You are on page 1of 32

ARALIN 1

Mapanglaw na Gubat

Sa isang madawag na gubat malapit sa kahariang Alberno, matatagpuan

ang isang mala-adonis na lalaki na nakatali sa malaking puno. Ang lalaki ay ang

mandirigma si Florante ng kahariang Albanya. Makinis ang balat na halos hindi

nadapuan n langaw ngunit nngayo’y hindi lamang ang katawanang sugatan kundi

pati ang nagdurusang kalooban. Madilim at masukal ang kapaliguran at halos hindi

nasisikatan ng araw bunga ng malalagong dahonng matinik na punong kahoy. Ang

huni ng ibon ay kalunos-lunos at higit na nagpapanglaw ng buong paligid.

Maraming gumagalang hayopsa gubat tulad ng h’yena’t tigre at maging mga

syerpe’t basilisko. Subalit hindi lamangang nagbabantang kamatayan ang labis na

ipinagdaramdam ni Florante kundi ang kinahantungan ng baying Albanya na

kanayng pinaglingkuran at maging ng kasintahang si Laura. Nilinlang siya ng mga

pagtataksil at pagbabalatkayo.
ARALIN 2

Laura, Bakit Ka Nagtaksil

Sa pagitan ng mga paghihirap at pagtitiis ng nakataling si Florante ay

nakakintal sa kanyang alaala ang napakagandang kasintahang si Laura.

Ipinagkaloob niya ang karangalan upang ipagtanggol ang kahariang Albanyana

pinamumunuan ni Haring Linseo na butihing ama ni Laura. Ipinagkaloob din niya

ang karangalan at kayamanan ng kanyang duken ama. Subalit sa kabila ng lahat

ay nanaig ang kasamaan ni Konde Adolfo. Paulit-ulit na nanalangin si Florante sa

Diyos upang siya’y kahabaganat bigyan ng katarungan ang sinapit. Makailang ulit

na siyang panawan ng ulirat at kulang na lang ay panawan na rin siya ng bait dahil

sa labis na paghihirap. Ngunit sa tuwing magmumulat siya ng mga mata, si Laura

ang nakikita niya sa kanyang balintataw. Naalala niya ang pangako ng kanilang

mga puso bago pa siya tumulakpatungong digmaan. Pinabaunan siya ni Laura ng

maraming luha at pinahiyasan ang kanyang turbante na pinalamutian ng perlas,

topasyo, maningningna rubi, at pinalibutan ng batong diyamante ang sagisag na

letrang L. Halos madurog ang puso ni Florante sa labis na pagdaramdam kay

Laura subalit patuloy siyang nanawagan at nanaghoy na tanging si Laura lamang

ang makapagbibigay lunas sa kanyang kaluluwa’t pusong sugatan. Matinding

panibugho ang kanyang naramdaman sapagkat tuluyang naagaw ng taksil na si

Adolfo ang pag-ibig ni Laura. Hanggang tuluyang igupo ng paghihirap ang

kanyang katawan at nagsimutla siyang bangkay na napayukayok.


ARALIN 3

Pag-ibig Na Makapangyarihan

Sa gubat ding iyon ay dumaing ang isang matikas na gerero. May putong

na turbante at may kasuotang moron a buhat pa ng Persiya. Sa lugar na iyon siya

itinaboy ng kapalaran. Tumigil sa paglalakad ang moro at naghahanap ng punong

kahoy na mapagpapahingahan. Umupo siya sa ilalim ng puno at doon

nagsimulang magmuni-muni ng kanyang nakaraan. Lumuha ang moro nang

sumagi sa isipanang kasintahang si Flerida. Labis ang kanyang pagdaramdam sa

naging kataksilan ng sukab na ama dahil inagaw ang pinakamamahal niyang

babae sa balat ng lupa.


ARALIN 4

Ang Gererong Bayani

Ang gererong moro ay walang iba kundi si Aladin na isa ring sawimpalad sa

pag-ibig. Sa kanyang pagmumuni ay may narinig siyang tinig na

nananaghoy.Hinanap niya ang pinagmulan ng tinig at kanyang natagpuan na

nakatali sa puno ang mandirigmang si Flores. Narinig ng moro ang lahat ng daing

ni Florante. Nalaman niya ang ginawang pagtataksil ni Konde Adolfo at pananakop

sa bayan ng Albanya. Natiyak ng morong si Aladin na magkapareho ang sinapit

nilang kapalaran ng lalaking nananaghoy. Ang bayang pinagmulan nito’y

pinagtaksilan ng isang konde at inagaw ang kasintahan samantalang siya ay

biktima ng pag-iimbot ng sariling amang umagaw ng kanyang tanging kaligayahan.

Muli niyang narinig ang mga panaghoy ni Florante na sinambit na ang pangalang

Laura. Nagpaalam na ang lalaking nananangis. Napatda si Aladin ng makitang

may dalawang leon na nais sumila sa lalaking nakagapos sa malaking puno.


ARALIN 5

Paalam, Bayan ng Albanya

Nang makita ni Florante and dalawang hayop ay noon niya nasabi sa

sariling katapusan na ng kanyang buhay kaya’t tuluyan nang nagpaalam sa

pinakamamahal na bayang Albanya. Nanambitan at tinawag din ni Florante ang

kanyang mahal na ama humihingi ng awa sa gitna ng kanyang pag-aalala sa

masasayang nagdaan ng kanilang buhay. Nagpaalam siya sa kasintahang si

Laura na pinaniniwalaan niyang nagtaksil sa kanilang pag-ibig, nagpaalam din siya

sa malupit na si Konde Adolfo na umagaw ng trono at puso ng babaing pinakaiibig.

Higit sa lahat ay nagpaalam siya sa bayang kanyang ipinagtanggol sa digmaan na

ngayon ay magdiriwang dahil sa kanyang sinapit. Ngunit sa kabila ng lahat ng

kanyang pagdaramdam ay namumutawi pa rink ay Florante ang labis na pag-ibig

kay Laura at sa kanyang bayang tinubuan.


Aralin 6

Ang Kaligtasan ni Florante

Sa narinig ni Aladin, lubos niyang napagtanto na kailangan niyang iligtas si

Florante sapagkat nadudurog ang puso ng gerero sa labis na habag. Hinanap niya

ang nanaghoy na tinig. Napanhindig ang moro nang makita niyang umaaligid ang

dalwang leon at handa nang silain ang nakagapos na si Florante. Labis

nannahabag si Aladin sa naging kalagayan ni Florante na walang lakas

ipagtanggol ang nakagapos na sarili laban sa dalawang mabangis na leon. Noon

din ay hinaharap niya ang mababangis na hayop para iligtas si Florante.

Pinagtataga ni Aladin ang dalawang leon hanggang sa maigupo niya ang mga ito.

Nang matiyak na patay na ang dalwang leon ay saka niya kinalagan ng gapos si

Florante. Inalalayan niya ang nanlupaypay na si Florante at dinala sa isang ligtas

na lugar. Pinagmasdang mabuti ng gerero ang matikas na anyo at maamong

mukha ng bayani ng Albanya. Unti-Unting nagkamalay si Florante at nagbukas ng

mga mata.
ARALIN 7

Ang Kristiyano at angMuslim

Sa unang pagmulat ng mga mata ni Florante ay una niyang binigkas ang

pangalan ni Laura. Hinanap niya ang kasintahan sa gitna ng kahbag-habag na

kalagayan. Patuloy siyang nanambitan kaya’t pinayapa ng gererong moro ang

kanyang kalooban. Napada si Florante nang makilala ang naging tagapagligtas.

Natiyak niyang isang kaaway ang kanyang bayaningtagapagligtas, isang morong

maraming ulit na niyang nakaengkwentro sa gitna ng mga laban sa digmaan.

Ipinaliwanag ni Aladin ang naging pakay ng patuloy kay Florante. Nagawa niya

itong iligtas dahil sa matinding habag at dahil na rin sa nakaambang kamatayan

sa mga gutom na leon. Nag –alangan si Florante sa naging patulong sa kanya ni

Aladin. Sa kanilang mga ayos at pananamit, nakakatiyak si Florante na kalaban

niya ang gererong moro. Ito’y taga-Persiya at siya’s taga-Albanya. Pero tiniyak ni

Aladin na hinsi sa kinabibilanganng sekta nakasalalay ang pagsaklolong isang tao.

Muling tinulungan ni Aladin si Florante upang dalhin sa isang malapad at makinis

na bato. Doon siya ginamot at pinagpahinga ng gererong moro. Binigyan din siya

ng baon nitong pagkain upang maibalik ang nawalang lakas. Sa kabila ng

maraming pag-aalangan ay nagpatuloy ang moron a kupkupin at alagaan si

Florante. Nakatulog ito habang patuloy na nagbabantay ang moro. Sa paggising

ni Florante ay nanumbalik na ang kanyang lakas. Labis –labis ang kanyang

pasasalamat sa moron a naging tagapagligtas


ARALIN 8

Ang Alaala ng Kamusmusan

Labis na nagalak ang gererong moro dahil sa panunumbalik ng lakas ni

Florante. Sinabi ni Aladin kay Florante na narinig niyang lahat ang mga panaghoy

nito. Ikinuwento naman ni Florante ang kahabag-habag niyang sinapit bunga ng

isang kataksilan. Sinimulan niya ang pagkukwuento sa alaala ng kamusmusan.

Siya’y hinirang na anak ni Duke Briseo mula sa bayan ng Albanya. Ang kanyang

ina ay si Prinsesa Floresca na mula naman sa bayan ng Crotona. Si Duke Briseo

ay tagapayoat sanggunian ni Haring Linseo ng Albanya. Sanngol pa lamang siya

nang unang manganib ang kanyang buhay sa isang dambuhalang buwitre habang

siya’y natutulog. Nasaksihan ng kanyang ina ang nakaambang panganib at dahil

sa malakas nitong tili ay agad nakasakloloang pinsan niyang si Menalipo na noon

ay may dalang pana at panudla. Agad nitong natudla ang buwitre at siya’y

nakaligtas. Isang araw naman habang siya’y nasa gitna ng sala, isang alko naman

ang sumila sa kanyang suot na kwintas na may palawit na kupidong diyamante.

At nang sumapit na siya sae dad na siyam na taon, nakagiliwan naman niayng

magpuntan ng burol para mamana at manghuli ng hayop. Sa batis naman ay

nawiwili siyang pakinggan ang lagaslas ng tubig na tila may mga nayadas na

umaawit. Ikinuwento ni Florante kay Aladin ang kanyang masayang paglaki at

kabataan sa piling ng inang kalikasan.


ARALIN 9

Ang Pag-aaral sa Atenas

Ipinadala ni Duke Briseo sa Atenas si Florante upang doon mag-aral.

Lumuhaang kanyang ina dahil sa kanilang paghihiwalay at labis din iyong

ipinagdamdam ni Florante. Ang mabait na gurong si Atenor ang tumulong sa kanya

upang mawala ang lumbay sa loob ng ilang buwang pananatili sa Atenas. Ilang

buwan siyang hindi makakain at madalas na umiiyak dahil sa matinding

kalungkutan. Isa sa kanyang kababayan ang doon din ay nag-aaral. Si Konde

Adolfo na anak ni Konde Silano. Labing tatlong taong gulang na si Adolfo sa mga

kamag-aral kaya’t labis siyang kinagigiliwan. Mahinhin ang asal ni Adolfo at hindi

marunong makipagtalo. Hindi kakikitaan ng kagaspangan ng ugali o pagiging

lapastangan. Si Adolfo ay larawan ng isang huwarang mag-aaral. Subalit sa kabila

ng lahat, maging ang mga guro nila’y hindi matarokang lalim ng pag-iisip ng

malihim na si Adolfo.
ARALIN 10

Ang Pagbabalatkayo

Sa kabila ng lahat ay hindi lubusang mapaniwalaan ni Florante ang uri ng

kagandahang asal na ipinanakikita ni Adolfo. Lalo’t may tagubilin sa kanyaang

ama tungkol sa bati na di paimbabaw. May kung anong lihim na gawi si Adolfo na

naririmarim si Florante at sa tingin niya’y may gayonding pakiramdam sa kanya

nito. Lumipas ang mga araw at naging bihasa sap ag-aaral si Florante. Sa loob ng

anim na taong pag-aaralay naging dalubhasa siya sa pilosopiya, matematika at

astrolohiya dhilan ng kanyang pangunguna sa klase. Napag-iwanan na niya si

Adolfo at kumalat sa buong Atenas ang kanyang angking talino. Higit na naging

popular sa mga guro at kapwa mag-aaral si Florante. Lahat ay sambit-sambit ang

pangalan ni Florante. Dito lumabas ang tunay na anyo ng nagbabalatkayong si

Adolfo. Napuno ng ngitngit at inggit ang puso nito dahil sa nakamit na tagumpay

ni Florante. Marami na ang nakahalata sa unti-unting pagbabago ni Adolfo at may

magsasabing ang pagiging mahinahon nito ay hindi bukal sa kaloban.


ARALIN 11

Ang Dula-dulaan

Sa isang dula-dulaang trahedya, kabilang sa mga tauhan si Florante sa

papel na Etyokoles, si Polinese naman ang papel ni Adolfo, ang kaibigang matalik

ni Florante na si Menandro ang gumaganap sa papel na Reyna Yokasta. Naging

totoo ang ginawang pakikipaglaban ni Adolfo kay Florante sa isang bahagi ng

dula. Marami ang nagtaka dahil iba na ang mga salitang binibigkas nang

daluhungin siya ni Adolfo si Florante nang salagin ito ng espada ni Menandro.

Nabigla ang lahat sa itinakbo ng dula sapagkat batid nilang naging totohanan iyon.

Umawat na rin ang maestro at walang kibong umalis si Adolfo sa entablado. Hindi

na nakagisnan kinabukasan si Adolfo. Tumakas na siya nang gabi ring iyon dahil

batid nitong siya’y lilitisinn sa ginawang kapangahasan kay Florante. Nagbalik na

ito sa bayan ng Albanya.


ARALIN 12

Ang pangungulila ni Florante

Isang taon ang lumipas nang makatanggap ng sulat si Florante mula sa

dukeng ama na namatay na ang kanyang inang si Prinsesa Floresca. Pinanawan

siya ng ulirat sa unang pagkatalos sa nangyari. May dalawang oras bago siya ay

tuluyang balikan ng malay. Halos gabi-gabi siyang lumuluha dahil sa pangungulila

sa pumanaw na ina. Pilit siyang tinulungan ng kanyang maestro upang aliwin sa

gitna ng kapighatian subalit patuloy ang kanyang naging pagdurusa. Dalawang

buwan siyang nanangis hanggang sa dumating ang ikalawang liham mula sa ama

at ipapasundo na siya upang ibalik sa bayan ng Albanya. Nagpaalam na si

Florante sa kanyang maestro. Pinagbilinan naman siya ng maestro na mag-ingat

kay Adolfo sapagkat tiyak na ito’y nagbabadya ng paghihiganti.


ARALIN 13

Ang Tagubilin ng Guro

Pinag-ingat ng maestro si Florante sa tiyak na kakabakahin sa oras na

makaharap si Adolfo. Sinabing huwag siyang magpahalata na batid niyang sila’y

magkaaway na lihim ni Adolfo. Ang mahalaga’y ang gagawing paghahanda ni

Florante sa isang napipintong labanan nila ni Adolfo. Nagpaalam na rin si Florante

sa matalik na kaibigang si Menandro. Labis ang kalungkutan ni Menandro sap ag-

alis na iyon ni Florante. Nakita iyon ng maestro na isa ring amain ni Menandro

kaya’t pinahintulutan itong sumama kay Florante sa bayan ng Albanya. Dumating

na ng Albanya sina Florante at Menandro at dali-daling binagtas ni Florante ang

pagpasok na daan patungo sa kanilang tahanan. Dinatnan niyang maysakit ang

ama na lubhang lumala sa pagyao ng asawa nitong kanya naming butihing ina.

Hingkan niya niya ang kamay ni Duke Briseo. Nagyakap ng mahigpit ang mag-

ama at siya naming pagdating ng embahador ng Crotona dala ang sulat mula sa

hari na humihingi ng saklolo.


ARALIN 14

Ang Pinakamamahal na Bayan ng Albanya

Nasa gitna ng panganib ang bayang pinagmulan ng kanyang inang si

Prinsesa Floresca, ang bayang Crotona. Sinasalakay sila ng hukbong

pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persiya at ng bantog na morong gererong

si Aladin. Dahilang upang lumapit si Duke Briseo sa hari ng Albanya na si Haring

Linseo upang humingi ng tulong. Isinama ni Duke Briseo si Florante sa pagpunta

ng palasyo. Agad ipinakilala ng duke ang kanyang bunying anak. At sinabi pa ng

hari na sa kanyang panaginip, ang makisig na lalaki’y kanyang napangarap bilang

tagapagmana ng kanyang setro’t reyno. Noon din ay ginawang heneral ang hukbo

si Florante na sasaklo sa bayan ng Crotona na kinubkob ng moro. Sinabi rink ay

Florante na nuno niya ang hari ng ng bayang Crotona na kailangang iligtas at

katungkulan niyang ibalik ang dangal at kapayapaan dito. Tinaggap ni Florante

ang malaking hamon ng hari na siya’y gawing heneral ng hukbo. Pinagplanuhan

nila ang mga dapat gawin at pinag-usapan din ang mga pinagdaanan niyang

karanasan sa Atenas sa panahon ng kanyang pag-aaral.


ARALIN 15

Pag-ibig sa Unang Pagkikita

Sa gitna ng pakikipagtalamitam ni Florante sa hari ay nakita ni Florante ang

isang dilag na diyosa at may mala-Venus sa kagandahan. Mahaba ang nakalugay

na buhok at ang mga mata’y mahinhing nakatitig sa kanya. Nabighan agad si

Florante sa kagandahan ni Laura nang ipakilala ni Haring Linseo ang anak.

Pakiwari ni Florante ay ikasisira ng kanyang isip ang labis na kagandahan ni Laura.

Agad niyang ipinagtapat sa hari ang kanyang matapat na pagsuyo at ang pag-

aalinlangan siya’y nababagay sa puso ng dalaga. Pinahintulutan ng hari ang

kanyang paninikluhod at ipinangakong hindi magiging talusira ang anak na si

Laura sakaling ibigin si Florante.


ARALIN 16

Ang Pangako ng Puso

Sinabi ni Florante na nangungulila pa rin siya sa kanyang ina subalit ang

lumbay na iyon ay pinawi ng pag-ibig na ukol para kay Laura. Nangako si Florante

ng tapat na pagsuyo bagama’t wala siyang maiaalay na yaman at kamaharlikaan.

Tatlong araw siyang nanatili sa palasyo real ng Albanya hanggang sa dumating

ang takdang araw ng kanyang paglisan patungong digmaan sa Crotona. Bago

umalis ay nagkaroon ng pagkakataong mag-usap sina Florante at Laura. Muling

nanikluhod si Florante ng pag-ibig kay Laura sabay ang pamamaalam ng binata

sa dalagang nililiyag. Noon tinugon ni Laura ang kanyang pag-ibig sa

pamamagitan ng pabaon na luha. Labis na nanlumo si Florante sapagkat iiwan

niya si Laurang lumuluha para tumungo sa digmaan ngunit ang pabaong luha ni

Laura ang higit nagpatapang sa kanya. Dumating sila sa Crotona at

nakipagdigmaan. Batid ni Florante kung hindi sa pabaong pag-ibig ni Laura ay

baka nasawi na siya sa labis na pagdurusa.


ARALIN 17

Ang Magiting na Mandirigma

Nilusob ng hukbo nina Florante at Menandro ang mga kuta ng kalaban.

Maging si Menandro ay bihasa rin sa pakikipaglaban. Nasaksihan ni Heneral

Osmalik ang kakayahan sa pakikipagdigma ng hukbo ni Florante sapagkat ang

bawat hanay na sumugod ay para lamang mga kawayang tinapyas ng mga ito.

Limang oras ang naging labanan hanggang sa sumuko ang mga kaaway nina

Florante. Napasok na nila ang siyudad at sinimulan na nilang kaaway nina

Florante. Napasok na nila ang siyudad at sinimulan na nilang tugisin ang mga

tumatakas na kaaway at agawin ang mga tinatayong kampo. Sinalubong sila ng

hari ng Crotona matapos ang malaking tagumpay sa digmaan. Nagsigawan ang

mga tao sa ginawang pagpapalaya ng apo ng Monarka. Pumanhik ng palasyo ang

hukbo ni Florante at doon sila nagpahinga. Muling nanariwa ang alaala ng ina ni

Florante ng makaharap niya ang nuno niyang hari na ama ng kanyang inang si

Prinsesa Floresca. Limang buwan na nanatili ang hukbo ni Florante sa Crotona

upang tiyaking hindi na ito sasalakayin ng hukbo ng mga moro. Nagpasiya na

siyang magbalik ng Albanya upang muling makita ang kasintahang si Laura.

Ngunit s akanilang pagdating ng Albanya, nakita niya ang nakawagayway na

bandila ng mga moro sapagkat lumulusob na ang mga ito sa pamumuno ng

gererong si Aladin. Natanawan ni Florante na nasa paanan ng bundok ang

hukbong moro.
ARALIN 18

Ang Bayaning Iniibig

Nakita ni Florante ang isang babae na binihag at iginapos ng mga moro.

Laking pangamba niya na si Laura ang bihag na pupugutan ng ulo. Hindi nag-

aksaya ng panahon si Florante at nilusob niya ang mga morong kaaway para

puksain. Matapos iligtas ay tinanggal ni Florante ang takip sa mukha ng babaeng

bihag at laking gulat niya nang makita si Laura. Agad na nasambit ni Laura ang

pangalan ng kasntahang si Florante. Maingat na kinalagan ni Florante ng gapos

si Laura. Nakatakdang pugutan ng ulo si Laura dahil sa masamang balak ng Emir

na si Aladin. Nalaman ni Florante na bihag din si Haring Linseo at ang kanyang

amang si Duke Briseo kaya’t agad siyang nagpasayang pasuking ang palasyo

upang tuluyang palayain ang Albanya sa mga nanalakay na moro. Nabawi ng

hukbo ni Florante ang kaharian ng Albanya. Agad tinungo ang bilangguan at

pinalaya ang nakabilangong hari at duke. Naroon din at kabilang sa mga bihag si

Konde Adolfo.
ARALIN 19

Ang Mapanibughong Puso ni Adolfo

Matinding pagkatuwa ang naramdaman ng hari dahil sa ginawang

pagliligtas ng hukbo ni Florante sa kahariang Albanya. Habang nagdiriwang sila

sampu ng mga maharlika’t kamahalan ay lihim naming naninibugho si Konde

Adolfo dahil sa tinamong tagumpay at kapurihan ni Florante. Lalong tumindi ang

galit ni Adolfo nang ipinagbunyi sa buong kahariang Albanya ang tagumpay na

iyon at tanghaling bayaning tagapagtanngolsi Florante. Sumidhi ang panibugho ni

Adolfo nang ianunsiyo ang pag-iisang dibdib nina Florente at Laura at ang korona’y

nakatakdang isalin kay Florante. Ang galit ni Adolfo na nagmula pa sa panahon ng

kanilang pag-aaral sa Atenas ay nagbunga na naman ng masamang balak na

ikapapahamak ng ng Kahariang Albanya at ni Florante.


ARALIN 20

Ang pananalakay ng mga Moro

Ilang buwan ang lumipas na namuhay ng tahimik at payapa ang kaharian

ng Albanya. Subalit muling nagbanta ng digmaan ang hukbo ng mga Turkong

mangangamkam nang manalakay sila sa mga bayan-bayan. Muling inatasan ang

hukbo ni Florente na tugisin ang mga morong naghahasik ng lagim. Muling

nangamba si Laura sap ag-alis ni Florante lalo’t naudlot ang kanilang pag-iisang

dibdib. Lingid sa kaalaman ng lahat ay pain lamang ni Adolfo ang lahat at ito’y

nakipagsabwatan sa mga moro upang muling umalis ng Albanya ang hukbo ni

Florante. Nasupil ni Florante ang hukbo ni Miramolin subalit nagbabanta naman

ng panganib ang hukbo ng mga Turko para salakayin ang Albanya.


ARALIN 21

Ang Muling Pakikidigma ni Florante

Nakipagtuos ang hukbo nina Florante at Menandro sa mga Moro.

Sunodsunod na tagumpay sa digmaan ang tinamo ng hukbo nina Florante at

Menandro. Bawat bayan na kanilang daanan ay nappalayas nila ang mga kaaway

na Moro. Dumating ang hukbo nila sa siyudad ng Etolya at doon siya nakatanggap

ng sulat mula sa hari ng Albanya na siya’y pinauuwi na. Iniwan ni Florante ang

hukbo sa pamumuno ni Menandro at mag-iisang naglakbay pabalik ng Albanya.

Madilim at malalim na ang gabi nang siya’s dumating sa palasyo. Nabigla at hindi

inaasahan ni Florente nang bigla siyang hulihin. Nakita niya ang may tatlumpung

libong sandatahan na kumubkob sa kahariang Albanya.


ARALIN 22

Ang Tagumpay ng Kataksilan

Sa loob ng palasyo ay hinuli na ng mga kawal si Florante na

pinamumunuan ng taksil na si Adolfo. Ni hindi nagawang bunutin ni Florante ang

hawak na sandata at siya’y iginapos kaagad. Dinala siya sa karsel at doon

ibinilanggo. Hindi makapaniwala si Florante nang matuklasang pinatay ni Adolfo

si Haring Linseo at pati ang kanyang amang si Duke Briseo. Labis-labis ang

naramdaman niyang lumbay at pighati dahil sa madilim na kinahantungan ng

kahariang Albanya sa pagtataksil ni Adolfo. Nalaman din niya ang nakatakdang

pagpapakasal nina Adolfo at Laura na lalong nagpasidhi ng sakit na

nararamdaman. Labing walong araw siyang ibinilanggo at pinarusahan. Minabuti

pa ni Florante na siya’s mamatay na lamang subalit higit na pagpapahirap ang

nais ipadanas sa kanya ni Adolfo. Hanggang sa isang gabi ay nagising siyang

nakagapos sa isang malaking puno sa gitna ng madawag na gubat. Dito siya

nanaghoy at nanambitan nang mapait na sinapit ng kanyang buhay, ang paglililo

ni Laura at ang kataksilan at pagiimbot ni Adolfo na naghasik ng lagim sa

kahariang Albany.
ARALIN 23

Ang Sawimpalad na Moro

Si Aladin naman ang nagkuwento kay Florante nang mapait na sinapit.

Siya’s taga-Persiya, anak ni Sultan Ali-Adab. Nkarating siya sa gubat kung saan

natagpuan ni Florante sapagkat tumakas siya sa amang sukab at sa taksil na

kasintahang si Flerida. May limang buwan siyang naglakbay hanggang sa

mapadpad sa gubat na iyon upang aliwin ang sarili. Ikinuwento ni Aladin ang

kanyang kagitingan pagdating sa pakikidigma dahil hindi siya kayang talunin

ninuman. Subalit labis siyang nalumbay at lumuhna dahil sa kasintahang si

Flerida. Ipinadala siya ng amang sultan sa mga digmaan upang ilayo kay Flerida.

Nang matalo siya sa digmaan laban sa Albanya ay agad siyang ipinabilanggo ng

ama at pinapuputulan ng ulo. Sa takdang araw na siya’y pupugutan ng ulo ay

pumasok ang isang heneral sa loob ng kanyang


ARALIN 24

Ang Tinig sa Gubat

Naglilibot sa kagubatan nina Florante at Aladin nang marinig nila ang

dalwang tinig ng babae na paanas na nag-uusap. Nagkukuwento si Flerida kay

Laura kung paano siyang napadpad sa kagubatang iyon. Nakiusap si Flerida kay

Sultan Ali-Adab na huwag papugutan ng ulo ang kasintahang si Alidin. Pumayag

ang sultan kapalit sa pagpayag ni Flerida na maging asawa nito. Walang nagawa

si Flerida kung hindi ang sumang-ayon sa utos ng hari para makaligtas si Aladin.

Sa tuwa ng sultan ay agad iniutos na pakawalan si Aladin ngunit agad ding

palayasin ng Persiya. Matinding lumbay ang idinulot kay Flerida nang paglisan ni

Aladin na halos umubos sa lahat ng kanyang luha.


ARALIN 25

Tapat na Pagsuyo

Itinakda ang araw ng kasal nina Sultan Ali-Abad at Flerida kasabay nang

paggagayak sa buong palasyo. Hindi maatim ni Flerida ang gagawing

pagpapakasal sa ama ng lalaking iniibig kaya’t nagpasya siyang takas an ito.

Tumakas si Flerida sa pamamgitan ng bintana ng palasyo. Nagkubli siya sa dilim

na suot ang damit mandirigma upang siya’y hindi mapansin ninuman. Mula nang

siya’s makatakas kay Sultan Ali-Adab ay hinanap na niya si Aladin. Kung saan-

saang pook siya napadpad, kung ilang gubat na ang kanyang napuntahan

hanggang sa makarating siya sa kagubatang iyon at nasaksihang

pinagtatangkaang halayin ng isang lalaking sukab si Laura. Hindi nagdalawang

isip si flerida na iligtas si Laura sa kamay ng buhong na si Adolfo


ARALIN 26

Sanga-sangang Landas ng Puso

Nagtigilan sa pagsasalita si Flerida nang Makita ang pagdating nina Florante

at Aladin. Lumantad ang dalawang mandirigma matapos makilala ang Boses ng

dalawang babaing pinakaiibig at marinig ang buong katotohanan. Labis ang

kaligayahan ng apat ng magkadaupang palad sila. Hindi makapaniwala si Florante

na pagkatapos niyang dumanas ng laksa-laksang hirap ay muli niyang masisilayan

ang wlaang kupas na kagandahan ni Laura. Pakiramdam niya’s nagging paraiso

ang gubat na iyon. Nakalimutan na niya na sa pook na iyon ay muntik na siyang

abutin ng kamatayan. Naglaho ang lahat ng kanyang panibugho at pagdaramdam.

Nalaman na ni Florante ang buong pangyayari mula sa mismong bibig ni Laura.

Noong umalis si Florante kasama ang kanyang buong hukbo ay noon nanalakay

ang mga Turko at sinimulang sakupin ang buong kaharian at palasyo ng Albanya.
ARALIN 27

Ang Pagpapalaya ng Albanya

Sinalakay ng mga Moro ang palasyo at hiningi ang kamatayan ng hari ng

Albanyang si Haring Linseo. Pinapugutan ito ng ulo kasama ang buong konseho.

Umupo sa trono si Adolfo at nagsimulang maghari-harian. Hinangad ni Adolfo na

makmit ang puso ni Lauro kahit sa sapilitang pamamaraan at pagbabanta ng

kamatayan sa prinsesa kung hind tutugunin ang pag-ibi nito. Nagkaroon ng

pagkakataon si Laura na sumulat habang nasa Etolya si Florante at kung hindi

tutugon ang kasintahan ay mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa makasal kay

Adolfo. Lihim niyang ipinadala ang sulat sa isang tapat na kawal upang makarating

kay Florante. Ngunit nang dumating si Florante ay agad naman itong hinuli

sapagkat nag-iisa at walang kahandaan. Ang sulat palang natanggap ni Florante

na may huwad na pirma ng hari ay galling kay Adolfo at siya’s pinauuwing mag-

isa upang linlangin. Nang malaman ni Laura na ang nangyari kay Florante ay

minabuti niyang magpatiwakal subalit siyang pagdating ng hukbo ni Menadro na

nakatunog ng nakaambang panganib. Si Menandro ang nakatanggap ng sulat ni

Laura na naglalaman ng katotohanang sinapit ng Albanya. Pinalaya ng hukbo ni

Menandro ang kahariang Albanya sa pamamagitan ng pagsalakay sa mga kaaway

na mananakop.
ARALIN 28

Ang Wakas ni Adolfo

Natalo ang mga kawal ni Adolfo sa hukbo ni Menandro kaya’t nagpasya na

itong tumakas. Isinakay nito ang kabayo ang nakagapos na si Laura at dinala sa

kagubatang madawag. Pagdating sa gubat ay doon pinagtangkaang halayin ni

Adolfo si Laura. Noon dumating si Flerida na nasaksihan ang nais gawing

panghahalay ng buhong na si Adolfo. Hind nagdalawang isip si Flerida na iligtas

ni Laura sa kapahamakan sa pamamagitan ng pagtudla ng palaso. Tinamaan ng

palaso sa dibdib si Adolfo na siyang nagging sanhi ng kamatayan nito. Natapos

ang pag-uusap ng apat nang dumating si Menandro sa gubat kasama ang kanang

hukbo. Laking tuwa nito nang makitang nakaligtas sina Florante at Laura at

malamang ang buhay ng buhong na si Adolfo ay nautas na. Mula sa kagubatan

ay ligtas na ibinalik ng hukbo ni Menandro sina Florante at Laura kasama ang

kanilang nagging tagapagligtas na sina Aladin at Flerida. Nagsigawan sa tuwa ang

buong kaharian sapagkat dumating na ang kanilang tunay na hari at reyna.

Pinabinyagan sina Aladin at Flerida kasabay ang pagdaraos ng mabunying kasal

sa apat.
ARALIN 29

Ang Hari at Reyna

Matapos maikasal ang apat ay nagbalik na sina Aladin at Flerida sa Persiya.

Namatay na si Sultan Ali-Adab at si Aladin ang hinirang na bagong hari. Umupo

naman na trono ng kahariang Albanya bilang hari si Florante kasama ang kanyang

reynang minumutya na si Laura. Nagbalik ang kapayapaan sa Albanya sa

pamumuno ni Florante. Nakabangon na ito mula sa pagkalugami at nagbalik na

ang tuwa’t kaligayahan sa buong kaharian.


Talasalitaan

Adarga-kalasag

Alpa-instrumento ng musika na pinaniniwalaang ginagamit ng mga anghel o


nimpas
Averno-tinatawag na Hades o impiyerno sa metolohiyang Romano.

Basilisko-halimaw na may angyong butiki at katawan ng manok, ang hininga at


titig ng mga mata’y nakamamatay.
Beata-ilog sa Pandacan na ngayon ay isa ng maliit na kanal.

Berso-tulang may sukat at tugma.

Cipres-punongkahoy sa gubat, Malaki at hugi-puso ang kabuuang anyo.


Tinaguriang punong kahoy ng mga yumao.
Cocito-ilog s Epiro, isa sa apat na ilog ng impiyerno kaya makamandag ang tubig.

Febo-itinuturing ng mga makatang Griyego na planetang araw.

Harpias-mababangis na diyos ng mga Hentil, nakatira sa pulong Estrofadas, at sa


mga tabi ng ilog Cocito, ang katawan ay gaya ng ibong, ang mukha’y gaya sa
isang dalaga, baluktot ang kamay at matulis ang mga kuko, may pakpak paniki,
nakamamatay ang baho ng hininga.
Hiena-hayop na maihahalintulad ang anyo sa lobo.

Higera-punong kahoy na may malalapad na dahod at hindi namumunga.

Hilom-isang batis na mababaw.

Kahariang Albanya-malaking siyudad sa Gresya


Kahariang Crotona-karatig kaharian ng Albanya

Karales-pira-pirasong salamin at buto na tinutuhog.


Musa-diwa ng isang makata.

Narciso-isang lalaking diyos ng kakisigan, anak nina Cefisino at Lirope sa


mitolohiyang Griyego, ang lalaking umibig sa sarili kaya’t naging bulaklak.

Nimfas-magagandang diwata sa kagubatan.

Oreadas Ninfas-diyosa sa kagubatan na sinasamba ng mga Hentil, maganda at


may malamyos na tinig.

Panggabing ibon-ibong Malabo ang mata sa liwanag gaya ng tiktik, kuwago,


bahaw at paniki.

Persya-kahariang dako sa Asya at pinamumunuan ng mga Mor.

Pica-sibat.

Pluto-diyos ng mga Hentil, kinikilalang hari sa impiyerno.

Segismundo-isang makatang maselan sa pagsulat ng tula.

Sirenas-nimpang dagat na nasa batuhan ng mga baybayin.

Siyerpe-isang malaking ahas o serpiyente.

Tigre-mabangis na hayop sa gubat.


Proyekto sa Filipino
Grade 8 – Waling waling
Taong Pampaaralan 2021-2022

Group – 1

Members:
Nikki E. Valdez
Jamella T. Alota
Ma. Elaisa g. Pomarejos
Arjelyn B. Gopole
Kezial Jane B. Comillo
Sofia Rhian C. Baris
Bianca S. Borja
Jhestelyn A. Bonga
John Andre G. Gabagat
Jeremy L. Atip
Justin B. Campoto
Piolo A. Escoto
Joshua J. Barbo
Jimwell G. Armada
Cyclene Borac
Andre John A. Acuña

You might also like