You are on page 1of 2

Mental health pahalagahan, Sports ang Kailangan!

By: Raiven Andrei R. De Sagun

Isa sa mga paboritong gawin ng mga kabataan

ay ang sports, ang iba nga ay kinalakihan na ito kaya naging malapit ito sa kanilang buhay. Sa katunayan,
maraming mga tao ang naging parte na ng buhay ang sports at hindi mapakali kung wala ito, ang iba
naman ay dito na kumukuha ng pinagkakakitaan, mayroon ding mga taong ginamit ito upang makapasok
at makapagtapos ng kolehiyo at ang iba pa nga ay ito ang paraan upang mas paigtingin ang pagsasama
ng pamilya at makapag sama-sama’t makapag saya ang mag totropa, sa kabila nito ang sports ay
tinuturuan tayo ng pagkatalo at minsan ito ay nag bubunga ng bagong pagkakaibigan , ganoon kalapit
ang sports sa buhay ng marami kung kaya’t napakahalaga nito sa kanilang buhay.

Ang intramurals ay isa sa mga inaabangan ng mga estudyante sa paaralan ng President Jose P.
Laurel National High School, sa kaganapang ito mag lalaban at mag kokompitensya ang mga estudyante
sa larangan ng sports, kaya nang na kansela ito marami ang nadismaya at nagalit sapagkat matagal na
nila itong pinaghahandaan at tinututukan, marami din sa mga mag-aaral na gagamitin sana ang
pagkakataong ito upang takasan muna ang mga gawain sa paaralan at makapag saya muna upang
maiwasan ang mga mental health issues na maaaring makuha sa stress galing sa mga gawaing paaralan.

Ayon sa Webdm tumutulong ang sports sa stress. Mga 75 porsiyento hanggang 90 porsiyento ng
mga pagbisita sa doktor ay para sa mga sakit na nauugnay sa stress.

Ayon din sa survey na isinagawa ng Tennessee Chiropractic Association, 53% ang nagsasabing
maganda ang pakiramdam nila sa kanilang sarili pagkatapos mag-ehersisyo, 40% ang nagsasabi na ito ay
naglalagay sa kanila sa isang magandang kalagayan, 32% ang nagsasabing hindi gaanong stress ang
kanilang nararamdaman pagkatapos mag-mag-ehersisyo, 68% ng mga kabataan na nagsasabing sila ay
nag-eehersisyo o naglalakad upang makatulong na pamahalaan ang stress ay nagsasabi na ang
pamamaraan ay napaka-epektibo, Ang mga kabataan na nag-uulat na nag-eehersisyo nang hindi bababa
sa isang beses bawat linggo ay nag-uulat ng mas mababang average na antas ng stress sa nakaraang taon
ng pag-aaral kaysa sa mga kabataan na nag-uulat na nag-eehersisyo nang wala pang isang beses sa isang
linggo o hindi man lang.

Ang stress na dulot ng akademiko ay nagdudulot ng masasamang bagay kagaya ng depresyon,


anxiety, pagbawas ng iyong pagganyak na gawin ang trabaho, naaapektuhan ang iyong pangkalahatang
akademikong tagumpay, at pinapataas ang iyong posibilidad na huminto sa pag-aaral at Ilan sa mga
ginagawa ng mga estudyante ng paaralang President Jose P. Laurel National High School upang mapigilan
ito ay ang sports

Sa pag taas ng mga kaso ng mental health issues dulot ng akademiko maraming mga estudyante ang
naaapektuhan na ang pag-aaral. Isa sa mga irinerecomendang gawin ay pag-eehersisyo at sports dahil
tinutulungan ka ng sports na pamahalaan ang stress, ang pag-eehersisyo ay nagiging sanhi ng paglabas
ng iyong katawan ng mga endorphin, ang mga kemikal sa iyong utak na nagpapagaan ng sakit at stress.
Binabawasan din nito ang mga antas ng stress hormones, cortisol at adrenaline.

You might also like