You are on page 1of 142

Estudyanteng Pagod |1

KABANATA I

Worth it
ba?
Isinulat ni: Orantes, Keisha Faye C.

Sa bawat segundo, minuto, at oras


na ginugugol sa pag-aaral, lahat ba ito ay
Estudyanteng Pagod |2
may patutunguhan? Edukasyon ang susi sa
matagumpay na pangarap. Ngunit hindi
maiiwasan ang mga pagsubok na
kinakaharap ng bawat estudyante. Kung
saan maraming estudyante ang nawawalan
na ng gana o motibasyon sa pag-aaral, dahil
sobrang nakakapagod at nakakaduda kung
magiging successful ba sila sa hinaharap.
Yung iba naman ay sumuko na dahil hindi
na talaga kinaya. Ang bawat isa ay
mayroong rason kung bakit nanaisin
sumuko ngunit hindi pa naman huli at
maaari pang magsimula muli. Yung mga
pangamba na, sa huli, worth it ba ang
paghihirap na nararanasan habang nag-
aaral? ang katanungan na ito ay masasagot
sa librong ito.

“Yey, ang taas ng grades ko!”

Isa lang ‘yan sa mga linya na


namimiss ko nang banggitin. Grabe yung
saya na nararamdaman ko tuwing
nakakukuha ako ng sertipiko

at medalya bunga ng aking pagsisikap. Pero


ngayon, hindi ko na alam.

Masaya mag-aral. Makihalubilo sa


mga kapwa mag-aaral, makipag-tawanan at
makipag-biruan sa mga guro, tapos
makakuha ng bagong kaalaman, alam mo
Estudyanteng Pagod |3
‘yon? Yung tipong nag-eenjoy ka talaga sa
ginagawa mo.

"Wow, graduated with Honor!"

Ang sarap lang sa feeling sa tuwing


nakikita ko ‘yung masayang mukha ng mga
magulang ko habang binabanggit nila yung
mga katagang ‘yan. Ramdam na ramdam ko
na proud sila sa akin dahil matataas ang
mga markang nakuha ko.

Masaya mag-aral, pero hanggang


kailan ang itatagal nito?

Dumating ang pandemya at halos


dalawang taon din akong nakulong sa
bahay. Yung dating kinagawian ko na pag-
aaral,

napalitan ng bago na mas—sabihin na


nating, convenient para sa sitwasyong
hinaharap ng bansa natin noong mga
panahon na ‘yon. Sa una, masasabi ko
naman na masaya kasi hindi na kailangan
gumising nang maaga para maghanda at
umalis, pero sa loob ng dalawang taon na
‘yon, nanibago ako at habang tumatagal,
unti-unting nawawala yung saya.
Napapalitan ‘yon ng pagod, pagkalugmok,
at kung ano pang mga emosyon sa humihila
sa akin pababa. Minsan pa nga kapag mag-
isa ako, bigla na lamang papasok sa isip ko
Estudyanteng Pagod |4
ang mga katagang, “Ito na naman?”
“Paulit-ulit, nakatatamad na.” “May
patutunguhan pa ba ‘to?”. Dumating pa
nga sa punto na hindi ko na maintindihan
yung sarili ko. Binalot ako ng iba’t ibang
katanungan at pangamba. Dito rin
nagsimula ang pagdududa ko sa sarili kong
kakayahan bilang isang indibidwal.

Isang araw, katatapos lang ng


online class namin at sobrang

pagod ko. Nagtaka naman ako, kasi hindi


naman ako bumiyahe o lumabas man lang
ng bahay pero yung pakiramdam ko eh
parang umakyat ako sa isang matarik na
bundok. Noong mga panahon na 'yon, inisip
ko nalang na baka dulot lang ng masamang
panahon.

"Class, ibibigay ko na yung


performance task niyo ha."

Nanaman? Pang-ilan na ba 'yan


ngayong month? Nakakapagod na.

"Mga anak, ang written work niyo


ay bukas na."
Estudyanteng Pagod |5
"Hala, eh 'di ba may written work
din natin sa apat sa subject bukas?"

Nakapapagod naman, sabay-sabay


binabagsak ‘yung mga gawain.

Lumipas ang isang buong kwarter


at kuhaan na ng card. Kinakabahan ako kasi
alam ko sa

sarili ko na hindi ako naging produktibo


dahil sa buong kwarter na 'yon, hindi ko
maramdaman na kailangan ko. Nang
maibigay na ang aming card, nagulat
naman ako nang makita ko ang mga
markang nakuha ko. Matataas 'yon.
Pumapalo sa line of 9. Sa isip-isip ko, dapat
akong matuwa tulad noon tuwing
nakakakuha ako ng malaking marka. Pero
hindi. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit
imbis na matuwa, ay nalungkot pa ako.

"Deserve ko ba 'to?"

Bigla akong nabalot ng pangamba.


Paano kung namali lang pala ng input ang
aming guro? Paano kung namalikmata lang
siya at mali ang gradong naibigay niya sa
akin? Kasi napaka imposible na makakuha
ako ng mataas na grado kung hindi ko
naman ginawa yung “best” ko, hindi ba?
Pero kung ganoon, edi anong silbi ng
Estudyanteng Pagod |6

pagpupuyat ko tuwing gabi noon para lang


makapag-pasa ng output, on time? Paano
yung mga oras at pagsisikap na ginugol ko
sa pagre-

review para sa mga pagsusulit? Balewala na


lang ba ang lahat ng iyon? Kasi kung
ngayon nga na hindi ako nag-eeffort, line of
9 parin eh. So, anong silbi?

Dati, takot na takot akong ma-late


magpasa at sumabak sa pagsasagot ng
pagsusulit nang hindi nagre-review, pero
habang tumatagal ang oras na ginugugol ko
sa online class, nawawala na ang mga pag-
aalala na 'yon. Yung dating "Hala
kailangan ko na 'to gawin ngayon para
bukas wala na akong gagawin," naging,
"Bukas na deadline? Edi bukas ko na
gagawin." Gamit na gamit ko yung
pilosopiyang "bahala na" noong mga
panahon na iyon kasi kahit na hindi ganoon
na ipinaglaanan ng oras, mataas na grado
parin ang nakukuha ko basta may mai-pasa.
Nakapapanibago kasi, parang hindi ako
'yon, pero wala eh. Habang

tumatagal, nasanay na rin ako. Para bang


kinuha yung kakayahan ko na magkaroon
ng pake sa mga bagay na may kinalaman sa
eskwelahan. Hindi ko na nga rin maalala
Estudyanteng Pagod |7
kung para saan 'tong pagsisikap kong mag-
aral.

"Worth it ba?"

Tuwing gumagawa ako ng gawain,


hindi na nawawala sa isip ko yung tanong
na, "Worth it ba 'to?". Kasi ang alam ko
dati, tinatamad lang ako kaya hindi ako
nag-eeffort. Tinatamad lang ako kasi
sobrang daming gagawin, nakapapagod.
Pero habang tumatagal, na-realize ko na
natatakot lang pala ako. Natatakot ako na
baka kahit anong gawin kong effort, hindi
parin ako masa-satisfy sa score na
makukuha ko. Paano kung mababa? Edi
sayang yung ginugol kong oras para gawin
'yon. Paano kung pangit pa rin yung
kalabasan? Sayang. Sayang. Sayang.
Sayang.

Sayang yung dugo't pawis na iaalay


ko para lang sa mga numero

na wala ring kasiguraduhan na mabibigyan


ako ng magandang buhay.

Sabi nila kapag mataas ang grado


mo, siguradong makakapasok ka sa
magandang kolehiyo. Kapag nangyari 'yon,
magandang trabaho rin ang naghihintay
sa'yo. Pero ayon sa estadistika na inihayag
ng Philippine Statistic Authority (2019),
Estudyanteng Pagod |8
nasa 20.9% ng college graduates ang
unemployed.

Dahil do'n, muli na namang


sumibol sa aking isipan ang tanong na,
"Worth it ba lahat ng ginagawa ko?"
Nakakapagod na.

Maaaring iniisip mo na, napaka-


babaw nito, pero para sa akin, at mga
katulad ko na estranghero sa kasabihang
"take the risk", napakalaki na balakid nito
para sa akin. Wika nga nila, madaling
sabihin, mahirap gawin. Ang paulit-ulit na
cycle ng pag-iisip ng kung ano ang
maaaring mangyari sa hinaharap, kung lahat
ng ginagawa

ko ay magbubunga sa huli, ay nakauubos ng


lakas.

Bago ang lahat, ano ang nagtutulak


sa'yo para mag-aral nang mabuti? Ang
makakuha ng mataas na grado?
Makapagtapos ng pag-aaral? Makahanap ng
maganda at disenteng trabaho? Makatulong
sa pamilya? Ang matupad ang iyong
pangarap?

Bilang mag-aaral ng henerasyon na


'to, kung saan laganap na ang iba't ibang
teknolohiya at internet, maaaring iniisip ng
karamihan na madali nalang mag-aral. Na
Estudyanteng Pagod |9
mas madali ang sitwasyon ng mga kabataan
ngayon kaya naman magiging maginhawa
ang kanilang kinabukasan nang walang
iniintindi. Ngunit lingid sa kaalaman ng
karamihan, maraming pagsubok ang
kinakaharap ng mga estudyante ngayon na
nagdudulot ng pagkapagod sa kanila. Isa na
rito ang sandamakmak na pangamba at pag-
aalala na kilala rin bilang

anxiety na bunga ng pago-overthink.

ANO NGA BA ANG ANXIETY?


Ito ay ang pagiging balisa o labis na
pangangamba ng isang indibidwal sa isang
hindi maiiwasang sitwasyon sa hinaharap
na maaaring magdulot ng kapahamakan o
hindi magandang karanasan (Barlow 2002,
as cited in O’Neill & Sorochan 2014).

Ito ay isang karaniwang mental


illness na, ayon sa sarbey na isinagawa ni
Herrera 2023, ay nararanasan ng 7 sa 10 o
71% na estudyante. Ito ay orihinal na nati-
trigger ng isang nakakabahalang sitwasyon.
Ang sobrang pag-ooverthink ay maaaring
magdulot ng pagka-ubos ng enerhiya, hindi
lamang sa mentalidad ng estudyante, ngunit
ganon din sa kanyang pisikal na katayuan.
Dahil dito, maaaring maapektuhan ang
kanyang partisipasyon sa klase. Ilan pa sa
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 10
mga epekto nito ay ang kawalan ng
kakayahan na mag-focus at gumawa ng

mahahalagang desisyon. Sa kabila nito, ang


anxiety ay hindi basta-bastang nase-self-
diagnose.

Kinakailangan na magpa-check sa isang


propesyonal na doktor. Ngunit, isa pa rin
itong malaking banta para sa mga
estudyante sapagkat isa sa mga sintomas
nito ang overthinking.

ANO ANG OVERTHINKING?


Ang overthinking ay isang hindi
malusog na kasanayan na isinasagawa ng
halos lahat ng tao, mapa-bata man o
matanda. Isa itong gawi kung saan
nakapokus ang isang tao sa mga negatibong
bagay at labis na pag-aalala mula sa
sitwasyon ng nakaraan at hinaharap. Tulad
ng anxiety, inuubos nito ang enerhiya ng
isang tao, mental man o pisikal. Bilang
isang estudyante, ang kaugalian na 'to ang
pinaka nakaka-inis sa lahat dahil
dumadagdag ito sa stress at pressure na
ating nararamdaman.

PAANO ITO MAIIBSAN?


E s t u d y a n t e n g P a g o d | 11
Ang overthinking ay hindi kailangang i-
diagnose kaya naman walang gamot ang
maaaring i-prescribe rito ng doktor. Ngunit,
narito ang ilan sa mga tips kung paano ito
maiibsan.

1. Magpahinga
Mahalaga ang pahinga lalo na sa mga
estudyante na patuloy pa rin ang paglaki.
Isa ito sa mahahalaga nilang
pangangailangan upang mapanatiling
malusog ang kanilang pangangatawan at
pag-iisip. Madalas na isipin ng karamihan
na sa pisikal lamang may mabuting epekto
ang pagkakaroon ng maayos na tulog,
ngunit ayon sa isang blog ng INTEGRIS
Health, nakatutulong ang pagpapahinga
upang mabawasan ang stress, anxiety, at
nakakagaan ng kalooban.

2. Babaan ang ekspektasyon


Ang pagkakaroon ng mataas ng
ekspektasyon ay nagdudulot rin ng mataas
na pag-aalala ko

pagkalugmok. Kung alam mo sa iyong sarili


na hindi mo nagawa ang iyong best, huwag
ka nang umasa na mataas ang puntos na
iyong makukuha. Hindi masama na taasan
ang ekspektasyon kung ibinuhos

natin ang ating oras upang gumawa ng


output na ating ipapasa. Karagdagan pa rito,
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 12
ang pagkakaroon ng mataas na
ekspektasyon para sa hinaharap ay
mayroong malaking epekto sa pag-
ooverthink ng isang indibidwal. Madalas
nating marinig ang katagang "go with the
flow". Isa ito sa magandang halimbawa lalo
na sa mga taong natatakot para sa kanilang
hinaharap. Hayaan nating dalhin tayo ng
tadhana sa ating pupuntahan, ngunit huwag
kakalimutan na kinakailangan parin natin
isaalang-alang na gawin ang ating
makakaya sa bawat pagsubok na ating
haharapin.

3. Makihalubilo sa iba
Mayroon tayong kasabihan na "no man
is an island". Bilang isang indibidwal,
nalulunod tayo sa iba't

ibang katanungan at negatibong pag-iisip


dahil sa pagiging mag-isa. Isa sa maaari
nating gawin upang makalimutan ang mga
iniisip natin, ay makihalubilo sa ating mga
kaibigan na mas kilala rin sa wikang ingles
na "bonding". Ang pagiging mag-isa sa
loob ng ating kwarto ay maaaring
makadagdag sa ating mga iisipin. Kung
wala ka namang ginagawa, maglaan ka ng
oras upang lumabas kasama ang iyong mga
kaibigan at gawin ang mga bagay na
magbibigay sa iyo ng kasiyahan upang
maibsan ang pag-iisip ng negatibo.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 13
4. Huwag kimkimin ang mga iniisip
Isa sa dahilan kung bakit nag-
ooverthink ang isang tao ay dahil sa mga
naipon nitong sama ng loob mula sa iba't
ibang kadahilanan na nakakaapekto mula sa
kanilang kapaligiran. Mayroon tayong iba't
ibang pamamaraan upang mailabas ang
ating mga hinanakit. Maaaring berbal o
kaya nama'y pasulat. Isa sa mga madalas na
ginagawa ng mga tao ay mag-rant

sa kanilang mapagkakatiwalaang tao.


Maaaring miyembro ng ating pamilya o
matalik na kaibigan. Mayroon din namang
iba na gumagawa ng private account o kaya
nama'y notes ng kanilang cellphone upang
doon i-type at

ilabas ang mga namuo at natambak na


emosyon.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 14

KABANATA II

“Kung kaya ng iba,


sure na kaya mo rin,
buti pa anak ni
Marites Cum
Laude”
Academic Pressure
Isinulat ni: Tolentino, Jaynie B.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 15

Ano nga ba ang ibig sabihin ng


Academic Pressure? Dalawang salita pero
milyong estudyante ang nakakaranas nito.
Mula sa 190 na estudyante mula sa India na
grade 11 at 12. Humigit-kumulang 66% sa
kanila ang nakakaramdam ng pressure sa
kanilang magulang pagdating sa kanilang
akademiko. Halos 63.5% ng mga
estudyante naman ang nakakaranas ng
stress dahil sa academic pressure (Deb,
Strodl, and Hansen 2015). Ito ang pressure
na binibigay sa mga mag-aaral na madalas
nakukuha mula sa mga taong nakapalibot
sa’tin kung saan ay inaasahan na ikaw ay
makakakuha lagi ng mataas na mga marka
at maikukumpara sa ibang tao.

Ang pagiging isang academic


achiever ay isa sa mga katangian ng mga
mag-aaral, kaya naman ay hindi na rin
nawawala sa atin ang makaramdam ng
academic pressure. Lalo na kung ikaw ay
galing sa isang pamilya na halos lahat ay
nakapagtapos at nagkamit ng karangalan.
Minsan
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 16
nararanasan din natin ito kapag
kinukumpara tayo ng ating mga magulang
sa mga taong malapit sa kanila. Kaya
naman kung ikaw ay isang estudyante na
nakakaramdam ng academic pressure ay
mabuting mabasa mo ito. Kaya nais
ipabatid ng librong ito kung paano
maiiwasan ang hirap at pressure na
nararanasan ng isang estudyante sa kanilang
pag-aaral.

Katulad mo ay isa rin akong


estudyante na nakararamdam ng academic
pressure. Gaya ng iba ay galing ako sa
pamilya ng mga nakapagtapos at halos lahat
ay nagkamit ng karangalan. Kaya naman
grabe ang pressure na natatanggap ko sa
aking pag-aaral. Sa pressure na natatanggap
ko ay hindi maiiwasan ang makaramdam
ako ng inggit sa aking mga kamag-aral.
Sapagkat sa tuwing araw na ng aming
bigayan ng aming marka ay nakikita ko ang
mga magulang ng aking kamag-aral na
tuwang-tuwa sa achievement na natanggap
ng kanilang anak. Ngunit sa akin, sa tuwing
sisimulan ko nang sulyapan

ang itsura ng aking magulang kahit kailan


hindi ko sila nakitang natuwa sa mga
markang nakuha ko. Kaya naiisip ko, bakit
ang mga kamag-aral ko ay nakakatanggap
ng mga regalo o nagkakaroon ng salo-salo
para sa achievements nila? Sa akin kahit
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 17
simpleng pagbati ng "congratulations"
hindi ko kailanman narinig na lumabas sa
kanilang labi. Gano’n ba ka-disappointing
ang markang nakuha ko

"Oh kuhaan na ng card nyo diba?"


Yan ang isa sa mga salitang lagi
kong naririnig na talagang kinatatakutan ko.
Sa tuwing mababanggit ng aking magulang
ito talagang ako ay sobrang kinakabahan.
Matutuwa kaya sila kapag nakita nila ang
aking grado, tanong na siyang laging
pumapasok sa aking isipan. Pero kahit
gaano pa ako mag-aral, mag-tiyaga, at mag-
sumikap, alam kong hindi sila
makukuntento sa marka na nakukuha ko.
Lagi naman akong nag-aaral ng mabuti,
nagre-review ng maayos kung i-aanunsyo
ng

aking guro na may pagsusulit. Ngunit bakit


anuman ang gawin ko at gaano man kataas
ang puntos na makuha ko, palagi nalang
ang pagkakamali ko ang napapansin nila.
Hindi ba p’wedeng matuwa na lamang sila
sapagkat nakapasa ako sa aming pagsusulit?
Magmula noong ako'y bata pa sobra
akong natutuwa at na-eexcite kapag kuhaan
na ng aming card sapagkat alam kong
ginawa ko ang lahat ng makakaya ko at
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 18
ineexpect ko ng maging mataas ang mga
markang nakuha ko. Palagi akong abang na
abang kapag araw na ng kuhaan ng aming
card. Naalala ko pa noon halos hindi na ako
makatulog sa sobrang excitement kong
makita ang markang nakuha ko. Nang iabot
ng aking guro ang card ko at nakita ko na
ito sobra akong tuwang tuwa sa mga
markang nakuha ko. Kaya naman tuwang
tuwa rin akong iniabot ito sa aking
magulang. Ngunit habang ako ay tuwang
tuwa sa markang nakuha ko nakita ko ang

ngiti sa mukha ng aking nanay na unti


unting naglaho, kaya naman ay nagtaka
ako. Habang pinapanood ko kung paanong
nagbabago ang itsura ng aking nanay ay
labis akong kinakabahan sa kung ano ba
ang nasa isip nya. Ang daming tanong ang
pumapasok sa aking isipan ng oras na iyon.
"Hindi ba natuwa ang aking ina sa
markang nakuha ko?" o "Kulang pa ba ang
markang nakuha ko para sa kanila?".
Habang iniisip ko ang mga iyon,
pinagmamasdan ko ang itsura ng mga
magulang ng aking kamag-aral. Labis
akong natutuwa para sa kanila sa naging
reaksyon ng kanilang mga magulang,
ngunit hindi ko mapigilang magtaka. Hindi
naman nagkakalayo ang mga markang
nakuha namin ngunit bakit ganoon ang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 19
reaksyon na natanggap ko. Talagang lubos
itong nalalayo sa reaksyon na nakuha ng
aking mga kamag-aral kumpara sa aking
magulang.

Magmula ng araw na iyon mas lalo


ko pang pinag-butihan ang pag-aaral ko.
Nang araw rin na iyon naisip ko "hindi nga
siguro ito sapat sa kanila". Kaya naman
lagi na akong nagpupuyat at nakakalimutan
ko na rin minsan ang makipag-bonding sa
mga kaibigan ko. Ngunit ayos lang iyon ang
mahalaga maramdaman ng mga magulang
ko na talagang pinaghihirapan at pinag-
iigihan ko ang pag-aaral ko. Ang mahalaga
maramdaman ko na maging proud sila at
magagawa nilang ipagmalaki sa lahat ang
natanggap ko. Yung tipong ma-
ipagyayabang nila sa mga kaibigan nila
kung gaano ako kagaling sa aming paaralan.
Ngunit sa lahat ng ginawa kong paghihirap
kahit kailan ay hindi nila ako nagawang ma-
ipagyabang. Kahit kailan hindi ko nakita sa
facebook ng nanay ko na i-pagyabang at i-
post niya ang mga natanggap ko. Bakit
kapag iyong kapatid ko lagi niyang na-
ipopost? Dahil ba mataas ang mga marka
niya? Mataas rin naman ang mga markang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 20
nakuha ko ah, hindi pa ba ito sapat para ma-
ipagyabang?

"Ate 'yan na iyon?"


Salitang palagi kong natatanggap sa
tuwing nais kong ipakita sa aking magulang
ang mga bagay na na-achieve ko. Sa tuwing
pinapakita ko ang certificates na
natatanggap ko galing sa aking guro, palagi
ko nalang itong naririnig. Minsan
nakakasawa na rin at dahil rito lagi akong
kinakabahan at natatakot, sa tuwing araw na
ng pag-aanunsyo ng mga grado namin.
Kahit na alam kong ginawa ko ang lahat ay
alam ko na ang reaksyon na matatanggap
ko. Kaya naman hindi ba't hindi natin
kailanman maiiwasan ang magalit at
magtampo sa tuwing binabanggit ito ng
ating magulang. Naiisip natin ginagawa
naman natin lahat ng kaya natin, ngunit
bakit kahit kailan parang hindi sila natuwa
sa mga marka na ito. Minsan ay nagagawa
pa nila tayong ikumpara sa iba. Kaya
pumapasok sa aking isipan "Gano’n ba
talaga ako ka-

bobo?" na alam kong ito na nga yung best


ko, pero hindi pa rin pala iyon ang best para
sa kanila, hindi pa pala ito dapat na
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 21
ipagmalaki, at hindi pala ito nakakatuwa
para sa kanila.

"Balang araw ikaw naman ang mag-


aalaga sa amin"
Sa tuwing nakakausap ko ang
magulang ko hindi maaaring hindi niya
nababanggit ang salitang ito. Minsan
ninanais kong itanong "hindi po ba
pwedeng kapag magkasama tayo ay hindi
po muna ito papasok sa usapan natin?" at
"hindi po ba maaaring hayaan niyo muna
akong enjoyin ang buhay ko po bilang
isang teenager?". Alam ko naman kung
anong klase ng paghihirap ang dinanas nila
para sa atin at gagawin naman natin ang
lahat upang masuklian iyon. Hindi naman
sila mawawala sa isipan natin kahit gaano
tayo maging katanda. Iyong mga
pumapasok sa isipan nila na siguro kapag
tumanda sila ay iiwan

natin sila at dadalhin na lamang sa shelter,


dahil pagod at nagsawa na tayo kakaalaga
sa kanila. Ngunit kahit kailan hinding-hindi
naman dapat papasok ito sa ating isipan,
sapagkat nung bata tayo na sobrang
pasaway at kulit natin ay hindi kailanman
ito pumasok sa kanilang isipan hindi ba?
Lagi nga nilang binabanggit "Kapag pagod
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 22
ka matutong magpahinga, dahil ang
pagsuko ay hindi kailanman magiging
isang pagpipilian". Ang gusto ko lang
naman ay 'yong ma-appreciate nila ang
mga bagay na natatanggap at na-aachieve
ko ngayon.
Alam ko naman na ako ang
panganay sa aming magkakapatid at
responsibilidad ko na ito. Ngunit hindi ba
pwedeng kahit minsan ay ma-appreciate
muna nila ang mga ginagawa ko sa ngayon?
at iwasang banggitin ang salitang ito sa
akin. Sapagkat ang salitang ito ay hindi
naman lubos na makakatulong sa akin.
Maaari bang huwag munang isipin ang
kinabukasan at gawin

muna ang makakaya sa kasalukuyan.

"Mabuti pa yung anak ni marites top 1"


Lagi nalang, sa salitang ito ay lubos
akong nagagalit, naiinis, at sobrang nadi-
disappoint sa aking sarili. Sapagkat hindi na
naman sila natuwa sa achievements ko,
hindi pa rin pala sapat sa kanila ang ma-
kasama ako sa top. Kailangan pala lagpasan
ko pa yung nakuha niya. Kasama naman
ako sa mga nagkaroon ng karangalan sa
aming klase, pero hindi nga lang top 1.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 23
Ngunit hindi ba't sapat naman na iyon,
sapagkat isa ako sa may karangalan aming
klase. Hindi ba't ang importante ay nag-
aaral ako nang mabuti at pasado naman ang
mga marka na aking nakuha. Subalit
nakalimutan ko nga pala, ang mga marka na
nakuha ko hindi nga pala sapat sa kanila.
Hindi pa pala siya dahilan upang mag-saya,
hindi nga pala ako dapat makuntento sa

ganito. Kailangan pala maging una ako sa


aming klase, kailangan malagpasan ko ang
mga natanggap niya. Dahil kahit kailan
hindi magiging sapat ang kasama ka lamang
sa may karangalan. Ano pa nga ba ang
saysay ng makasama ako sa mga may
karangalan sa klase? Hindi naman ako ang
nauna.

"Congratulations, Anak. Proud kami


sayo."
Salita na sobra kong inaasam-asam
mapakinggan na lumabas sa labi ng aking
magulang. Bakit sa mga kamag-aral ko
nakatatak na sa kanila na gaano man kalaki
o kaliit ang achievement na natanggap nila,
nararapat lang na magkaroon ng
selebrasyon para rito? Marami naman na
akong achievements na natanggap.
Nakapagtapos ako ng elementarya na may
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 24
karangalan, at nakapagtapos rin ng junior
high na may karangalan. Sobrang
paghihirap ang ginawa ko para

lamang makamit ang mga iyon, ngunit kahit


kailan hindi ko narinig sa magulang ko ang
salitang "Congratulations, Anak. Proud
kami sayo". Gano’n ba ito kahirap sabihin?
Alam ko namang nakikita nila lahat ng
paghihirap, pagod, at sakripisyo na
ginagawa ko sa paaralan man yan o sa
bahay. Bakit kahit kailan ay hindi pumasok
sa kanilang isipan na banggitin ito sa akin?
Kahit konting motivational words na galing
sa kanila mawawala agad lahat ng pagod,
puyat, at inis na nararamdaman ko. Hindi
ba't bilang magulang dapat ay alam nila ito.
Naiinggit nga ako dahil ang mga kamag-
aral ko ay punong-puno ang puso sa mga
salitang ito, ngunit ako kahit kailan hindi ko
ito narinig na lumabas sa kanilang labi.
Alam ko namang masama ang
makaramdam ng inggit sa kapwa, ngunit
hindi naman ito maiiwasan hindi ba
Dahil sa mga salitang ito na lagi
kong naririnig sa mga magulang ko ay hindi
maiiwasan na ako mismo

ay isa na rin sa nagbibigay ng pressure sa


aking sarili. Lagi kapag nakuha ko na ang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 25
grado ko ay hindi ako natutuwa sa resulta
nito. Palagi ay nadi-disappoint ako rito
sapagkat para sa akin ay mababa ito. Ang
mga grado na nakukuha ko ay kailanma'y
hindi naging sapat para sa akin. Iniisip ko
lagi, bakit ang baba nito? Alam ko sa sarili
ko na hindi pa ito ang best ko, alam ko na
kaya ko pa itong higitan ngunit bakit
palaging ganito lang ang grado na nakukuha
ko? Bakit kahit kailan hindi pa ito umabot
sa grado na gusto kong abutin? Kahit kailan
parang hindi ko pa naramdaman na
nasiyahan ako sa mga grado na nakuha ko.
Dahil sa pinaparamdam nila sa akin hindi
ko na rin naramdaman ang maging proud sa
aking sarili at kailanma'y hindi ako natuwa
sa mga achievements na natanggap ko.
Pakiramdam ko lagi ay parang may kulang
at hindi ito sapat. Hindi rin maiiwasan na
naikukumpara ko ang mga gradong nakuha
ko sa mga kaibigan at kamag-aral ko.
Kapag mas mataas

ang kanila mas lalong nadadagdagan ang


pressure na nararamdaman ko. Palaisipan
sa akin na kahit kailan ba ay hindi nila
naramdaman na maging proud sa mga
narating ko? Hindi ko ba talaga ma-aabot
ang standards na mayroon sila pagdating sa
edukasyon o pag-aaral?
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 26
Kung ikaw ay estudyanteng nararanasan,
nakakatanggap, at naririnig ang mga
binanggit kong dayalogo. Nararapat lamang
na basahin mo rin ang mga tips at paalala na
ibibigay ko, upang maiwasan at matanggal
mo sa iyong isip ang pressure na
natatanggap mo mula sa iyong sarili at ng
mga tao sa paligid mo.
1. Grades don't define you
Alam ko palagi na natin itong naririnig at
gamit na gamit na ito. Madalas din ay
nakikita natin ito sa mga memes sa
facebook, ngunit tandaan natin na ang mga
gradong makukuha natin ay hindi isang
repleksyon ng kung anong klaseng

tao, kabigan, anak, at estudyante tayo. Ang


mga grado na natatanggap natin ay hindi rin
dapat magsabi kung ano ang potensyal
natin. Bawat isa ay may iba't ibang
kalakasan at kahinaan, maraming paraan
para malampasan natin ang anumang
kahinaan natin. Magkaroon ka man ng
grado na mababa hindi dapat ito maging
basehan ng buong pagkatao mo, sapagkat
marami kang oras upang mas ma-improve
mo pa ang iyong sarili. Kaya dapat ay hindi
mo dibdibin ang mga grado na makukuha
mo at sa halip ay gawin mo itong
motibasyon at inspirasyon upang maabot
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 27
mo pa ang inaasam na grado. Ngunit ang
mababang grado ay hindi dapat ipinapasa
walang bahala.

2. Iwasang ikumpara ang sarili sa iba


Lahat ng tao ay mayroong kagalingan
sa iba't ibang larangan. Maaaring hindi ka
nga magaling sa

akademiko ngunit maaaring magaling ka


naman sa pag-kanta, pag-sayaw, pag-guhit
at iba pa. Lahat din ng tao ay hindi pare-
pareho ng bilis sa pagkatuto. Kaya
nararapat lang din na iwasan mo ang
pagkukumpara sa iyong sarili sa iba.
Maraming estudyante ang magaling
academically at marami rin ang hindi.
Ngunit saan ka man sa mga iyon ay hindi
naman dapat maging iba ang pag tingin
sayo ng mga tao. Maraming tao na ang
naging successful na hindi naman
nagkaroon ng magagandang grado noong
sila ay nag-aaral pa. Ang mga grado na
natatanggap ng iyong mga kaibigan o
kamag-aral ay hindi mo dapat na
kinaiinggitan. Sapagkat lahat tayo ay
mayroong iba't ibang standards pagdating
sa pag-aaral. Matuto dapat tayong maging
proud sa mga nararating natin, gaano man
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 28
kalaki o kaliit ang naabot natin at nararapat
na magkaroon tayo ng selebrasyon para rito.

3. Matutong mag-set ng mga


makatotohanang layunin
Lahat ng tao ay may sari-sariling
layunin na gustong maabot, ngunit
mayroong mga tao ang nagse-set ng mga
layunin at ekspektasyon na mahirap o
imposibleng maabot. Kaya kailangan
matuto tayong manatili sa isang landas na
alam nating maaabot natin. Iwasang i-
depende ang layunin sa mga nakikita sa
ating paligid, sapagkat lahat tayo ay may
iba't ibang layunin na nais maabot at iba-iba
rin tayo ng paraan kung paano natin ito
aabutin. Kung nakita mo ang kaibigan mo
na naabot na ang kanya at sa tingin mo
parang ang hirap abutin ng iyo o parang ang
tagal, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.
Dahil lahat tayo ay may tamang panahon at
oras kung kailan natin maaabot ang
tagumpay na ni nanais mo.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 29
4. Ipagdiwang ang iyong mga
tagumpay
Mahalaga na matuto tayong i-
appreciate at pahalagahan ang mga
pangyayari sa ating paligid. Gaano man
kalaki o kaliit ang achievement na naaabot
mo dapat ay ikinatutuwa mo ito. Maaaring
kapag ikaw ay nakakuha ng mataas na
marka sa inyong pagsusulit, nalagpasan mo
ang nakaka-stress na araw, naging
productive ka sa araw na iyon, nararapat
lamang na ipinagdiwang mo ito. Dahil
kailangan nating tandaan na ang bawat
tagumpay ay mahalaga.

Sa pag-aaral mahalaga na marunong tayong


magbigay at maglaan ng oras para sa sarili
natin. Lahat ng tao ay may responsibilidad,
sa eskwelahan o sa bahay man iyan. Ngunit
dapat ay matuto tayo na balansehin ang oras
natin. Nawa’y ang mga tips at paalala na
aking ibinigay ay makatulong sa iyo. Upang
malaman kung

nagtagumpay ka sa isang hinahangad ay


kapag alam at nararamdaman mong masaya
ka sa iyong narating.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 30

KABANATA III
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 31

“Pagod ba ako o
ayaw ko lang sa
ginagawa ko?”
Academic Burnout
Isinulat ni: Pepito, Shantal Kit M.

Sa mundo ngayon kung saan labis na


pinahahalagahan ang mataas na marka at
pagiging magaling sa akademiko, hindi
nakapagtatakang maraming estudyante ang
nagkakaroon ng academic burnout. Kahit
ang pinaka-motivated na mga estudyante ay
maaaring maramdaman ang sobrang
pagkapagod at stress dahil sa dami ng
kanilang takdang-aralin, mga pagsusulit,
proyekto, at patuloy na hangaring
makakuha ng mataas na grado.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 32
Ang pagkawala ng interest, at mabilis
na pagkawala ng pokus, at kawalan ng
tiwala sa sarili ay mga sintomas ng
academic burnout. Sa mga patong-patong
na gawaing siyang natatanggap na
kailangan ding tapusin sa isang tiyak na
deadline ay siyang isa sa dahilan kaya
nakakaramdam tayo ng pagka-burnout.
Maaari ring maramdaman kapag tayo ay
naka pokus lamang sa isang bagay na
nakakalimutan na nating

pangalagaan ang ating sarili. Kaya


mababasa sa librong ito ang mga paraan
kung paano maiiwasan ang makaramdam
ng academic burnout.

"Feeling ko ang bobo-bobo ko na"


Madalas ko itong nasasabi kapag
nawawalan ako ng tiwala sa sarili at
nagdududa ako sa kakayahan ko. Sa
madalas na pagod at stress sa pag-aaral,
naramdaman ko na hindi ko naabot ang mga
inaasahan ko, kaya nangamba at nabawasan
ang kumpyansa ko.
Minsan, nagresulta pa ito sa mga
mababang marka o pagbagsak sa mga
pagsusulit at projects. Nawalan ako ng
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 33
interes at sigla sa klase at naging mahirap
matulog.
Yung feeling na ang nag-iisang hindi
mo pa na review, hindi mo nabasa yun pa
ang napakaraming puntos sa pagsusulit at
nang balikan mo ito pagkatapos at
malalaman mo kung gano lamang ito
kadali.

"Okay na 'to. Bahala na, basta maka-


submit."
Hindi ko na iniisip kung gaano kagaling
o kaganda ang resulta, basta't maipasa ko
lang ito wala na akong choice kundi tapusin
ito. Kahit sumabay pa sa dami ng ibang
responsibilities at personal na bagay na
kailangan kong asikasuhin, kailangan ko
talagang harapin ito. Hindi ko alam saan
ako kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon,
pero susubukan ko na lang. Minsan naiisip
ko na ang daling sumuko at isipin na hindi
ko kaya, pero kailangan kong pigilan ang
sarili kong ganyanin.

Acceptance na lang ng current situation


at pag-aalala na hindi na masyadong
importanteng maging perfect o maabot ang
mataas na standard ng mga gawain. Ang
primary goal ay makaraos lang sa mga
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 34
requirements ng course ng iyong
eskuwelahan.

Sa totoong buhay, sa gitna ng academic


burnout, sobrang dami ng gawain at stress
na parang hindi na natin kaya maging
perfect o maabot ang mga mataas na
standards.

Ang "okay na 'to, bahala na" ay paraan


ng pagpapahinga at pag-alalay sa sarili. Isa
lamang itong reminder na hindi dapat
masyadong mabahala sa hindi gaanong
importanteng details o standards ng mga
gawain, kundi mag-focus sa mga crucial
points at ma-submit ang mga kailangang
ipasa.

Ang hirap mag-concentrate, hirap mag


focus, pero nadidistract tayo at lumilipad
ang utak.

Gusto kong maging attentive at maayos


sa pag-aaral, pero lagi na lang akong nadi-
distract at napapadpad sa iba't ibang lugar
ng
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 35
isip ko. Parang hindi ko ma-control yung
mga random thoughts na umaatake. Siguro
dahil na rin ito sa sobrang pagod at burnout
na nararamdaman ko.

Lagi kong sinasabing "focus, focus!"


pero parang ang hirap talaga. Ang dami-
daming responsibilities at deadlines,
nagiging overload na yung utak ko. Parang
may invisible force na naghihila sa
attention ko palayo sa mga dapat kong
gawin. Gusto ko sana mag-concentrate,
pero talagang nakakawala ng focus yung
bigat ng burnout.

Ang feeling na ito, parang isang


malakas na hangin na humahadlang sa mga
pag-iisip ko. Kahit gusto kong maging
focused at produktibo, napapalipad lang ako
sa iba't ibang direksyon. Naiinis ako sa
sarili ko dahil sa mga pagkakataong ito,
parang wala akong control sa sarili kong
isipan.

Hindi biro ang academic burnout.


Napapagod na ako sa dami ng mga gawain
at pressure na nakaabang. Ang hirap isipin
na kailangan kong mag-concentrate at mag-
focus, pero hindi ko makuha ang kailangan
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 36
kong pagtuunan ng pansin. Parang nasisira
yung concentration ko dahil sa sobrang
pagod at stress.

Iniisip ko na lang, malalampasan ko rin


'to. Kailangan ko lang bigyan ng konting
pahinga ang isip ko, saka kumuha ng mga
strategies para ma-overcome ang pagka-
distract. Dapat ko ring aalagaan ang sarili
ko at bigyan ng oras para mag-relax at
magpahinga.

Kahit gaano kahirap, hindi ako susuko


sa paghahanap ng paraan para maibalik ang
focus at concentration ko sa pag-aaral.

Sigurado akong nakaka-relate ka sa


problemang tinatawag na academic
burnout. Hindi biro ang pagiging
estudyante hindi ba? Lalo na kapag may
kailangan kang gawin para sa mga proyekto
at assignments, at mga exams na kailangang
ipasa.

Kahit gaano ka pa katalino, hindi mo


maiiwasan na may mga pagkakataon na
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 37
mapapagod at magkakaroon ka ng doubt sa
sarili. Pagpaplano ng oras ay isang
mahalagang kasanayan para sa pag-iwas sa
academic burnout. Dapat alam mo kung
kailan at paano maglaan ng oras para sa
pag-aaral, trabaho, at iba pang mga
aktibidad. Hindi mo kailangang gawin ang
lahat sa isang araw. Mahalaga rin ang
pagkakaroon ng sapat na oras para sa
pagpapahalaga at pag-rekonekta sa sarili.

Masayang mag senior high school, pero


alam mo ba ang kahahantungan mo?

Nag-umpisa ang senior high school


journey ko na puno ng pangarap at pag-asa.
Excited akong makapag-aral sa isang mas
mataas na antas at magkaroon ng mga bago
at kahanga-hangang karanasan. Ngunit sa
loob ng ilang buwan, hindi ko inaasahan na
daranas ako ng matinding pagod at stress.

Sa simula, napapansin ko na kailangan


kong magtrabaho ng maraming oras upang
maabot ang mataas na mga inaasahan ng
mga guro at magulang. Naisip ko na
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 38
masasabi nila na hindi ako sapat kung hindi
ko matupad ang mga ito. Kaya't araw-araw,
inilalaan ko ang mahabang oras para sa pag-
aaral at iba pang mga gawain.

Hindi ko napapansin na unti-unti nang


nawawalan ng kasiyahan at nagiging puro
obligasyon na lamang ang lahat. Sa tuwing
magbubukas ako ng libro o sisimulan ang
isang proyekto, nararamdaman ko ang bigat
ng pagod at kawalang-gana. Parang hindi
ko na maipahayag ang aking sarili sa mga
pagsusulit at mga takdang-aralin.
Nawawalan na ako ng interes sa mga bagay
na dati ay pinapahalagahan ko. Sinubukan
kong pigilan ang aking nararamdaman,
ngunit tuluyan na akong sinasakal ng
burnout.

Sa bawat araw na lumilipas, lumalala


ang mga sintomas ng burnout. Hindi ko na
kayang mag-concentrate, nagkakaroon ng
pagkapagod na hindi madaling mapawi, at
ang pagkabigo na maabot ang aking mga
layunin ay laging sumasagi sa aking isipan.
Napapansin ko rin ang mga pisikal na
epekto nito tulad ng mga
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 39
pananakit ng ulo at pagbabago ng aking
kalooban.

Napagtanto ko na kailangan kong


kumuha ng hakbang upang labanan ang
academic burnout na ito. Nagpasya akong
magpahinga at mag-alok ng oras para sa
sarili. Pinag-aralan ko ang pagiging
organisado at pagpaplano ng aking mga
gawain upang mabawasan ang stress.

Binigyan ko rin ng halaga ang aking


kalusugan sa pamamagitan ng regular na
ehersisyo at pagkain ng malusog na
pagkain.

Sa paglipas ng panahon, unti-unti kong


naramdaman ang pagbabalik ng aking
kasiyahan sa pag-aaral. Hindi na ako
nababalot ng takot at pagod tuwing papasok
sa paaralan.

Nahalina ulit ako sa pagkatuto at


natutuwa ako sa mga bagong kaalaman na
natatamo ko. Sinasabi ko sa sarili ko na ang
aking kalusugan at kasiyahan ang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 40
pinakamahalagang mga bagay, at dapat
kong alagaan ang mga ito habang
pinagbubuti ko ang aking pag-aaral.

Kahit na minsan ay napapagod pa rin


ako, ngayon ay mas alam ko kung paano
balansehin ang aking mga responsibilidad.
Natutunan ko na hindi dapat ako magpadala
sa labis na pressure at dapat ko bigyan ng
halaga ang aking sariling kapakanan.

Ang sarap sa pakiramdam na nahanap


ko na yung mga paraan para maibsan ang
stress ko. Sa dami ng mga gawain sa
school, minsan talaga napapagod ako. Pero
alam mo, hindi ako sumuko. Naghanap ako
ng mga bagay na nagpapasaya sa'kin para
ma-relax.

Kapag may free time, enjoy ako sa


pagbabasa ng mga libro at komiks. Lalo na
pag fantasy, kasi nakalilimutan ko sandali
yung mundo natin at napapadpad ako sa
ibang mga mundo.

Nakatutuwa yung mag imagine,


nakalilimutan ko ‘yung mga problema ko.
Nakaaaliw kasi mawala sa realidad at
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 41
makapag-explore ng ibang mundo, mahilig
din ako sa panonood ng mga palabas at
movies. Nakatutuwa kasi nakalilimutan ko
sandali ang mga problema ko kapag
naaabangan ko yung mga paborito kong
characters.

Hindi rin nawawala ang bonding time


kasama ang mga kaibigan ko. Sa tuwing
nagkikita kami, sobrang saya at
nakakalimutan ko ang mga pressures ng
school. Nagtutulungan kaming harapin ang
mga challenges ng senior high school. Mga
kainan sa labas kahit mga wala ng pera ok
lang ‘yon.

Hindi rin ako nagkulang sa paghahanap


ng suporta mula sa pamilya ko at mga guro.
Malaking tulong sila para sa akin. Alam
nila kung paano ako ma-inspire at palakasin
ang loob ko kapag nahihirapan ako. Hindi
ko talaga maaabot ang mga pangarap ko
kung wala sila.

Sa tulong ng mga bagay na


nagpapasaya sa'kin at ng mga taong
sumusuporta sa akin, mas confident ako na
harapin ang mga stress at hamon ng buhay
bilang isang estudyante. Alam ko na may
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 42
mga paraan ako para mag-relax at may mga
tao na nandyan para sa akin.

Noong 2014, sina Shui-Hui Lin at Yun


Chen Huang ay gumawa ng pagsusuri sa
ugnayan ng pagkabugnot sa pag-aaral at
tagumpay sa akademiko sa gitnang paaralan
ng mga mag-aaral sa Kenya. Naglakip ito
ng 714 na mga

mag-aaral ng ika-apat na taon (katumbas ng


Grade 12) na kinuha mula sa 31
pampublikong gitnang paaralan. Ginamit
ang Maslach Burnout Inventory Student
Survey.

Ang tagumpay sa akademiko ay


sinusukat gamit ang mga marka ng mga
mag-aaral sa mga pagsusulit sa katapusan
ng termino. Ito ang paraan ng pagtaya kung
gaano kagaling ang isang mag-aaral sa
kanilang mga akademikong gawain at kung
maabot ba nila ang mga inaasahang
pamantayan ng pag-aaral. Sa pamamagitan
ng pagsusuri sa mga marka sa pagsusulit,
maaaring malaman ang antas ng tagumpay
at pagkakamit ng mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 43

Sa aking karanasan bilang isang mag-


aaral, napakahalaga ng mga marka sa mga
pagsusulit sa pagtaya ng aking tagumpay sa
akademiko. Ang mga markang ito ay hindi

lamang mga numero o letra na inilalagay sa


mga papel; sila ang mga sukatan ng aking
pag-unlad at kakayahan sa akademikong
larangan.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga


marka na aking natanggap sa mga
pagsusulit, malalaman ko kung gaano ako
kahusay sa aking mga akademikong gawain
at kung nagawa ko ba nang maayos ang
mga inaasahang pamantayan ng pag-aaral.

Ang mga marka sa mga pagsusulit ay


hindi lamang simpleng tala ng aking
pagganap. Sila ay mga pahiwatig ng aking
pag-unlad at kabuuang kaalaman. Kapag
sinuri ko ang mga markang aking
natanggap, maaaring makita ko ang mga
mabuting aspeto ng aking pag-aaral at ang
mga posibleng areas ng pagpapabuti.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 44

Ang mga marka ay nagbibigay sa akin


ng mga impormasyon at suhestiyon kung
saan ako dapat mag-concentrate upang
mapaunlad ang aking mga kakayahan at
malampasan ang mga hamon sa akademiko.
Ito ay isang pagkakataon upang mag-
repleksyon, pag-aralan ang mga
pagkakamali, at higit pang magpursige.

Ang mga markang ito ay isang malinaw


na tala ng aking tagumpay at mga
kakayahan at nagbibigay sa akin ng
impormasyon kung alin pang mga aspekto
ng aking pag-aaral ang dapat kong
pagtuunan ng pansin. Sa pamamagitan ng
maingat na pagsusuri sa mga marka sa
pagsusulit, nagkakaroon ako ng patnubay at
gabay upang mapaunlad pa ang aking sarili
at maabot ang mas mataas na tagumpay sa
akademiko.

Bilang isang estudyante, narito ang mga


napapanahong tips para maiwasan ang
academic burnout:
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 45
1. Magplano ng maayos.
Ang paggawa ng isang tumpak na
schedule para sa mga gawain sa eskwela at
pahinga ay tutulong sa iyo na magkaroon ng
organisasyon at maiwasan ang stress.
Siguraduhing nakapaloob dito ang sapat na
oras para sa pahinga at pag-relax. Sa
pamamagitan ng maayos na pagpaplano,
maaari mong kontrolin ang iyong oras at
mag-focus sa bawat gawain.

2. Iwasan ang sobrang pagpaplano.


Bagamat mahalaga ang pagpaplano,
hindi mo dapat madamaan ang sobrang
karamihan ng mga layunin at takdang-
aralin. Dapat mong tandaan na hindi ka
robot at may limitasyon ang oras at

lakas mo. Mahalaga ang pagkakabalanse ng


mga responsibilidad sa pag-aaral at pag-e-
enjoy sa buhay. Bigyan ng importansya ang
mga aspeto ng buhay tulad ng pamilya,
kaibigan, at mga personal na interes.

3. Alagaan ang kalusugan.


Ang pag-aalaga sa iyong kalusugan ay
hindi dapat malimutan. Kasama sa pag-
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 46
aalaga nito ang regular na ehersisyo,
pagkain ng malusog, at sapat na tulog. Ang
mga ito ay nagbibigay ng enerhiya at
nagpapanatili sa iyong katawan at utak na
malusog.

Ito rin ay nakakatulong sa iyo na


magkaroon ng mas malalim na pag-unawa
at mas matatag na resistensya sa mga
stressor sa paaralan.

4. Magtakda ng maliliit at
makatwirang mga layunin.
Ang pagtatakda ng mga maliliit at
maabot na mga layunin ay nagbibigay ng
patuloy na motibasyon at sense of
accomplishment. Sa halip na biglang-bigla
at malalaking mga layunin, hatagan ang
sarili ng mga achievable at measurable
targets. Maaari itong maging mabuting
pampalakas ng loob at makatulong sa iyo na
i-manage ang iyong mga gawain nang mas
mahusay.

5. Maglaan ng oras para sa sarili.


E s t u d y a n t e n g P a g o d | 47
Sa kabila ng mga responsibilidad sa
eskwela, mahalagang maglaan ng oras para
sa iyong sarili. Isama sa iyong schedule ang
mga aktibidad na nagbibigay sa iyo ng
kaligayahan at kalinawan. Maaaring ito ay
pagbabasa ng paboritong libro, pakikinig sa
musika, pagsasayaw, pagguhit, o anumang
aktibidad na nagpapasaya sa iyo.
Makatutulong ito sa iyo na

mapalayo sa stress ng pag-aaral at


magkaroon ng balanseng buhay. Paglaanan
din ng oras ang pagkakasama kasama ang
mga kaibigan at pamilya, dahil ang kanilang
suporta at pagmamahal ay mahalaga sa
iyong kabuuan bilang isang estudyante.

Mahalaga ang mga hakbang na ito


upang maiwasan ang academic burnout. Sa
pamamagitan ng pagtatakda ng mga
limitasyon, pagpapahalaga sa sarili,
paghahanap ng tulong mula sa iba, at
pagkakaroon ng balanseng buhay, mas
magiging produktibo at malusog ang iyong
pag-aaral.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 48

KABANATA IV

Kakayanin
ko pa ba?
Isinulat ni: Padua, Carla Jean B.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 49

Sa mga hindi mabilang na tulog at


gabi na nararanasan ng bawat estudyante,
laging may pagdududa sa kanilang isipan
kung makapagtatapos ba sila ng pag-aaral.
Lahat tayo ay mayroong sari-sariling
pagsubok na pinagdaanan mapa-personal
man ito o school related ay napapatanong
tayo sa ating sarili kung makakaya ba natin
‘tong lagpasan. Sa perspektibo ng bawat
isa, may iba't ibang lebel ang kahirapan ng
pag-aaral depende sa kanilang sitwasyon.
Sa parte ng librong ito mababasa ang iba't
ibang pagsubok na hinaharap ng mga mag-
aaral na siyang nagbubunga upang tanungin
nila ang kanilang mga sarili, "Kakayanin ko
pa ba?" Makikita rito ang mga hinaing na
siyang kumukunsumo sa mga estudyante,
dahilan para sila ay makaramdam ng pagod.
Pagod, hindi lang sa kanilang pisikal na
kalusugan, gayundin sa kanilang
mentalidad. Pag-uusapan sa parte na ito
kung paano tumatakbo ang pag-iisip ng
isang pagod na estudyante ngunit patuloy
parin sa

pag-aaral para makamit ang kanilang mga


pangarap.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 50

Ang salitang “kakayanin ko pa


ba?” ay napakabigat na salita para sa mga
estudyante na nahihirapan sa araw-araw na
pagsubok sa kanilang buhay. Ito ay apat na
letra lamang ngunit tila milyong piraso ng
karayom na tinutusok sa ating katawan.

Tatalakayin natin kung ano ang


mga maaaring dahilan para magduda sa
sarili kung kaya mo pa ba at epekto nito sa
iyo:

1. Mababa ang Tingin sa Sarili


May mga ganitong pagkakataon na mababa
ang tingin natin sa sarili marahil sa mga
sinasabi ng taong nakapaligid sa atin. Lalo
na kung ang iyong insecurities ay pinoint
out at paulit-ulit itong pumapasok sa ating
isipan. Ayon kay Cherry (2023),

ang kulang ng kumpiyansa sa sarili, kulang


ng kontrol, negatibong social comparison,
nahihirapan manghingi ng tulong sa iba,
takot sa kabiguan, at nahihirapang
tumanggap ng positibong puna ay mga
senyales ng mababang tingin sa sarili. Isa-
isa nating talakayin ito, ang “Kakulangan
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 51
ng Kumpiyansa sa Sarili” ay maaaring
magpalala kung bakit ang tingin sa sarili ay
mababa. Ang pagkakaroon ng malakas na
loob ay makatutulong kung paano mo
hahawakan ang iba’t ibang pagkakataon,
pakikipag komunikasyon sa ibang tao,
magbigay solusyon sa mga problema,
magbigay suhestiyon tungkol sa iyong
ideya, at mapagpabuti pa ang sarili. Ang
“Kulang sa Kontrol” ay hindi makontrol
ang mga nangyayari at kalalabasan ng kilos
marahil tingin nila ay walang kakayahan na
magbigay impact pagdating sa iba’t ibang
larangan dahil sila ay may locus of control.
Nakaiimpluwensya ang locus of control
kung paano natin tugunan

ang mga nangyayari sa ating paligid at sa


ating motibasyon para kumilos. Samantala,
ang “Negatibong Social Comparison”
naman ay pagkukumpara sa sarili sa ibang
tao. May mga pagkakataon na kinukumpara
natin ang sarili sa iba dahil napapaisip tayo
bakit sila nabiyayaan ng yaman o
katalinuhan kaya sa tingin natin di patas ang
mundo. Linyahan na “Bakit sila kaya
nilang gawin ito, bakit ako hindi?”
Naranasan mo na bang ipagkumpara ng
iyong magulang sa ibang tao? Kung oo,
makakarelate ka rito. Masakit sa damdamin
na sarili mong magulang ay kinukumpara
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 52
ka sa ibang tao lalo na kung ang usapan ay
akademiko kaya ikaw ay nape-pressure na
nagbubunga ng pagka-burn out. Sunod
naman ay “Nahihirapan Manghingi ng
Tulong sa Iba”, ito ay sa tingin mo abala ka
sa ibang tao kaya nahihiya ka manghingi ng
tulong. Tandaan mo na walang masama sa
paghingi ng tulong lalo na sa mga bagay na
hindi natin kayang gawin at magsasabi nang

maayos sa taong hihingian ng tulong. Ang


“Takot sa Kabiguan” ay isa sa maaaring
dahilan ng mababang tingin sa sarili dahil
sa expections sayo ng taong nasa paligid mo
at expectation mismo sa sarili. Naisip mo na
kung ikaw ay mabibigo sa kahit anong
bagay ay hindi na magiging proud ang iba
sayo at magdududa ka sa sarili kung kaya
mo pa ba gawin ang mga bagay na
napamahal sa iyo. Laging isipin na hindi
porke nabigo ka ng isang beses ay hindi ka
na pwedeng bumangon muli, wag mo ring
isipin ang sasabihin ng iba dahil mahalaga
na may natutunan ka noong ikaw ay nabigo.
Kumbaga, isipin mo na challenge ito at
balikan muli ang mali o pagkukulang mo
nang sa gayon ay mapabuti ang sarili
pagdating sa ganoong larangan. Ang huli
naman ay “Nahihirapang Tumanggap ng
Positibong Puna”, marahil ay sa iyong
palagay na ang sinasabi ng taong
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 53
nagbibigay ng positibong puna ay hindi
totoo o hindi iyon akma sa paniniwala mo.

Sa pamamagitan ng pagtanggap ng
positibong puna ay maaari nitong ma-build
ang confidence mo dahil nga “sinabi nya
na maganda ang gawa ko” o “magaling
ako sa gantong bagay sabi niya”
mabibigyan tayo ng affirmation na nagiging
dahilan para tanggapin ang sarili.

2. Kulang sa Tulong Pampinansyal


Sinasabi na hindi hadlang ang kahirapan sa
pag-aaral, ngunit marami ang nagpapatunay
na handlang ito. Ayon sa Philippine
Institute for Development Studies (PIDS),
ang mga estudyanteng kabilang sa 25% ng
may mababang kita ay humihinto sa pag-
aaral. Isa ito sa mga dahilan kung bakit
napapatanong ang estudyante kung
“kakayanin ko pa ba?” dahil imbes na
ipangkain ng pamilya ay magbabayad ng
bayarin sa eskwelahan. Ang iba ay
napipilitan na tumigil at magtrabaho na

lamang dahil ang isipan nila ay mas


praktikal ito at kailangan may
mapagkukunan ng pera panggastos sa araw-
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 54
araw. Minsan naman, ang mga estudyante
ay nagtatrabaho habang nag-aaral o
tinatawag nating “working student”. Hindi
ito madali para sa mga estudyante na
isinakripisyo ang pag-aaral para sa pamilya
kaya kahit na nahihirapan ay nagpapatuloy
pa rin upang makamit ang layunin.

3. Academic Burnout
Isa rin ito sa mga posibleng dahilan para sa
mga estudyanteng nahihirapan. Madalas na
nangyayari ito sa mga estudyante lalo na
ang mga lumaking academic achiever o
kaya naman ang buong pamilya ay halos
propesyonal at mataas ang expectation ng
tao sa kanya na maaaring sanhi ng burnout
dahil konting pagkakamali lang ay
huhusgahan agad sila. Ang mga maaring
sanhi ng academic burnout

ay maraming gawain pampaaralan, kulang


sa tulog, walang maayos na kain, hindi nag-
eehersisyo, hindi marunong mag manage ng
oras, at unrealistic goals (Einsteinmed.edu
n.d). Talakayin natin ang mga ito, sa
sobrang daming gawaing pampaaralan, ang
mga estudyante ay na-overwhelm kaya sa
huli hindi na nila alam kung ano ang
uunahin. Ang iba ay nag-cacram o
procrastinate, habang ang iba naman ay
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 55
sinisimulan agad ang gawain. Academic
burnout ang epekto nito sa kanila dahil
isinasakripisyo ang tulog para lang matapos
ang gawain na nagdudulot ng pagkaantok sa
klase. Bukod sa pagsasakripisyo ng tulog,
ang estudyante ay isinasakripisyo rin ang
kanilang oras ng pagkain upang makapag
pasa sa tamang oras. Kakulangan sa pag-
eehersisyo ay dahilan para magka-academic
burnout, Ayon sa UCL UK (n. d), ang pag-
eehersisyo ay makakatulong upang mag-
concentrate nang mas mabuti. Kaya kahit 2
beses sa isang linggo ay mag-ehersisyo para

mapaunlad pa ang kalusugan. Ang hindi


pagsasaayos ng oras ay isa sa maaaring
dahilan para ma-burn out. Kung may
gawain na binigay ay siguraduhin na
tapusin ito kaagad at wag nang mag
paligoy-ligoy pa. Matuto tayo na unahin
ang mga dapat gawin lalo na kung sa tingin
mo ay mahirap ito dahil kung hindi natin
pahalagahan ang oras ay walang ibang
magdudusa kundi tayo rin.

Narito ang mga bagay na maaari mong


gawin kung ikaw ay nakakaramdam ng
pagdududa sa sarili:
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 56
“Nagpa psychological therapy ka? Edi
baliw ka pala?”
May mga bagay na pwede mong
gawin para maklaro ang isip kabilang na
rito ang pagkonsulta sa isang Licensed
Psychologist. Tandaan na hindi porket
nagpakonsulta ay may problema ka

na sa pag-iisip. Alisin natin ang estigma


kung saan ang mga nagpapakonsulta sa
sikolohista ay “baliw”, maraming dahilan
para magpakonsulta sa sikolohista kabilang
na rito ang upang ma-diagnose kung may
sakit sa mental na kalusugan, para mapabuti
ang sarili, pagkalito sa sariling seksuwal na
kaanyuan, at maintindihan nang maayos
ang sarili. Mahalaga na pangalagaan din
natin ang mental na kalusugan kaya maging
bukas sana ang isipan natin sa mga tao na
nakararanas ng mental illnesses dahil hindi
ito biro.

“Drink your water, sis”


Pangalawa, uminom ng walong
basong tubig sa isang araw. Ang pag-inom
ng tubig ay nagpapabuti ng lagay ng loob,
dahil tumataas ang mga problema sa pag-
iisip, negatibong mood, pagkapagod at galit
kapag ikaw ay dehydrated (Conserve
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 57
Energy Future, n.d). Kung ikaw ay tipo ng
tao

na hindi mahilig uminom ng tubig, ngayon


simulan mo na magdala ng tumbler. Kung
lalabas ay palaging magbaon ng tubig kaysa
bumili sa mga lokal na tindahan para
makatipid. May tinatawag tayo ngayong
aquaflask, isa itong lalagyan ng tubig na
malaki at maaari mong lagyan ng yelo dahil
magtatagal ang lamig dito.

“Sasamahan Kang Libutin ang UP


Diliman”
Maglakad-lakad at lumanghap ng
sariwang hangin. Ayon sa Cancer Research
UK (n.d), isa sa benepisyo ng paglalakad ay
nakakabawas ng stress. Sa mga oras na
nagdududa sa sarili, kailangan nating mag-
unwind. Ayon sa isang pag-aaral sa North
Dakota State University (2011), ang
paglalakad ay naglalabas ng brain
chemicals na tinatawag na endorphin na
nagpapasigla sa pagpapahinga at
nagpapaganda ng ating kalooban. Ang
endorphin naman ay
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 58
nakatutulong upang maibsan ang sakit,
mabawasan ang stress, at mapabuti ang
iyong pakiramdam (ClevelandClinic.org
2022). Ang UP Diliman ay kilalang
unibersidad sa bansa, maari kang maglakad
lakad rito at bumili ng kanilang sikat na
dirty ice cream. Habang naglalakad ay
maaari mong isipin ang mga dapat mong
gawin o plano kung ikaw magpapatuloy pa
rin sa buhay.

“Kakayanin ko. Kaya ko. Kinaya ko.”


Positibong kausapin ang sarili (use
positive self-talk). Ang positive self-talk
ayon sa Medical News Today (2022), ay
internal na pag-uusap upang mapagaan ang
loob o kaya naman magbigay motibasyon
sa sarili. Ayon sa pananaliksik ni
Shadinger, et al (2019) ang pagsasagawa ng
positive self-talk bago ang presentasyon ay
makatutulong para sa mga estudyante para
mabawasan ang anxiety. Habang binibigyan
ng affirmations ang sarili na kaya mo

ang mga pagsubok, gawin ang inhale at


exhale. Sa pamamagitan nito ay gagaan ang
iyong kalooban at sa halip na iisipin mo na
“Kakayanin ko pa ba?” magiging
“Kakayanin ko. Kaya ko. Kinaya ko.”
Walang pagsubok na hindi mo kayang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 59
lagpasan. Magtiwala sa sarili dahil sa huli,
may aral kang matutunan sa kabila ng
pagsubok na tinahak mo.

“Take your time para intindihin ang


sarili”
Minsan talaga ay hindi natin
maintindihan ang nais ng ating isipan.
Huwag mong madaliin o ipressure masyado
ang sarili mo dahil ikaw lang din ang
mahihirapan. Ang buhay ay hindi karera.
May mga tao na mauuna sa atin, mayroon
naman na mahuhuli. Sa pag-intindi ng sarili
ay hindi madalian dahil may oras na
nakalaan para rito. Focus lang sa goal.
Kung hindi mo man maintindihan ang sarili
ay maaari kang lumapit sa sikolohista,

magulang, kapatid, at sa poong maykapal.

“Wag mag paapekto sa sinasabi ni


Marites”
Hindi maiiwasan ang mga tao na
humihila sa atin pababa. Ayos lang na
masaktan ka sa sinasabi nila, valid ang
nararamdaman mo pero hindi ibig sabihin
non ay susuko ka na. Gawin mong
motibasyon ang sinasabi nila at ipakita mo
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 60
na kaya mong gawin ang mga bagay at kaya
mong tuparin ang iyong pangarap.

“Kaya ko pa ba?”
Noong taong 2020 ay nagkaroon ng
pandemya na tinatawag na Coronavirus
Disease 2019 (Covid-19). Nagsimula ito sa
Tsina noong 2019 at kumalat sa buong
mundo sa sumunod na taon. Marami ang
naapektuhan nito dahil nagsara ang ilan sa
mga negosyo,

natigil ang pasada sa mga lugar, at higit sa


lahat ay nagsara ang paaralan.

Nagsimula ang online classes


noong Oktubre 2020, ito ay tinatawag ding
distance learning sapagkat sa bahay lang
nag-aaral ang mga estudyante gamit ang
teknolohiya lalo na sa mga lungsod at
modular learning naman sa mga probinsya.
Hindi ito naging madali para sa mga
estudyante dahil more on self-learning. Iba-
iba ang kapasidad ng tao para matuto, may
natututo sa pamamagitan ng pagbasa,
pagtuturo sa kanila, at pakikinig. Bukod sa
self-learning, marami rin ang pinapagawa
sa taong ito.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 61

Ayon kay Xinhua (2021), ang


suicide rate sa Pinas ay tumaas ng 57.3%
noong 2020 mula 2019. Marami ang
estudyante na kinitil ang buhay noong
panahong iyon. Sa sobrang dami ng gawain,
stress,

anxiety, at depresyon ay pinili na lisanin


ang mundo.
Ako, bilang estudyante ay na-
overwhelm sa dami ng gawain noong online
class. Napapagod na ako at napapaisip kung
kakayanin ko pa ba? Dahil sa hirap ng
pinagdadaanan hindi lang ako pati na rin ng
buong mundo. Marami ang patuloy na
nagkakasakit at namamatay, tumataas ang
mga bilihin, samu’t-sari ang korapsyon na
nagaganap, at nagtatanong kung kailan
matatapos ang pasakit na ito. “Kakayanin
ko pa ba sa kabila ng mga problema na
nasa paligid ko?” ayan ang tanong na
laging nasa isip ko dahil lahat ng larangan
ay naapektuhan ng Covid-19. Noong
panahon na iyon ay gusto ko na lumisan na
lang dahil sa tingin ko ay hindi ko na kaya
ang mga suliranin na wala pang tiyak na
kasagutan.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 62
Ngayong nasa new normal na at
ina-adopt ang mga bagay-bagay simula
noong nag-

pandemya, naging mahirap din para sa akin


na mag-adjust dahil noon ay hindi
nagsusuot ng facemask o face shield at
ngayon ay laging may facemask na.
Nagtaasan na rin ang mga bilihin dahil may
inflation, ang dating pamasahe sa tricycle
na 8 pesos, ngayon ay halos 15 pesos na.
Marami na ang nagbago kabilang na ang
aking mentalidad, paniniwala, at
pagpapahalagang moral.

Minsan na rin akong nagduda sa


sarili ko dahil hindi ko na nagagawa ang
mga bagay na ginagawa ko dati at hindi rin
ako palagay sa mga bagay na pwede ko
pang gawin. Mababa ang aking kumpiyansa
sa sarili dahil tingin ko may mga taong
magaling sa gantong larangan na hindi ko
kayang gawin. Hindi ko napagtanto na
maaari pa akong matuto, na ang ibang tao
ay nagsisimula na walang karanasan bago
sila naging propesyonal, na hindi pa huli
ang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 63
lahat kaya maaari akong makapagsimula na
kaya ko pala. Mabuti na lang ay hindi ako
sumuko noon dahil wala sana ako rito
ngayon para magbahagi ng karanasan,
magbigay tips, at makatulong para
maliwanagan ang mga estudyante.

Ginawa ko ang mga hakbang na


nasabi sa taas maliban sa paglapit sa
sikolohista upang maklaro ang aking isip.
Ngunit limitado lang ang pwedeng gawin
dahil may lockdown, sa bahay ako
naglalakad lakad. Hindi ko akalain na
pwede kong mapaunlad ang sarili sa
pamamagitan ng simpleng gawain sa araw-
araw. Ikaw, pwede mo rin itong gawin basta
maging consistent at mag pokus sa layunin
o nais mong makamtan.

Ngayon, ang sagot sa kakayanin ko pa ba?


Oo, kakayanin ko. Kaya ko. Kinaya ko.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 64
KABANATA V

“Due Tomorrow,
Do Tomorrow”
Time Management
Isinulat ni: Soriano, Marian D.

Isa sa mga katangian ng mga estudyante


ay ang pagiging responsable dahil may mga
gawain o bagay na nakaatas sa bawat isa.
Kasama na sa pagiging responsable ang
pagkakaroon ng time management.
Maraming mga bagay ang maaaring maging
resulta sa pagkakaroon ng pagkukulang sa
pag manage ng iyong oras, katulad na
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 65
lamang kapag ikaw ay may nais na gawin
ngunit hindi mo ito magagawa dahil sa mga
bagay na hindi mo pa natatapos, ang mga
bagay na iyon ang mga nagbibigay sayo ng
dagdag isipin.

Ano nga ba ang time management?


Ang time management ay tumutukoy sa
pamamahala ng oras nang epektibo upang
ang tamang oras ay inilalaan sa tamang
aktibidad. Ang epektibong pamamahala ng
oras ay nagbibigay-daan sa mga indibidwal

na maglaan ng mga partikular na puwang


ng oras sa mga aktibidad ayon sa kanilang
kahalagahan. Ito ay tumutukoy sa paggawa
ng pinakamahusay na paggamit ng oras
dahil ang oras ay laging limitado. Marami
sa atin ang mababa ang pagpapahalaga sa
oras nasasayang natin sa araw araw, ngunit
hindi alam ng iba na malaki ang benepisyo
o maganda ang kahihinatnan natin kapag
pinapahalagahan natin ang oras natin o tayo
ay may time management.

May kasabihan na "Time is Gold" sa


aking pananaw lahat ng ginagawa mo ay
may halaga, halimbawa ay sinayang mo ang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 66
oras mo sa paglalaro ng mga online games
kung saan pwede mo namang gawin ang
mga takdang aralin sa oras na iyon, mas
pinili mo na ibuhos sa ibang bagay ang oras
mo kaysa na maging produktibo ka.

Bilang estudyante ay alam mo ang mga


bagay na dapat mong i-priority at mga
bagay na hindi kinakailangan na gawin
dahil kapag hindi alam kung ano ang
uunahin ay maaaring mahirapan ang
estudyante sa paghawak ng kanyang oras.
Kung ikaw ay walang time management o
hindi mo alam pano i-mamanage ang iyong
oras ay mabuti nang mabasa mo ito.
Katulad mo ay isa rin akong estudyante na
nangangapa sa aking time management,
kahit anong gawin ko ay natatambakan pa
rin ako ng mga gawain, dahil dito ay
minsan ay minamadali ko na ang mga
gawain at proyekto na ipapasa para lamang
makaabot sa mga takdang oras na pagpasa
ng mga awtput. Ang pagkawala ng time
management ay may mga negatibong
epekto sa atin katulad na lamang ng
pagkataranta sa mga gawain kung saan tayo
ay naiistress dahil sa mga workload natin,
nagkakagulo tayo sa mga gawain dahil sa
kakulangan natin na hawakan ng maayos
ang ating oras,
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 67

katulad ko ay iniisip ko na kapag maikling


oras na lamang ang natitira para gawin ang
isang gawain ay nakatatak na sa isipan ko
na hindi ko na ito matatapos dahil nga sa
kulang na oras dahil doon ay naguguluhan
ako at hindi ako makagawa ng maayos.

Upang ikaw ay magkaroon ng maayos


na time management ito ang mga tips na
maaaring makatulong sa’yo sa pagkakaroon
ng epektibong time management:

1. Create a calendar
Para hindi ka magulat sa dami ng gawain na
dapat mong gawin ay dapat ay i-set mo ang
iyong mga araw kung kelan ang mga
deadlines, quiz, at iba pang mga
importanteng bagay na dapat mong gawin.
Sa ganoong paraan ay alam mo ang mga
uunahin mong gawin at maging aware ka sa
mga

araw kung kailan kailangan mo magpasa ng


mga gawain.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 68
2. Set Reminders
Hindi lang sapat ang paggawa ng sarili
mong calendar sa iyong mga gawain. Dapat
din na alam mo kung kailan ka gagawa at
ilang oras ang ginugugol mo sa isang
gawain. Maaari mong gamitin ang iyong
cellphone upang mag alarm at i-track kung
gaano katagal ka gumagawa.

3. Build a personalized scheduled


Siyempre hindi sa lahat ng oras ay tungkol
lamang sa paggawa ng mga takdang aralin
ang ginagawa mo. Ang paggawa ng
personal schedule ay makakatulong sayo na
huminga sa mga gawain, ang pagkakaroon
nito ay mahalaga dahil hindi lang naman sa
paaralan umiikot ang mundo natin, may
mga

bagay din tayong gustong gawin at ito ay


makakatulong sayo na i-seperate ang mga
schedule na 'yon sa mga schedule mo sa
paaralan lamang. Hindi mo kailangan
ibuhos lahat ng oras mo sa pag-aaral, pa
minsan minsan ay kailangan mo ring
huminga.

4. Use tools that works for you


E s t u d y a n t e n g P a g o d | 69
May mga apps na maaaring makatulong
sa’yo sa pagkakaroon ng epektibong time
management, kung sa tingin mo ay
nakakatulong ang mga digital apps sa
pagiging produktibo mo ay gamitin mo ang
mga iyon. Kung hindi naman ay maaari mo
naman gamitin ang mga traditional na
notebook planner’s para sa pagplaplano ng
kanilang oras. Kung ano ang makakatulong
sayo ay dapat mo itong gamitin at
pahalagahan

5. Prioritize
May mga araw talaga na hindi maiiwasan
ang konting oras na matitira sayo upang
gawin ang mga gawain. Sa mga ganitong
sitwasyon ay dapat natin alamin kung ano
ba ang may mga deadline at alin doon ang
nalalapit nang ipasa, sa ganitong paraan ay
malalaman natin kung ano ang una na
gawin.

6. Make time for yourself


Ang time management ay hindi lamang
umiikot sa paghawak ng iyong oras.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 70
Layunin din nito na magkaroon ka ng oras
para alagaan ang sarili mo.

7. Find support
Ang pagkakaroon ng kaagapay ay
makakatulong sayo para maging
matagumpay sa mga binabalak mo. Ang
mga kaibigan o ang pamilya mo ay maaring
tulungan ka sa iyong mga ginagawa, dahil
hindi sa lahat

ng oras ay kaya natin na sarilihin lahat ng


ating ginagawa, minsan ang pagkakaroon
ng support ay kailangan natin para matapos
sa ating mga gawain.

8. Be realistic and flexible


Ang ibig sabihin na lamang nito ay kapag
gagawa ka ng calendar ay dapat maging
makatotohanan ito. Halimbawa ay
maglalagay ka ng patong-patong na gawain
sa araw na ito, sa tingin mo ba ay kaya mo
itong matapos? Kung ikaw ay gagawa ng
gawain ay dapat alam mo kung hanggang
saan lang ang kaya mong gawin dahil kung
hindi ka magiging realistic ay hindi ka rin
makakatapos ng mga gawain. Sa paraang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 71
ito mababawasan ang mga pangamba sayo
na hindi mo matatapos ang mga gawain.

Sa mga tips na na-ibigay sana ay


makatulong ito sayo sa paghawak mo ng
iyong oras. Ang pagkakaroon ng time
management ay may positibong epekto sa
tao. Makatutulong ito upang mas maging
mahusay, epektibo, at produktibo hindi
lamang ang ating mga gawain pati na rin
ang bawat indibidwal. Ang iba’t ibang mga
pamamaraan, sistema, at proseso ng time
management ay maaaring makatulong
upang maisakatuparan ang mga iniatang
gawain at layunin. Ang paghahawak din ng
iyong oras bilang estudyante ay
makakatulong para maging produktibo ang
bawat isa, sa ganoong paraan ay nagiging
confident tayo sa ating mga ginagawa,
nagiging organize rin tayo, at mas
magkakaroon tayo ng oras para matuto.

Bilang estudyante hindi talaga natin


maiiwasan ang mga tambak na gawain sa
paaralan at maging sa ating mga tahanan
dahil don ay may mga gawain tayo na hindi
na natin nabibigyan masyado ng atensyon
dahil sa dami ng atin ginagawa halos maka
limang basong kape ma ako para lang
matapos yung mga gawain, quizzes, test, at
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 72
mga nagkasabay sabay na mga deadlines,
ito rin kung bakit maraming estudyante na
katulad ko ay cramming ang madalas na
ginagawa. Oo, naranasan ko na rin ang
mag-cram at hindi ko na mabilang kung
ilang beses ko na ginagawa ang pag cra-
cram na para bang naging normal na ito sa
pang-araw-araw ko na gawain.

Bago ang lahat, ano nga ba ang


cramming?
Ayon kay bff Wikipedia, "in education,
cramming is the practice of working
intensively to absorb large volumes of
information in short amounts of time". Sa
tagalog ang cramming daw ay kung saan
gumagawa tayo ng mga tambak tambak na
gawain o pag- aaral sa limitadong oras.
Ginagawa ito ng mga estudyante na kulang
na ang oras para sa mga gawain nila.

Ang cramming ay stressful para sa


estudyanteng katulad natin. Ang

cramming ay dapat na hindi nagiging unang


opsyon sa mga mag-aaral dapat nga ay ito
ay ang huli nilang opsyon. Ang pag cracram
ng mga gawain sa buong gabi ay
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 73
nagkakaroon ng masamang epekto sa’tin
dahil nasasakripsyo ang oras ng ating
pagtulog, sa halip na ikaw ay mahimbing na
natutulog ay ikaw ay gising pa ng madaling
araw. Ang pagkakaroon ng kumpletong
tulog ay importante dahil nakakatulong ito
sa mga estudyante na mas lalong makapag
pokus at magkaroon ng konsentrasyon sa
klase.

Sa sarili kong karanasan ay lagi rin


akong nag cra-cram, alam ko na hindi dapat
ako nag cra-cram lalo na sa aking pag-aaral
ngunit ano ba ang magagawa ko kung sa
dami ng gawain ay napipilitan akong
madaliin ang mga ito. Pero minsan talaga
ang dahilan ng pag cra-cram ko ay dahil
hindi ko alam paano i-manage ng maayos
ang

oras ko, matagal ko ng alam sa sarili ko na


dapat na ayusin ko ang mga oras ng aking
paggawa ng mga asignatura para hindi ako
naghahabol ng mga requirements na
ipapasa kaso kahit alam ko na ay hindi ko
parin ginagawa at inaayos ang time
management ko. Hindi ko alam kung bakit
hindi epektibo ang pangga-gaslight ko sa
sarili ko na mahihirapan ako pag puro
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 74
"mamayang 5pm ko nalang 'to gagawin,
magpapahinga muna ako deserve ko 'to."
dahil siguro ayaw ko rin pa na kumilos kaya
hinahayaan ko ang oras na lumipas
hanggang sa tumagal ay wala na ang haring
araw at malalim na ang gabi. Sa mga
ganitong mga pangyayari talaga ay nagiging
totoo ang kasabihan ng mga matatanda na
"Nasa huli ang pagsisisi." Tama nga sila
nasa huli ang pagsisisi, pagsisi sa sarili na
hindi agad gumawa nung ako ay may oras
pa tapos ang kakalabasan nito ay
mangyayari ulit yung ganito na ipagsasa-
bukas o puro mamaya ang nasa utak ko

dahil alam ko namang kaya ko i-cram ang


isang gawain.

Meron din namang positibong epekto


ang pag cra-cram kagaya na lamang kapag
ikaw ay wala na talagang oras at kailangan
mong i-cram ang isang pagsusulit. Sa
ganitong mga sitwasyon ay nasasanay ang
sarili mo na gawin ang isang bagay under
pressure, kaya kapag ikaw ay binigyan ng
limitadong oras sa isang gawain ay alam mo
ang mga dapat gawin sa limitadong oras na
iyon. Sa henerasyon na ito, ang pag cra-
cram nga ay parang bestfriend na ng lahat
dahil sa dami ng gumagawa nito. Maiituring
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 75
nga na “crammer expert” ang isang
estudyante kapag palagi itong nag cra-cram.

Ang cramming ay may masamang dulot


din sa atin kung ito ay naging habit na,
Hindi sinasabi na ang cramming ay
naglalagay ng

labis na stress sa utak, na nagtutulak dito


nang higit sa mga limitasyon nito. Kapag
ang utak ay sobra-sobra sa trabaho,
masyadong madalas, ito ay nagpapataas ng
damdamin ng pagkabalisa, pagkabigo,
pagkapagod at maging ng pagkalito. Tulad
ng katawan ng tao, ang utak ay
nangangailangan ng oras upang huminga,
magpahinga at muling paganahin.

Kaya, kung ang cramming ay itinuturo


na isang hindi epektibo at hindi
mapagkakatiwalaang paraan ng pag-aaral,
bakit ito ay karaniwan sa mga mag-aaral?
Katulad ko na isang mag-aaral ang pag ca-
cram ay isang gawain na ginagawa kung
gusto mo pumasa, dahil ang pag cra-cram
ay ang pilit na pagpasok ng mga
impormasyon sa utak sa limitadong oras. Sa
ganitong paraan ay magagamit mo ito sa
mga pagsusulit.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 76

Bukod sa cramming, ang


procrastination ay isa rin sa mga bunga ng
pagkawala ng maayos na time management.
Ano nga ba ang procrastination? Ang
salitang ‘procrastination’ ay numero unong
kalaban ng tao, lalo na sa mga gawain. Ito
ay matatawag na “magnanakaw ng oras,”
dahil kapag ikaw na mismo ang nakaka
experience nito ay hindi mo na ito
maiiwasan pa.

Sa aking experience, ang


procrastination ay hindi ko maalis-alis sa
aking habit dahil madali akong ma-distract
sa mga bagay na hindi naman dapat inuuna
dahil doon ay napapatagal ang paggawa ko
sa mga gawain na importante. Marahil ikaw
rin ay nakaranas na mag-procrastinate dahil
ito ay bunga na rin ng hindi epektibo na
time management.

At dahil sa mga negatibong epekto nito


satin ay wag na tayong
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 77
mag procrastinate at maging crammers.
Tigilan na ang “crammer for life” at “due
tomorrow, do tomorrow” na mentality dahil
ang hindi natin alam ay unti-unti tayo nito
na sinisira.

Para maiwasan ang pag-cacram at pag-


procrastinate ito ang mga tips na maaaring
makatulong sa’yo:

1. Make a study schedule


Magplano ng maaga para sa kung paano i-
execute ang mga pagsusulit. Bago ka
magkaroon ng pang-araw-araw na time
table, mainam na mag-set up ng lingguhang
kalendaryo para sa mga kailangan na gawin.

2. Study a little bit each day


Laging basahin ang mga aralin, hindi
lamang bago ang pagsusulit, Sa

pamamaraan na ito ay tatatak sa isip mo ang


mga aralin dahil lagi mo itong binabasa.
Mas epektibo ito kaysa ikaw ay mag-aaral
kung kailan may mga pagsusulit na
kinabukasan.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 78

3. Space out your study sessions.


Gumawa ng ilang oras sa isang linggo sa
halip na ilang oras bago ang pagsusulit.
Ang paraan na ito ay makakatulong ito na
ma-test ang kaalaman mo sa aralin
mapapabuti rin ang komprehensyon at pag-
alala sa mga aralin dahil paulit- ulit mo na
inaaral ang mga ito.

4. Study in short bursts to avoid


burnout.
Subukang mag-aral sa loob ng 30 hanggang
45 minutong upang mapanatili ang
pinakamaraming impormasyon. Ang iyong
utak ay nangangailangan ng pahinga

pagkatapos nito. Maari kang magpahinga sa


loob ng 2-3 minuto, pagkatapos ay tumuon
sa pinakamahirap na konsepto sa loob ng
30-45 minuto. Makakatulong ito upang
hindi ka agad na mapagod sa pag-aaral.

5. Take frequent breaks when you're


studying.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 79
Bumangon at gumalaw sa loob ng 10
minuto. Gawin itong isang punto na
magpahinga ng hindi bababa sa 10 minuto
bawat oras. Ang iyong utak ay
nangangailangan ng kaunting oras upang
mag-refresh. Magtakda ng timer para sa
iyong pahinga upang hindi mo sinasadyang
makalimutan na bumalik sa pag-aaral.

6. Turn off social media and other


distractions.
Maaring patayin mo ang iyong mga
notification para talagang

makapag pokus ka. Alam kong palaging


nakakaakit na mag-check sa iyong mga
kaibigan, ang social media ay maaari
talagang nakagagambala kapag sinusubukan
mong gumawa ng isang gawain. Kung
ginagamit mo ang iyong laptop sa pag-
aaral, mag-log off sa lahat ng mga social
media site. Okay lang na panatilihing
malapit ang iyong telepono ngunit i-off ang
iyong mga notification sa social media
habang nagbabasa ka ng mga aklat para
ikaw ay makaiwas sa mga distraksyon.

7. Set up a comfy study space.


E s t u d y a n t e n g P a g o d | 80
Pumili ng lugar kung saan hindi ka
magkakaroon ng masyadong maraming
distraksyon. Ang pagkakaroon ng maayos
na lugar sa pag-aaral at ang kakayahang
mag pokus ay susi sa isang magandang
lugar ng pag-aaral. Kung mag-aaral ka sa
bahay, pumili ng lugar ng

bahay kung saan hindi ka maaabala ng iba

8. Take good notes.


Ang pagkuha ng mga tala ay makakatulong
sa iyo na matandaan ang mga leksyon.
Maaari kang kumuha ng mga sulat-kamay
na tala o i-type ang mga ito. Siguraduhin
mo lang na mababasa mo sila mamaya! Ang
mahuhusay na tala ay isa ring solidong
mapagkukunan kapag oras na ng mga
pagsusulit dahil makakatulong ito sayo.

9. Test yourself on the material.


Makakatulong sa iyo ang mga pagsusulit sa
pagsasanay na malaman kung ano ang
iyong pinaghihirapan. Ang mga pagsusulit
sa pagsasanay na nasa parehong pormat ng
aktwal na pagsusulit ay ang pinakamahusay
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 81
na mga opsyon dahil dito ay nagkakaroon
ka ng

mock test kung saan makakatulong ito sa


pagpapalawak ng kaalaman.

Ang oras ay ang pinaka mahalaga sa


buhay ng isang tao dahil hindi natin
malalaman kung hanggang kailan na lang
ang itatagal natin sa mundo. Ang oras
walang simula at hangganan kung saan
lahat ng bagay na iyong gagawin ay
nakasalalay sa oras. Sa katulad natin na
estudyante ay mahalaga ang oras dahil
bawat pag-ikot ng orasan ay nakasalalay sa
atin ang ating kinabukasan, kung tayo ay
walang oras sa ating buhay ay wala tayo ni
isang gawain na matatapos ganon ka
importante ang oras sa bawat isa sa’tin. Ang
oras ay hindi tayo aantayin na matapos ang
ating gawain, tayo bilang tao ang dapat
gumawa ng paraan upang hindi natin
masayang ang bawat segundo nito, dahil
kung nagsasayang ka ng oras para sa mga
bagay na hindi mo naman dapat na
ginagawa ay hindi mo na maibabalik ang
mga oras na
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 82
nasayang mo. Kung ngayon palang ay
nagsasayang kana ng oras ay maraming
bagay ang hindi mo magagawa at maari mo
itong pagsisihan, kaya ang aking payo ay
dapat mong gamitin ang iyong oras ng
epektibo hangga't maaari.
Kung hindi ngayon kailan?
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 83

KABANATA VI

“Ano nga ba
ang gusto
ko?”
Interest
Isinulat ni: Shi, Amei Rose Y.

Sa pag-aaral, ang interes ay isa sa


mga salik na mahalaga. Upang maiwasang
makaramdam ng pagod, katamaran, at
kawalan ng sigla, ang pagkakaroon ng
interes sa isang bagay ay mahalaga. Sa
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 84
palagay mo ba kung araw-araw kang
pumapasok sa isang klase na hindi mo
gusto, magsisikap ka pa ba para matapos
ito? Kung araw-araw kang gagawa ng isang
bagay na wala kang interes, hindi ka ba
magsasawa at mapapagod? Lalo na kung
mahirap at wala kang pasensya dahil hindi
ka naman talaga interesado; pero kung
interesado ka rito kahit gaano man kahirap
at nakakapagod hindi mo ito susukuan dahil
ito ang gusto mo.

“Nichi, sa tingin mo anong mas bagay


sakin? Maging doktor o maging
photographer?”

Simula noong ako’y bata pa, naka


depende na sa aking mga magulang ang
desisyon ko sa aking buhay. Hindi ko alam
kung ano nga ba talaga ang gusto ko at
nahihirapan akong magdesisyon sa

sarili ko. Noong tumungtong ako ng


elementarya at nagkaideya sa mga
pangmalakasang trabaho, bumungad agad
ang mga tanong sa aking isipan kung ano ba
ang gusto kong marating pagdating ng
panahon. Dahil inspirasyon ko ang aking
lola na nagtatrabaho sa gobyerno bilang
commerce, napalapit ang aking puso sa
matematika. Ngunit nung ako ay
nakapagtapos ng elementarya, doon ko
naman natuklasan na nais ng aking mga
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 85
pamilya na ako ay maging isang flight
attendant. Nais naman ng aking mga
kaibigan na ako ay mag doktor. Dahil sa
mga opinyon ng aking mga mahal sa buhay
hindi ko mawari kung ano nga ba talaga ang
gusto ko para sa aking sarili.

Isang araw, ako ay natapos na sa


apat na taon sa junior high school. Dito na
nasubukan ang aking sarili na mag-isip para
sa kukunin ko na strand sa senior high
school. Ngunit hindi ko pa rin nahahanap
kung saan nga ba talaga ako interesado.
Hindi pa ako sigurado

kung ABM ba o STEM strand ang kukunin


ko. Dahil sa hirap kong mag desisyon,
nagtanong ako sa aking mga kakilala kung
saan ba ako nababagay at kung saan ba ako
mapapabuti. Ngayon ako ay kasalukuyang
nag-aaral bilang STEM student.

Noong unang araw, sobra ang saya at


tuwa ko sapagkat sa aking palagay, hindi
ako nagkamali na sundin ang desisyon ng
nakararami. Ako ay nakakakuha ng mga
pasadong grado, at nararamdaman ko rin na
ako ay masaya sa pinili ko. Patuloy ang
pagsisikap at paghihirap ko para sa aking
pag-aaral. Tinitiyak kong ipakita sa mundo
na tama at kaya kong panindigan ang pinili
ko. Ngunit may isang bagay pa rin na hindi
ko naisip bago pumasok sa senior high
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 86
school… ito ay ang nais kong kunin para sa
kolehiyo. Sa kadahilanang dinepende ko
ang aking mga desisyon sa mga taong nasa
paligid ko, nahihirapan akong kilatisin kung
ano nga ba talaga ang gusto ko. Isa-isa ko
nang nalalaman

ang mga potensyal at mga gusto ko. Dito ko


na tinanong ang sarili ko kung ano nga ba
talaga ang gusto ko.

Simula noong bata ako, mahilig na


ako maglaro at mag disenyo ng mga
larawan gamit ang aking selpon. Hilig ko
rin kumuha ng mga litrato ng mga ganap sa
aking buhay bilang memorya. Isang
halimbawa sa mga nais kong kunan ng
litrato ay ang kagandahan ng langit. Ako rin
ay isa sa mga mahilig kumuha ng litrato ng
mga kaganapan sa aking pamilya.
Nagkaroon kami ng family gathering noon
at doon ko na ipinakita ang aking potensyal
sa pagkuha ng litrato. Tuwang tuwa ang
aking puso habang nakikita ang aking mga
pamilya na natutuwa sa mga kuha kong
litrato. Simula noon, ako na ang naging
isang photographer ng aming pamilya.

Ninais ko rin na mag ipon upang


makapag-pundar ng camera upang mas
mabigyan ko ng hustisya ang bawat
memorya ng aking pamilya. Maliban sa
kahiligan ko sa
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 87

pagkuha ng litrato, ako rin ay mahilig sa


pagdidisenyo at paglalaro ng mga online
games. Madalas kong inaaya ang aking mga
pinsan upang maglaro. Hanggang ngayon,
tumatayo naman ako bilang isang editor ng
bawat proyekto sa aming paaralan.
Nakakatanggap ako ng mga magaganda at
matatamis na puri mula sa aking mga
kaklase. Gaya na lamang ng “ang ganda
naman ng edit mo”, “shala kakaiba may pa
effects”, at marami pang iba. At dito, muli
akong napatanong sa sarili ko kung “ano
nga ba talaga ang gusto ko?".

Ngayon na nakakatanggap na ako ng


puri mula sa mga bagay na gustong-gusto
kong gawin, dito ko na tinanong ang aking
sarili kung

“saan ka nga ba sumasaya at saan ka ba


interesado?”

Isang araw habang nagmumuni-muni sa


aming garahe, isa isa kong inalam at
tinanong ang aking sarili kung ano ba ang
mga bagay na ginagawa ko na nagbibigay
ng

kasiyahan sa akin. Ilang minuto lamang,


nasaksihan ko muli sa aming garahe ang
paglubog ng araw. Bigla na lamang akong
napatayo at dali daling tumakbo upang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 88
kunin ang aking camera upang kunan ng
litrato ang kagandahan ng langit. Kayang-
kaya ko tumayo at maghanap ng maayos na
lugar para lamang makakuha ng maganda at
maayos na litrato sa nakita ko. Makalipas
ang tatlumpung minuto, bumalik ako sa
aming garahe habang tinitignan ang aking
mga kuhang litrato. Nagulat ako nang may
tumapik sa aking balikat at sinabing…

“napakaganda naman ng kuha mo apo”.

“Aba! Ikaw pala ayan lola, halika’t umupo


ka po muna at magkwentuhan tayo”, ani ko
sa aking lola.

Alam niyang ako ay nahihirapan pumili


at hanapin kung ano nga ba ang interest ko.

“Ilang buwan lamang apo at ika’y


magsisimula nang mag-apply sa mga
kolehiyong nais mong pasukan, ikaw ba’y
nakapagdesisyon na?” tanong ng aking
lola.

Habang pinapakita ko sa kanya ang


aking mga kuhang litrato, ikwinento ko na
rin kung gaano ako napapasaya ng bawat
magagandang litrato na kinuha ko.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 89
“Lola, sa aking palagay nahanap ko na
ang aking interest!”, nakangiti kong sinabi
sa aking lola.

“Mukha ngang nakikita ko na rin ang


potensyal mo apo, nakikita ko kung gaano
ka kasaya habang kumukuha ng litrato”
sabi ng lola ko habang ako ay tinatapik sa
aking balikat.

Sunod namang pinaliwanag sa akin ng


aking lola na habang tayo ay nakapag
desisyon pa, alamin na natin kung ano ang
gusto ng puso at isip natin. Kilatisin na
natin kung ano ba ang mga kaya nating
gawin sapagkat isa sa regalong binigay sa

atin ng diyos ay ang sarili nating mga


talento. Talento na kung saan dapat ay
ipinamamalas at ipinapakita natin sa buong
mundo. Dagdag niya pa dito na nararapat na
mulatin natin ang ating sarili sa ating mga
interest sa buhay, sapagkat ito ang magiging
gabay sa ating mga tatahakin na desisyon.

“Kaya apo, sa aking palagay hindi pa huli


ang lahat para ika’y makapag desisyon sa
nais mong kunin sa kolehiyo. Nakikita ko
na napakahilig mo sa pagkalikot ng mga
laptop at pagkuha ng litrato.” masayang
sinabi sa akin ni lola habang ako ay
inakbayan sa balikat.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 90
Sa napakaraming tao na tinanong ko
at mga podcast na pinapakinggan ko para
malaman kung ano nga ba talaga ang gusto
ko, ngayon ko lang nalaman na sarili ko din
ang nakakaalam kung ano nga ba talaga ang
gusto ko. Na hindi ko kailangan dumepende
sa ibang tao para malaman kung ano ba ang
gusto nila para sa akin.

Nahirapan akong hanapin ang aking


mga interest. Sapagkat, pinangunahan ako
ng kaba at takot na baka hindi ko ito kayang
gawin. Nangangamba ako na baka hindi ito
para sa akin.

Kaya tinahak ko muna ang unang


hakbang… At ito ay ang “kilalanin ang
sariling interest”.

Maliban sa aking interest ng pagkuha


ng litrato, mahilig din akong makinig sa
mga musika at kumanta. Mahilig din akong
manood ng mga palabas at film na kung
saan ito ang nagiging inspirasyon ko upang
ipamalas ko ang aking galing sa page-edit
ng mga video. Madalas din akong
naghahanap ng mga magagandang likha ng
mga magagaling na editor sa iba’t ibang
social media gaya na lamang ng pinterest.
Nakasanayan ko na rin na gumamit ng iba’t
ibang apps upang mas mapaganda ang
kalidad ng aking page-edit.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 91

Habang ako ay nakatingin sa aming


kisame at iniisa-isa ang aking mga interest,
naramdaman ko kung gaano ako kasaya
habang iniisip ko ang aking mga kadalasang
ginagawa upang palipasin ang aking oras.
Dito ko napansin kung gaano kalayo ang
aking interest sa aking napiling strand. At
agad akong nag hanap ng maari kong kunin
na konektado parin sa aking mga interest.

“Sa aking palagay hindi para sa akin ang


medisina. Nais ko na lamang maging isang
photographer o graphic designer” bulong
ng aking isipan habang naghahanap ng
kurso para sa kolehiyo.

Ngunit sa kadahilanan na ako ay


hindi pa rin sigurado, muli kong tinanong
ang aking lola kung…

“Paano po kung bigla nalang ako mawalan


ng interest sa gusto ko? At piliin ko nalang
po maging praktikal? Na kung ano ang sa
tingin nila na mas gusto nilang makita para
sakin?”

“Ikalma mo apo, magpahinga. Maaaring


itanong mo din yan kapag pumasok ka na
talaga sa kursong pipiliin mo. Maaaring
gustong gusto mo siya ngayon pero balang
araw mapapagod ka din sapagkat nag iiba
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 92
ang interest mo. Pero ito ang lagi mong
tatandaan apo… Isipin mo kung ano ang
sinimulan mo, kung bakit ka nandyan, at
kung bakit ito ang pinili mo. Lagi mong
uunahin ang iyong nararamdaman, kung
ito ba ay nakakatulong pa sayo at kung
napapasaya ka pa ba ng ginagawa mo.
Sapagkat dito mo malalaman kung para
sayo ba talaga ang kurso at trabaho na
pipiliin mo. Kaya sinabihan na kita ng
maaga, piliin mo yung nakakapagpasaya
sayo. Mahirap maging kampante sapagkat
binase mo ang gusto mo mula sa gusto ng
ibang tao para sayo. Dahil ikaw... Ikaw
mismo ang nakakaalam kung ano nga ba
ang gusto ng puso mo.” malalim na sinabi
sa akin ni lola habang ako ay napapaluha na
sa kanyang mga sinabi.

“Lola, marahil ako’y kinakabahan ngayon,


agad akong nagpapasalamat sapagkat
nandyan ka ngayon upang gabayan ako sa
lahat ng bagay. Kung hindi po dahil sayo
baka hindi ko tunay na nakilala ang sarili
ko. Sobrang laking pasasalamat ko po at
pinaparamdam ninyo sa akin na may
patutunguhan ang mga bagay na kadalasan
kong ginagawa na nagbibigay kasiyahan sa
akin.” kaagad ko namang sinabi sa aking
lola at agad siyang niyakap.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 93
Simula noon, mas itinatak ko na sa
aking puso na ipagmalaki ang aking talento
at ipakita sa nakararami na ako ay
interesado sa mga bagay na
nakapagpapasaya sa akin. At makalipas ang
ilang araw, nakilala ako sa aming klase
bilang isang taga edit ng mga group
performance at pagkuha ng litrato ng aming
mga aktibidad.

Isang araw, lumapit sa akin ang isa sa


mga opisyal ng aming strand.

“Amei, nabalitaan ko na mahilig ka raw sa


page-edit ng mga litrato. Kami ngayon ay
naghahanap ng representatibo upang
tumakbo sa opisyal ng STEM para sa
susunod na taon. Nakita namin ang iyong
potensyal sa page-edit. Interesado ka ba na
sumali kung sakali?”, nakangiting tanong
ng tatakbong presidente ng STEM para sa
susunod na taon.

Nagsisimula palang akong ipakita


ang aking potensyal, nakikita ko na agad
kung gaano ako ka interesado dito. Ni
minsan hindi tumatak sa aking isipan na
umiling sa kanilang alok sa akin.
Naramdaman ko ang saya at tuwa ng aking
puso ng malaman ko na nais nila akong
kunin bilang isang editor.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 94

“Gosh, grabehang oportunidad to.


Makakaayaw pa ba ako kung sobrang
interesado ako sa gawaing to?”, agad
namang sinisigaw ng aking isipan sa aking
sarili.

Agad ko namang tinanggap ang


kanilang alok sapagkat sa aking

palagay, isa na ito sa mga hakbang na aking


lalakbayin upang mas makilala ko kung ito
na ba talaga ang para sa akin. Kung noon,
hindi ko alam ang tama at nararapat sa akin.
Ngayon alam ko nang meron na akong nais
na marating. Lagi ko nang isinasaalang-
alang ang aking mga interest bago mag
desisyon.

Hindi pa ako nabibigyan ng gawain


ngunit napapaisip na ako ng mga posibleng
konsepto na magagamit ko bilang
inspirasyon sa page-edit. Nararamdaman ko
kung gaano ako nae-enganyo na tanggapin
ang responsibilidad na ito.

Ngunit sa likod ng aking pagka gilas sa


oportunidad na ito, napapatanong pa rin ako
kung worth it ba ito.

“Worth it ba na ilaan ang aking oras para


sa gawaing ito?”
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 95
“Worth it ba na magbigay ako ng effort
para sa gawain na ito?”

“Worth it ba ito para sa akin?”

“Worth it ba na piliin ko ang kursong mas


makapagpapasaya sa akin”

Posibleng maitanong natin ito sa ating sarili


kapag tayo ay napapagod na. Ngunit muli
mong alamin at tanungin ang sarili mo kung
ikaw ba ay masaya pa sa kurso at trabaho na
pinili mo. Nararapat lamang na alamin natin
ang nararamdaman ng ating sarili bago
sumuko. At lagi mong tatandaan kung ang
pinipili mo ba sa iyong buhay ay konektado
paren sa iyong mga interest.

Gawin mong gabay ang iyong mga interest


sa lahat ng bagay. Mahalaga na makilala
mo ang iyong sarili nang sa ganon alam mo
kung ano ang nararapat at bagay para sa
iyo. Dahil kapag hindi mo pinili ang iyong
sariling kagustuhan at dumepende na lang
sa opinyon ng ibang tao, maaaring
pagsisihan mo ito sa dulo. Kaya isa parin sa
importateng bagay na unahin ang sariling
interest at alamin kung ikaw

ba ay masaya sa iyong ginagawa. Kilalanin,


tanungin, alamin mo ang nararapat sayo at
para sa kaligayahan mo.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 96

KABANATA VII
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 97

“Grabe ang
galing ni ate
sana ako rin” Inspirasyon

Isinulat ni: Tumbagahon, Zvashsean S.

Dito ay tatalakayin ang mga aspeto na


nakakaapekto sa isang mag-aaral kung bakit
nga ba sila nagpapatuloy sa kanilang pag-
aaral. Karamihan sa mga estudyante ang
nawawalan ng gana upang ipagpatuloy ang
kanilang mga pangarap. Ngunit isa sa mga
bagay na nagpapatuloy sa kanila ay ang
kanilang mga inspirasyon. Na kung minsan
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 98
ito ay nakukuha sa taong nais nilang
tularan. Napakalaking tulong ang
magkaroon ng inspirasyon, sapagkat may
mga pagkakataon na tayo ay nadadapa
sating paglalakbay patungo sa nais nating
marating, ngunit ang pagkakaroon ng
motibasyon ay nagiging susi upang patuloy
nating ituloy ang ating nasimulan para sa
matagumpay na kinabukasan.

Ano nga ba ang insipirasyon?


Ang inspirasyon ay nangangahulugang
isang pakiramdam ng kasiglahan o
positibong pananaw na nagpapakilos sa
isang tao upang

magawa o makagawa ng isang bagay. Sa


konteksto ng pag-aaral, ang inspirasyon ay
maaaring maging isang kagamitan sa
pagpapabuti ng produktibidad at
pagpapalakas ng karanasan sa pag-aaral.

Mga benepisyo ng pag-aaral na may


inspirasyon:

1. Mas mataas na motibasyon


Ang inspirasyon ay lumilikha ng positibong
pananaw na nagsisilbing pagpapalakas ng
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 99
motibasyon at pagnanais na maabot ang
mga akademikong layunin.

2. Pagkamalikhain
Ang inspirasyon ay nagpapakilos ng
pagkamalikhain at nagbubunga ng mga
imbensiyong solusyon sa mga akademikong
suliranin.

3. Mas maalalahanin na pag-aaral


Ang inspirasyon ay tumutulong sa mga
mag-aaral na magpakatotoo sa kanilang
pag-aaral at mas maiwasan ang pagkalimot
ng mga kinakailangang impormasyon.

4. Mas kaunting stress


Sa pagkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral
ay maaaring maibsan ang pagkapagod at
pagbabawas ng stress sa kaisipan, na
humahantong sa mas positibong pananaw at
mas maginhawang paraan sa pag-aaral.

Mga hindi mabuting epekto ng pag-aaral


na may inspirasyon:
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 100

1. Pagkakulang sa konsistensiya
Hindi palaging umiiral ang inspirasyon, na
maaaring

humantong sa hindi magkatulad na mga


kabuuang gawi sa pag-aaral.

2. Pagka-distract
Kahit na nakatutulong ang inspirasyon,
maaring ito rin ang humantong sa pagkaka-
distract sa kritikal na mga elemento ng pag-
aaral tulad ng pagbabalanse ng oras at
disiplina sa oras ng pag-aaral.

Sa pangkalahatan, ang inspirasyon ay


maaaring maging isang makapangyarihang
motibasyon pagdating sa pag-aaral, ngunit
ito ay dapat magkasabay kasama ng
sinadyang pag-eeksperyensa, disiplina at
ang malakas na kasanayan sa paggawa-
kahulugan ng mabuti sa tagumpay ng mga
mag-aaral sa kanilang akademikong
tunguhin.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 101

"Grabe ang galing ni ate sana ganyan ako


paglaki "
Kahanga-hanga talaga ang kapatid ko.
Bilang isang doktor, napakarami na niyang
nagawa at hangad kong sundan ang
kanyang mga yapak. Ang pagsaksi sa
kanyang pagpupursige sa panahon ng
medikal na paaralan at paninirahan ay tunay
na nagbibigay inspirasyon, at naniniwala
ako na ang kanyang dedikasyon ay
maaaring magsilbing isang mahalagang aral
para sa sinumang nagsusumikap para sa
tagumpay sa kanilang napiling propesyon.

Mayroong positibong aspeto na dapat


isaalang-alang. Salamat sa aking kapatid na
isang doktor, mayroon akong isang
maaasahang tagapagturo na maaaring
magbigay sa akin ng gabay tungkol sa aking
mga pagpipilian na karera. Sa tuwing
kailangan ko ng tulong sa paghahanda para
sa medikal na paaralan o pag-unawa sa p

programa ng paninirahan, palagi siyang


handang mag-alok ng kanyang payo at
paghihikayat. Sa katagalan, ang katanyagan
ng aking kapatid sa kanyang larangan ng
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 102
kadalubhasaan ay maaaring lumikha ng
mga paraan sa akin.

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng isang


matagumpay na kapatid ay maaari ring
magdulot ng ilang mga kahinaan. Para sa
una, maaaring nakakatakot na di matupad
ang mga inaasahan nila saakin. Madalas
kong nararamdaman ang pressure na
tumugma sa kanilang antas ng dedikasyon
at tagumpay, na maaaring napakalaki.
Bukod pa rito, maaaring nakakalito ang
pagkilala sa sarili kong mga hilig kapag
patuloy na ikinukumpara ang aking sarili sa
kanila.

Sa kabuuan, lubos akong nagpapasalamat


na mayroon akong ganitong kamangha-

manghang nakatatanda at nakaka-inspire na


kapatid sa aking buhay. Bagamat may mga
hamon sa kanyang tagumpay, nais kong
matuto mula sa kanya at gamitin ang
kanyang mga tagumpay bilang inspirasyon
upang maabot ko rin ang aking mga
pangarap. Sino ba ang nakakaalam? Baka
balang araw, ako ang magtutulak sa iba na
sumunod sa aking mga yapak.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 103

"The expert in anything was once a


beginner "
- Helen Hayes
"Don't let what you cannot do interfere with
what you can do."
- John Wooden

"Oy par si ano oh? grabe ang ganda nya


noh? "
Isa sa mga Inspirasyon naten sa
pagaaral syempre ay ating mga crush o
iniibig. "Grabe parang ako na

ang magiging pinakamasaya kung


magiging kami, siya ang rason kung bakit
ko gagalingan ang pag-aaral ko, dapat
galingan ko sa paraalan para mapansin
nya ko " sino pa nga ba ang magiging
inspirasyon natin kung di ang ating
hinahangaang tao, lahat gagawin natin para
lang mapansin. Pero bakit tila minsan
nakalilimutan na natin ang ibang bagay.
Ang atensyon natin sa kanya na lamang
naka-focus, napapabayaan na natin minsan
ang sarili lalo ang pag-aaral. Ang
pagkakaroon ng crush ay isa sa nagiging
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 104
malaking tulong o inspirayon natin sa
pagaaral, ngunit dapat hindi natin ito
hahayaang sirain o maapektuhan ang ating
buhay, gawing balanse ang ating
pamumuhay.

" Para sa inyo 'to Ma, Pa!! "


Ito po ay para sa inyo, Mama at Papa.
Sa aking paglalakbay sa aking pag-aaral,
hindi ako nagsasawang magpasalamat sa
inspirasyon at

motibasyong binibigay ninyo sa akin. Kayo


ay aking matatag na suporta, nagpapaalala
sa akin na abutin ang mga bituin at hindi
sumuko sa aking mga pangarap. Ngunit,
bukod sa mga benepisyo na dulot ng
pagkakaroon ninyo bilang aking
inspirasyon, may ilang hamon din na
dumarating.

Sa magandang panig naman, ang


pagiging haligi ninyo sa aking buhay ay
nagbigay sa akin ng matibay na pundasyon
at pag-asa sa aking kinabukasan. Ipinunla
ninyo sa akin ang mga halaga ng sipag,
tiyaga, at disiplina. Kaya naman, kapag
nahaharap ako sa mga hamon ng aking mga
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 105
klase, mas naging handa ako dahil sa mga
kasanayan at pagpapaka-dalubhasa na
pinagtuturo ninyo sa akin. Pinukaw din
ninyo ang aking mga pangarap at layunin,
at dahil dito ako ay lubos na
nagpapasalamat.

Ngunit, sa pagiging inspirasyon kayo ay


may kaakibat na hamon. Isa na rito ang
pagpaparandam ng matinding pressure na
kailangan ko magpakatino at hindi
magkulang sa aking mga gawain. Kahit na
ito ay nagsisilbing inspirasyon sa akin noon,
ngayon ay maaaring maging hadlang sa
aking kakayahang sumubok sa mga bagong
bagay. Pangalawa ay ang takot na ma-
disappoint kayo, lalo na kapag hindi ako
nakapagpakita ng mataas na antas ng
pagpapakadalubhasa. Ang takot na ito ay
maaaring maging hadlang at sumira sa
aking paniniwala sa sarili.

Sa kabuuan, lubos akong nagpapasalamat


sa gabay at suportang ibinigay ninyo sa akin
sa lahat ng aking mga taon sa pag-aaral.
Kayo ang aking inspirasyon upang maging
pinakamahusay na bersyon ng aking sarili,
at umaasa ako na ako ay magiging magiting
para sa inyo.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 106

" The best way to predict the future is to


create it "
- Abraham Lincoln

"Magandang Kinabukasan"
Ang pagkakaroon ng magandang
kinabukasan bilang iyong inspirasyon sa
paaralan ay maaaring magdala ng mga
kaginhawahan at kahirapan sa iyo.

Ang malinaw na pangarap para sa iyong


kinabukasan ay maaaring magbigay sa iyo
ng inspirasyon upang mas pag-ukulan ng
pansin ang iyong pag-aaral, mga layunin, at
magbigay ng katuturan sa bawat hakbang
na gagawin. Magiging mas tutok at
disiplinado ka sa iyong pag-aaral dahil alam
mong ang lahat ng ginagawa mo ngayon ay
magagamit mo para sa iyong kinabukasang
tagumpay.

Sa kabilang banda, ang


pagkakaroon ng sobrang pagtuon sa iyong
kinabukasan ay maaaring magdulot ng
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 107
sobrang pressure, stress, at pag-aalala.
Pwedeng ‘pag masyado kang nakatutok sa
pagkamit ng iyong mga pangarap ay
nakakalimutan mong mag-enjoy sa
kasalukuyan. Pwede ring hindi ka maging
kontento at ma-frustrate kapag dumating
ang mga pagsubok sa iyong buhay. Kung
minsan, nawawala ang mas malawak na
larawan at nasosobrahan sa pagtuon sa
iyong mga layunin.

Dapat ay magkaroon ng balanse sa


pagitan ng iyong kasalukuyan at
kinabukasan. Mahalaga na magtayo ka ng
mga layunin para sa iyong kinabukasan at
magtrabaho ka para sa mga ito. Ngunit,
kailangan din na kasangkapan ang
pagtitiwala sa sarili upang ma-enjoy ang
mga karanasan, matuto o maging matapat sa
mga pagkakamali.

Ang pagiging mapaghimay o


nagbabago ng isip ay isa rin sa maaring
maging factor na magagamit ng tao para sa
kanyang kinabukasan. Tandaan mo, hindi
palaging matuwid o katulad ng isang linya
ang landas tungo sa tagumpay. Pwedeng
magkaroon ng mga baluktot at biglaang
pagkakataon na dumating. Ang mahalaga
ay magpatuloy na maghangad at hindi
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 108
sumuko sa iyong mga pangarap, kahit
gaano man kahirap at hindi tiyak ang
kanilang tagumpay. Sa huli, kung mas
tututukan mo ang proseso hindi lamang ang
layunin, maaari kang magtagumpay sa
kasalukuyan at sa kinabukasan.

"Ang pag-abot sa iyong mga pangarap ang


pinakamalaking abentura ng buhay."
- Oprah Winfrey

Bakit nga ba mahalaga ang Insipirasyon?


Malamang na nakilala mo ang
kahalagahan ng inspirasyon sa proseso ng
pag-aaral. Hindi maitatanggi na ang pag-
aaral ay maaaring hindi kawili-wili at
lubhang mahirap, lalo na kung wala kang
interes sa paksa. Ang inspirasyon ay
gumaganap bilang isang mahalagang papel
sa pamamagitan ng pagpapagana sa iyo na
harapin ang mga hadlang sa pag-aaral at
makamit ang tagumpay sa akademiko.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 109
Kapag nakaramdam ka ng motibasyon,
lumalapit ka sa iyong pag-aaral nang may
sigasig at pagnanais na tuklasin ang mga
bagong ideya. Nagiging kasiya-siya ang
pag-aaral at hindi parang isang gawaing-
bahay. Ito ay hindi lamang nagpapahusay sa
iyong pagkamalikhain, ngunit nagbibigay
din sa iyo ng kumpiyansa na harapin

ang iyong pag-aaral at palawakin ang iyong


kaalaman.

Kung minsan, ang pag-aaral ay maaaring


nakalilito at maaaring humantong sa iyong
ikauunlad. Gayunpaman, ang inspirasyon
ay maaaring magbigay ng isang sariwang
pananaw, na nagbibigay-daan sa iyo na
magtiyaga sa mga paghihirap.

Sa kasamaang palad, ang inspirasyon ay


hindi palaging kasama pero kailangan sa
pagtatagumpay sa akademika. Ito ang
nagbibigay sa iyo ng momentum, at
pagsisikap upang magtagumpay sa iyong
pag-aaral, kaya nababago nito ang iyong
paraan ng pagtugon sa mga bagay na dapat
mong matutunan. Kaya't kapag sa tingin mo
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 110
ay hindi mo na kaya ang pag-aaral, balikan
mo ang inspirasyon at hayaan mong ito ang
magturo sa iyo patungo sa akademikong
tagumpay.

KABANATA VIII

“Para saan ka
bumabangon?”
Pamilya

Isinulat nina: Soriano, Marian D.


at Tolentino, Jaynie B.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 111

Bilang isang estudyante, tungkulin nating


mag-aral para sa kinabukasan natin higit sa
lahat para masuklian ang pamilya nating
nagtataguyod ng ating pag-aaral.

Sa buhay natin ang ating pamilya na


ang katulong natin simula bata palang
hanggang sa tayo ay lumaki na kung saan
kaya na nating mag desisyon para sa ating
sarili. Ang pamilya ay ang nagbibigay
buhay sa bawat tao dahil sila ang nagiging
tanging dahilan kung bakit tayo
nagsusumikap mag-aral. Sila ang
nagsisilbing patnubay at gabay natin sa
bawat landas na tinatahak natin. Sila ang
tao sa buhay natin na alam nating hindi
mawawala sa ating tabi. Dahil tulad nga ng
isang sabi ang pamilya ang taong alam
nating hindi tayo iiwan at siyang mananatili
lamang sa ating tabi. Sapagkat pamilya
natin ang magsisilbi nating takbuhan sa
lahat ng mga bagay.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 112
Ngunit, paano kung ang pamilya ang
siyang maging dahilan sa pag karanas
natin ng problema sa ating pamilya?

Hindi ba't ito ay maaaring


makaapekto sa kabuoang performance ng
isang tao. Ayon kay Brian et al. (2019)
Ang relasyon ng estudyante sa kanyang
pamilya na may problema, ay nakakaapekto
sa emosyonal na antas ng estudyante.
Nakakaapekto ito sa kanilang focus sa
klase. Ang maling kultura ng pamilya ay
nagdudulot ng masamang ugali sa mga
mag-aaral.

Ang mga problema sa pamilya ay hindi


maiiwasan at nagdudulot ng malaking
epekto sa akademikong pagganap ng mga
mag-aaral. Sinasabi dito na kahit ang maliit
na hindi pagkakaintindihan sa pamilya ay
maaaring makaapekto sa kabuuang pokus
ng isang estudyante. Bilang indibidwal,

kailangan natin maunawaan na lahat ng


ating kilos ay may kaakibat na kahihinatnan
na maaaring makaapekto sa iba. Hindi natin
maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa
ating buhay kaya bilang tao dapat ay meron
tayong bukas na isip at dapat ay nakikipag
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 113
komunikasyon tayo sa ating pamilya upang
maresolba ang mga bagay na ito. Ang
pakikipagkomunikasyon sa tuwing tayo ay
humaharap sa problema ay mahalaga dahil
sa paraang ito ay malilinaw at mapag-
uusapan ang mga bagay na bumabagabag sa
atin.

Kaya naman sa bawat problema na


dinaranas natin sa loob ng ating bahay hindi
maiiwasan na sa ating pag-aaral ay
nawawalan na tayo ng pokus. Nararapat
lamang na tandaan natin na ang mga
pangyayari sa bahay ay hindi dapat
inilalabas at dinadala sa paaralan. Kundi
panatilihin lamang ito sa bahay at huwag
mong hayaang maapektuhan ka nito.

Ang pagkakaroon ng bonding sa


pamilya ay isa sa aspeto upang maging mas
matibay ang samahan ng isang pamilya.
Kapag ang pamilya ay nagkakaroon ng
minsahang pagsasama maaring dito ay
nagkakaroon ng mas malalim na pag-intindi
sa nararamdaman, pag-iisip, at problema ng
bawat isa. Tayo ay nakakapag pahayag ng
ating damdamin at saloobin kung saan ay
magkaka-ideya ang miyembro ng bawat
pamilya kung ano ang iyong
nararamdaman. Mas nagiging magaan ang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 114
ating loob kapag sinasabi natin ang mga
bagay na sa tingin natin ay nakaaapekto
sa'tin kaysa kung ito ay ipagsasarili lamang.

Kaya naman kapag may bonding na


nagaganap sa isang pamilya ay mas
nagkakaroon ng maayos na komunikasyon
ang bawat isa. Maiiwasan dito ang mga ‘di-
pagkakaunawaan sa pagitan ng pamilya.
Kung magkakaroon man

ay madali na lamang ito na mareresolba.

"Pagbutihin mo ang pag-aaral mo at


iyan na lamang ang tanging
maipapamana ko sayo"
Hindi ba't ito ang mga salitang palagi
nating naririnig sa ating mga magulang?
Ngunit tama naman sila dahil sa hirap ng
buhay, minsan ang pag-aaral ng mabuti at
ang pagtatapos na lamang ang naiisip nating
chance upang maitaguyod natin ng maayos
ang pamilya natin. Minsan naiisip natin ang
hirap, nakakapagod, at nakakainip. Pero
hindi ba't kaya nga nandyan ang pamilya
natin ay upang gabayan at tulungan tayo sa
landas natin. Kaya naman kapag ikaw ay
nagkaroon ng problema sa iyong pamilya
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 115
ang nararapat lamang na gawin mo ay
magkaroon ng maayos na komunikasyon sa
kanila. Sapagkat ang pamilya natin ang
siyang may alam kung paano nga ba natin
ito malalagpasan o sila ang tutulong at

gagabay sa atin upang hindi tayo maligaw.

Mahalaga ang papel ng pamilya sa buhay


ng estudyante, sila ang nagiging sandigan at
kaagapay natin kapag tayo ay humaharap sa
bawat yugto ng ating buhay. Sila ang
nagsilbing inspirasyon natin sa ating pag-
aaral kung kaya't napaka importante na tayo
ay may mabuting samahan sa bawat
miyembro ng ating pamilya dahil
napakalaki at napakahalaga ng gampanin ng
pamilya. Sa atin hindi lang sila ang
magiging kadamay natin sa mga problema,
sila rin ang naghuhubog ng ating pagkatao
at sila rin ang naging una nating guro. Na
siyang unang nagturo sa atin ng lahat ng
ating matututunan., unang naging
mapagpasensya at maunawain sa atin.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 116
Kaya naman hindi ba't upang matugunan
ang lahat ng paghihirap na dinanas at
isinakripisyo nila tayo ay nag-aaral ng
mabuti at ginagawa ang lahat ng makakaya
upang makakuha ng matataas na grado.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 117

KABANATA IX

“Nak, proud
ako sa’yo”
Parent’s Support

Isinulat ni: Talinio, Mary Alexandra T.

Ang suportang natatanggap natin sa ating


magulang ay isa sa pangunahing dahilan
kung bakit nga ba tayo nag-aaral. Sapagkat
para sa kanila tayo ay nagsisikap upang
gumanda ang buhay at para mabayaran ang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 118
kanilang paghihirap. Kadalasan sila ang
nagbibigay ng suporta sa atin, pero bakit
sila rin ang dahilan kung bakit tayo
napapagod at nawawalan ng gana sa pag-
aaral?

Ang pagsuporta ng ating mga


magulang na si nanay at tatay, tagos nga sa
puso’t damdamin ‘pag naranasan ang
kanilang pagmamahal sa ating mga anak.
Ang buhay natin ay nagmula sa ating mga
magulang, marami silang sakripisyong
ginawa para lamang mapalaki tayo nang
maayos, ang pagmamahal ng ating mga
magulang ay isa sa silbing lakas natin. Sila
ang nagturo ng magdasal tayo habang nag-
aaral upang hindi mapariwara sa ating mga
buhay.

Ang ating mga magulang ay ating


minamahal sa buhay, pinalaki nila tayong
may mabuting asal, lahat ng ginawa ng
ating mga magulang ay para tayo’y sumaya
at mabuhay nang mapayapa. Sa mga
sakripisyong pagtrabaho at pagkayod nila
para lamang ang buhay natin ay
guminhawa. Sa mga araw ng pagsuway,
pagbibigay ng sakit ng ulo at may panahon
pagsuwail namin, kayo’y nagalit ngunit
hindi niyo kami iniwan, andyaan pa din
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 119
kayo, binigyan niyo pa rin kami ng supporta
kahit na may ganitong pagugali kami
sainyo. Ang pag saway niyo sa aming mga
maling gawain ang inyong paraan upang
hindi kami maligaw ng landas.
Nandiyan ang ating mga magulang
isa sa inspirasyon natin upang
makapagtapos ng pag-aaral, nariyan sila
upang makatulong sila sa atin ang
matugunan ang ating pag-aaral, ang mga
gusto nila ay para rin sa ikabubuti ng ating
buhay bilang

anak, kaya maganda kung pagbubutihin


natin ang ating pag-aaral kung kaya’t
balang araw tayo naman ang tutulong sa
ating minamahal na magulang.

“Nak’ proud na proud ako sayo sa


paggawa ng makakaya mo”
Isa sa linya ng ating mga magulang,
sa kahit na’y hindi ganoon kagaling ang
ating nagawa, nagawa pa rin nilang mapuri
at maipagmalaki ang ating kinaya.
Katulad nang ating pagsunod sa
mga itinakda ng mga guro na hindi umabot
sa kanilang panuntunan, gumagaan ang
ating pakiramdam kapag ito ay pinuri at
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 120
kinilala ng ating mga magulang. Ang
mahalaga sa ating mga magulang ay ang
ating pagsisikap na matugunan ang
pangangailangan sa ating edukasyon.
Bukod dito, nais nila makapagtapos tayo ng
pag-aaral

at makatulong sa pag-paunlad ng ating


bayan.

“Syempre anak kita, kanino mo pa ba


magmamana yan?”
Isa sa nakatatawa na linyahan ng
ating mga magulang kapag nakagawa tayo
ng isang bagay na sobrang ipinagmamalaki
ka nila, hindi ba?
Nakita nilang may potensyal ka sa
sining, na sa sobrang ganda ng iyong
ginawa pati ang eskwelahan mo kinilala ang
kakayahan mo sa sining, at inilagay sa
eksibit ng sining sa inyong paaralan.
Malamang ang sasabihin ng ating mga
magulang ay “Nagmana sa akin ‘yan, kaya
nakuha ang galing ko”. Ngunit ang sinasabi
nila ay isa pang pag babahagi ng karangalan
nila sayo.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 121
Hindi ba’t ang sarap pakinggan ng
ganyang salita na magmula sa magulang mo

pagkatapos mo gawin ang iyong makakaya


sa kahit anong aktibidad na sinalihan o
ginawa mo. Ang ating mga magulang ay isa
sa ating mga rason kung bakit tayo nag-
aaral, dahil, syempre, gusto rin natin sila
mabigyan ng magandang kinabukasan.
Balang araw, lahat naman tayo ay may
balak maibalik sa kanila ang lahat ng
pinagbibigay nila sa atin para maging
masaya tayo at makamit ang pagtatagumpay
natin sa ating mga pangarap upang umunlad
ang ating kinabukasan.

“Okay lang yan ‘nak, ginawa mo naman


makakaya mo”
Salita na nakawawala ng lungkot,
sakit, sama ng loob mo sa sarili. Maaring
may ginawa ka na hindi mo maipagmalaki
ang iyong sarili, tulad ng sitwasyon na:

Nakilahok ka sa isang paligsahan sa


inyong lungsod para
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 122
sa paggawa ng logo ng isang organisasyon
sa inyong barangay ang mga pamantayan ay
creativity, innovation, at paramihan ng likes
na makukuha sa mga tao sa komunidad o sa
inyong siyudad. Nakalikha ka na ng iyong
nagawa, tatlong awtput ang iyong nalikha at
pumili ka na sa tingin mo ay mas kaaya-
ayang tignan upang magugustuhan ng mga
tao sa iyong barangay. Ang pinaka itsura ng
iyong napili ay nakabatay sa Facebook
page ng inyong City Hall at isinumite na sa
mga empleyado ng inyong lungsod upang
maipost sa Facebook ang iyong entry.
Makalipas ang tatlong araw, napili nilang
makapasok ang iyong gawa at maligaya
kang pinagmalaki ang sarili mo sa iyong
pamilya. Ngunit noong mas lumipas pa ng
dalawang linggo, nakita mo ang iyong mga
kakumpetensiya na mas marami at ang likes
na natipon sa dalawang linggong panahon
na iyon. Ngayon ay ramdam na ramdam mo
ang pagkabigo sa iyong sarili, lungkot, at
sama ng loob sa sarili. Napansin ito

ng iyong magulang dahil malumbay ka sa


inyong tahanan, ang ginawa nila ay
kinausap ka nila at sinabi na magaling ka
naman din daw. Dahil napili ka pa rin na
makapasok sa kompetensiyong ito at
nabigyan ka ng oportunidad. Basta nagawa
mo ang iyong makakaya, hindi ka man
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 123
nanalo, ang ibig sabihin nito ay hindi mo pa
oras manalo sa ngayon, ngunit balang araw
mananalo ka rin basta lagi mong tatandaan,
gawin ang iyong makakaya at huwag ibaba
ang sarili pagkatapos matalo ng isang beses.

“Dahil very good ka, may pasalubong


kami anak”
Isa sa linya mula sa mga magulang na
tinatawag nating “music to my ears” na
nangangahulugang kaaya-ayang pakinggan
at masayang naririnig. Noong bata tayo isa
sa mga gusto natin naririnig ay ang Jollibee,
sabi nga ng Jollibee “Langhap-Sarap, Bida
ang sarap”. Karamihan naman

sa atin ang paboritong fast food restaurant


noon ay ang Jollibee. Katulad na lamang
kapag narinig ko ang aking magulang na
magsabi ng “‘nak may dala akong
chickenjoy at jolly spaghetti, alam kong
paborito mo ito.” Ang sarap alalahanin ang
mga nakaraan kung saan ang mga magulang
natin ay may dalang pasalubong tuwing sila
ay uuwi.

Sa ating mga babae naman ay


noong kabataan natin, ang ating mga
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 124
paboritong regalo ay ang mga Dolls,
Plushies o Playhouse sets at doon
nagiimbento tayo nang mga sitwasyon na
nangyayari sa isang tahanan o kaya mga
piksyunal na kwento katulad na lamang sa
may fairytales katulad ng kwento ni
Tinkerbell, naala ko noong maliit pa ako
naniniwala akong may papasok na fairy sa
loob ng playhouse na ginawan ko ng tsaa at
pagkain sa loob upang pumasok sila, o
nakakatawang alaala ‘di ba?

Sa mga kalalakihan naman noong


kabataan mas mahilig silang makatanggap
ng laruang kotse at makipaggandahan ng
kanilang laruan sa ibang pang mga kaibigan
na lalaki rin. Madalas nag papabilisan ng
laruang kotse ang ginawa nila sa ganitong
regalong natatanggap nila.
Ang laruang p’wede naman sa
lalaki at babae ay ang pogs at jolens. Sa
pogs kadalasang regalo ng isang dangkal at
makikipaglaro sa iba upang makipaglaro at
maging mas lago pa ang iyong pogs. Sa
larong pogs ang mga manlalaro ay ilalagay
ang pogs na nakalikod na nakaisang linya
pataas, ang gagawin ay tatamaan nila itong
ng pogs at kapag ito ang humarap
makakakuha ka ng makakakuha ng bagong
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 125
pogs upang maging mas malago ang pogs
mo, matatapos ang larong ito hanggang
wala ng pogs na nakatayo. Ang Jolens
naman ay nakabatay sa larong pinaghalong
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 126

billiards at golf ngunit sa patag na lupa o


kalsada nilalaro.

“Enjoyin mo lang pag-aaral mo ‘nak, wag


ka masyadong seryoso na naiistress ka
na”
Ito ang linya na pag paalala ng
ating mga magulang natin na huwag natin
masyadong istressin ang sarili natin habang
nag-aaral yung tipong pagod na pagod ka na
sa puntong hindi ka na masyadong
nakikipaglahok sa pamilya. Walang
masama kung ginagawa mo ang iyong
makakaya sa pag-aaral, ngunit hindi
maganda kung masyado mo nang itinutulak
ang sarili mo sa iyong limitasyon. Ang
gusto lamang ng ating mga magulang ay
gawin natin ang ating makakaya at huwag
naman sa puntong hindi ka na natutulog, na
nagkakasakit ka upang makamit na mataas
na iskor. Ang mahalaga sa ating mga
magulang ay matuto tayo habang may
halong pagsaya habang nagaaral.

“Alam mo ‘nak ang gusto ko para sayo ay


doon ka sa kung saan mo magugustuhan”
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 127
Sa mga panahong pipili na tayo ng
ating kukunin strand o kurso sa senior high
o kolehiyo, isa ang payo ng ating mga
magulang sapagkat sila ay may karanasan
na kung bakit mahalaga ang pagpili ng
kursong ating magugustuhan.
Sinusuportahan nila ang ating interes para
sa ating kukunin kurso, ang tamang pagpili
ng kurso ay mas matututo tayo sa field na
akademikong pagaaralan natin, kung saan
tayo’y tunay na interesadong aralin ito. Sabi
nga ng ating mga magulang sundin natin
ang napipiling natin kurso, kung saan may
matinding pagnanais at maliwanag sa’tin na
gusto natin at handa natin itong tuloy-
tuloyin para makapagtapos tayo ng ating
pag-aaral.

Ngunit paano kung pakiramdam mo ay


hindi pinapansin ang mga

pagsisikap mo o pinabayaan ka ng mga


magulang mo?

Ang paglaki ng isang tao na kulang


sa pagmamahal, aruga, atensyon ay
tinatawag na ‘Emosyonal na
Napapabayaan’. Ito’y maaring makaapekto
sa magiging kabuoang tao mo, sa mga
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 128
desisyon mo sa buhay at mga pananaw mo
sa iyong sarili. Ang emosyonal na
napabayaan na naranasan mo noong bata
ka, o sa ngayon ay maaring makaapekto
sayo ng buong dekada sa iyong buhay.
Gano’n din kapag bumuo ka ng isang
relasyon, maaring malimitahan ang
pagkaroon ng malalim na relasyon at wala
ring katatagan na dapat ay mayroon ka.

Mga Hamon na Maaring Dinadaanan ng


Napabayaan ng Emosyonal nang
Magulang:
1. Sa buong panahon na nabubuhay
ka, nararamdaman mo ay
emotionally napapabayaan ka,
maaaring maapektuhan ang tiwala
at pagmamahal mo sa iba,
Palibhasa ikaw sa sarili mo ay hindi
masyadong nakatanggap ng
positibong suporta at pagmamahal
na nanggaling sa sarili mong
magulang.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 129

2. Ang magulang natin ang naglikha


sa mundong ito kung kaya’t dapat
ang mga magulang natin ang
nakakaalam ng mga makakaya
natin ngunit kung hindi nila tayo
masyado nabibigyan pansin,
naalagaan. Hindi nila malalaman
ang tunay nating nararamdaman o
makikilala

ang identity mo, katulad ng hindi


nila alam ang sexual orientation mo
dahil hindi mo na papahayag sa
kanila. Kaya maaring
nakakalungkot ang karanasan na
hindi ka nila kinikilala nang
malaliman o sa makabuluhang
paraan ang pinaka tayo, at ito’y
nakakasakit din sa ating damdamin.

3. Nang mapagtanto mo na ikaw ay


nakakaranas ng emosyonal na
pagbaya ng iyong mga magulang,
mahihirapan ka na magsilapit
sakanila. Kung kaya’t upang
makayanan mo ang pagbabaya at
pagkabigo nila saiyo, kinukumbinsi
mo ang iyong sarili na hindi mo na
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 130
kailangan ang kanilang
pagmamahal at pangangalaga.
Subalit ang pagkaramdam mo nito
ay hindi magandang pagiisip, maari
mong matugunan ang

ganitong karamdaman sa mga


pamamaraan na sumusunod na
babanggitin ko.

Ito ang payo ko na pwede mong gawin


upang mas mapalapit ka sa iyong mga
magulang:
1. Lapitan upang kausapin mo ang
iyong magulang, subukan mo
intindihin ang kanilang pananaw sa
kadahilanang mayroon din silang
natatanging karanasan sa buhay
para malaman mo ang kanilang
nararamdaman at pananaw kung
bakit ang ito ay nakakaapekto sa
pagpalaki nila sayo.

2. Subukan mong malalimang


intindihin ang iyong mga
magulang, upang malaman mo
kung saan nga ba kayo nagiiba sa
pananaw tuwing
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 131

sa makikipag komunikasyon ka sa
iyong mga magulang.

3. Pag-isipan, alamin ang kung ano


anong mga problema at ang
damdamin mo bago tumugon sa
pakikipagusap sa iyong mga
magulang, sa paraang ito mas
magiging handa ka para
maipahayag ang iyong
nararamdaman sa kanilang
pagpapabaya nila sayo.

Huwag mong hayaan mapalayo ka sa iyong


pamilya at gawin ang makakaya upang
magkaroon ng koneksyon sa kanila bagamat
ito’y nakasakit sa iyong damdamin. Maari
sila din ay may napagdaanan na natugunan
nila sa mga traumatikong karanasan nila
noon.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 132

KABANATA X

From Grades
to Growth
Isinulat nina: Orantes, Keisha Faye C., Pepito, Shantal Kit,
at Shi, Amei Rose Y.

Mahalaga sa estudyante ang kanilang grado


dahil isa ito sa mga nagpapakita kung gaano
nila pinapahalagahan ang kanilang ppag-
aaral, ngunit ang edukasyon ay hindi
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 133
lamang tungkol sa pagkuha ng mataas na
grado at pagkakaroon ng degree, isa rin
itong panghabambuhay na paglalakbay ng
personal at propesyonal na paglago.
Binibigyang-diin din dito ang kahalagahan
ng pagbuo ng mindset ng paglago bilang
isang tao. Ang pagtingin sa edukasyon
bilang isang kasangkapan para sa
pagpapabuti ng sarili at patuloy na pag-
unlad ay tumutulong sa mga mag-aaral na
mamuhay ng kasiya-siya at makabuluhang
buhay.

"Kapag mataas yung grado na nakuha


mo, maganda magiging future mo."
Madalas ko 'yan marinig tuwing kuhaan
namin ng card. Sabi nila, kapag matataas
‘yung grado mo, secured ang maganda
mong

kinabukasan. Pero bakit nga ba? Sa


paanong paraan? Eh 'di ba nga sabi nila,
"grades are just numbers"? Ano nga ba ang
ibig sabihin ng mga grado na nakukuha
natin sa tuwing katapusan ng bawat
kwarter? Ito ay ang nagsisilbing sukat kung
hanggang saan ang ating kakayahan at
kalidad bilang isang mag-aaral. Walang
masama sa pag-hangad ng mataas na grado,
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 134
ngunit palagi lamang nating tatandaan na
hindi sa lahat ng oras, aayon sa kagustuhan
natin ang takbo ng kapalaran.

Isa ang grades sa dahilan kung bakit


napapagod ang isang estudyante, bakit?
Dahil habang tumatagal nag-iiba ang
persepsyon natin sa tuwing naririnig natin
ang salitang grades. Bilang isang
estudyante, halo-halong emosyon ang
nararamdaman ko sa tuwing kuhaan na
namin ng card. "Mataas kaya ang nakuha
ko?", "Paano kung may bagsak ako?",
"Kahit line of 8 lang sana!". Iilan lang 'yan
sa mga

kaisipan na paikot-ikot sa utak ko tuwing


recognition.

Pero alam mo, habang lumalaki ako,


unti-unti ko ring natututunan na ang mga
grades ay hindi lang tungkol sa mga numero
o letra na nakalagay sa papel, mas malalim
ito. Sa katunayan, ang mga grado ay
nagiging isang daan tungo sa pag-unlad. Ito
ang mga hakbang na ginagawa natin upang
mas maintindihan at mas mapabuti ang mga
aralin na ating pinag-aaralan.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 135

Sa bawat test, quiz, o assignment na


ginagawa ko, hindi lang ako nag fo-focus sa
resulta. Sa halip, pinagtutuunan ko ng
pansin ang mga aral at kasanayan na aking
natutunan sa proseso. Dahil sa bawat
pagkakamali, nabibigyan ako ng
pagkakataong matuto at bumangon nang
mas matatag.

Hindi ko rin kinalilimutan na ang mga


marka ay hindi nagtatakda ng aking tunay
na halaga bilang tao. Hindi ito ang sukatan
ng aking katalinuhan o kabutihan bilang
isang indibidwal. Sa halip, ang mga marka
ay nagsisilbing gabay at tanda na mayroon
akong pwedeng pagbutihin at paunlarin sa
aspeto ng aking sarili.

Kaya't sa tuwing naghihintay ako ng


mga marka ko, hinaharap ko ito nang may
pag-asa at determinasyon na magpatuloy sa
aking paglalakbay tungo sa pag-unlad.
Dahil ang tunay na pagbabago at pag-unlad
ay hindi lamang nasusukat sa mga numero o
letra, kundi sa patuloy na pagsisikap, pag-
aaral, at paglago bilang isang tao.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 136

“Ngunit para saan nga ba itong mga grado


ko?”
“Tunay nga ba na ang grado ang susi sa
magandang kinabukasan ko?”

Ilan ito sa mga tanong na inaalala ko,


kung ano nga ba ang dahilan kung bakit
kinakailangan ko makakuha ng mataas na
grado. Ang pamilya ko ay kabilang sa
middle class. Sakto lamang ang kinikita ng
aking magulang para sa pang araw-araw na
gastusin, na kung minsan ay hindi pa din
nagiging sapat para sa pangkalahatan na
pangangailangan kasama na ang aking mga
kailangan sa pag-aaral. Ngunit naisip ko na
napakaraming oportunidad ang ibinibigay
ng gobyerno gaya na lamang ng iskolar at
dito ko na naisip na ang grado din pala ay
magiging susi para mga oportunidad na ito.
Isa sa mga kinakailangan upang makapasok
sa iskolar ay ang
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 137
pagkakaroon ng mataas at pasado na grado.
Kaya napaisip ulit ako… ang edukasyon
ang magbubukas at magbibigay daan para
sa ating magandang kinabukasan.

Isa pa sa mga oportunidad na maaari


nating matanggap ay ang pagpasok sa mga
malalaking unibersidad sa Pilipinas na
kinakailangan ng pasadong grado, ito ay
ang pagpasok sa kolehiyo.

Dito na magsisimula ang pangarap ng


isang estudyante na makapagtapos at
makatanggap ng maayos na trabaho. Ngunit
mataas na grado nga ba talaga ang sagot
para makapasok sa mga oportunidad na ito?
Ang sagot ay hindi. Sapagkat ang talino,
sipag, at tiyaga parin ang magsisilbi na
gabay mo para sa pag-abot ng iyong mga
pangarap, at ang grado naman ang
magubulkas ng mga oportunbidad para sa
iyo.

Sa henerasyon ngayon, masiyado na


tayong nabubulag sa kaisipan na kailangan
mataas palagi ang markang nakukuha. Isa
'yan sa dahilan kung bakit tila nakakapagod
na tuloy ang mag-aral. Kumbaga, nawawala
na yung excitement mong matuto kasi
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 138
parang nag-aaral ka nalang para sa mataas
na grado. Isang kaisipan na dapat na nating
iwaksi dahil kahit kailan, hindi matatapatan
ng mataas na grado ang kaalaman at
kasanayan na nakukuha mo habang ikaw ay
nag-aaral.

Hindi dapat natin iniisip lang na


kailangan natin mag-aral para makakuha ng
mataas na marka upang kilalanin ng iba.
Paano kung mataas nga, galing naman sa
kopya? Nawawala ang saysay ng pag-aaral
sa tuwing nangyayari ito. Ang ating grado
ay siyang gabay lamang natin at nagsisilbi
ring paalala na mayroon tayong mga
layunin at pangarap na nais nating abutin, at
isa ang marka sa tulay upang hubugin tayo
na maging

isang magandang ehemplo ng isang


mamamayan na may buo at responsableng
pagkatao.

Mahalaga na maging mahusay na


estudyante, ngunit hindi lamang upang
makakuha ng mataas na marka. Dapat
nating pahalagahan ang proseso ng pag-
aaral at ang mga karanasan na kasama nito.
Ang pagkatuto ay dapat na isang masayang
paglalakbay tungo sa pag-unawa at
paglinang ng ating sarili. Hindi dapat
mawala ang kasiyahan at pagkamangha
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 139
natin sa mga bagong kaalaman na
natututunan natin.

Sa bawat pag-aaral at pagsubok na ating


haharapin, ang pinakamahalaga ay ang
ating pagpupursige at determinasyon na
maabot ang ating mga pangarap. Hindi tayo
dapat maging alipin ng mga marka, kundi
dapat nating gamitin ang mga ito bilang
lakas at inspirasyon upang patuloy na

magpatuloy at magbigay ng aming


pinakamahusay na kakayahan.

Kaya't huwag nating hayaang mawala


ang tunay na diwa ng pag-aaral.
Ipagpatuloy natin ang paghahanap ng
kaalaman at paglinang ng ating sarili, hindi
lamang para sa marka, kundi para sa ating
sariling paglago at pag-unlad. Sa huli, ang
tunay na tagumpay ay hindi matatagpuan sa
markang ating natamo, kundi sa patuloy na
pagpupursige at pagsisikap na maging
mabuting indibidwal sa lipunan.
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 140

Epilogo

Sa isang paglalakbay, hindi maiiwasan ang


madapa, o mapagod. Ang bawat hakbang na
tatahakin natin tungo sa ating destinasyon,
ay mayroong kaakibat na pagsubok.
Pagsubok na maaaring humila sa atin
pababa kung hindi natin tatatagan ang ating
mga sarili. Maaaring makatamo tayo dito ng
mga sugat na mag-iiwan ng peklat, na
madadala natin hanggang sa hinaharap at
siyang nagsisilbing simbolo sa bawat
hadlang na ating nalampasan. Bawat araw
ay isang hamon. Ang mga lectures,
assignments, at exams ay mga patunay ng
iyong katatagan at kahandaan na harapin
ang mga pagsubok na ito. Sa bawat pagod
na iyong nararanasan, mas nagiging
determinado kang magpatuloy. Hindi
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 141
nawawala sa iyo ang layunin at pangarap na
maabot ang iyong

mga adhikain sa buhay. Tandaan natin na


may mga panahon na tayo ay bababa at
aangat. Magsilbi sanang inspirasyon ang
mga pagsubok sa ating buhay upang tayo ay
maging matatag. Ang paglalakbay ang
parang pag-aaral. Parehong sitwasyon na
kinakailangan ng tikas ng loob para matamo
ang mga adhikaing hinahangad.

Sa pagbukas at pagtapos ng librong ito ay


siya ring silbing daan tungo sa pinto ng
tagumpay. Ayon kay Mang Tani, "Ang
buhay ay weather weather lang" kaya sa
bawat panahon ng buhay ay piliin natin na
maging optimistic at matapang na harapin
ang mga hamon. Dapat maging ligtas at
handa sa anumang darating.

Sa naging lamanin ng librong ito, sana ay


mas nagkaroon kayo ng kaliwanagan na sa
bawat hamon at

pagsubok na dinaranas ng bawat isa ay


laging may mga kaakibat na sagot. Nawa'y
iyong malagpasan ang mga pagsubok na
iyong pinagdaraanan. Magsilbi sana itong
E s t u d y a n t e n g P a g o d | 142
gabay o direksyon para hindi kayo malihis
ng landas. Sana ay nakapagbigay ito ng aral
at aliw sa mga mambabasa.

You might also like