You are on page 1of 2

Unang Markahan

Gawaing Pagsasanay sa Math 3


Week 6-MELC 12

Pangalan: __________________________________________ Petsa: ____________________

Baitang at Pangkat: _____________________________ Guro: ________________________

Gawain 1
Panuto: Basahin ang word problem. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa papel.
Nagdala si Mang Felipe ng 3 420 itlog sa supermarket at 4 278 na itlog naman ang dinala nya sa
pamilihang bayan. Ilan lahat ng itlog na dinala ni Mang Felipe sa araw na ito?
_____1. Ano ang tinatanong sa suliranin?
A. Bilang ng itlog na dinala sa supermarket
B. Bilang ng itlog na dinala sa araw na ito
C. Bilang ng itlog na dinala sa pamilihang bayan
D. Bilang ng itlog na dinala sa tahanan

_____2. Ano ang ibinigay na datos?


A. 4 278 itlog sa pamilihang bayan
B. 3 420 itlog sa supermarket at 4 278 itlog sa pamilihang bayan.
C. 3 420 itlog sa supermarket.
D. Walang nabanggit na datos
_____3. Ano ang operasyon na gagamitin?
A. Addition B. Subtraction
C. Multiplication D. Division
_____4. Ano ang tamang number sentence?
A. 3 420 + 4 278 = N
B. 3 420 – 4 278 = N
C. 3 420 ÷ 4 278 = N
D. 3 420 x 4 278 = N
_____5. Ano ang sagot?
A. 7 688
B. 7 678
C. 7 698
D. 7 689

Gawain 2
Panuto: Basahin ang suliranin sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na tanong pagkatapos nito.
Kung buwan ng Hulyo nakapag-ipon si Mona ng PhP148 mula sa kanyang allowance at PhP125
naman ang naipon ng ate niya. Magkano ang kabuoang pera nila?

1. Ano ang tinatanong sa suliranin?


____________________________________________________________
2. Ano ang mga datos o given?
____________________________________________________________
3. Ano ang panandang salita?
____________________________________________________________
4. Anong operation ang gagamitin?
____________________________________________________________
5. Ano ang pamilang na pangungusap o number sentence?
____________________________________________________________
6. Ano ang sagot?

V. Pagtataya (Assessment) (1-5 items)


Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kung ang 1 225 na batang lalaki at 722 na batang babae ang nakahanay para sa flag ceremony,
ilan lahat ang batang nakahanay?

1. Ano ang tinanong sa suliranin? _______________________________________________

2. Ano ang mga datos o given?______________________________________________________

3. Ano ang panandang salita? __________________________________________________

4. Anong operation ang gagamitin?______________________________________________

5. Ano ating pamilang na pangungusap o number sentence? _____________________

6. Ano ang sagot?_______________________

Inihanda ni:
RIZA E. QUIZON
Math 3 Key Coordinator

You might also like