You are on page 1of 2

Kabanata 11: Ang Mga Makapangyarihan (Buod)

Sa naunang kabanata ay ipinakilala ang Bayan ng San Diego pati na rin ang iilan sa
pamilya ni Crisostomo Ibarra. Sa kabanatang ito ay magsisimula na ang pag-ikot ng
istorya sa bayan.

Pinamagatang �Ang Mga Makapangyarihan,� ang kabanatang ito ay ukol sa mga taong
tunay na nangingibabaw sa bayan ng San Diego. Mahigpit ang labanan sa kapangyarihan
at lakas sa bayang ito.

Ang tatay ni Crisostomo na si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan ngunit hindi
siya tinaguriang makapangyarihan. Ang kapitan ng bayan naman at pati na rin si
Kapitan Tiyago, bagama�t sila ay nasa posisyong namumuno, ay hindi pa rin tinatawag
na makapangyarihan.

Sa kabila nang kanilang mga salapi at awtoridad, kahit na may iilan pa ring
rumerespeto sa kanila, ay masasabing mas marami pa rin silang nakakalaban sa
taumbayan.

Ang tunay na kinikilalang makapangyarihan ay ang bagong parokyano na pumalit kay


Padre Damasao � si Padre Salvi at pati na rin ang pinuno ng mga guwardiya sibil �
ang Alperes. Ang dalawang ito ang tinitingala nang lahat at ang tawag sa kanila ay
�casique.� Lingid sa kaalaman ng lahat ay ang dalawang ito ay may hidwaan ngunit
hindi nila ito ipinapakita lalo sa publiko na maaaring makasira sa imahe nila.

Aral � Kabanata 11
Maaari nating matutunan sa kabanata na ito na may mga tao talaga pakitang-tao
lamang hanggang sa ikaw ay may silbi para sa kanila.

Kabanata 12: Araw Ng Mga Patay/Todos Los Santos (Buod)

Sa ika-lanbindalawang kabanata ng Noli Me Tangere, isinalaysay rito ang dalawang


sepultorero at pinamagatan itong �Araw ng mga Patay.�

Ang dalawang sepulturero ay nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa sementeryo


ng bayan. Inilarawan ang sementeryo bilang napabayaan na dahil walang taga-
pangalaga. Sinasabing may isang krus na nakatirik sa isang bato sa gitna ng
libingan.

Habang ang dalawang tauhan ay abala sa kanilang paghuhukay disoras ng gabi ay


naisipan nilang kwentuhan ang isa�t-isa tungkol sa kanilang mga naging karanasan sa
trabaho.

Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay kanyang sinambit na bagong lipat lamang
siya sa bayan dahil hindi niya nakayanan ang mga utos sa kanya sa dating libingan
kung saan siya nagtatrabaho, lalong-lalo na ang paghukay ng bago pa lamang
kakalibing para ilipat ito sa ibang lugar.

Ang sepultorerong may higit na karanasan kaysa sa kanyang kasama ay inilahad naman
niya na noon ay may isang bangkay na dalawampung araw palang naililibing na
ipinahukay sa kanya. Sariwa pa aniya ang bangkay.

Iniutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik ngunit hindi niya
ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan. Itinapon niya ang bangkay sa lawa. Napag-
alaman rin na isang prayleng nag-ngangalang Pader Garrote and nag-utos.
Aral � Kabanata 12
Makikitang aral natin sa kabanatang ito ang kapangyarihan na hawak ng mga Kastilang
prayle sa bayan ng San Diego na kayang mag-utos ng kahit ano.

You might also like