You are on page 1of 4

Annex D: Sample LAS

LEARNERS ACTIVITY SHEET (LAS)

Unang Bahagi
Asignatura: Filipino Linggo: 3 Tagal: 1-5 Araw Petsa:

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang

Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay) F4PB-Ia-97
 Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula- kasukdulan- katapusan F4PB-Ii-24
Mga Layunin:
 Matutukoy ang mga elemento ng Kuwento
 Matutukoy ang Bahagi ng Kuwento
Paksa: Elmento ng Tula/ Pagtukoy ng Bahagi ng kwento

Mga Mag-aaral,
Magandang araw! Ang mga sumusunod ay gawain na maaari ninyong gawin sa isang buong lingo. Intindihing
maigi ang mga panuto at sagutan ng maayos ang mga katanungan. Kung kayo ay nalilito maaaring mag tanong
sa inyong magulang o nakatatandang kapatid. Higit sa lahat huwag kalimutang maglibang habang ginagawa
ang mga gawain na inihanda para sa inyo.
Nagmamahal,
Ang inyong Guro

Ikalawang Bahagi

Elemento ng Kuwento
Panimula (Susing Konsepto)

Ang kuwento ay may mga elemento. Ito ay ang Tagpuan, Tauhan, at mga Banghay.
 Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o lugar at panahong pinangyarian, ginalawan at kapligiran ng mga
tauhan.

 Tauhan- ditto malalaman kung sino-sino ang mga magsisiganap sa kuwento at bida kung ano ang
papel na gagampanan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o suporta.

 Banghay- Ito ay tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

Pagtukoy ng Bahagi ng Kuwento- Simula- Kasukdulan- Katapusan

Bawat kuwento ay binubuo ng pangunahing pangyayari o simula, patapos na aksiyon, kasukdulan, pababang
aksiyon, at katapusan o wakas ng kuwento.

May tatlong bahagi ang kuwento. Ito ay ang mga sumusunod:


1. Simula- lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa.
Kinapapalooban ito ng:
a. Pagpapakilala sa tauhan
b. Pagpapahiwatig ng suliraning kahaharapin ng mga tauhan
c. Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa, ng damdaming palilitawin sa kuwento
d. Paglalarawan ng Tagpuan

2. Kasukdulan- sa bahaging ito unti-unting naalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, Dito natutukoy ang
katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay.

3. Katapusan- ito ang resolusyon o kinahihinatnan ng kuwento.


Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong elemento ng kuwento ang mga sumusunod na pangyayari. Isulat sa patlang kung
ito ay tagpuan, tauhan, o banghay.

__________1. Inutusan ni Aling Lorna si Jose na bumili sa tindahan ng mga kakailanganin.

__________2. Jose, Mang Ben, Aling Lorna, Mang Melchor, Mang Kaloy, Aling Helen.

__________3. Sa wakas nakauwi na si Jose sa kanilang bahay

__________4. Sa bahay, sa kalsada, sa tindahan

__________5. Nakarating sa tindahan

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento at alamin kung paano nagbago ang bida.

Parami ng Parami
Ni: Ma. Hazel J. Deria

Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyang nakaupo sa ilalim ng punong mangga sa kanilang
paaralan. Sapat na sa kanya ang manood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan.

Isang araw, sa kanyang panonood, isang mag-aaral ang napaupo sa tabi niya. Habol nito ang paghinga at
bigla na lamang tumulo ang luha. Sa takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral, “Anong nagyari sa iyo? May
masakit ba sa iyo?”

Inatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo si Lorena at tumakbo palayo sa mag-aaral.

Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula noon, naging matalik na silang magkaibigan.
Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi na siyang may kausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa
kundi parami pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


_____________________________________________________________________

2. Saan at kailan nangyari ang kuwento?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento?
A. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
B. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
C. _________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Gawain 3
Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Nanimbang sa Katig”

Nanimbang sa Katig

Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa bangkang may motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng
palakpak at padyak ng mga paa. Umiindayog sila kasabay ng pagtaas at pagbaba ng alon. Tuwang-tuwa sila lalo
kapag may malaking along sumasalpok sa kanilang bangka.

Maya-maya buong pagmamalaking nanimbang sa katig si Armando. Tumayo siya nang walang hawak.
Nagpalakpakan ang lahat. Ang tapang ni Armando! Hindi nila pinansin ang malaking alon na dumarating.

Sa uwian, walang kibuan ang lahat. Ang iba naman ay mugto na ang mata at tahimik na humihikbi.
Hango sa: Pagpapaunlad ng Pagbasa
St. Mary’s Publishing House

Panuto: Isulat ang pamagat ng kuwentong binasa. Sa unang hanay, sumulat ng isang pangungusap tungkol sa
simula, kasukdulan, at wakas o katapusan ng kuwento.

Pamagat ____________________________________________________________

Simula

Kasukdulan

Katapusan/Wakas
ASSESSMENT CHECKLIST

I. Bahagi

Asignatura: Filipino Linggo: 3 Tagal: 1-5 Araw Petsa:

Pangalan: _______________________________ Pangkat/Baitang: Ikaapat na Baitang

Pangalan ng Guro: _____Rashmia D. Lacson___

Pamantayan sa Pagkatuto: (sumangguni sa TRG)


 Natutukoy ang mga elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay) F4PB-Ia-97
 Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula- kasukdulan- katapusan F4PB-Ii-24
Mga Layunin:
 Matutukoy ang mga elemento ng Kuwento
 Matutukoy ang Bahagi ng Kuwento
Paksa: Elmento ng Tula/ Pagtukoy ng Bahagi ng kwento

II- Bahagi
To be checked by parent/s

PAHAYAG OO HINDI PUNA –


Pakibilogan ang numero ngiyong sagot.

Gawain 1 1- Hindi nagawa


Ang mag aaral ay natutukoy ang element ng 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
Kuwento. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 2 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay naibibigay ang mga tauhan, 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
tagpuan at banghay ng nabasang kuwento. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Gawain 3 – 1- Hindi nagawa
Ang mag aaral ay naibibigay ang mga bahagi 2- Nagawa ngunit hindi na tapos
ng kuwentong binasa. 3- Kinakailangan pagbutihan
4- Nakasisiya
5- Higit na Nakasisiya
Komentaryo:

____________________________________
Pangalan ng magulang/ Taga pag alaga

Ibibigay kay : _____________________________


(Pangalan ng Guro)

Petsa: ________________________
(Petsa ng Pagbibigay)

You might also like