You are on page 1of 2

SEMI- DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EPP IV

I. Layunin:

a. naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang


ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan;

b. naipapakita ang wastong pamamaraan sa pagpili ng itatanim na halamang


ornamental; at

c. naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng halamang ornamental


sa masistemang pamamaraan.

II. Paksang- Aralin

Paksa: Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental

Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Patnubay ng guro

Materyales: Papel, Laptop, Powerpoint presentation, Manila Paper

III. Pamaraan

A. Pang araw-araw na gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagpuna sa kapaligiran

4. Pagtatala ng lumiban sa klase

5. Balik-aral

- Saan maaring itanim ang halamang ornamental na bermuda grass o carpet grass?

( Malawak at bakanteng lugar)

B. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

- Pag-isipin ang mga mag-aaral:

Magla-landscape gardening ang isang mag-anak ngunit hindi nila maisip kung anong
halaman / punong ornamental ang itatanim, paano mo sila tutulongan upang makapili ng
tamang halaman.

2. Paglalahad ng Aralin

- Maghanda ng mga larawan sa pisara, papiliin ang mga mag-aaral ng halaman/punong


itatanim. Ipasulat ito sa papel at ipadikit ito sa kahon na nasa pisara.

• Mataas na puno • namumulaklak

•madaling buhayin •halamang nabubuhay sa lupa


3. Pagtatalakay ng Aralin

- Pagtatalakay ng halamang/ punong ornamental na may iba't ibang katangian. Ito ay may
mga halamang/puno na mataas o mababa, may namumulaklak o di- namumulaklak, may madali
o medyo mahirap buhayin, may nabubuhay sa lupa o sa tubig. Kaya mahalagang piliin ang
itatanim na halamang ornamental sa angkop na lugar ng pagtatanim.

4. Paglalapat (aplikasyon)

- Panuto: Itala ang mga kapakinabangan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental.

5. Paglalahat

- Sa pagpili ng mga halaman / puning ornamental na itatanim para sa paggawa ng


landscape gardeningc, dapat isaaalang-alang ang lahat ng mga bagay na makatutulong sa
ikauunlad ng gagawing proyekto.

IV. Pagtataya ( Assessment)

Panuto: Itugma ang halamang ornamental na naayon sa mga salita sa hanay A at B.

A B

____1. Pine tree a. Mahirap buhayin

____2. Orchids b. Di namumulaklak

____3. Rosas c. Halamang puno

____4. San Francisco d. Nabubuhay sa tubig

____5. Waterlilly e. Namumulaklak

f. Gumagapang

V. Takdang- Aralin

Magtala ng tig-limang halamang ornamental na maaaring itanim na may kasamang ibang


halaman.

Prepared by: JAMIEKA JAIZEL V. BUZMION

Substitute Teacher

Checked by : REMELIE V. CEDRO

Principal I

You might also like