You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 7

TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON

Kinalalagyan ng Aytem

Bilang ng Aytem
Bilang ng araw

Bahagdan
Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
Mga Kasanayan sa

Applying

Creating
Pagkatuto/MELCs

1. Naipapaliwanag ang konsepto 1, 2, 12.5


ng Asya tungo sa paghahating- 3, 4, %
heograpiko: Silangang Asya, 5, 6
Timog Silangang Asya, Timog 3 6
Asya, Kanlurang Asya, at
Hilaga/Gitna Asya.

2. Napapahalagahan ang ugnayan 7, 8, 12.5


ng tao at kapaligiran sa 9, 10, %
paghubog ng kabihasnang 3 6 11, 12
Asyano

Nakapaghahambing ng 13 12.5
kalagayan ng kapaligiran sa %
1
iba’t ibang bahagi ng Asya

Nakagagawa ng 14
pangkalahatang profile ng 1
3
heograpiya ng Asya

3. Nailalarawan ang mga yamang 15, 16,


likas ng Asya 17, 18
4

4. Nasusuri ang yamang likas at 19, 20, 25 %


ang mga implikasyon ng 21, 22,
kapaligirang pisikal sa 23, 24,
pamumuhay ng mga Asyano 6 13 25, 26,
27, 28,
noon at ngayon
29, 30,
31
Natataya ang mga 35, 12.5
implikasyon ng kapaligirang 36 %
pisikal at yamang likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay
2
ng mga Asyano noon at
ngayon sa larangan ng :
Agrikultura, Ekonomiya, 3
Pananahanan at Kultura

5. Naipapahayag ang 32, 33,


kahalagahan ng 34, 37
pangangalaga sa timbang na 4
kalagayang ekolohiko ng
rehiyon

Napahahalagahan ang 38, 12.5


yamang tao ng Asya 2 39 %

Nailalarawan ang 40, 41


komposisyong etniko ng mga 2
rehiyon sa Asya

Nasusuri ang kaugnayan ng 42, 43


paglinang ng wika sa 6 2
paghubog ng kultura ng mga
Asyano

6. Nasusuri ang komposisyon 44, 45,


ng populasyon at 46, 47,
48, 49,
kahalagahan ng yamang-tao 50
7
sa Asya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan at lipunan sa
kasalukuyang panahon

TOTAL 24 50 21 14 5 100%
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 7

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin ang titik ng
pinaka- tamang sagot.

1. Paano maipapaliwanag na magkaugnay ang Hilaga at Kanlurang Asya pagdating sa heograpikal at


kultural na sona na hinati sa aspetong pisikal, historikal, at kultural?
A. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito
B. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho
C. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal
D. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan sa larangang
historikal, kultural, agrikultural at sa klima

Tunghayan ang kasunod na mapa upang masagot ang susunod na tanong.


BERING SEA

BLACK
SEA
MEDITERRANEAN CASPIAN SEA OF
SEA OKHOTSK

SOUTH CHINA
SEA
RED

ASYA
AA

2. Paano mailalarawan ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya batay sa pagsusuri sa mapa?


A. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
D. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng konsepto ng Heograpiya?


A. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao
B. Pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan
C. Tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig
D. Tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng wastong impormasyon tungkol sa


kontinenteng Asya?
A. Ang hugis, anyo at klima ng mga lupain sa Asya ay pare-pareho
B. Ang buong kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa silangang bahagi ng globo
C. Ito ay napapalibutan ng mga dagat, karagatan at ibat-ibang anyong lupa at tubig
D. Ang pinakamalaking bahagdan ng lupain sa mundo ay sakop ng kontinenteng Asya

5. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya ng bansa?


A. May kinalaman ito sa edukasyon C. May kaugnayan ito sa mga Asyano
B. Interesado dito ang mga Kanluranin D. Maraming yaman ang makukuha dito

6. Ano ang tamang pahayag tungkol sa paghahating- heograpiko ng Asya?


A. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Eurasia.
B. Ang Kanlurang Asya ay kinabibilangan ng mga bansang Kristiyano.
C. Ang paghahating heograpiko ay nakatulong sa pagkakawatak ng mga bansang Asyano
D. May mga rehiyon sa Asya na iba’t- iba ang kultura at katangiang pisikal ngunit nagkakaisa

7. Bilang isang Asyano, alin sa mga katangiang pisikal ng Asya ang dapat pagtuunan ng pansin ng
mga mamamayan upang mas lalo pa itong mapaunlad?
A. Ang karagatan dahil ito ang nagsisilbing daan upang magkaroon ng kalakalan
B. Ang mga kabundukan sapagkat ito ang nagsisilbing pananggalang sa mga bagyo na
maaaring pumasok sa rehiyon ng Asya
C. Ang mga ilog sapagkat ito ang pangunahing pinagmulan ng kabihasnan at upang
mapanatili ang kalinisan ng mga katubigan nito
D. Ang grassland dahil ito ang nakatutulong sa pagkakaroon ng malinis na hangin sa mga
gulay at prutas na dahilan upang mabuhay ang mga tao sa Asya

8. Ayon sa iyong natutunan sa aralin, paano mapapanatili ang mabuting ugnayan ng tao at ng
kapaligiran?
A. Gamitin ng maayos ang likas na yaman sa kapaligiran
B. Panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran upang sakit ay maiwasan
C. Magpatupad ng batas ang mga namumuno sa pamayanan na makatutulong sa wastong
pangangalaga sa kapaligiran
D. Lahat ng nabanggit

9. Kung ikaw ay naatasang maging isang pinuno, paano ka manghihikayat ng mga kabataang
Asyano na magpalaganap ng mga programa na susuporta sa ikabubuti ng kapaligiran?
A. Bubuo ng kampanya laban sa mga nang-aabuso sa likas na yaman
B. Maglalagay ng mga karatula na nagbabawal ng pagtatapon ng basura
C. Isasabuhay ang mga patakarang may kinalaman sa pagpapahalaga at pangangalaga ng
kapaligiran
D. Ipag-uutos sa mga kabataan na dapat sumunod sa mga alituntuning may kinalaman sa
kapaligiran

10. Paano nakakatulong ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran at ecological balance sa mga
mamamayang Asyano?
A. Maiiwasan ang sakit dahil sa malinis at may maayos na kapaligiran
B. Magkakaroon ng sapat na mapagkukunan ng pangangailangan ang mga mamamayan
C. Ang pagkakaroon ng ecological balance ay dahilan upang di mawala ang biodiversity sa Asya
D. Mas may kakayahan ang mga Asyano na makaganap sa lakas pagggawa dahil ligtas sa
anumang banta ng kalamidad

11. Ang likas na yaman ay mga bagay na natural na nasa ating kapaligiran, Ito rin ay daan upang
magkaroon ng matatag na ekonomiya. Bilang isang Asyano, ano ang nararapat mong gawin upang
ito ay patuloy na mapakinabangan?
A. Ugaliin ang tamang paggamit upang hindi ito maabuso
B. Hulihin ang mga mamamayang sumasalanta sa likas na yaman
C. Panatilihin ang maayos na pagtalima sa mga ordinansa ng isang pamayanan
D. Pagyamanin at pangalagaan upang lalong makatulong sa atin pangangailangan

12. Ano ang nararapat mong gawin bilang isang mamamayan upang maipakita ang kahalagahan ng
kapaligiran na magpapaunlad ng ekonomiya ng mga bansa?
A. Pagkakaisa ang kailangan upang paligid at kabihasnan ay mapakinabangan
B. Ipabatid sa mga mamamayan ang magandang dulot ng pangangalaga sa kapaligiran
C. Maging maingat sa paggamit ng mga pinagkukunang yaman upang mapanatili ang
kasaganaan nito
D. Pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan na makabubuti sa patuloy na
kapakinabangang dulot ng kapaligiran sa mga mamamayan

13. Alin sa mga paglalarawan sa ibaba ang nagsasaad ng wastong paghahambing hinggil sa kalagayan
ng kapaligiran sa iba’t-ibang bahagi ng Asya?
A. Ang Kanlurang Asya ay nagtataglay ng pinakamaraming uri ng mga damuhan at
kagubatan.
B. Ang Silangang Asya at Timog Asya ay parehong di-kakikitaan ng anumang uri ng mga
punong kahoy dahil sa napakalamig na klima na nararanasan sa kanilang mga rehiyon.
C. Ang Kanlurang Asya ang lubos na biniyayaan ng saganang kapaligiran dahil sa dahil sa
mainam na klima nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw
D. Ang Hilagang Asya ay nagtataglay ng malawak na damuhan o grasslands tulad ng steppe,
prairie, at savanna habang ang Timog Silangang Asya at ang mga bansang nasa torrid zone
ay biniyayaan ng tropical rainforest.
14. Alin sa mga pahayag ang wastong naglalarawan sa katangiang pisikal ng Silangang Asya na
siyang kukumpleto sa pangkalahatang profile ng Asya?

PANGKALAHATANG PROFILE NG ASYA

VEGETATION
REHIYON KINAROROONAN SUKAT HUGIS AT ANYO KLIMA
CORNER

Hilagang Ang kabundukang Ural Ang lupain Dikit-dikit ang mga Nakakaranas dito ng Iba’t ibang
Asya na nasa rehiyong ito ang ng Asya ay bansang bumubuo klimang Sentral anyo (steppe.
humahati sa mga may ditto at nagtataglay Kontinental kung saan Prairie at
kontinente ng Europe at kabuuang ng malalawak na napakahab ng taglamig savanna) at
Asya. Ang Bering Sea sukat na damuhan ang na umaabot ng halos may kaunting
ang mag-uugnay sa 44,486,104 malaking bahagi ng anim na buwan habang bahagi ng
Hilagang Asya at Alaska. kilometro rehiyong ito. napaka-igsi naman ng taiga na may
kwadrado. tag-init. kagubutang
coniferous.

May hangganang Indian


May anyong hugis
Ocean sa timog at Iba-iba ang klima sa loob
tatsulok at ang
kabundukan ng ng isang taon.
topograpiya nito ay
Himalayas sa hilaga. Sa Mahalumigmig kung
karaniwang
kanlurang bahagi ng Hunyo hanggang
mabundok. Sa Nagtataglay
rehiyon ay nakalatag ang Setyembre, taglamig
hilagang bahagi ay ang rehiyong
mga bansang kung buwan ng
makikita ang hanay ito ng mga
Timog Asya Afghanistan, Pakistan at Disyembre hanggang
ng mga bundok ng damuhang
India, sa silangan ay Pebrero, at kung Marso
Hindu Kush sa savanna at
Bangladesh, sa dakong hanggang Mayo, tag-init
Afghanistan, praire.
hilaga ay ang mga at tagtuyot. Nanatiling
Karakoram Range sa
bansang Nepal at malamig dahil sa niyebe
Pakistan at China at
Bhutan, at ang mga pulo o yelo ang Himalayas at
ang Himalayas sa
ng Sri Lanka at Maldives ibang bahagi ng rehiyon.
Nepal.
sa Timog.

Mabuhangin at
mabato ang
Hindi palagian ang
karaniwang lugar, Steppe ang
Klima. Maaaring
madalas ang vegetation
magkaroon ng labis o di
pagkatuyo ng mga cover na
kaya’y katamtamang init
Ang Kanlurang Asya ay ilog at lawa dahil sa karaniwang
o lamig ang lugar na ito.
nakalatag sa sobrang init at makikita sa
Bihira at halos hindi
Kanlurang pangkontinental na walang masyadong rehiyong ito
nakakaranas ng ulan
Asya bahagi ng Asya at sa ulan ang dahil
ang malaking bahagi ng
hilagang silangang nararanasan ditto. tumatanggap
rehiyon. Kung umulan
bahagi ng Africa. Nahahati ito sa lang ang mga
man, ito ay kadalasang
tatlong rehiyong ito ng 10-13
bumabagsak lamang sa
pisikal: Northern pulgada ng
mga pook na malapit sa
Tier, Arabian ulan.
dagat.
Peninsula at Fertile
Crescent.

Silangang
Asya

Magubat na
kabundukan ang
nasa hilaga ng
rehiyon at mga
lambak-ilog naman Dahil sa
Ang kahabaan ng Timog sa timog. May klimang
Silangang Asya ay matabang lupa ang Halos lahat ng bansa sa tropical na
Timog makikita sa timog China mg kapatagan rehiyon ay may klimang taglay ng
Silangang at Japan. Ang India ang habang ang ibang tropical, nakararanas ng rehiyon,
Asya nasa Hilagang Kanluran lugar naman ay tag-init, taglamig, tag- nagtataglay ito
at Pacific Ocean naman karaniwang latian at araw at tag-ulan. ng mga
sa Silangang bahagi. matubig. Nauuri sa rainforests at
dalawa ang Timog savanna.
Silangang Asya: ang
Mainland Southeast
Asia at Insular
Southeast Asia.
A. Ang Silangang Asya ay may pisikal na hangganan na Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus at
Himalayas at nasa silangan nito ang Karagatang Pasipiko. Mayroon din itong hindi parepareho (irregular)
na hugis at tundra, taiga, steppe at prairie matatabang mga kapatagan, malalalim na mga lambak at matataas
na mga bundok. Moonsoon Climate ang klimang nararanasan at may tundra, taiga, steppe at prairie dito.
B. Matatagpuan ang Silangang Asya sa hilagang Silangan ng Africa. Ito ay hugis bilog at may matatabang
mga kapatagan, malalalim na mga lambak at matataas na mga bundok. Moonsoon Climate ang klimang
nararanasan ditto at nagtataglay ito ng tundra, taiga, steppe at prairie.
C. Ang Silangang Asya ay may pisikal na hangganan na Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus at
Himalayas at nasa silangan nito ang Karagatang Pasipiko. Ito ay hugis bilog at may matatabang mga
kapatagan, malalalim na mga lambak at matataas na mga bundok. Sentral Kontinental din ang klimang
nararanasan at may tundra, taiga, steppe at prairie dito.
D. Matatagpuan ang Silangang Asya sa hilagang Silangan ng Africa. Matatagpuan ang Silangang Asya sa
hilagang Silangan ng Africa. Ito ay hugis bilog at may matatabang mga kapatagan, malalalim na mga
lambak at matataas na mga bundok. Sentral Kontinental naman ang klimang nararanasan dito at mayroon
itong mga tundra, taiga, steppe at prairie

15. Ano ang nagpapatunay na ang Hilagang Asya ay mayaman sa deposito ng ginto?
A. Matatagpuan sa Turkmenistan ang mineral na tanso.
B. Nasa Tajiskistan ang pinakamaraming minero ng ginto sa rehiyon.
C. Ang Kyrgyztan at Uzbekistan ang may pinakamalaking deposito ng ginto sa mundo
D. Mahuhukay sa bansang Russia ang pinakamalaking ginto na kanilang ipinagmamalaki.

16. Ang silangang bahagi ng China ay isang kapatagan samantalang ang kanlurang bahagi naman
nito ay binubuo ng mga kabundukan at talampas. Ano ang maaaring dahilan ng pagsisiksikan ng
paninirahan ng mga Chinese?
A. Masaya ang mamuhay sa mga kabundukan at talampas.
B. May malaking banta ng pagbaha sa mga kabundukan at talampas.
C. Magulo at maingay sa mga kapatagan dahil maraming naninirahan ditto
D. Mas madali ang manirahan sa mga kapatagan dahil dito kadalasang nakatayo ang iba’t-
ibang mga gusali at negosyo.

17. Bakit sinasabing ang bansang Indonesia ay mayaman sa deposito ng langis at natural gas?
A. Isa sa pinakamalaking bansa ito sa Asya
B. May kabundukan na pwede pagkunan ng langis at ng natural gas
C. Pinakamayaman sa natural gas sa buong rehiyon ng Timog Silangang Asya
D. Nagtataglay ng pinakakaunting natural gas sa buong rehiyon ng Timog Silangang Asya

18. Bakit tanso ang itinuturing na pangunahing mineral ng Pilipinas?


A. Bagong tuklas ang mineral na ito sa Pilipinas
B. May reserba at may potensyal na mamimili nito
C. Marami tayong mapagkukunan ng tanso sa Pilipinas
D. May mga mineral sa Pilipinas na nauubos na maliban sa tanso

19. Paano nagkakaroon ng tamang ugnayan ang tao at ang mga likas na yaman?
A. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang yumaman
B. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang maging makapangyarihan
C. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang maging kapaki-pakinabang
D. Ang tao ay masisipag na makipag ugnayan sa mga mayayaman upang umunlad ang buhay

20. Alin ang tama sa mga sumusunod na pahayag na nauukol sa likas na yaman ng Asya?
I. Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya
II. II. Ang kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at petrolyo
III. May malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya
A. Mali ang pahayag I, II, III
B. Tama ang pahayag I, II , III
C. Tama ang pahayag I at II , mali ang pahayag III
D. Tama mang pahayag I at III, mali ang pahayag II

21. Alin sa mga sumusunod na rehiyon ang naglalarawan ng tamang taglay na likas na yaman?
A. Malawak ang katubigan sa Kanlurang Asya
B. Pangunahing pananim sa Silangang Asya ang niyog at pinya
C. Ang kanlurang bahagi ng Asya ay maunlad dahil sa mga naglalakihang pabrika
D. Sa hilagang Asya ay malawak ang damuhan na mainam na pastulan ng mga alagang hayop

22. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan na ang likas na yaman ay tumutugon sa
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao?
A. Ang malawak na damuhan ay ginagawang pastulan ng mga hayop
B. Marami na sa mga mamamayan ay naninirahan sa lungsod kaya sa mga pabrika sila
nagtatrabaho
C. Sa patuloy na pagiging moderno ng panahon ay nagkakaroon ng malaking pagbabago sa
mga likas na yaman
D. Ang matatabang lupa sa mga bukirin ay tunay na nagbibigay ng masaganang ani at ang
karagatan ay sumasagot din sa pang araw araw na pangangailangan ng mga tao na
naninirahan malapit dito
23. Ano ang ibig sabihin ng kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng teknolohiya ngunit sagana
naman sa likas na yaman?
A. Mahinang ekonomiya ang resulta nito
B. Nakasalalay sa mga tao ang pag-unlad ng ekomoniya
C. Nakahihigit ang pakinabang sa kaalaman sa teknolohiya kaysa anumang likas na yaman
D. Nakatutulong ang kaalaman sa teknolohiya upang higit na mapakinabangan ang likas na
yaman sa tamang paggamit nito

24. Paano mo iaangkop ang iyong sarili at iyong pamilya upang patuloy na may pagkunan ng
pagkain at kabuhayan?
A. Makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman
B. Hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa ekonomiya.
C. Humingi ng tulong sa ahensyang pampubliko ng gobyerno tuwing nagkukulang ang
pangangailangan ng pamilya
D. Tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa pangangailangan ng pamilya at
maghanapbuhay na lamang

25. Bakit itinuturing na mayamang rehiyon ang Kanlurang Asya sa kabila ng kasalatan nito sa
yamang agrikultural?
A. Mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya
B. Mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na nagpaunlad sa ekonomiya nito
C. Langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya sa pandaigdigang
pamilihan
D. Tulong pinansyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na natatanggap ng mga bansa sa
Kanlurang Asya

26. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang pangangailangan ng mamamayan nito gamit ang
likas na yaman ng bansa?
A. Pakikipag alyansa sa mga malalakas na bansa sa daigdig
B. Paghingi ng tulong pinansyal sa mga karatig bansa sa timog Asya
C. Pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang dalampasigan nito
D. Pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang bansa sa Timog Asya

27. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay lider ng ating bansa upang masolusyunan ang kakulangan
sa pagkain dulot ng lumalaking populasyon?
A. Ipagwalang bahala ang mga suliranin
B. Mangutang upang makapag-angkat ng maraming pagkain
C. Pagpapalawig ng mga kursong agrikultural sa mga kolehiyo
D. Maglunsad ng mga programa na hihikayat sa mga mamamayan sa pagtatanim

28. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng implikasyon ng likas na yaman sa ekonomiya?
A. Ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito
B. Ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay
nagmumula sa pagsasaka
C. May ilang mga mamamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling
ikabubuhay lamang
D. Marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw na
materyales na panustos sa kanilang pagawaan

29. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maayos na pangangasiwa sa mga likas na yaman?
A. Malaking kompanya ang dapat mangasiwa sa pagkuha ng likas na yaman para lumaki ang
pagkita
B. Mag-angkat na lamang ng hilaw na materyales sa ibang bansa upang hindi agad maubos
ang likas na yaman
C. Hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang ng mga yamang
likas upang matiyak ang kalidad ng teknolohiyang gagamitin
D. Magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman
upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito

30. Paano masasabi na ang Timog at Timog Silangang Asya ay may pinakamainam na lupang pang-
agrikultura?
A. Laganap sa bansang ito ang kahirapan
B. Marami sa mga bansa sa rehiyong ito ay nagluluwas ng produktong agrikultural
C. Bumibili ang mga bansa na kabilang sa rehiyong ito ng mga produkto mula sa ibang bansa
D. Marami sa mga naninirahan sa rehiyong ito ay umaasa sa yamang nagmumula sa
karagatan
31. Alin sa mga sumusunod ang naglalaman ng pinakawastong kaisipan?
A. Ang bansang sagana sa likas na yaman ay siguradong maghihirap
B. Hindi kailangang pangalagaan ng mga tao ang mga likas na yaman
C. Kung ang mga lupain ng isang bansa ay madaming pananim at alagang hayop
D. Kung malawak at mataba ang lupain ng isang bansa, mas matutugunan nito ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan

32. Anong pamamaraan ang maaaring gawin upang maibsan ang labis na pagbabago ng
pandaigdigan o rehiyonal na klima ng mundo o Climate Change?
A. Pagtatanim ng mga puno C. Ugaliing paglilinis ng estero at kanal
B. Tamang Pagtatapon ng mga basura D. Wastong paggamit ng tubig at elektrisidad

33. Bilang isang responsableng mamamayan paano ka makakatulong upang mapanatiling balanse
ang sistemang ekolohikal ng mundo?
A. Paggamit ng plastic material
B. Pagtuklas ng mga bagong likas na yaman gamit ang pagmimina.
C. Pagpapaunlad ng industriya gamit ang mga modernong kagamitan sa mga pabrika.
D. Pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan at patuloy na pagtatanim ng mga punong kahoy at
halaman.

34. Paano mo masosolusyunan ang mga suliraning pangkapaligiran at ekolohikal sanhi ng patuloy
na lumalaking populasyon?
A. Pigilan ang Urbanisasyon
B. Huwag abusuhin at gamitin ng tama ang ating mga likas na yaman
C. Gawing kontaminado ang hangin at karagatan
D. Iwasan ang pagkasira ng mga Biodiversity

35. Bilang isang mag-aaral at kabataan, paano mo matutugunan ang mabilis na paglaki ng
populasyon sa ating bansa?
A. Dumulog sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)
B. Magsagawa ng mga kampanya para sa tamang pagtatapon ng basura.
C. Magkaroon ng programa tungkol sa family planning para maging limitado ang bilang ng anak.
D. Magsagawa ng mga programa upang maunawaan ang kahalagahan ng likas na yaman sa
pag-unlad ng bansa.

36. Paano mo muling maisasayos ang paggamit ng likas na yaman upang mapanatiling balanse ang
kalagayang ekolohikal ng ating bansa?
A. Palalakasin ang turismo. C. Tumuklas ng mga bagong species ng hayop.
B. Pangangalagaan ang kapaligiran. D. Panatilihin ang antas ng kabuhayan ng ating bansa.

37. Paano mo malulunasan ang problema sa basura na nagiging pangunahing suliranin ng mga
bansa sa buong daigdig?
A. Sunugin at ibaon ang basura.
B. Turuan ang kapwa kabataan na maglinis.
C. Humanap ng mas maraming lugar para tambakan.
D. Isaayos ang pagpapatupad ng batas ukol sa pagtatapon ng basura.

38. Ano ang hakbang na dapat mong gawin upang makatulong ka sa pagpapaunlad ng ekonomiya
bilang bahagi ka ng yamang tao?
A. Magtayo ng negosyo na malaki ang kikitain
B. Humanap ng hanapbuhay na madali ang pagkakakitaan kahit illegal ito
C. Gamitin ang kakayahan at kahusayan upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya
D. Magtapos ng pag-aaral upang makapunta ng ibang bansa at kumita ng malaking halaga
para sa pamilya

39. Ano ang maaari mong maging kontribusyon sa bansa upang masugpo ang pagdami ng
kriminalidad dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon?
A. Sasama sa mga gawain na nakikipaglaban upang tumaas ang sweldo.
B. Maging bahagi ng lakas paggawa na makakatulong sa pag -unlad ng ekonomiya.
C. Gagawa ng mga programang may kinalaman sa patuloy na paglaki ng populasyon.
D. Makikiisa sa mga adhikain ng mga mamamayang walang hanapbuhay na lumaban sa
pamahalaan.

40. Anong ideya ang nagpapatunay na ang etnolinggwistiko ay mga pangkat ng mga tao sa isang
bansa na may magkakaparehong wika, kultura, at etnisidad?
A. Nagsisilbing instrumento ng pagkakaisa ng bawat kasapi
B. May sarili silang kalayaan na dapat tanggapin ng lahat ng mga pinuno ng bansa.
C. Kumakatawan na may iba’t iba silang tradisyon na dapat kilalanin ng bawat grupo.
D. Kapanalig nila ang bawat tribo sa pakikipaglaban ng kanilang mga pamihiin at paniniwala.
41. Alin ang HINDI kahalagahan ng wika sa isang grupong etnolinggwistiko?
A. Nakatutulong sa pagkakaisa ng grupo
B. Nagsisilbing batayan ng pagkakakilanlan ng grupo
C. Nagiging batayan sa paghubog ng kultura ng grupo
D. Nagiging dahilan ng pagkakawatak-watak at hindi pagkakaunawaan ng bawat isa

42. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng Wika ang Kultura ng
isang Lahi”?
A. Magkakaiba ang wika ng isang pamayanan
B. Ang wika ay may ibat ibang layunin na nais ipahiwatig
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi

43. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang wika?


A. Batayan sa pagpapangkat ng tao
B. Dahilan ng pagkakawatak-watak ng mga tao sa lipunan
C. Dahilan sa pag-unlad ng mga mamamayan sa isang bansa
D. Nagbubuklod sa mga tao upang manatiling nagkakaisa at nagpapahalaga sa kanilang
kultura

44. Ano ang ipinapakita ng gap kagaya ng ipinanganganak sa bilang ng namamatay o bilang ng birth
today na 108,042 at sa bilang ng death today na 42,046?
A. Pareho ang bilang ng ipinanganganak at namamatay
B. Mas malaki ang bilang ng namamatay kaysa ipinanganganak
C. Mas malaki ang bilang ng ipinanganganak kaysa namamatay
D. Walang pagbabago sa bilang ng ipinanganganak at sa bilang ng namamatay

45. Ano ang implikasyon sa populasyon kung mas mataas ang birth rate o bilang ng mga batang
ipinanganganak?
A. Maraming papalit sa susunod na henerasyon
B. Mataas ang bilang ng inaasahang lakas-paggawa
C. Kailangang makapagtayo ang pamahalaan ng karagdagang paaralan
D. Karagdagang programa ang dapat isagawa para sa mga kababaihan upang makontrol ang
panganganak

46. Alin ang magandang epekto ng pandarayuhan mula sa mga pook-rural patungo sa pook-urban?
A. Dadami ang aasahang lakas-paggawa sa mga pook-urban
B. Madaragdagan ang bilang ng populasyon sa mga pook-urban
C. Maiiwanan na nakatiwangwang ang mga lupain sa mga pook-rural
D. Magiging malungkot ang pamilyang maiiwanan sa mga pook-rural

47. Ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng batang populasyon?


A. Maraming tatanda sa darating na panahon
B. Malaking bahagdan ng populasyon ay nasa edad 0-15
C. Marami ang bilang ng ipinanganganak kaysa namamatay
D. Higit na marami ang bilang ng batang babae kaysa lalaki

48. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan sa salitang populasyon?


A. Dami ng bilang ng tao na naninirahan sa isang lugar.
B. Pagtatala ng bilang ng mga nanganganak at namamatay sa isang lugar.
C. Sensus na ginagawa sa isang lugar upang malaman ang mga naninirahan.
D. Pagsasama sama ng ng mga tao sa isang lugar na may pare-parehong wika at kultura.

49. Bakit itinuturing na malaking hamon sa bansa ang pagkakaroon ng matandang populasyon?
A. Nababawasan ang lakas paggawa
B. Marami ang magiging Senior Citizen
C. Kakaunti na ang manganganak upang madagdagan ang populasyon
D. Kinakailangang magtayo ang pamahalaan ng maraming Home for the Aged

50. Ano sa palagay mo ang maaaring maging epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa
paggamit ng mga likas na yaman?
A. Makakaranas ng tagtuyot dulot ng globalisasyon.
B. Mag-aagawan ang mga tao sa pagtatanim ng mga punongkahoy.
C. Magiging maginhawa ang buhay ng mga tao sa paggamit ng mga likas na yaman.
D. Magkakaroon ng kakulangan sa pangangailangan sa likas na yaman dahil sa marami ang
gagamit nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Grade 7 – Unang Markahang Pagsusulit

SUSI SA PAGWAWASTO
1. D
2. C
3. C
4. A
5. B
6. D
7. C
8. D
9. C
10.A
11.D
12.B
13.D
14.A
15.C
16.D
17.C
18.C
19.C
20.A
21.D
22.D
23.D
24.A
25.C
26.C
27.D
28.D
29.D
30.B
31.D
32. A
33. D
34. B
35. C
36. B
37. B
38. C
39. B
40. A
41. D
42. D
43. D
44. B
45. B
46. A
47. B
48. A
49. A
50. D

You might also like