You are on page 1of 22

NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES

COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

SULIRANING KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL SA KURSONG


KRIMINOLOHIYA NG NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
SA PANAHONG NEW NORMAL

Isinumite ni:
JAYPEE V. RUZGAL
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

PANIMULA
Sa mabilis na pagbabago ng panahon sa larangan ng teknolohiya, mabilis din na binago nito ang
pamumuhay ng sangkatauhan. Layunin nitong mapadali ang pamumuhay ng mga tao kabilang na ang
mabilisang palitan ng impormasyon. Ito ay isang kasanayan na kailangang makamit ng mga mag-aaral dahil ang
teknolohiya ay bahagi ng 21st century skills. Ang asignaturang Information, Media and Technology Skills ay
kasanayang kailangang makamit ng mga mag-aaral upang makasabay sila sa hamon ng buhay sa kasalukuyan.
Ngunit, hindi maitatanggi ang hirap na kinahaharap ngayon ng ating bansa dulot ng pandemya na kung saan ang
mga mag-aaral ay may malaking problema sa makabagong teknolohiya o mga kagamitan na kailangan nila para
sa online classes.
Noong buwan ng Marso taong 2020 nang magsimulang isulong ang hard lockdown sa Pilipinas dulot ng
coronavirus (COVID-19), ito ay malubhang sakit na nakakahawa at wala pang lunas na gamot. Kaya’t
minarapat ng Kagawaran ng Edukasyon na isa alang-alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kaguruan sa
pamamagitan ng pagsuspende ng klase. At dito nagsimula ang malaking isyu sa gitna ng pandemya ang
problemang pang edukasyon.
Dito isang malaking hamon para sa mag-aaral at maging sa kanilang mga magulang ang walang sapat na
kahandaan sa ganitong sitwasyon. Iba’t-iba kasi ang uri ng pamumuhay ng tao sa Pilipinas, ang ilan ay may
kakayahang bumili ng kagamitang pang teknolohiya para patuloy na makapag-aral sa kanilang mga tahanan na
tinatawag ngayong distance learning. Ngunit, ang iba ay hindi makasabay sa pagkakaroon ng mga gamit na
kinakailangan para sa new normal na edukasyon.\ Ito ang mas umugong pa na isyu at suliraning kinahaharap ng
mag-aaral. Paano nga naman ang pag-unlad ng kasanayan ng mga batang walang kakayahan makabili ng gamit
dahil sa hirap ng buhay?

Bukod dito ang mabagal na koneksyon dahil sa lugar na kitatayuan nila at walang pang suporta sa load
upang magkaroon ng access sa guro. Higit ay sa mag-aaral na nasa kolehiyo malaki ang epekto ng pandemya sa
kanila dahil mas kailangan nila ang kagamitang pang teknolohiya katulad ng mobile phones, laptop at iba pa
dahil ito ang kanilang daluyan ng komunikasyon. Ilan lang ang mga ito sa suliraning pinag-uusapan at
kinahaharap na problema ng mag-aaral para sa kanilang edukasyon. Madami pang epekto ang naidulot ng
kakulangan sa makabagong teknolohiya ngayong normal of education katulad sa antas ng akademya ng bawat
mag-aaral. Dahil sa mga isyung kinakaharap sa makabagong teknolohiya bilang pangunahing instrumento ng
mag-aaral ngayong pandemya.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang damdamin ng kanyang respondente at kung gaano ito naka
apekto sa kanila. Minarapat din ng pananaliksik na ito na suriin pa ang posibleng alternatibong paraan upang
mabawasan ang problema sa edukasyong na nasa ilalim ng pandemya. Bukod pa dito nais ng mananaliksik na
mabigyan ng positibong pananaw ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng paggamit ng makabagong teknolohiya
sa panahon ngayon at makapag bigay ng aral sa mga mag –aaral sa Northwestern Visayan Colleges sa kursong
kriminolohiya.

Layunin nitong sagutin ang mga tiyak na katanungan:

 Ano-anong pagbabago ang labis na nagpahirap sa mga mag-aaral?


 Ano-anong hadlang o suliranin ang kinahaharap ng mag-aaral ukol sa panahon ng new normal?
 Paano naka apekto sa akademiko o pag-aaral ang panahong new normal?
 Sapat ba ang nakukuhang kaalaman ng mga mag-aaral sa panahong new normal?
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

BALANGKAS TEORETIKAL

Noong buwan ng Marso ngayong taong 2020 nang magsimulang isulong ang hard lockdown sa Pilipinas
dulot ng coronavirus (COVID-19). Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo17, 2020 The RA
11480 amends Section 3 of the Republic Act 7797, or “An Act to Lengthen the School Calendar, na nag-aatas
sa Pangulo, mula sa rekomendasyon ng Kalihim ng Edukasyon na magtakda ng pagbubukas ng klase na hihigit
sa huling araw ng Agosto sa buong bansa o sa ilang lugar kung saan may deklarasyon ng 'state of emergency' o
'state of calamity'.

Ayon kay Prospero de Vera, CHED chairperson inilahad niya na kahit may banta pa rin ng coronavirus
disease (COVID-19) sa Pilipinas, gumagawa na raw ng panuntunan ang Commission on Higher Education
(CHED) kung paano makapaglulunsad ng harapang klase sa mga kolehiyo at unibersidad kahit na desidido si
Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpigil ng mga face-to-face classes lalo na sa mga bata habang wala pang
bakuna laban sa COVID-19. Ayon pa kay de Vera plano nilang igulong ang "test-run" sa kalagitnaan ng Hulyo
sa mga modified general community quarantine (MGCQ) areas. Sa kabilang banda tuloy naman ang mga klase
para sa elementarya at hayskul sa Agosto, pero ayon kay Education Secretary Leonor Briones, blended o
distance learning ang gagamiting approach kung kaya't wala pa ring pisikal na pagpasok. Gagamit lamang muna
raw ng internet, radyo at telebisyon para sa pagtuturo sa mga estudyante.

August 14, 2020, inihayag ulit ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson J. Prospero De
Vera III ang pagsisimula ng klase sa pampubliko at pribadong pamantasan at kolehiyo ngayong buwan ng
Agosto. Ang taong pampaaralan 2020-2021 ay magkakaroon ng "flexible learning methods". Ang paraang ito ay
nakadepende sa kakayahan ng mga guro at mag-aaral batay sa kanilang kagamitang pang-akademiko. Ito ay
nangangahulugan na maaring maging online ang paraan para sa mga may access sa Internet, o kaya ay
pagbibigay ng mga takdang-aralin o modyul, kapag limitado o walang access sa Internet. Ibig sabihin, maaaring
gawing online ang klase para sa mga may access sa internet. Pero kung limitado naman o kaya walang internet
access ang estudyante, maaaring magbigay ng take home materials, mga takdang-aralin, at mga homework at
lecture.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay may malaking kontribusyon sa kaalaman ng mga taong sumusunod:

Sa Mga Guro, Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang makapaghanda sa new normal na
edukasyon lalo na sa mga kagamitang panturo katulad ng modyul at pagtuturo online. Dahil ang guro ang
siyang magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral.
Sa Kagawaran ng Edukasyon, Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong upang masuri kung
ano ang epekto ng new normal sa edukasyon. Ito ay magsisilbing datus para mas makapag-isip ng alternatibong
paraan para sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman ng mag-aaral, guro at magulang hinggil sa edukasyon.
Sa Komunidad, Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kanilang mga
isip at makagawa ng iba’t ibang paraan para makatulong sa estado at pangangailangan ng mga mag-aaral sa
panahong new normal.
Sa Mga Mag-Aaral, Ang resulta ng pananaliksik na ito ay makakapagbigay sa kanila ng malawak na
impormasyon sa mga suliraning kinahaharap ng mag-aaral sa panahong new normal. Makakatulong ito upang
mas pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Sa Mga Magulang, Matutulungan at magagabayan ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Lalo’t higit ay
masusupurtahan at maibibigay nila ang mga pangangailangan nito sa pag-aaral ngayong panahong new normal.
Sa Mga Mambabasa, Magkakaroon ng kaalaman ang mga mambabasa kung ano ang mga naging epekto at
suliraning kinahaharap ng mag-aaral, guro at magulang sa panahong new normal. Malalaman at
mapapaghandaan din nila ang ilang aspetong dapat gawin sa ganitong uri ng panahon.
Sa Mananaliksik, Ang pag-aaral na ito ay makakapag dagdag ng kaalaman tungkol sa suliraning kinahaharap ng
mga mag-aaral na nasa antas ng kolehiyo sa panahong new normal.
Sa Mga Pinuno/Administrator ng Paaralan, Bilang administrator siya ang gagabay sa mga kaguruan para sa mga
dapat nitong gawin kong paano ituturo sa mga bata ang mga aralin.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon at sumasaklaw sa Suliraning Kinahaharap ng mga Mag-aaral sa
kursong kriminolohiya sa Northwestern Visayan Colleges sa panahong New Normal. Ang mananaliksik ay
gumamit ng talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos na binubuo ng aytem ukol sa suliraning
kinahaharap ng mag-aaral sa panahong new normal.Ang magiging kasagutan sa pananaliksik na ito ay
makakamit sa pamamagitan ng piling mga respondente ng mag-aaaral sa Northwestern Visayan COlleges. Ito ay
binubuo ng labingtatlo (13) Babae at tatlumput pito (37) Lalaki na magsisilbing patnubay sa mananaliksik
upang masuri ang kanilang suliraning kinahaharap sa panahong new normal.
Ang pangangalap ng datos ay nagsimula noong May 15, 2023 hanggang May 22, 2023

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT


Ang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga kahulugan sa mga salitang ginamit ng mananaliksik.
Ito ay makatutulong upang lubos na maunawaan ang mga makahulugang salita na matatagpuan sa kabuuan ng
pananaliksik.

Akademik – Ito ay may kaugnayan sa pagpapataas ng kahusayan ng kaalaman sa pag-aaral ng isang bata sa
paaralan.
Coronavirus (COVID-19) – Ito ay isang uri ng sakit o bagong virus na naging sanhi ng pandemya dahil sa
malawakang pagkalat na iba’t- ibang bahagi ng mundo. Lubos na naapektuhan nito ang edukasyon at sa iba
pang salik ng lipunan.
Internet – Ito ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang magkaroon ng koneksyon at komunikasyon
sa magkakalayong lugar.
Online Distance Learning – Ito ay hindi nangangailan ng pisikal na presensya sa paaralan. Maaaring gumamit
ito ng mga printed module o pagtuturo ng mga guro sa paraan ng paggamit ng iba’t-ibang teknolohiya na
mayroong internet access.
New Normal – Ito ay mga pagbabagong nararanasan ng isang tao katulad sa larangan ng edukasyon, trabaho
at iba pang salik sa lipunan sanhi ng pandemya.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

Teknolohiya – Ito ay makabagong kagamitan katulad ng gadgets na tumutulong upang mapadali ang pag-aaral
ng mag-aaral sa panahon ng pandemya.

KABANATA 2
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Makikita sa kabanatang ito ang Banyagang Pag-aaral at Lokal na Pag-aaral

BANYAGANG PAG-AARAL
Sa Italya, sa kabila ng lockdown noon, ay nakapagdaos ng klase ang mga guro sa itinakda nilang araw at
oras, at nakatulong ang mga magulang dahil sila man ay nasa bahay lang noon at di nakapagtrabaho o kaya
naman ay work-at-home din kaya may panahong sapat para gabayan ang kanilang mga anak.
Bagama’t iba pa rin ang atmospera ng isang silid-aralan kung saan ay may personal na interaksiyon sa
pagitan ng guro at mga estudyante, kailangan na lamang gawing mas masigla, epektibo at imperatibo ang paraan
ng pagbabahagi ng aralin upang ang mga bata ay magkaroon ng pokus at ibuhos ang kooperasyon. Kaya
masasabing trending ang online class ngayon at isa ring matinding hamon para sa lahat upang maging
matagumpay ito kahit sa panahon ng stay-at-home.

Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o
grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng
telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-
ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.

Ayon sa Wordpress, may mga kagamitang ginagamit sa pag-aaral ng mga estudyante at guro: Calculator,
ginagamit ang computer sa pag -kakalkula o sa operasyon na ginagamitan ng terminong numerikal o lohikal.
Computer, pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaring iprograma upang magsagawa ng isang may
hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal. Internet, mga magkakabit na mga computer
network na maaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.

Naipapadala ang mga datos sa pamamagitan ng packet switching na gamit ang anumang pamantayan na
Internet Protocol (IP). Powerpoint, kadalasang ginagamit ang powerpoint sa pag gawa ng presentasyon o sa
impormal na layunin. Microsoft word, ito ang ginagamit sa pag-eedit ng mga mahahalagang dokumento o sa
pagpri-print ng mahahalagang dokumento. Cellphone, kadalasang ginagamit ang cellphone sa
pagkomunikasyon o sa pag reresearch ng mga takdang aralin at iba pa. Excel, karaniwan itong ginagamit sa
pagkompyut ng mga bayarin , buwis , at pati narin ang mga grado o marka ng estudyante. Projector, kadalasang
ginagamit ang projector upang maipakita ng malinaw, ang ginagawang presentasyon o pahayag. May kakambal
din itong hirap para sa iba dahil hindi naman lahat ay may kayang magkaroon ng internet sa kani-kanilang
tahanan kaya ang ginagamit ay ang mga telepono ng mga magulang na may subskripsiyon ng internet o kaya ay
pakikipagkomunikasyon gamit ang WhatsApp o Messenger.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

LOKAL NA PAG –AARAL


Ayon kina Rappler, Bonz Magsambol, Jodesz Gavilan (2020) Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus
pandemic ang mga problemang umusbong tungkol sa edukasyon. Iba't iba ang paraan ng mga eskwelahan at
ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at
may iba namang tinapos ang school year. Sa paparating na pasukan ngayong Agosto, ang mga estudyante at
magulang ay naghahanda sa mga posibleng maging problemang papasanin nila habang hindi pa natatapos ang
coronavirus pandemic.

Ayon kay Magsambol, "Ang concern ko sa survey na ito, sino ba ang makaka-access ng surveys na ito na
ginawa nila online? Iyong mga may internet access din. Paano natin mabibigyan ng boses iyong mga walang
access sa internet? Paano sila makakapag-participate doon di ba?" Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng
online classes at pisikal na diskusyon sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit habang ang banta ng coronavirus ay
malaki pa, makatitiyak na malaki ang papel ng internet sa unang buwan ng panibagong school year.

Ayon naman kay Gavilan, dapat alalahanin ng gobyerno ang iba't ibang pinanggagalingang estado sa buhay
ng mga estudyante: "Dito talaga makikita iyong inequality sa mga bata kasi para kahit na sabihin na lahat ay
same lessons din per grade level, iyong access nila sa resources hindi pare-pareho. May mga bata na available
agad ang computer, habang may mga batang aalalahanin pa ng parents kung saan kukuha ng pera para magka-
internet o di kaya mag renta ng computer para sa online classes."

Ayon kay Bertilo (2011) sa kasasaysayan ng education ay malaki ang naiambag ng teknolohiya. Sa
katunayan, ito ang pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali at mabisa kung kaya
naman marami sa mga mag-aaral ngayon ang sumasangguni sa teknolohiya sa kanilang pag aaral. Ang
teknolohiya ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman at libangan sa mga mag-aaral. Bukod sa personal
computer, cellphone at dala nitong internet. Masasabi natin na napakaraming maitutulong ng teknoohiya sa
ating buhay, lahat ng sector sa ating komunidad ay madama natin ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya
sa pang araw araw nating pamumuhay. Tunay nga’t nabago na ng teknolohiya ang paraan ng mga mag aaral.
Ang dating imposibleng gawin ay nagagawa na dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya.Nagsimula nang
magsagawa ng simulation o pagsasanay ng online distance learning ang ilang paaralan, kung saan isa sa mga
lumitaw na suliranin para sa mga estudyante at guro ay ang mabagal na internet connection.

Ayon kay Gerald Peña, isang incoming Grade 10 student. Isa siya sa mga nagkaproblema sa internet
connection sa gitna ng online class. "Nahihirapan po ako makasabay. Nahuhuli po ako sa klase," ani Peña.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

Ayon naman kay Janet Dionio, isang guro. "Nagkakaroon ng aberya ang paggamit ng internet medyo naka-
cut kaya nahihirapan ang mga bata. Kung magagawan ng paraan ang internet connectivity mas magiging ayos
ang komunikasyon dahil 'yon ang nagiging problema ng lahat,". Para din sa kanya may sulosyon naman sa
problemang ito. Ayon sa kanya, “Kung matapos ang online class, puwede naman umanong makipag-ugnayan pa
rin ang estudyante sa guro sa pamamagitan ng ibang paraan, tulad ng Facebook Messenger.” "Pagkatapos ng
synchronous classes, nagkakaroon sila ng communciation sa Messager. So, kung mayroon silang di
maintindihan, puwede nilang itanong sa teacher at 'yong PowerPoint ng teacher puwedeng i-send doon," aniya.
Ayon kay Jen De Leon na aking kaklase sa high school, malaking dahilan ang teknolohiya sa pagkababa
ng grado ng mga estudyante. Aminin man natin o hindi, malaki talaga ang epekto ng paglakas ng kapangyarihan
ng teknolohiya sa ating mundo, bansa, at sa lokal nating lugar na tinitirhan. Minsan darating sa ating buhay na
tayo ay mapapaisip kung ano na nga kaya ang ating buhay kung walang teknolohiya? Ang buhay kaya ay
masasabi paring masaya at makabuluhan kung wala ang mga ito? Isa na nga ang teknolohiya sa mga bagay na
may malaking epekto sa buhay ng tao. Pinauunlad nito ang ating ekonomiya sa pangkalahatan at ang ating sarili
lalong lalo na sa pakikitungo sa ibang tao at ang paggamit ng mga teknolohiyang ito.
Iginiit ni Nepomuceno Malaluan (Education Undersecretary) na "complementary" o pandagdag lamang
ang online classes sa modular learning, kung saan natututo ang mga bata sa pamamagitan ng printed at digital
modules. "The backbone that will be used is still the modular distance learning through the printed modules or
the digital format. But this will be complemented only by online, TV or radio," ani Malaluan. Ayon sa kanya
dapat makausap pa rin ng mga guro ang mga estudyante nilang nakararanas ng problema sa connectivity sa
online classes. Puwede umano ito sa pamamagitan ng pagtawag, pag-text o sa Messenger. "We encourage
opportunities to still directly interact with the learners even if there are glitches," ani Malaluan.

Ayon naman kay Maria Isabel Tungo at sa ilang guro, natuto silang maging creative o malikhain dahil sa
online classes. "Natuto ang mga teacher na maging flexible and creative na gumawa ng mga learning materials.
"Ngayon maraming application ang ginagamit ang teacher para ma-engage ang mga bata at kahit papaano
makuha ang atensyon," dagdag niya.May kahirapang ipatupad ang online learning sa Sulu dahil sa ilang mga
problemang kinakaharap ng mga estudyante sa lugar, ayon sa isang opisyal ng Department of Education sa
naturang probinsya.

Ayon kay Kiram Irilis, schools division superintendent sa Sulu, hindi kayang ipatupad ang online learning
sa kanilang probinsya dahil sa mabagal na internet connection, problema sa supply ng kuryente, at kawalang
kakayahang bumili ng laptap o smartphone ng mga magulang ng estudyante dahil sa kahirapan. Dagdag pa niya,
plano nilang mag-produce ng mga printed learning materials at modules para ipamahagi sa mga bata Hindi na
aniya, kailangang pumunta ng paaralan ng mga bata at sa bahay na lang ito ipagpapatuloy ang pag-aaral sa
gabay ng mga magulang at regular din dapat ang monitoring ng mga guro sa kanilang mga estudyante. "I-house
to house rin ng mga teachers natin pagdating ng mga printed materials.
Ayon pa kay Irilis, hindi rin pwedeng gamitin ang cellphone, telebisyon at radyo bilang alternative medium
of learning dahil hindi naman lahat ng kanilang estudyante ay may Cellphone, TV at radyo sa bahay, habang
ang ilan nama'y walang supply ng kuryente. Ang ONLINE CLASS ay isang plataporma ng pag-aaral kung saan
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

ay idinadaos sa pamamagitan ng paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng


bahay upang magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral.Nang magkaroon ng
lockdown sa mga bansang apektado ng COVID19 Crisis, nakapagpatuloy pa rin ang mga estudyante mula
elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang pagaaral gamit ang computer.

KABANATA 3
METODOLOHIYA
Ang kabanatang ito ay may nilalaman na Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral, Pamamaraan sa
Pananaliksik, Pangongolekta ng Datos at Pag-aanalisa ng Datos.

PAGKUHA NG KASANGKOT SA PAG-AARAL

Ang mananaliksik ay maghahanap ng mga kwalipikadong respondente na nagkakaproblema sa Panahon ng


New Normal sa kursong Kriminolohiya sa Northwestern Visayan Colleges. Ipinamahagi ng mananaliksik ang
mga palatanungan (Questionnaire) sa mga piling respondenteng mag-aaral na nasa antas ng kolehiyo ito ay
binubuo ng sampung (50) respondente; labintatlo (13) babae at tatlumput pito (37) lalaki na mag-aaral sa
Northwestern Visayan Colleges na naninirahan. Ang bawat palatanungan ay naglalaman ng mga suliraning
kinahaharap ng mag-aaral sa panahong new normal. Sa pamamagitan ng mga tanong na inihanda ng
mananaliksik makakakuha ito ng sapat na impormasyon para sa datos na kakailanganin.

PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK

Sa pag-aaral na ito gumamit ang mananaliksik ng pamaraang “Random Sampling” upang makapagtipon ng
kinakailangang datos sa pag-aaral tungkol sa Suliraning Kinakaharap ng mga Mag-aaral sa Kursong
Kriminolohiya sa Northwestern Visayan Colleges sa Panahong New Normal

Makikita ang bawat suliranin sa panahong new normal sa pamamagitan ng talatanungan (questionnaire) na
ihahanda ng mananaliksik upang sagutin ng mga piling respondenteng mag-aaral sa kursong kriminolohiya sa
Northwestern Visayan Colleges

Sa bahaging ito inilalarwan ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mananaliksik ay
naghanda ng isang Sarvey-Kwestyoneyr o Talatanungan na naglalayong makapangalap ng mga datos.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

Ang Sarvey ay isang malawakang paraan sa pagkuha ng mga datos o impormasyon saisang deskriptibong
pananaliksik. Madalas itong gamitin sa pagsusuri ng kalagayan ng lipunan,pulitika, at edukasyon. Gamitin din
ito sa pagkuha ng preprensya, pananaw, opinyon, damdamin,paniniwala ng isang partikular na mga respondente
o ‘di kaya;y sa pamamagitan ng personal na pakikipag-usap sa mga taong kaugnay sa nasabing pananaliksik.

Ang Kwestoneyr o Talatranungan ay listahan ng mga planado at pasulat na taong kaugnay ng isang tiyak
na paksa, naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondente at inihanda para sagutan ng
maraming respondente. Sa madaling sabi, ang Palatanungan ay isang set ng mga tanong na kapag nasagutan
nang maayos ng kanilang bilang ng piniling respondente ay magbibigay ng mga impormasyong kailangan
upang makumpleto ang isang pananaliksik. Sarvey-Kwestoneyr partikular na tesk List ang napiling
pangunahing instrumenting ginamit sa paglikom ng mga datos sa pag-aaral na ito, sa dahilang naniniwala ang
mananaliksik na ito ang pinakamabisa at pinakamadaling paraan upang makalap ang mga kinakailangang datos
o detalye na nagbibigay ng kaangkupang tugon sa pangunahing suliraning inilahad. Nagsagawa rin ng
panganagalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa iba’t ibanghanguan katulad ng mga aklat, pahayagan,
journal, hand-outs at tisis. Kumuha rin ang mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet upang lalong maging
malinaw at matibay angpaglalahad ng mga detalyeng kaugnay sa nasabing pag-aaral.

PANGANGALAP NG DATOS
Pagkatapos na makapili ng tiyak na paksa para sa pag-aaral ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos
buhat sa mga aklat na may kinalaman sa kanilang paksa. Ang mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos
mula sa iba’t ibang websayt sa internet iba’t ibang tesis na maaaring iugnay sa paksa. Bukod sa nabanggit ang
mga mananaliksik ay nakapangalap din ng datos mula sa taong ekspert o kaalaman sa paksang napili ng mga
mananaliksik.
Sa araw ng pagsasarbey, isa-isang tinungo ng mga mananaliksik ang mga silid ng bawat pangkat kung
saan ang mga talatanungan ay ipinamahagi sa mga piling mag-aaral ng pangkat na iyon.Ang mga talatanungan
na agad namang sinagutan ng mga respondente ay agad ding kinuha
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

PAG-AANALISA NG MGA DATOS

Ang mga nakalap na datos ay sinuri, itinala, inanalisa ay inilahad upang Makita ang mga ginagawang pagsagot
ng mga respondente. Deskriptibong istatistika ang ginamit sa pag-aanalisa
ng mga datos upang matamo ang kasamang frequency at percentage distribution.Ginamit ng mananaliksik ang
mga sumusunod na rating na nagsisilbing gabay sa sariling pagpapasya ng mga respondente:

Rating Interpretasyon

5 Ganap na pagkatuto (GP)

4 Sapat na Pagkatuto (SP)

3 Katamtamang Pagkatuto (KP)

2 Walang Gaanong Pagkatuto (WGP)

1 Walang Pagkatuto (WP)

Pormula na Gagamitin sa Pagkuha ng Porsyento:

n = N
1+Ne2

Kung saan:
n- bilang ng sampol
N-bilang ng populasyon
e- pagitan ng pagkakamali
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

KABANATA 4
PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng presentasyon ng mga datos at analisis na nakalap gamit ang sarbey na
isang instrument sa pananaliksik na ito. Upang mas lalong maging impormatibo ang pananaliksik sa pag-aaral
na ito, nagsagawa ang mananaliksik ng pagsusuri sa pamamagitan ng sarbey o talatanungan upang makita at
mailahad ang suliraning kinahaharap ng mga mag-aaral sa kursong kriminolohiya sa Northwestern Visayan
Colleges sa panahon ng New Normal

KASARIAN

30%

Male Female

70%

Pi
gura 1. Nagpapakita ito ng bilang ng mga respondente batay sa kanilang kasarian. Makikita sa tsart na ito na
mas mataas ang bilang ng mga repondenteng lalaki na tinatalang may (70%) porsyento kumpara sa mga
respondenteng babae na may (30%) porsyento.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

Edad

40%

18-19 20-22

60%

Pigura 2. Nagpapakita ito ng bilang ng mga respondente batay sa kanilang edad. Makikita sa tsart na ito na mas
madami ang may edad na 20-22 na tinatalang may (60%) porsyento. Samantalang ang edad 18-19 naman ay
may (40%) porsyento.

Buwanang kita ng magulang


10%

10,000 pababa

15,000-20,000

90%
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

Pigura 3. Nagpapakita ito ng pagbabahagi ng mga respondente batay sa buwanang kita ng kanilang mga
magulang. Makikita sa tsart na ito na mas malaki ang kita ng kanilang mga magulang sa halagang 10, 000
pababa na tinatalang may (90%) porsyento. Samantalang ang buwanang kita na may halagang 15, 000- 20,000
ay may (10%) porsyento.

Mga labis na nagpahirap sa mga respondente sa panahong new normal

kawalan ng pasok face to face

modyular na paraan ng pag-aral

kawalan ng transportasyon

madalas na paggastos ng load

hindi agad masagot ang katanungan sa aralin

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50

Mga pagbabagong labis na nagpahirap sa mga respondente sa panahong new normal

Pigura 4. Nagpapakita ito ng bilang ng mga respondente batay sa mga pagbabagong labis na nagpahirap sa
kanila sa panahong new normal. Makikita sa tsart na ito na mas madami ang bilang ng mga mag-aaral na
madalas gumastos para sa load na may 30 puntos. . pangalawa, ay ang hindi agad masagot ang mga katanungan
sa aralin na may 10 puntos. Ang ikatlo ay ang modyular na paraan ng pag-aaral na may 8 puntos. Ang ikaapat
ay ang kawalan ng pasok face to face na may 7 puntos. At ang panghuli ay kawalan ng transportasyon na may 5
puntos na siyang tinatayang mababang bilang sa sarbey.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

Mga hadlang o suliraning kinakaharap ng mga respondente sa


panahong new normal

kawalan ng gadget /kagamitan

kakulangan sa budget para sa load /data

hindi maayos na koneksiyon sa internet

kawalan ng tahimik na lugar para sa pag-aaral

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50

Mga hadlang o suliraning kinakaharap ng mga respondente sa panahong new normal

Pigura 5. Nagpapakita ito ng bilang ng mga respondente batay sa mga hadlang o suliraning kinahaharap ng
mag-aaral sa panahong new normal. Makikita sa tsart na ito na mas madami ang bilang ng mga mag-aaral na
hindi maayos ang kanilang koneksiyon sa cellphone/internet na may 27 puntos. Pumangalawa naman ang
kakulangan sa badyet para sa load/data na may 13 puntos. Ikatlo, ay ang kawalan ng gadgets/kagamitan na may
6 puntos. At ang kawalan ng tahimik na lugar para sa pag-aaral ang siyang tinatayang pinakamababang puntos
sa surbey na may 4 bilang na puntos.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

Epekto ng panahong new normal sa akademik o pag-aaral ng mga


respondente

mahirap maka perfect sa pagsusulit

hindi makapagsulit sa takdang araw at oras ng


pasahan

hindi maipakita ang talento

hirap makasabay at makasali sa talakayan

hindi makasagot nang maayos sa tanong ng guro

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 50

Epekto ng panahong new normal sa akademik o pag-aaral ng mga respondente

Pigura 6. Nagpapakita ito ng bilang ng mga respondente batay sa kung paano nakaapekto sa kanilang akademik
o pag-aaral ang panahong new normal. Makikita sa tsart na ito na mas madami ang bilang ng mga mag-aaral na
hirap makasabay at makasali sa talakayan, sa datos ito ay may 25 na puntos. Ang ikalawa naman ay hindi
makasagot nang maayos sa tanong ng guro na may 10 na puntos ang mahirap makaperfect sa pagsusulit, hindi
makapagsulit sa takdang araw at oras ng pasahan at hindi maipakita ang talent ay parehas na 5 puntos.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

Sapat ba ang nakukuhang kaalaman ng mga respondente sa panahong


new normal
40

35

30

25

20

15

10

0
OO HINDI

Sapat ba ang nakukuhang kaalaman ng mga respondente sa panahong new normal

Pigura 7. Nagpapakita ito ng bilang sa sagot ng mga respondente batay sa tanong na sapat ba ang kanilang
nakukuhang kaalaman sa pag-aaral sa panahong new normal? Makikita sa tsart na ito na mas madami ang
sumagot ng HINDI na may 34 na puntos. At sagot na OO may isang 16 na puntos
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

KABANATA 5

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ipinapakita sa bahaging ito ang pangkalahatang lagom ng mga natuklasan, kongklusyon at rekomendasyon. Ito
ang huling kabanata ng isang saliksik at siyang pinakamahalaga sapagkat dito matatagpuan ang lagom ng
natuklasan paglalahad sa pamamagitan ng konklusyon at rekomendasyon para sa mga natuklasan.

LAGOM

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay maipaalam ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa
kursong kriminolohiya sa Northwestern Visayan Colleges. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng
Deskriptibong pamaraan .
Sa mga suliranin ang marami ang nagpahirap sa mga mag-aaral ang madalas na paggastos ng load na
may 30 na respondente na pumili, ang hindi maayos na internet na may 27 na respondente na pumili, hirap
makasabay at makasali sa talakayan na 25 na respondente ang pumili at sa huli naman na kung sapat ba ang
nakukuhang kaalaman ng mga respondente sa panahong new normal at 34 na respondente ang pumili sa HINDI
at 16 naman sa OO. Yan ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa kursong kriminolohiya sa
Northwestern Visayan Colleges sa Panahong new Normal.

KONGKLUSYON

Isang malaking bahagi ng pagkatuto ng isang mag-aaral ang pagpasok sa paaralan. Ngunit, sa
kasalukuyang nangyayari sa ating bansa, tayo’y kumakaharap sa pandemya sanhi ng mapaminsalang sakit na
kumakalat sa iba’t-ibang panig ng mundo. Isa ito sa maituturing na pagsubok sa ating buhay lalo na sa mga
mag-aaral na naapektuhan ang kanilang pagkatuto sa ganitong uri ng panahon. Dahil sa new normal maraming
pagbabago ang naganap sa larangan ng edukasyon, ipinatupad ang online distance learning na kung saan hindi
ito nangangailan ng pisikal na presensya sa paaralan upang matuto. Gumagamit na lamang ang mga guro at
mag-aaral sa kani-kanilang tahanan ng internet at kagamitang pang-teknolohiya sa kanilang pag-aaral. Base sa
mga nakalap na datos ng mananaliksik sa pag-aaral na ito maraming suliraning kinahaharap ang mga piling
mag-aaral sa kursong kriminolohiya sa Northwestern Visayan Colleges sa panahong new normal.

Ayon sa nakalap na datos ng pag-aaral na ito, ‘madalas na paggastos sa load’ ang pagbabagong labis na
nagpahirap sa mga mag-aaral na nasa antas ng kolehiyo. Marami ang sumagot sa mga respondenteng mag-aaral
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

na ang hadlang o suliraning kinahaharap nila sa panahong new normal online classes ay ang ‘hindi maayos na
koneksiyon sa cellphone/internet’.Lumabas din sa datos na naaapektuhan ang kanilang akademik o pag-aaral
dahil ‘hindi sila makasabay at makasali sa talakayan sanhi ng mahinang koneksiyon sa internet.

Batay sa pag-aaral ng mananaliksik bilang konklusyon sa pag-aaral na ito Nakita ng mananaliksik ang
hirap ng kalagayan ng mag-aaral sa panahong new normal ng edukasyon. Lubhang malaki ang negatibong
epekto ng pagbabagong ito sapagkat maraming sagot na “Hindi” ang ibinigay ng mga respondenteng mag-aaral
sa tanong na sapat ba ang kanilang nakukuhang kaalaman sa pag-aaral ngayong panahong new normal.

REKOMENDASYON
Sa mga nabanggit na konklusyon at datos ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay nagkaroon ng
rekomendasyon sa mga sumusunod:
Sa mga Administrasyon
1. Maglunsad ng programa o seminar sa mga kaguruan, magulang at mag-aaral upang mabigyan sila ng
kaalaman sa mga pagbabagong magaganap sa ilalim ng new normal sa edukasyon.

2. Magkaroon ng solusyon sa pagtugon ng mga pangunahing pangangailangan at suliranin ng mag-aaral sa


paggamit ng online educational flatform.

3. Magbigay ng modular na gawain na sumasaklaw sa isang linggong pag-aaral upang mabawasan ang
paggastos sa load ng mag-aaral.

Sa mga Guro

1. Bigyan ng impormasyon ang mga magulang ukol sa edukasyong nasa ilalim ng panahong new normal.

2. Magkaroon ng malawak pang-unawa sa kalagayan ng mga mag-aaral.3. Magbigay ng sapat na oras at takdang
araw sa mga mag-aaral upang makapagsulit ito ng mga kinakailangan sa kanilang pag-aaral. Sa ganitong paraan
mababawasan ang kanilang isipin o stress habang nag-aaral sa tahanan.
3. Magbigay ng konsiderasyon para sa mga mag-aaral na hindi makasabay sa talakayan. Dahil hindi lahat ng
mag-aaral ay pare-pareho ang estado ng pamumuhay at lakas ng koneksyon sa internet.
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

4. Magkaroon ng module para sa mag-aaral na hindi maka-access sa internet o walang sapat na kagamitang pang
online class. Sa ibang mag-aaral makatutulong ito sa kanila upang hindi lubos na gumastos ng load. Sa mga
Internet Service Providers1. Magbigay ng maayos na koneksyon upang hindi mahirapan ang mga mag-aaral at
guro na gumagamit para sa kanilang online classes.2. Magbigay ng promo o discount sa mga mag-aaral na
gumagamit ng internet. Sa ganitong paraan makakatulong sila sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman ng bata sa
ganitong uri ng panahon

Sa mga Mag-aaral

1. Sikaping paunlarin ang kaalaman at makisabay sa mga gawaing pampaaralan kahit may banta ng pandemya
sa ating bansa.

2. Isabuhay ang mga pinag-aaralan sa loob ng tahanan, maging matiyaga at gawing kapakipakinabang ang
bawat oras.

3. Tumulong at magbigay ng impormasyon sa mga kamag-aral na hindi lubos na makasabay sa talakayan sa


klase.

Sa mga Magulang

1. Gabayan ang kanilang mga anak at sikaping matulungan ito sa mga kinakailangan sa pagaaral online class
katulad ng pagbili ng load. Sa ganitong paraan, maiiparamdam nila sa bata ang kanilang suporta at pagmamahal
upang maabot nito ang pangarap sa buhay
NORTHWESTERN VISAYAN COLLEGES
COLLEGE OF CRIMINAL JUSTICE EDUCATION

TALASANGGUNIAN

• https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-problems-burdenstudents-coronavirus-
pandemic-philippines
• http://pananaliksikgrade12.blogspot.com/2018/11/pananaliksik-paggamit-ngteknolohiya.html
• https://news.abs-cbn.com/news/07/28/20/ilang-lumahok-sa-online-learning-simulationnakaranas-ng-mabagal-
na-internet-connection
• https://news.abs-cbn.com/news/07/28/20/ilang-lumahok-sa-online-learning-simulationnakaranas-ng-mabagal-
na-internet-connection
• https://torrestrish.wordpress.com/2016/02/04/problema-at-solusyon-ang-pagkababa-nggrado-ng-mga-
etudyante-dahil-sa-teknolohiya/
• https://torrestrish.wordpress.com/2016/02/04/problema-at-solusyon-ang-pagkababa-nggrado-ng-mga-
etudyante-dahil-sa-teknolohiya/
• https://torrestrish.wordpress.com/2016/02/04/problema-at-solusyon-ang-pagkababa-nggrado-ng-mga-
etudyante-dahil-sa-teknolohiya/
• https://news.abs-cbn.com/news/05/30/20/online-learning-hirap-ipatupad-sa-sulu
• https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ngmga-kabataan/

You might also like