You are on page 1of 4

Annex D: Sample LAS

LEARNERS ACTIVITY SHEET (LAS)

Unang Bahagi
Asignatura: EsP Linggo: 2 Tagal: 1-5 Araw Petsa: ___________________

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang


Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Nasusuri ang katotohanan bago gumawa ng anumang hakbangin batay sa mga nakalap na
impormasyon sa balitang napakinggan. EsP4PKP- Ic-d – 24 (MELC p 73)
Mga Layunin:
 Masusuri ang mga impormasyong napapakikinggan bago gumawa ng hakbang.
Paksa: Pagsusuri ng balita

Mga Mag-aaral,

Magandang araw! Ang mga sumusunod ay gawain na maaari ninyong gawin sa isang buong lingo. Intindihing
maigi ang mga panuto at sagutan ng maayos ang mga katanungan. Kung kayo ay nalilito maaaring mag tanong
sa inyong magulang o nakatatandang kapatid. Higit sa lahat huwag kalimutang maglibang habang ginagawa
ang mga gawain na inihanda para sa inyo.

Nagmamahal,

Ang inyong Guro

Ikalawang Bahagi
Pagsusuri ng Balita

Panimula (Susing Konsepto)

Narinig mo na ba ang salitang Covid 19? Social distancing? At lockdown? Ilan lamang ito sa mga
laman ng bawat balitang ating naririnig sa radyo, TV at social media. Apektado ang bawat tagapakinig sa lahat
ng balitang ito,ngunit hindi lahat ng balitang ito ay may mabuting epekto at nagsasaad ng katotohanan. Kung
kayat ang bawat napakikinggan natin ay nanghihikayat ng masusing pagsusuri.
Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o nababasa sa pahayagan ay makatutulong sa
tamang pagpapasiya. Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat sa mga bagay na bago
sumang-ayon ay nasusuri nang lubos upang mapagpasiyahan ng buong pagpapahalagang desisyon. Paano kaya
natin dapat suriin ang mga balitang ating napakikinggan sa radyo o nababasa sa pahayagan? Nakaaapekto ba ito
kung mali ang impormasyon na ating naihatid sa ating kapuwa?

Gawain 1:
Panuto
Basahin, suriin at unawain ang bawat pahayag at tanong na nakatala sa bawat gawaing ito. Sagutin ito
ng may katapatan at pagsusuri. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Ang Balita ni Tatay Nato

Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si


Mang Nato.
“Magandang umaga, mga kababayan!

Ito na naman po ang RACC Balita, Nagbabalita Ngayon!”

“Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na


may gulang na walo hanggang sampu ang nakagat
ng aso sa bayan ng Salvacion. Ito ay ayon kay Dr. Jacob R. Platon ng Ve terinary Office.
“Kung hindi ito maaagapan, maaari nila itong ikamatay. Pinag--iingat ang mga mamamayan
lalo na ang mga bata.”
“Pinakikiusapan din ang mga may -ari ng aso na maging responsable sa kanilang mga alagang hayop na
pabakunahan ng anti -rabies at itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya.”
Nabahala si Mang Nato sa napakinggang balita sa radyo. Kinausap niya ang kaniyang mga anak.
Binigyan niya ang mga ito ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.
“Ano po ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso, Tatay?” tanong ni Anika sa ama.
“Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay na komunsulta na agad
sa doktor para malapatan ng paunang lunas.”

1. Anong uri ng balita ang nasa kwento?


a. Magandang Balita c. Mapanghamong Balita
b. Hindi masuring Balita d. Wala sa nabanggit

2. Kanino galing ang balita o ulat tungkol sa mga batang namamatay dahil sa rabies?
a. RACC Balita
b. Tatay Nato
c. Tatay Natoy
d. Anika

3. Paano dapat sinusuri ang isang balitang napakinggan?


a. Ipinagsasawalang bahala.
b. Magtanong sa mga nakatatanda o humanap ng mapagkakatiwalaang site sa internet
c. Ikuwento ito sa iba.
d. Ilagay ito sa Facebook at hayaang may magreact kung ito ay tama o mali.

4. Ang mga mapanghamong balita ay mga balitang nanghihikayat ng pag-iingat at nagsasaad ng sensitibo
at negatibing pangyayari. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
a. Libreng internet at tablet para sa lahat, munghahi ng isang senador.
b. Catriona Gray nanalong Miss Universe.
c. Rehiyon dos, isang buwan ng walang kasi ng Covid 19.
d. Lalaki patay matapos umanong manlaban sa pulis

5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay ukol sa balita niyang
napakinggan? Bakit?
a. Oo, dahil iyon ang gusto niya.
b. Oo, dahil iyon ang nakabubuti para sa akin.
c. Hindi, dahil hindi naman iyon makaktulong.
d. Hindi, dahil hindi naman beterenario si tatay

Gawain II
Suriin ang kategorya ng pahayag na nakalahad sa bawat bilang. Iguhit ang masayang mukha sa patlang

kung ang pahayag ay nagsasaad ng mapanghamong balita at malungkot na mukha naman kung ang
pahayag ay nagsasaad ng magandang balita.
_____1. Pulis, na sangkot sa droga.
_____ 2. Tulong mula sa iba’t-ibang sector, laganap sa buong bansa.
_____ 3. Isang pulis patay matapos umanong manlaban sa isang buy-bust operation ng mga kasamahan
niya.
_____ 4. Ang masaker sa pamilya ang pinakamalupit na naganap sa kanilang lugar.
_____ 5. Covid 19 vaccine maaari ng mahanap.

Gawain III
Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan. Ikategorya ito sa
Magandang Balita o Mapanghamong Balita.
ASSESSMENT CHECKLIST

I- Bahagi

Asignatura: EsP Linggo: 2 Tagal: 1-5 Araw Petsa: ___________________

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang


Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Nasusuri ang katotohanan bago gumawa ng anumang hakbangin batay sa mga nakalap na
impormasyon sa balitang napakinggan. EsP4PKP- Ic-d – 24 (MELC p 73)
Mga Layunin:
 Masusuri ang mga impormasyong napapakikinggan bago gumawa ng hakbang.
Paksa: Pagsusuri ng balita

II- Bahagi
To be checked by parent/s

PAHAYAG OO HIND PUNA –


I
Pakibilogan ang numero ngiyong sagot.

Gawain 1 1- Hindi nagawa


Ang mag aaral ay nagawang suriin ang mga 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
balitang napapakikinggan. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 2 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay nagawang tukuyin kung ang 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
isang balita ay isang huwad/ mapanghamon o 3- Kinakailangan pagbutihan
magandang balita. 4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 3 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay nagawang bumuo ng 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
mapanghamong balita at magandang balita 3- Kinakailangan pagbutihan
ayon sa kanyang napapakinggan. 4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Komentaryo:

____________________________________
Pangalan ng magulang/ Taga pag alaga

Ibibigay kay : _____________________________


(Pangalan ng Guro)
Petsa: ________________________
(Petsa ng Pagbibigay)

You might also like