang
pangalan ay Elias…”20
           “Ha?” ang bulalas ng dalawa at gulilat na nagtinginan.
           At nagpanakbuhang tinungo ang simbahan na di pa
natatagalang pinasukan ni Lucas.21

Ipinapakita ni Rzal na ang katalinuhan ay hindi isa sa mga katangian


na dapat taglayin ng isang guwardiya sibil.
19

Nagmalaki pa ang guwardiya sibil na Tagalog ng sabihin na bago siya


naging guwardia sibil ay contrabandista/smuggler o nagpupuslit ng mga
bagay na ipinagbabawal ng batas. Sa pamamagitan nito ay inilalantad ni
Rizal na walang sistema sa pagpili ng maayos na kaugalian at
pinagmulan ang mga nagiging guwardia sibil.
20

Hindi karaniwan ang talino ni Elias – nakagawa siya ng isang eksenang


tiyak na magpapataranta sa mga guwardiya sibil. Ituro ba naman na ang
Elias na kanilang hinahanap ay walang iba kundi si Lucas – ang
dalawang guwardiya sibil na nagmamadali upang habulin si Lucas (na
kanilang inakalang Elias) ang dahilan upang iwanan siya ng mga ito.
21

Ang pagpunta ni Lucas sa simbahan ang siyang konpirmasyon ni Rizal


sa nobelang ito na alam ni Lucas na si Padre Salvi ang may kinalaman
sa pakunwaring pag-aalsa.

607

You might also like