You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS SUR
BANTUGO-MISSION INTEGRATED SCHOOL
NAGBUKEL DISTRICT

2ND PERIODICAL TEST


Filipino
PANGALAN: _______________________________________ ISKOR: ______

I. Piliin ang titik ng tamang sagot.


_____ 1. Ilang titik ang bumubuo sa Alpabetong Filipino?
a. 26 b. 27 c. 28
_____ 2. Ano ang tawag sa dalawang katinig na magkasunod sa isang pantig?
a. kambal-katinig b. katinig c. patinig
_____ 3. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nangyari ang kuwento.
a. Tauhan b. Tagpuan c. Banghay
_____ 4. Anong bahagi ng liham ang naglalaman ng lugar at petsa kung kailan ginawa ang
liham?
a. Pamuhatan b. Bating Panimula c. Lagda
_____ 5. Ito ay nagpapahayag ng huling pagbati sa isang liham.
a. Lagda b. Bating Pangwakas c. Pamuhatan
_____ 6. Ang _____ ay lipon ng mga pangungusap na nagsasaad ng boung diwa.
a. salita b. pangungusap c. talata
_____ 7. Ang _____ ay binubuo kng alinman sa mga patinig at ng letrang w o y sa loob ng
isang patinig.
a. diptonggo b. talata c. kambal-katinig
_____ 8. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng diptonggo?
a. daya b. araw c. kulay
_____ 9. Alin sa mga larawan ang halimbawa ng isang klaster?
a. b. c.

_____ 10. Alin sa mga sumusunod na salita ang nakasulat ng kabit-kabit?


a. paaralan b. paaralan c. paaralan

_____ 11. Ano ang tamang baybay ng salita?


a. esda b. isda c. issda
_____ 12. Ano ang nawawalang pantig? p u _ _
a. sa b. ca c. se

_____ 13. Ano ang nawawalang patinig? b _ k _


a. a - a b. e - a c. a - e

_____ 14. Ano ang bating panimula?


a. Ito ay tumutukoy sa pagbati ng may-akda sa tatanggap ng liham.
b. Ito ay tumutukoy sa pagpapaalam ng may-akda sa tatanggap ng liham.
c. Ito ay tumutukoy sa pagbati ng tatanggap ng liham sa may-akda.

_____ 15. Punan ng kambal-katinig ang patlang.


Tumutulo ang tubig sa __ipo.
a. ch b. gr c. br

_____ 16. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi nagtatapos sa diptonggo?
a. araw b. gripo c. agiw

_____ 17. Alin sa mga sumusunod ang mayroong tamang baybay?


a. babae b. babai c. bavae

_____ 18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang ayos ng bahagi ng liham?
1. Pamuhatan 4. Katawan ng Liham
2. Lagda 5. Bating Panimula
3. Bating Pangwakas
a. 5 - 3 - 2 - 4 - 1 b. 1 - 5 - 4 - 3 - 2 c. 1 - 3 - 4 - 2 - 5

_____ 19. Ano ang salitang ipinapakita ng unang pantig ng mga larawan?
a. taba
b. bata
c. mana

Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung ano ang maaring mangyari.
_____ 20. Naglalakad pauwi si Jose galing sa paaralan, sa daan may nakita siyang pitaka na
may lamang pera.
a. Pinulot niya ang pitaka at hindi na isinauli.
b. Pinulot niya ang pitaka at ibinili lahat ng laman nitong pera.
c. Pinulot niya ang pitaka at ibinigay sa estasyon ng pulis para isauli sa tunay na
may-ari.

_____ 21. Lubos ang pag-eensayo ni Karen sa pag-awit. Hindi siya uminom ng malamig na
tubig.Sasali siya sa paligsahan sa pag-awit sa kanilang paaralan.
a. Hindi niya tinuloy ang pagsali sa paligsahan.
b. Nilaro niya ang pag-awit at natalo sa paligsahan.
c. Pinaghusayan niya ang pag-awit at nanalo siya sa paligsahan.

_____ 22. Nakasakay ng dyip si Lina, tumigil ang sasakyan para isakay ang matandang
pumara.
a. Hindi niya pinansin ang matanda.
b. Ibinigay niya ang upuan sa matanda.
c. Pinabayaan niya ang matanda na nakatayo.

_____ 23. Pinakahihintay ni Mang Ambo ang araw ng Linggo. Maagang nagising ang mag-
anak at naghanda ng kani -kanilang sarili.
a. Bumalik sa pagtulog ang mag-anak.
b. Nanatili sa loob ng bahay boung-araw ang mag-anak.
c. Nagsimba ang mag-anak, pagkatapos, sila ay namasyal sa dagat.

_____ 24. Simula pa lang magtinda sa talipapa ang mag-anak. Marami ang bumibili sa
kanilang paninda.
a. Sariwa at mura ang paninda nilang gulay at prutas.
b. Hindi sariwa at mahal ang mga paninda ng pamilya.
c. Sariwa ngunit mahal ang paninda nilang gulay at prutas.

Ano ang damdamin na mahihinuha sa mga sumusunod?


_____ 25. Maraming aning palay ang mga magsasaka.
a. b. c.

_____ 26. Kaunting isda lamang ang nahuli ng mga mangingisda.


a. b. c.

_____ 27. Palaging nagroronda ang mga pulis.


a. b. c.

_____ 28. Mahal ang presyo ng mga paninda ng tindera sa palengke.


a. b. c.

_____ 29. Pagsunod-sunurin ang mga gawain sa araw ng Sabado.


1. 2. 3. 4. 5.

a. 3 - 2 - 4 - 5 - 1 b. 2 - 1 - 3 - 4 - 5 c. 4 - 2 - 3 - 1 - 5

_____ 30. Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa pagtatanim ng palay.


1. 2. 3. 4. 5.

.
a. 3 - 2 - 4 -1 - 5 b. 3 - 4 - 2 - 5 - 1 c. 3 - 4 - 5 - 1 - 2

Inihanda nina:

ROSALIE R. BELLO ANNABEL C. MANGALINDAN


Grade II - Daisy Adviser Grade II - Orchids Adviser

You might also like