You are on page 1of 3

Gawain sa Pagkatuto

Science 3
Unang Markahan – Ikaanim na Linggo
Pangalan: ____________________________ Petsa: _________
Baitang: ______________________________ Seksiyon: ______

Blg. Ng MELC:__2__
MELC: Describe changes in material based on the effect of temperature
(Liquid to Solid)
Pamagat ng Aralin: “Liquid to Solid”

Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot at


isulat ito sa patlang.
____1. Ano ang nangyayari sa kandila kapag ito ay naiinitan?
A. nagiging liquid B. nagiging gas
C. nagiging solid D. walang nangyayari
____2. Ano ang mangyayari sa natunaw na kandila kapag ito ay nalamigan?
A. mananatiling liquid B. walang nangyayari
C. bumabalik sa dating sukat D. Ito ay muling mabubuo o nagiging solid
____3. Naglagay ang nanay ng tubig sa plastic at nilagay ito sa freezer. Ano
ang maaaring mangyari sa tubig?
A. Ito ay magiging gas B. Ito ay mananatiling tubig o liquid
C. Ito ay mabubuo o magiging solid D. Ito ay magiging masarap cream
____4. Alin sa mga sumusunod na solid ang HINDI nagiging liquid kapag
naiinitan?
A. mantikilya B. tubig
C. ice cream D. gulay
____5. Anong pagbabago ang magyayari sa sorbetes kapag ito ay
nalalamigan o nilagay sa freezer?
A. Ito ay mananatiling liquid B. Mula solid, ito ay magiging liquid
C. Mula liquid, ito ay magiging solid D. Mula liquid, ito ay magiging gas
____6. Ano ang tawag sa pagbabagong anyo ng liquid patungo sa anyong
solid?
A. melting B. freezing C. evaporation D. condensation
____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
A. yelo B. sorbetes C. lapis D. ice candy
____8. Mula sa anyong liquid patungo sa anyong solid, ito ay __________.
A. freezing B. freezing
C. condensation D. evaporation
____9. Bakit nagkakaroon ng pagbabago ng anyo ang mga bagay tulad ng
yelo at kandila?
I. Dahil ito ay naiinitan o nagbabago ng temperatura.
II. Dahil ito ay nalalamigan o nagbabago ng temperatura.
III. Dahil ito ay naiinitan at nagiging gas.
A. I at II B. II at III C. I at III D. I, II at III
____10. Bakit nagiging yelo ang tubig kapag inilagay sa freezer?
A. dahil ito ay nalamigan B. dahil ito ay nainitan
C. dahil ito ay naarawan D. dahil ito ay natunaw

Panuto: Isulat kung T kung tama ang ipinapahayag at M kung mali.

_____1. Ang mga bagay tulad ng solid ay natutunaw o nagiging liquid


kapag naiinitan o naarawan.
_____2. Ang mga halimbawa ng solid na natutunaw kapag naiinitan ay ang
mantikilya, yelo, kape at asukal.
_____3. May mga bagay naman tulad ng liquid ang nabubuo o nagiging
solid kapag nalalamigan o nilalagay sa freezer.
_____4. Ang mga halimbawa ng mga bagay na nabubuo o nagiging solid
kapag nalalamigan ay ang tubig, sorbetes, ice candy, at kandila.
_____5. Maaring magkaroon ng water vapor sa pinaglalagyan ng likido
kapag ito ay nalamigan.
_____6. Inilagay ni Lito ang natunaw niyang tsokolate sa freezer para muli
itong mabuo.
_____7. Ang krayola kapag nainitan ay natutunaw pero nagiging solid kapag
nalamigan.
_____8. Lahat ng liquid ay hindi na pwedeng maging solid.
_____9. Ang natunaw na ice cream ay hindi na maaaring mabuo.
_____10. Ang proseso ng pagbabagong anyo ng likido patungo sa anyong
solid ay tinatawag na freezing.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

REBECCA G. HORDOÑEZ AGNES B. SAULER

You might also like