You are on page 1of 2

Pagkilala sa Pagwawagi ng Laurelians

By: Darlene Krisha Pelayo

Nabigyang pagkilala ang mga nakikilahok sa baseball team na nagmula sa Grade 7-Hope ng President
Jose P. Laurel National High School matapos magtamo ng parangal ang Tanauan City dahil sa paggawa
nila sa isinagawang Philippine Little League Baseball Series na naganap sa Ilagan, Isabela noong ika-10 ng
Abril ngayong taon 2023. Hinangaan ng mga kapwa estudyante ang mga manlalaro na nagwagi dahil sa
ipinakita nila ng angking galing sa isport at naging inspirasyon ng nakararami dahil sa tibay ng loob at
lakas upang may panalo ang lungsod. Marami ang nagalak matapos makilala ang mga Laurelians na
nakilahok sa laro ng nationals.

Mundo ng Baseball

Saad ng isang mag-aaral sa President Jose P. laurel National High School na nakilahok sa philippine
little league baseball series na si Reon D. Lumbres, 12, "Ang baseball na isang sport na nakatutulong sa
akin mawala ang stress at nagbibigay saya sa akin." Dagdag pa niya, hindi niya iniinda ang hirap sa
paglalaro dahil napapalitan ito ng siya tuwing naglalaro siya.

Ayon din sa isa pang manlalaro mula sa President Jose P. Laurel National High School na si Kristoffer
M. Agojo, 12. Nag-umpisa ang kanyang paglalakbay sa larong baseball noong nag tryout siya sa barangay
ng Altura, Tanauan City noong nakaraang taon 2022. Pinagsabay niya ang kanyang pag-aaral at paglalaro.
Para sa kanya, ang paglalaro ng baseball ay nakakatanggal ng stress at nag e-enjoy siya kasama ang mga
kaibigan.

Naganap ang unang laro ni Kristoffer sa national sa isabela sa posisyon na pitcher, third base, left field,
at right field. Si Kristoffer ay nakakuha ng dalawang puntos laban sa Ilocos Norte. Isiniwalat din nila na
ang Ilocos Norte ang pinakamabigat silang na kalaban sa nationals.

Pag wawagi ng Laurelians sa Nationals

Nag-umpisa ang laban at nakuha agad ng sunod-sunod na puntos ang Tanauan City laban sa Ilocos
Norte. Ngunit, hindi nagpatinag ang Ilocos Norte at sinubukan bumawi. Subalit hindi ito nagtagumpay.
Hindi nag paawat mga manlalaro ng Tanauan City at hindi pinagbigyan ang kalaban. Hindi nakahabol ang
Ilocos Norte at natambakan ng Tanauan City. Sa huli, nagwagi ang Tanauan City sa puntos na 11-0.
Namayagpag ang pangalan ng lungsod ng Tanauan matapos na maiuwi ang tagumpay laban sa Ilocos
Norte.

Malayo na ang narating ng mga manlalarong ito, ngunit patuloy pa rin silang nag susumikap upang sa
huli ay maka abot sila sa internationals. Matinding hirap man ang naranasan, hindi sila sumuko at
patuloy na lumalaban para sa pangarap. Malaki ang ibinuhos nilang sakripisyo at lakas para sa larong ito
upang makamit ang karangalang natatanggap nila ngayon. Hindi madali ang buhay bilang isang
manlalaro ngunit para sa kanila, ito ang nag bibigay sa kanila ng ligaya na hindi matutumbasan ng kahit
ano pang bagay.

You might also like