You are on page 1of 1

PABATID PARA SA GRADE 1 AND GRADE 7 LAMANG

SABAYANG GAMUTAN (MASS DRUG ADMINISTRATION) KONTRA BULATE, TUWING BUWAN G ENERO AT HULYO
-Libreng pagpupurga at pagbibigay ng gamot laban sa bulate sa lahat ng estudyante mula Kinder
hanggang Grade 12 sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa.
-Layunin nitong mapababa ang kaso ng mga estudyanteng apektado ng bulate na nagdudulot ng
panghihina, pagkawala ng ganang kumain, mababang antas ng katalinuhan at pamumutla.
-Ang mga gamot na ibibigay ay ligtas at rekomendado ng World Health Organization (WHO)
-Mahalagang busog ang bata bago painumin g gamot upang maiwasan ang pananakit ng tivan.
-Mga maaring maranasan matapos na mabigyan ng gamot na pagpurga na hindi dapat ikabahala:
pananakit ng tiyan at ulo, pagsusuka, pagkahilo o pagatae
-Karaniwang nararanasan ang ma sintomas na ito ng mga batang may bulate sa tiyan. Nangyayari ito
dahil tumatalab ang gamot at nabubulabog ang mga bulate sa tivan na maaaring lumabas sa katawan.
-Huwag mabahala dahil kusang lumilipas ang mga ito pero kailangan obserbahan sa loob ng 24 oras.
Kung patuloy na mararamdaman ang mga sintomas na ito magpatingin kaagad sa pinakamalapit na
health center o ospital para mabigyan ng tamang lunas.

WEEKLY IRON AND FOLIC ACID (WIFA) SUPPLEMENTATION

- Iron Deficiency Anemia (IDA) ay pandaigdigang problema sa kalusugan na nakaaapekto sa parehong


maunlad at papaunlad na mga bansa na nakikita sa lahat ng yugto sa buhay. Ito ay tinuturing isa sa mga
pinaka mahalagang salik na nag-aambag sa pandaigdigang pasanin ng mga sakit (World Health
Organization, 2002). Ito'y nakaaapekto sa milyong-milyong buhay ng ma kababaihan at kabataan na
nagbubunga sa mahinang pag-unlad ng pag-unawa, pagtaas ang pagkamatay sa ina at pagbaba ng
kapasidad sa pagtatrabaho.
- Bilang resulta sa 2013 National Nutrition Survey (NNS) na isinagawa ng mga nasa Food and Nutrition
Research Institute (FNRI), isa (1) sa sampung (10) kababaihan nasa labing-tatlo hanggang labing-siyam
(13-19) na taong gulang ay apektado ng sakit na anemia at madali rin silang kapitan ng ganitong sakit
dahil sa kanilang pagreregla, mabilis na paglaki at maataas na pangangailangan ng iron.
- Upang matugunan ang problemang pangkalusugan na ito, ang Department of Health (DOH) katuwang
ang Department of Education (DepEd) ay magsasagawa sa buong bansa ng Weekly Iron with Folic Acid
(WIFA), programang pandagdag para sa mga nasa ika-7 hangang ika-10 baitang na kababaihan. Ang Iron
Folic Supplements ay maipamamahagi tuwing lunes sa buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre bilang
unang parte kasunod ang buwan ng Enero, Pebrero at Marso bilang ikalawang parte.

PAGBABAKUNA LABAN SA TIGDAS, BEKE, GERMAN MEASLES, TETANUS AT DIPTERIA


- Ang Kagawaran ng Kalusugan at ang Kagawaran ng Edukasyon ay magsasagawa ng libreng
pagbabakuna sa buwan ng Agosto at Setyembre para sa lahat ng mag-aaral ng Grade 1 at Grade 7. Ito ay
ang bakuna laban sa Tigdas, Beke, German Measles, Tetanus at Dipteria.
- Lubos naming inaasahan ang inyong pahintulot upang maprotektahan ang inyong mga anak laban sa
mga nasabing sakit.
-Mangyari lamang na inyong masagutan ang mga sumusunod at isumite na may lagda sa mga guro ng
inyong anak:
Mahalagang Impormasyon 00 HINDI
1. Maayos ba ang kalagayan ng inyong anak ngayon?
2. Mayroon bang allergy sa anumang gamot, pagkain o bakuna ang iyong anak?
3. May ininom bang gamot ngayon o sa nakalipas na tatlong araw ang inyong anak?
4. Nasa pangangalaga ba ng doctor ang iyong anak dahil sa anumang sakit o
karamdaman?
5. Mayroon bang sakit na pagdurugo o di maampat na pagdurugo ang inyong anak?
PAHINTULOT NG MAGULANG
Pangalan ng Estudyante (GRADE 1 AND GRADE 7 ONLY):
(Pakilagyan ng check ang box)
o Oo, Pinahihintulutan ko ang aking anak na mabigyan ng mga sumusunod:
o Albendazole o Mebendazole para sa Deworming ng Soil Transmitted Helminthiasis ng ating mga
guro/health worker sa buwan ng Enero at Hulyo sa ating mga paaralan
o Weekly Iron Folic Acid Supplements tuwing Lunes sa buwan ng Hulyo, Agosto a Setyembre
(unang round) at sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso (ikalawang round)
o Libreng bakuna laban sa Tigdas, Beke, German Measles, Tetanus at Dipteria
o Hindi ko Pinahihintulutan ang aking anak na mabigyan ng mga sumusunod:
o Albendazole o Mebendazole para sa Deworming ng Soil Transmitted Helminthiasis ng ating mga
guro/health worker sa buwan ng Enero at Hulyo sa ating mga paaralan
o Weekly Iron Folic Acid Supplements tuwing Lunes sa buwan ng Hulyo, Agosto at Setyembre
(unang round) at sa buwan ng Enero, Pebrero at Marso (ikalwang round)
o Libreng bakuna laban sa Tigdas, Beke, German Measles, Tetanus at Dipteria

LAGDA NG MAGULANG SA IBABAW NG PANGALAN

You might also like