You are on page 1of 9

FILIPINO SA PILING LARANG (TECHVOC)

MODYUL 3: ELEMENTO AT ETIKA NG UNIVERSITY OF MAKATI


KOMUNIKASYONG TEKNIKAL SA LOKAL AT HIGHER SCHOOL NG UMAK
DAIGDIG

Oras ng Pagsisimula : ___________


Oras ng Pagtatapos : ___________

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. nabibigyang-kahulugan ang teknikal- bokasyonal na mga sulatin at nakikilala ang
iba’t ibang teknikal bokasyonal na sulatin ayon sa layunin, gamit, anyo, katangian
at target na gagamit at
2. nakalilikha ng SWOT Analysis tungkol sa paggamit ng komunikasyong teknikal sa
lokal at pandaigdigang komunikasyon.

PANIMULA
Basahin ang artikulong nasa ibaba na pinamagatang “Aquino slams ‘kabayan’ in TV
Patrol Anniversary”. Suriin kung nagtataglay ito ng di-etikal na elemento.
President Benigno Aquino III criticized former Vice President Noli De Castro during the
25th anniversary celebration of TV Patrol. De Castro anchored the newscast since its
creation in 1987 then left from 2001-2010 when he entered politics. The President
minced no words even if De Castro, known as Kabayan, was also present in the event.

Aquino graced the celebration at the Manila Hotel on Friday, July 27, but the bulk of his
speech was not focused on ABS-CBN’s flagship primetime newscast. Instead, Aquino used the
occasion to criticize De Castro for supposed baseless speculation, and commentaries against
the administration despite his own stint in government.The President did not name De Castro
but referred to a TV Patrol anchor who is an ex-government official.

“Napaisip nga po ako: ‘yung nagkomento nito, hindi ba’t anim na taon ding tumangan sa renda
ng gobyerno? Sabihin na po nating minana lang din nila ang problema; ‘di hamak mas luma
naman ang ipinamana nilang problema sa amin.”

(It made me think. The one making the comment, wasn’t he holding the reins of government
for 6 years? Let us say that they also just inherited the problem; the problem they left us was
even older.)

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


ELEMENTO AT ETIKA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

“Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong


inireklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang
tutugon dito, pero masakit nga ho, may gana pang hiritan ng nagpamana?”

(He was given 6 years to help fix what he was complaining about. But now, we are already
carrying the burden, we are the ones responding to this but what is painful is that, the one who
passed on the problem still has the gall to criticize.)

De Castro started his career as a broadcast journalist. He became senator in 2001, and was
the vice president of former President Gloria Macapagal-Arroyo from 2004 to 2010. After his
stint in politics, De Castro returned to media, reclaiming his spot as the top anchor of TV
Patrol.

Para sa kabuuang ulat, maaaring basahin sa link na ito https://rappler.com/nation/aquino-slams-


kabayan-in-tv-patrol-event.

Kailan ba nating masasabing etikal ang komunikasyon? Kailan ito nagiging di-etikal?
Kung babalikan ang mga sitwasyon sa unang bahagi ng aralin, masasabi natin na ang
mga ito ay sumasalamin sa realidad ng buhay. May mga pagkakataong isinasaalang-
alang natin sa desisyon ang pagiging etikal nito, madalas sa mga usaping personal,
paaralan o trabaho ay laging isinasaisip ang etika. Sa tradisyonal na pananaw, anomang
bagay o gawi na mabuti ay maituturing na etikal. Ang etika ay isang sistemang kinapapa-
looban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultural ng isang lipunan. Bawat desisyong
ating ginagawa ay nakapaloob sa etikal na dimensiyon. Samakatuwid, bawat tao, bago
pa man siya magpasya, ay maraming isinasaalang-alang gaya ng epekto ng desisyon,
damdamin, panlipunang pananaw, anomang bagay o gawi na mabuti ay maituturing na
etikal.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


ELEMENTO AT ETIKA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

PANGUNAHING NILALAMAN
Ang etika ay nag-uugat sa pagpapahalagang mayroon ang isang tao. Ang mga
pagpapahalagang ito ay maikakategorya sa tatlo.
1. Personal na Etika- ito ang pagpapahalagang natatamo ng
tao mula sa pamilya, kultura at pananampalatayang mayroon
siya.

Halimbawa: wastong pakikipag-usap sa nakatatanda,


pagiging tapat at taimtim sa pananampalataya- pagsamba/
pagsisimba, at marami pang iba.

2. Panlipunang Etika- ito ay nagmumula sa batas at mga pag-


papahalagang panlipunan na kinalakhan ng isang tao. Ito ay
karaniwang makikita sa pakikihalubilo natin sa ating pama-
yanan. Maaari kasing ang etikal sa iyong pamilya ay hindi
etikal para sa iba lalo na kung magkaiba ang kultura na
inyong pinanggalingan. May apat na kategorasisasyon
kaugnay sa panlipunang etika at ito ay ang karapatan,
hustisya, epekto, at pagkalinga.

Halimbawa: karapatan- karapatan ng isang bata ang magkaroon ng pangalan at maayos


na kalidad ng buhay at edukasyon
hustisya- pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral, pagsasaalang-alang
ng mga bagay na tama at mali sa pagdedesisyon, at iba pa
epekto- pamamahala sa isang grupo o pangkat at pakikinig sa suhestiyon ng
nakararami para sa benepisyo ng lahat
pagkalinga- pagtutulungan na makabangon dahil sa pagsalanta ng sakuna
o pandemiya

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


ELEMENTO AT ETIKA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

•Ang pangunahing epekto •Tumutukoy ito sa pagbibigay


na nakakabit sa tao s ng patas na pagtingin sa
imula nang siya ay isilang dalawa o higit pang
at karaniwan itong magkakaibang bagay na higit
nasusulat sa batas na kailangan sa
• pagdedesisyon

KARAPATAN HUSTISYA

EPEKTO PAGKALINGA

•Tinatanaw nito ang interes • Tumutukoy ito sa mas


ng nakararami kaysa sa nararapat na pagpapairal ng
interes ng iilan. pagiging mapangalaga o
mapagkalinga kaysa
karahasan

3. Etikang Preserbasyon- ito ang etikang tumutulong sa tao para mapahalagaan niya
ang kanyang paligid na ginagalawan, ang etikang pangkonserbasyon ay nakatuon
hindi lamang sa pangangailangan ng tao bagkus sa impact din ng kapaligiran sa
kanya.

Mga Pamantayan sa Komunikasyong Teknikal

1. Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng impormasyong dapat


nilang mabatid.

2. Ilahad ang katotohanan sa pasulat na paraan.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


ELEMENTO AT ETIKA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

3. Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga mambabasa.

4. Kung may alinlangan, isangguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop na
payo.

5. Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo’t higit kung makakaapekto ito sa


Impormasyong tatanggapin ng mambabasa.

6. Iwasan ang paggamit ng maligoy na wika gaya ng marahil, di-umano, siguro at iba pa.

7. Sa pagsulat, siguraduhing naitala ang lahat ng anggulo o detalye nang sa gayon


ay matulungan ang mambabasa na magpasya.

8. Tiyaking patas ang lahat ng pinaghahanguan ng impormasyon.

9. Kilalanin ang lahat ng nagbigay- ambag sa pagkabuo ng impormasyon.

Tawid- Kulturang Komunikasyon

Hindi maisasantabi ang pagdagsa ng milyon- milyong impormasyong hatid ng Information


Communications Technology o ICT. Bunsod din ito ng napakaraming search engines na –
mapaghahanguan ng mga datos gaya ng Ask.com, Google, Yahoo at iba pa.
Dahil sa mga platapormang ito, naging lantad ang mga
tao sa napakayamang batis ng karunungan sa daigidig.
Kung susuriin naging malapit sa mga tao ang lahat ng
impormasyong kaniyang kakailanganin. Ngunit sa
kabilang dako, ang yaman ng impormasyong nakapalibot
sa kanya ay nagdudulot ng information glut. Sa paliwanag ni Sheenan (2011), ang
information glut ay tumutukoy sa dami ng impormasyong maaaring makolekta,
mainterpreta, at mapagsama-sama na nagdudulot ng information overload sa mga tao.
Mga Pandaigdigang Pagkakaiba sa Tawid-Kulturang Elemento ng Komunikasyon
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
ELEMENTO AT ETIKA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

Kaibahan sa Kaibahan sa Kaibahan sa Estilo Kaibahan sa


Nilalaman Organisasyon ng Disenyo ng
Ideya Dokumento
• Para sa mga • Sa mga Arabo, • Para sa mga • Ang mga
Tsino, mahalaga pinahahalagahan Tsino, ang Arabo at Tsino
na nakabatay sa ang matiwasay na dokumentong ay nagbabasa
katotohanan ang samahan at nagsasaad ng simula kanan
nilalaman ng pagpapakita ng masidhing tungong kaliwa
dokumento para pagpapahalaga panghihikayat ay hindi gaya ng
makahikayat. sa kausap. senyales ng ibang kultur
• Sa mga • Ang konsepto ng kawalang- ana
Mexicano, lubos pag-uulit sa mga galang. nagsisimula sa
ang puntong nais • Pinahahalagahan kaliwa tungong
pagpapahalaga nilang ipahatid na ng mga kanan.
sa ugnayang para sa mga Amerikano ang • Ang paggamit
pampamilya taga- Hilagang paggamit ng ng kamay na
bago simulan Amerika, ito ay payak na wika. kumpas na OK
ang pulong at abala. • Pormal na estilo o simbolo ng
pormal na pag- • Mayorya sa sa mga kapayaan, ay
uusap Asyano ang dokumneto sa ilan lamang sa
• Sa mga bansang paggamit ng Mexico at Timog mga
Asyano, impormasyong Amerika ay halimbawa na
nagbibigay- kontekstuwal bago pagpapakita ng kung
hakaga sa ilahad ang nais na kawalang gagamitin sa
kredibilidad ng mensahe. respeto sa mga ibang kultura
manunulat at • Sa India, ang proyekto at ay senyales ng
kompanyang pagpapasalamat mambabasa, kawalang
kinabibilangan. ay itinuturing na • Sa Aprika, ang paggalang
• Paggamit ng bayad sa isang tonos a • Karaniwan
wikang Ingles sa pabor na ginawa paggamit ng nang
mga Indian mo para sa kanila. wika ay higit na matatagpuan
• Sa mga bansang kinikilala upang sa dokumento
Aprika, gaya ng magkaroon ng mga
Tunisia at Amerikano ang
pagkakaroon
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
ELEMENTO AT ETIKA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

Morocco ay ng ‘di
Pranses ang maraming
ginagamit na teksto o
wika kahit Arabic grapiko
ang opisyal na kompara sa
wika. mga Europeo
na siksik ang
pagkakasulat
at punong
puno ang
teksto
• Para sa
Amerikano,
ang
presentasyong
hitik sag rap at
tsart ay
nakalilito

Ang mahusay na komunikasyon ay ang sensibilidad sa kultura ng ibang taong nakasala-


muha. Pinakamainam na sa lahat ng estratehiyang magagamit ay ang pagkamahinahon
at angkop na paggamit ng mga salita.

GAWAIN
GAWAING PAGGANAP 1: SWOT Analysis
Panuto: Lilikha ang mga mag-aaral ng SWOT Analysis (Strength, Weakness, Opportunity,
Threat) mula sa mga etika ng komunikasyong teknikal sa lokal at pandaigdigang komuni-
kasyon. Suriin ang pamamaraan ng komunikasyon- pasulat, pasalita, at pagbasa mula sa
mga sumusunod na bansa. Pumili lamang ng dalawang bansang nais na suriin.
a. Malaysia b. Indonesia c. Amerika d. Australia e. Singapore

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


ELEMENTO AT ETIKA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

Sundin ang pormat na nasa ibaba:

Bansa Pamamaraan Strength Weakness Opportunities Threats


ng (Kalakasan ng (Kahinaan ng (Oportunidad (Mga Panganib
Komunikasyon Pamamaraan Pamamaraan na maaaring o Epekto ng
ng ng nakapaloob sa Pamamaraan
Komunikasyon) Komunikasyon pamamaraan ng
ng kanilang Komunikasyon)
komunikasyon)

Pamamaraan ng Pagmamarka:
• Maayos ang impormasyon na inilagay 10 puntos
• Malinaw na naipaliwanag ang mga ideya 10 puntos

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT


ELEMENTO AT ETIKA NG
KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

• Makatwiran ang analisis gamit ang SWOT 10 puntos


• Kabuuang puntos 30 puntos

SARILING PAGTATASA/ KABATIRAN


Ipaliwanag ng maikli ang sumusunod na pahayag:
Ang susi sa mahusay na komunikasyon ay ang sensitibidad sa kultura ng ibang
taong nakakasalamuha.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa iyong notbuk sa Filipino.
1. Ano ang kahulugan ng kolaboratibong pagsulat?
2. Paano makatutulong ang awdiyens sa epektibong kolaboratibong pagsulat?

MGA BATAYAN/ SANGGUNIAN


https://www.coursehero.com/file/45131927/Mga-elemento-at-etika-ng-komunikasyong-teknikal-sapptx/

Francisco, C. at Gonzales, M. (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Rex Bookstore Publishing Inc.
Sampaloc, Lungsod ng Maynila.

ABM & LANGUAGES DEPARTMENT

You might also like