You are on page 1of 5

Annex D: Sample LAS

LEARNERS ACTIVITY SHEET (LAS)

Unang Bahagi
Asignatura: EPP Linggo: 2 Tagal: 1-5 Araw Petsa: _________________

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang

Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet at email. EPP4IE-Oc-5
 Natatalakay ang mga panganib na dulot ng mga di-kanais-nais na mga software (virus at
malware) mga nilalaman, at mga pag-asal sa internet. , EEP4IE-Oc-6
 Nagagamit ang kompyuter, internet, email sa ligtas at responsableng pamamaraan. EEP4IE-Oc-7
 Naipapaliwanag ang kaalaman sa paggamit ng computer at internet bilang mapagkukunan ng iba-
ibang uri ng impormasyon. EPP4IE-Oc-8
Mga Layunin:
 Maipapaliwanag ang tamang paggamit ng Computer
 Matutunan ang panganib na dulot ng virus at malware.
 Magamit ang computer, internet at email sa ligtas na paraan.
Paksa: Pamantayan sa Tamang Paggamit ng Computer

Mga Mag-aaral,

Magandang araw! Ang mga sumusunod ay gawain na maaari ninyong gawin sa isang buong lingo. Intindihing
maigi ang mga panuto at sagutan ng maayos ang mga katanungan. Kung kayo ay nalilito maaaring mag tanong
sa inyong magulang o nakatatandang kapatid. Higit sa lahat huwag kalimutang maglibang habang ginagawa
ang mga gawain na inihanda para sa inyo.

Nagmamahal,

Ang inyong Guro

Ikalawang Bahagi
Pamantayan sa Tamang Paggamit ng Computer

Panimula (Susing Konsepto):


Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang paggamit ng kagamitan at pasilidad sa
Information and Communication Technology (ICT) katulad ng computer, email at Internet. Kailangan
mahusay na mapag-aralan ang mga gabay sa ligtas at responsableng paggamit ng computer, Internet, at
email sa paaralan.
Pamantayan sa tamang paggamit ng computer:
1. May sandalan ang upuan at maaaring i-adjust ang taas nito.
2. Habang nagta-type mas mababa nang kaunti ang keyboard sa kamay
3. Bahagyang nakaangat ang kabilang dulo ng keyboard
4. Nakaupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa.
5. Tama lang at hindi masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa mouse at naiki-click
ito nang mabilis.

 Ang mga Mapanganib na Malware at Virus sa Kompyuter


Malaki ang pakinabang sa atin ng paggamit ng internet. Sa pag-aaral, nagagamit natin ito sa
pagsasaliksik ng mga impormasyon sa paksang –aralin.Nakakapagpalitan tayo ng mga mensahe at makakukuha
ng mga larawan, awitin, video, at iba pa p ang bagay na nagagamit sa pag-aaral Subalit may panganib na
kaakibat ang patuloy na paggamit ng internet.Isa na rito ang pagkalat ng malware at computer virus.mahalagang
malaman kung ano ang mga ito.Ang malware o malicious software ay idinisenyo upang makasira ng
computer.
Sa pamamagitan ng malware, maaaring illegal na makuha ang sensitibong impormasyon mula sa
computer.
Ang mga halimbawa ng malware ay virus, worm, o Trojan.
 VIRUS- Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa. Mas
matindi ito kaysa sa worm. halimbawa nito ay W32 SFCLMOD
 WORM-Isang nakapipinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito
sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network. halimbawa: W32 SillyFDCBBY,
W32Trresba.
 SPYWARE-Malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila alam.
 ADWARE-Software na awtimatikong nagpe-play, nagpapakita o nagda-downloadingo
advertisement sa computer.
 KEYLOGGERS-Malware na nagtatala ng lahat ng mga pinidot sa keyboard keystrokes
at ipinadadala ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password at personal
na data ng mga biktima.
 DIALERS-Software na may kakayahan tumawag sa mga telepono gamit ang computer kung ang
dial-up modern ang gamit na internet connection.
 TROJAN HORSE-isang mapanirang program na nagkukuwaring isang kapaki-pakinabang na
application ngunit pinipinsala ang iyong computer, Nakukuha nito ang iyong mahahalagang
impormasyon pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa:JS Debeski Trojan

Ang computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang makapanira ng mga lehitimong
aplikasyon o iba pang program ng computer. Ito ay kusang umuulit at nagpaparami ng sarili. Karaniwan itong
pumapasok sa mga computer nang walang pahintulot mula sa gumagamit o user.
Narito ang iba pang mapapansin kapag may virus na ang kompyuter.
• Biglaang pagbagal ng takbo ng kompyuter
• Paglabas ng mga error message sa binubuksang websites.
• Di-pangkaraniwang ingay sa loob ng kompyuter
• Hindi paggana ng anti-virus software ng kompyuter
• Biglaang pagre-restart ng kmpyuter
• Pagbabago ng anyo ng kompyuter tulad ng desktop. display. wallpaper, cursors

 Ang Gamit ng Kompyuter at Internet o Information Communication Technology (ICT)


Naranasan mo na bang magsaliksik o manglekta ng impormasyon? Bukod sa mga libro, magasin,
diksiyonaryo,at iba pa, maaari di tayong gumamit ng impormasyon at communications technology
(ICT) para rito. Malaking tulong ang internet sa pagsaliksik tungkol sa ibat-ibang paksa. Makatutulong
sa iyo ang kasalukuyang paksa upagn lubos na maunawaan ang konsepto ng computer, internet, at ICT ,at
kung paano magagamit ang mga ito sa iyong pananaliksik.
Bago pa mauso ang kompyuter at internet, sa silid aklatan nagpupunta ang mga tao upang maghanap
ng impormasyon at kaalaman gamit ang mga aklat, diyaryo, at kung ano ano pa na maaaring gawing
sangggunian tungkol sa iba-ibang bagay.

 Naipapaliwanag ang mga Panuntunan sa Paggamit ng Kompyuter


Ang computer ay isang kagamitang tumutulong sa atin sa pagproseso ng datos o impormasyon.
Maaari itong gamitin bilang imbakan ng mahahalagang dokumento na nasa anyong elektroniko o soft
copy. May maliliit na computer gaya ng person al computers, laptops, tablets, at mayroon naming
mainframe computers na ginagamit ng malalaking kompanya.
Ang teknolohiya na ito sa information and communication Technology o (ICT) ay tumutukoy sa
ibat-ibang uri ng teknolohiya na ginigamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-imbak, lumikha, at
magbahagi ng mga impormasyon, Ilan sa halimbawa ng ICT ang radyo, telebisyon, smart phones, computer
at internet.
Paano makatutulong ang mga makabagong teknolohiya ito sa pangangalap ng ibang-ibang uri ng
impormasyon?
Sa pangangalap ng impormasyon sa internet gumagamit tayo ng mga web browser gaya ng Internet
Explorer, Mozilla Fire fox, at Google chrome. Mga search engine sites naman tulad ng Google o Yahoo ang
binabasa natin upang mas mapadali ang pangangalap ng impormasyon.
• Mas mabilis na komunikasyon-Ang mga mobile phone webcam, at instant messaging
applications ay ilan lamang sa produktong ICT na tumutulong para sa mas mabilis at mas malawak
na komunikasyon.
• Maraming trabaho- Nagbukas din ang ICT ng maraming oportunidad para sa tao upang
magkaroon ng hanapbuhay tulad ng pagiging computer programmer, web designer, graphic artist,
encoder, at technician.
• Maunlad na komersiyo- malaki rin ang ginagampanan ng ICT upang mas mapaunlad ang
pangangalakal. Tinatawag na e-commerce ang pagbebenta at pagbili ng kalakal sa tulong ng
internet.
• Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon- Ngayong tayo ay nasa
information age, isang mahalagang kasanayan ang matalinong pagsusuri at pangangalap ng
makabuluhang impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya.

Gawain 1
Panuto. Isulat sa patlang bago ang bilang ng bawat aytem ang T kung Tama ang pahayag at M naman kung
Mali ang pahayag.
_____1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga ICT
equipment at gadgets.
_____2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw.
_____3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo gamit ang internet.
_____4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo naiintindihan.
_____5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong liliban ka sa klase
_____6. Ang virus ay kusang dumdarami at nagpapalipat-lipat sa mga document o files sa loob ng computer.
_____7. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan na may virus ito.
_____8. Ang worm ay isang malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila
nalalaman.
_____9. Ang malware ay anumang uri ng software na idinisenyo upang manira ng sistema ng computer.
_____10. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa na nagkukunwaring isang kapakipakinabang na
aplikasyon.

Gawain 2
Panuto. Hanapin sa Hanay B ang gamit ng mga bagay sa Hanay A. Pagtambalin ang mga ito sa pamamagitan
ng linya.
Hanay A Hanay B
Internet a. Electronic device na ginagamit upang mas mabilis na
makapagproseso ng datos o impormasyon
Kompyuter b. Isang malawak na ugnayan ng mga computer network na
maaaring gamitin ng publiko sa buong mundo
Smarthphone c. Tumutukoy sa ibat-ibang uri ng teknolohiya,gaya ng
radyo,telebisyon,telepono,smartphones,computer,at internet
ICT d. Halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba sa simpleng mobile
phone na maaari ding makatulong sa iyo sa pangangalap at
pagproseso ng impormasyon
Email e. Napabilis ito sa tulong ng ICT

Gawain 3
Panuto. Sagutin ang mga tanong nang may kahusayan. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Paano mo tinitiyak na ligtas ka sa paggamit ng computer at internet sa pangangalap ng
mga impormasyon
_____________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang kompyuter at internet? Bakit?
_____________________________________________________________________
3. Ano ang madalas na dahilan kung bakit kailangan mong pumunta sa kompyuter shop?
____________________________________________________________________
4. Kung ikaw ang may-ari ng computer shop paano mo pangangalagaan ang mga
kabataang pumapasok sa iyong shop?______________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
ASSESSMENT CHECKLIST

I- Bahagi

Asignatura: EPP Linggo: 2 Tagal: 1-5 Araw Petsa: _________________

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang

Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet at email. EPP4IE-Oc-5
 Natatalakay ang mga panganib na dulot ng mga di-kanais-nais na mga software (virus at
malware) mga nilalaman, at mga pag-asal sa internet. , EEP4IE-Oc-6
 Nagagamit ang kompyuter, internet, email sa ligtas at responsableng pamamaraan. EEP4IE-Oc-7
 Naipapaliwanag ang kaalaman sa paggamit ng computer at internet bilang mapagkukunan ng iba-
ibang uri ng impormasyon. EPP4IE-Oc-8
Mga Layunin:
 Maipapaliwanag ang tamang paggamit ng Computer
 Matutunan ang panganib na dulot ng virus at malware.
 Magamit ang computer, internet at email sa ligtas na paraan.
Paksa: Pamantayan sa Tamang Paggamit ng Computer

II- Bahagi
To be checked by parent/s

PAHAYAG OO HINDI PUNA –


Pakibilogan ang numero ngiyong sagot.

Gawain 1 1- Hindi nagawa


Ang mag aaral ay nauunawaan ang tamang 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
paggamit ng kompyuter. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 2 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay natutukoy ang kahulugan ng 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
mga salitang intenet at iba pa. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 3 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay nagawang sagutan sa bawat 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
Gawain. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Komentaryo:

____________________________________
Pangalan ng magulang/ Taga pag alaga

Ibibigay kay : _____________________________


(Pangalan ng Guro)

Petsa: ________________________
(Petsa ng Pagbibigay)

You might also like