You are on page 1of 1

PABATID PARA SA GRADE 1 AND GRADE 7 LAMANG

SABAYANG GAMUTAN (MASS DRUG ADMINISTRATION) KONTRA BULATE, TUWING BUWAN NG ENERO AT HULYO
- Libreng pagpupurga at pagbibigay ng gamot laban sa bulate sa lahat ng estudyante mula Kinder hanggang Grade 12 sa lahat
ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa
- Layunin nitong mapababa ang kaso ng mga estudyanteng apektado ng bulate na nagdudulot ng panghihina, pagkawala ng
ganang kumain, mababang antas ng katalinuhan at pamumutla
- Ang mga gamot na ibibigay ay ligtas at rekomendado ng World Health Organization (WHO)
- Mahalagang busog ang bata bago painumin ng gamot upang maiwasan ang pananakit ng tiyan
- Mga maaring maranasan matapos na mabigyan ng gamot na pagpurga na hindi dapat ikabahala: pananakit ng tiyan at ulo,
pagsusuka, pagkahilo o pagtatae
- Karaniwang nararanasan ang mga sintomas na ito ng mga batang may bulate sa tiyan. Nangyayari ito dahil tumatalab ang
gamot at nabubulabog ang mga bulate sa tiyan na maaaring lumabas sa katawan.
- Huwag mabahala dahil kusang lumilipas ang mga ito pero kailangan obserbahan sa loob ng 24 oras. Kung patuloy na
mararamdaman ang mga sintomas na ito magpatingin kaagad sa pinakamalapit na health center o ospital para mabigyan
ng tamang lunas.

WEEKLY IRON AND FOLIC ACID (WIFA) SUPPLEMENTATION


- Iron Deficiency Anemia (IDA) ay pandaigdigang problema sa kalusugan na nakaaapekto sa parehong maunlad at papaunlad
na mga bansa na nakikita sa lahat ng yugto sa buhay. Ito ay tinuturing isa sa mga pinaka mahalagang salik na nag-aambag sa
pandaigdigang pasanin ng mga sakit (World Health Organization, 2002). Ito'y nakaaapekto sa milyong-milyong buhay ng mga
kababaihan at kabataan na nagbubunga sa mahinang pag-unlad ng pag-unawa, pagtaas ang pagkamatay sa ina at pagbaba
ng kapasidad sa pagtatrabaho.
- Bilang resulta sa 2013 National Nutrition Survey (NNS) na isinagawa ng mga nasa Food and Nutrition Research Institute
(FNRI), isa (1) sa sampung (10) kababaihan nasa labing-tatlo hanggang labing-siyam (13-19) na taong gulang ay apektado ng
sakit na anemia at madali rin silang kapitan ng ganitong sakit dahil sa kanilang pagreregla, mabilis na paglaki at maataas na
pangangailangan ng iron.
- Upang matugunan ang problemang panghkalusagan na ito, ang Department of Health (DOH) katuwang ang Department of
Education (DepEd) ay magsasagawa sa buong bansa ng Weekly Iron with Folic Acid (WIFA), programang pandagdag para sa
mga nasa ika-7 hangang ika-10 baitang na kababaihan. Ang Iron Folic Supplements ay maipamamahagi tuwing lunes sa
buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre bilang unang parte kasunod ang buwan ng Enero, Pebrero at Marso bilang
ikalawang parte.
PAGBABAKUNA LABAN SA TIGDAS, BEKE, GERMAN MEASLES, TETANUS AT DIPTERIA
- Ang Kagawaran ng Kalusugan at ang Kagawaran ng Edukasyon ay magsasagawa ng libreng pagbabakuna sa buwan ng Agosto
at Setyembre para sa lahat ng mag-aaral ng Grade 1 at Grade 7 . Ito ay ang bakuna laban sa Tigdas, Beke, German Measles,
Tetanus at Dipteria
- Lubos naming inaasahan ang inyong pahintulot upang maprotektahan ang inyong mga anak laban sa mga nasabing sakit
- Mangyari lamang na inyong masagutan ang mga sumusunod at isumite na may lagda sa mga guro ng inyong anak:
Mahalagang Impormasyon OO HINDI
1. Maayos ba ang kalagayan ng inyong anak ngayon?
2. Mayroon bang allergy sa anumang gamot, pagkain o bakuna ang iyong anak?
3. May iniinom bang gamot ngayon o sa nakalipas na tatlong araw ang inyong anak?
4. Nasa pangangalaga ba ng doctor ang iyong anak dahil sa anumang sakit o karamdaman?
5. Mayroon bang sakit na pagdurugo o di maampat na pagdurugo ang inyong anak?

PAHINTULOT NG MAGULANG
Pangalan ng Estudyante (GRADE 1 AND GRADE 7 ONLY):____________________________________________
(Pakilagyan ng check ang box)
 Oo, Pinahihintulutan ko ang aking anak na mabigyan ng mga sumusunod:
o Albendazole o Mebendazole para sa Deworming ng Soil Transmitted Helminthiasis ng ating mga guro/health
worker sa buwan ng Enero at Hulyo sa ating mga paaralan
o Weekly Iron Folic Acid Supplements tuwing Lunes sa buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre (unang round) at sa
buwan ng Enero, Pebrero at Marso (ikalawang round)
o Libreng bakuna laban sa Tigdas, Beke, German Measles, Tetanus at Dipteria
 Hindi ko Pinahihintulutan ang aking anak na mabigyan ng mga sumusunod:
o Albendazole o Mebendazole para sa Deworming ng Soil Transmitted Helminthiasis ng ating mga guro/health
worker sa buwan ng Enero at Hulyo sa ating mga paaralan
o Weekly Iron Folic Acid Supplements tuwing Lunes sa buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre (unang round) at sa
buwan ng Enero, Pebrero at Marso (ikalwang round)
o Libreng bakuna laban sa Tigdas, Beke, German Measles, Tetanus at Dipteria
__________________________________________________________________________
LAGDA NG MAGULANG SA IBABAW NG PANGALAN

You might also like