You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon ng MIMAROPA
Dibisyon ng Romblon A
Mataas na Paaralan ng Macario Molina
Brgy. Tambac Romblon, Romblon

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE: p________

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
patlang.

_____1. Anong paraan ang ipinakikita ng mga Hindu sa pagbati at pamamaalam sa kanilang kapwa?
A. beso-beso C. pagmamano
B. namaste D. pagtango ng ulo

_____2. Magbabasa tayo ng aklat araw-araw upang madagdagan ang ating kaalaman. Ano ang
pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. ating C. tayo
B. upang D. araw-araw

_____3. Sasama ako sa pagsundo kung sasama ka. Ano ang pang-abay na ginamit sa
pangungusap?
A. ako C. kung sasama
B. sa D. sasama

_____4. Aling katangian ang hindi dapat taglayin ng isang bayani?


A. mabait C. matipuno
B. malakas D. mayabang

_____5. Ano pa ang pinaniniwalaan ng mga Hindu bukod sa mga pilosopiyang kagandahan at
katotohanan?
A. kabutihan C. kasipagan
B. kapayapaan D. katapangan

_____6. Kahit saang lugar magpunta si Lorna, lagi siyang nagse-selfie. Saan nagmula ang salitang
selfie sa pagkuha ng litrato? _______________.
A. kaibigan C. kapatid
B. kalaro D. sarili

_____ 7. Hindi pumayag si Maritsa sa plano nina Ravana at Surpanaka laban kay Rama sapagkat
kakampi raw nito ang Diyos. Anong kultura ng mga Hindu ang ipinakita sa pangungusap na
ito?
A. pagiging duwag C. pagpapahalaga sa kapwa
B. pagkatakot sa Panginoon D. pagtanggi sa masamang Gawain
_____ 8. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng
manggagawa para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-patunay
na ang pahayag na ito ay
nangyayari sa totoong buhay?

A. may mga taong naghahanap ng mauutusan


B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan

_____9. Buhat nang dumating ang kaniyang kasintahan ay nag-iba na ang kaniyang pag-uugali. Ano
ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. kaniyang pag-uugali C. nag-iba na
B. kaniyang kasintahan D. buhat nang dumating

_____10. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang, “Gayon din naman, ayaw ng iyong Amang
nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na ito” –Mateo 18:14?

A. maliit man, may bilang din sa Panginoon


B. mahalaga sa Panginoon ang kaniyang mga anak
C. lahat ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon
D. lahat ng kasalanan ng tao ay kayang patawarin ng Panginoon

_____11. Ano ang damdaming lumutang sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”?


A. kalungkutan C. katatawanan
B. kasiyahan D. pagkapoot

_____12. Anong elemento ng elehiya ang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o mga nakasanayang
lumutang sa pagbuo nito?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

_____13. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay
mahuhuli?”
A. mahalaga ang oras sa paggawa
B. lahat ay may pantay- pantay na karapatan
C. ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis
D. kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.

_____14. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang
maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman
pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang
maihahalintulad sa pahayag na ito?
A. maganda ang performans sa opisina na nabibigyan ng pagkilala
B. mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina ngunit sakto pa rin ang kita
C. mga trabahador na maagang pumasok na ikinukumpara sa late pumasok sa trabaho
D. mga manggagawa sa isang opisinang nagrereklamo sa kanilang natatanggap na suweldo

_____15. Anong dalawang antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng elehiya?


A. ganap at ‘di ganap C. ponema at morpema
B. pantangi at pambalana D. pormal at ‘di pormal

_____16. “Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka.” Ano ang pinakamasidhing antas ng
damdamin ng salitang may salungguhit?
A. kinabahan C. nagimbal
B. kinilabutan D. natakot

_____17. “Naliligayahan akong malaman na isa ka sa mga magtatapos sa Marso.” Tukuyin sa


pangungusap ang ginamit na salitang nagpapakita ng masidhing damdamin.
A. isa C. malaman
B. magtatapos D. naliligayahan

_____18. Alin sa mga sumusunod na salita ang nasa wastong pagkakasunod-sunod mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas ng salita?
A. pikon, inis, tampo
B. singhal, sigaw, hiyaw
C. bungisngis, ngiti, ngisi
D. nabighani, nagandahan, naakit

_____19. Simula nang mawala ang kaniyang mahal na ina ay labis ang ___________
naramdaman ni Cecilia. Tukuyin ang angkop na salitang may pinakamasidhing damdamin.
A. lumbay C. pagdadalamhati
B. lungkot D. pighati

_____20. Bakit mahalagang nagkakaiba-iba ang antas ng damdamin ng salitang may ugnayang
magkatulad?
A. Maganda sa pandinig.
B. Nagiging malinaw ang nais ipakahulugan.
C. Naipakikita ang husay sa pakikipag-usap.
D. Natutukoy ang tunay na saloobin o nararamdaman ng nagsasalita.

_____21. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood habang
bumibigkas ng tula?

A. mahalina ang mga manonood


B. bigyang-aliw ang mga manonood
C. maipadama ang katapatan ng manunula
D. makita sa mga mata ang samu’t saring emosyong nais ipahayag ng manunula
_____22. Paano masasabing epektibo sa mga manonood ang pagbigkas ng tula?
A. Ang mga manonood ay pumapalakpak.
B. Seryosong nakikinig ang mga manonood.
C. Ang mga linya ay tumitimo sa isipan ng mga manonood.
D. Natitinag ang mga manonood at nagagawa silang patawanin o paiyakin sang-ayon sa
diwang isinasaad ng tula.

_____23. Ano ang isa sa mahahalagang elemento sa pagbigkas ng tula na tumutukoy sa kalidad at
kabuuan ng boses, swabe at maganda ang dating sa nakikinig?
A. pagbigkas C. tindig
B. pagkumpas D. tinig

_____24. Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso. Ano ang nais ipakahulugan ng mga
salitang may salungguhit?
A. maalalahanin C. masayahin
B. mabuti D. mayaman

_____25. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay niya ang
kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag
mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” – Juan 3:16. Ano ang ibig
sabihin ng matalinghagang pahayag na bugtong na anak?

A. maalalahanin C. mapagmahal
B. mabuti D. nag-iisa

_____26. Sino ang nakaaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo? Ano ang nais
ipakahulugan ng pahayag?
A. kaguluhan C. kasiyahan
B. kapighatian D. katapusan

_____27. Lahat tayo ay may kani-kaniyang papel sa buhay. Ano ang nais ipakahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. pananaw C. sinusulatan
B. posisyon sa buhay D. sinusunod

_____27. Marami ang ayaw makipagkaibigan kay Victor dahil siya ay masyadong mahangin. Ano ang
kahulugan ng salitang mahangin?

A. mabait C. mayabang
B. malakas ang hangin D. sinungaling

_____29. Sino ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?”


A. kuya C. manunulat
B. nanay D. nakababatang kapatid
_____30. Ano ang akdang pampanitikang nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring maganap sa
totoong buhay?
A. anekdota C. parabula
B. pabula D. talambuhay

_____31. Ano ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang
nakapaloob sa elehiya?
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang pagmamahal na inialay;
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na
makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

_____32. Anong kaisipan ang nais iparating ng bahagi ng elehiyang nasa itaas?
A. pagkagalit C. paghihiganti
B. pagpapasakit D. pag-alala sa namayapa

33-34. Gawing batayan ang bahagi ng akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” na nasa loob ng
kahon para sa pagsagot ng mga tanong.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang
sa kaniyang kinahinatnan.
Mula sa maraming taon ng paghihirap,
Sa pag-aaral, at paghahanap ng magpapaaral,
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay Nawala.
O, ano ang naganap? Ang buhay ay saglit na Nawala.

_____33. Anong damdamin ang nangibabaw sa bahagi ng akdang nasa loob ng kahon?
A. kaligayahan C. pagkainis
B. kalungkutan D. pagkapoot

_____34. Ano ang nais ipahiwatig ng huling taludtod sa bahagi ng akdang nasa kahon?

A. Gaano man kahirap ang pinagdaraanan sa buhay, matutong bumangon.


B. Bigyang-pagpapahalaga ang mga bagay na naiwan ng taong namayapa.
C. Pahalagahan ang buhay sapagkat hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo.
D. Hindi maipaliwanag ang sakit at matinding dagok na naramdaman dahil sa pagpanaw ng
minamahal.

_____35. Alin sa mga pangungusap ang hindi nagsasaad ng katangian ng isang elehiya?
A. Ito ay personal sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Ang himig ng elehiya ay dakila at mapagmuni-muni.
C. Ito ay pag-alaala, pananangis, at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay.
D. Madadaling salita ang naghahari sa akdang ito upang lubos na maunawaan ng
mambabasa.

_____36. Alin sa mga pahayag ang hindi masasalamin sa pagsulat ng isang elehiya?

A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.


B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng taong pag-aalayan nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapagnilay na mensahe sa mga
mambabasa.

_____37. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at
pagkabagot. Anong tunggalian ang isinasaad ng pahayag?
A. tao vs. tao C. sarili vs. tao
B. tao vs. sarili D. sarili vs. sarili

_____38. “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway nang hindi namin nakikilala, subalit
nagsinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kaniya.” Anong tunggalian ang nanaig sa
pahayag?
A. tao vs. tao C. sarili vs. tao
B. tao vs. sarili D. sarili vs. sarili

_____39. Bakit kinakailangan ang pabago-bagong tinig sa pagbigkas ng tula?


A. Hindi maiinip ang mga manonood.
B. Magiging masaya ang gagawing pagtula.
C. Maaagaw ng manunula ang pansin ng mga manonood.
D. Maipadadama ng bumibigkas sa mga manonood ang emosyon o diwa ng tula.

_____40. Sa kabuuan ng nobelang, “Isang Libo’t Isang Gabi”, anong tunggalian ang nangingibabaw
rito?
A. tao vs. tao C. sarili vs. tao
B. tao vs. sarili D. sarili vs. sarili

_____41. “Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo
ako sa aking kahilingan.” Anong ipinahihiwatig na katangian ng nagsasalita?
A. maawain C. mapagpasensya
B. matulungin D. mapagsamantala

_____42. Sumigaw ang Cadi na nagsasabing bakit ba sila nagsasakitan gayong lahat naman sila ay
nakakulong. Batay sa tunggaliang tao vs. tao, ang katotohanan sa sitwasyon sa isang
bilangguan na ipinahahayag ay ang______________.
A. kawalan ng disiplina C. kakulangan sa pasilidad
B. kakulangan sa pagkain D. kakulangan sa kaalaman

_____43. “Subukin mo ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.” Pumasok nga ang karpintero sa
ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng babae. Sa ipinakitang tunggalian sa pagitan
ng babae at karpintero, anong kasabihan ang mas angkop na ilapat dito?

A. Daig ng masipag ang maagap


B. Kung ano ang itinanim, ‘yun din ang aanihin
C. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala
D. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din

_____44. Sa huling bahagi ng nobela, ang salitang tsismis ay nangangahulugan ng negatibong


bagay o pangyayari na ibig iwasan ng mga tauhang may mataas na posisyon sa lipunan. Sa
maraming pagkakataon, mapatutunayan naman na hindi sa lahat ng pangyayari sa tunay na
buhay ay masama ang naidudulot ng salitang ito kung ___________.

A. ito’y naghatid sa isang indibiduwal upang magtagumpay sa buhay


B. naging dahilan ito upang mabuo ang relasyon ng dalawang nagmamahalan
C. nagdulot ito sa isang tao na gumawa ng pagsasakripisyo para sa mga minamahal
D. lahat ng nabanggit ay nagpapahayag ng katotohanan

_____45. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili?

A. “Diyos ko po,” sagot niya.


B. “Ikaw na lamang ang pumunta sa aking tahanan kahit maghapon at magdamag kung
talagang kinakailangan,” sabi ng babae.
C. “Hindi ako pupunta sa bahay ng lalaking estranghero,” sabi ng babae.
D. “Kung ganoon, hindi ko siya pakakawalan maliban kung sasama ka sa akin at payagan
mo akong gawin ang gusto kong gawin,” sabi ng pulis.

_____46. Mahilig kumamot sa ulo si Jose kapag hindi niya alam ang isasagot o sasabihin. Ang
pariralang may salungguhit ay halimbawa ng _______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

_____47. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina Mang Nelson at Aling Nelia.
Saan nagmula ang salitang barangay sa lumang bangkang Malay?
A. balangay C. batangay
B. balanghay D. batanghay

_____48. Alin sa mga pangungusap o pahayag ang nagpapakita ng transpormasyon na nakayang


magtagumpay ng pangunahing tauhan laban sa malalakas na pwersa sa lipunan?

A. Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya.


B. Napagtanto ng limang lalaki na sila ay napagkaisahan ng isang babae.

C. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at


pagkabagot.
D. “Kung talagang gusto mo, doon na lamang sa aming tahanan, tayo lang doon, hindi
naman kalayuan ang aking bahay.”

_____49. Ang bunsong anak ni Mang Fidel ay mabait at mahinhin. Ang pariralang may salungguhit
ay halimbawa ng _______________.

A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

_____50. Mapanlait sa kapwa si Aling Bebang dahil siya ay nabibilang sa mataas na antas ng
lipunan. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang may salungguhit sa pangungusap?

A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw

All the Very Best!!!

Inihanda ni; Sinuri at iniwasto ni;


WENCESLAO V. MORALES JR, LPT. MA. JENNILYN M. MADEJA, LPT.
Guro sa Filipino – II Dalubguro sa Filipino – I

Inaprobhan ni;

NOE P. MAGDATO JR, LPT.


Punong Guro - III

You might also like