You are on page 1of 16

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

( Dr. Santiago G. Ortega Memorial)


City of Iriga

REVIEWER
FOR EVERY
SUBJECT (FILIPINO)

Ito ay angkop lamang para sa panghuling buwanang pagsusulit.


Pinapayagan ko na gamitin ito ng iba, ngunit hindi ko pinahihintulutan
ang pagkopya ng aking gawa nang walang permiso o apruba. Ang
batayan ng ibinigay na datos ay mula sa libro at powerpoint. Paumanhin
kung mayroong anumang typographical na pagkakamali sa nilalaman ng
mga na-encode na detalye. Panghuli, nais kong ipaabot ang aking
pagbati sa inyong lahat. Sana ay naging masaya tayong lahat sa school
year na ito :D
FILIPINO MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE

Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin - itinuring siya na


"eskumulgado" at idinawit sa pag-aalsa. Siya ang anak ni Don
Rafael Ibarra na nakapag-aral sa Europa at katipan ni Maria Clara.
Nangarap na makapagpatayo ng paaralan sa San Diego upang
maging maganda ang kinabukasan ng kabataan.
Don Rafael Ibarra - siya ang ama ni Crisostomo Ibarra at
ikinainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman.
Don Saturnino - siya ang ama ni Don Rafael Ibarra at lolo ni Ibarra
na nagbigti sa puno ng balete.
Angkan ni Maria Clara
Maria Clara - anak ni Donya Pia Alba at Padre Damaso. Siya din
ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra. Kilala ito sa San Diego
dahil sa angking ganda at kayumian.

Don Santiago De Los Santos - kilala sa "Kapitan Tiago" at sa


pagiging bukas palad. Siya ang ama amahan ni Maria Clara at isa
itong mangangalakal sa Binondo na madalas magpahanda ng salu
salo.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay
matapos siya'y maisilang.

Tiya Isabel - pinsan ni Kapitan Tiago na nag-alaga ki Maria Clara


pagkaraang namatay ang ina.
Mga Pari
Padre Damaso Verdolagas - kurang Pransiskano na masalita at
magaspang kumilos. Siya ang susi sa mahiwagang katauhan ni
Maria Clara at pagkabigo ni Crisostomo Ibarra.
Padre Bernado Salvi - paring pumalit kay Padre Damaso na may
lihim na pagtingin kay Maria Clara. Nasa kaniya ang mga liham na
maglalantad ng tunay na pagkatao ni Maria Clara na ginamit
upang sirain ang pag-iibigan nila ni Ibarra.

Padre Hernando Sibyla - paring Dominikano na lihim


nagbabantay at sumusubaybay sa bawat kilos ni Crisostmo
Ibarra.

1
Mga Mag-asawa
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña - asawa ni Don
Tiburcio de Espadaña. Siya ang nagpapanggap na mestisang
Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha & maling
pangangastila.
Don Tiburcio de Espadaña - asawa ni Donya Victorina na
mapagpanggap na doktor. Siya ay pilay at bungal na Kastilang
napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran.
Donya Consolacion - dating labandera na may malaswang bibig &
pag-uugali. Katawa-tawa kung manamit kaya ito'y ikinakahiyang
isama ng asawang Alperes. Ipinapalagay niya na higit siyang
maganda kay Maria Clara.
Alperes - makapangyarihang kinatawan ng guwardiyang Espanyol
ng San Diego & kaagaw na kura sa kapangyarihan sa San Diego.

Pamilya ni Sisa
Sisa - mapagmahal na ina na may asawang pabaya at malupit.
Nabaliw dahil sa hirap ng kalooban dahil sa nangyari sa kaniyang
mga anak.
Pedro - iresponsableng asawa ni Sisa at isang sabungero.
Basilio - nakakatandang anak ni Sisa at kapatid ni Crispin sa edad
na sampung taong gulang. Ito ay isang Sakristan at taga tugtog ng
kampana sa simbahan. Isinasagisag niya ang walang malay &
inosente sa lipunan.
Crispin - bunsong anak ni Sisa at kapatid ni Basilio sa edad na
pitong taong gulang. Isang Sakristan na taga tugtog ng kampana
sa simbahan.

Elias - bangkero & magsasakang namatay sa pagliligtas kay Ibarra.


Ito rin ang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan
& mga suliranin nito.
Don Anastacio - kilala sa "Pilosopo Tasyo" at ang maalam na
matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San
Diego. Hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral & maagang nabalo
kaya iginugol ang panahon sa pagbabasa ng mga aklat.
a) Baliw - tingin ng mga di nakapag-aral kay Don Anastacio.
b) Pilosopo - tingin ng mga may alam kay Don Anastacio.

2
Tinyente Guevarra - matapat na tinyente ng mga guwardiyang
sibil na nagsasalaysay kay Ibarra tungkol sa kasawiang nasapit ng
kaniyang ama.
Alfonso Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio & pinsan
ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni
Maria Clara.
Salome - kasintahan ni Elias & nag-iisa sa dampa mula nang
maulila sa mga magulang.
Kapitan Heneral - pinakamataas na punong Kastila na
kumakatawan sa pamahalaang Espanyol.
Don Filipo Lino - sunud sunuran sa mga Kastila at isa sa mga
nasangkot sa paghihimagsik sa ibinintang kay Ibarra.
Kapitan Basilio - isa sa naging kapitan ng San Diego na naging
kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa. Siya rin ang ama ni
Sinang.
Lucas - Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng
kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.
Siya ay humihingi ng danyos pero sumali sa tulisan.
Don Pedro Ibarra - nuno ni Crisostomo Ibarra.
Kapitan Maria - babaeng makabayang pumapanig sa pagtatangol
ni Ibarra sa alaala ng ama.
Maestro Nol Juan - g tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa
pagpapagawa ng kanyang paaralan.
Kapitan Pablo - puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
Andeng - kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto.
Neneng - mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara.
Sinang - masayahig kaibigan ni Maria Clara na anak ni Kapitan
Basilio.
Victoria - tahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni
Albino.
Albino - dating seminaristang nakasama sa piknik sa lawa at
kasintahan ni Victoria.
Iday - magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa.
Leon - kasintahan ni Iday na nakapansing may buwaya sa baklad.

3
FILIPINO MGA KABANATA BILANG 31 HANGGANG 64

1.) Kabanata 31 (Ang Sermon)


Si Padre Damaso ay nagbigay ng sermon sa wikang Espanyol, na hindi
naiintindihan ng maraming tao sa kongregasyon. Humanga sina
Padre Sibyla at Padre Martin sa hatid ni Padre Damaso. Naging boring
ang sermon, at sinubukan ni Padre Salvi na sumenyas kay Padre
Damaso na huminto na, ngunit nagpatuloy siya sa pagsasalita.

2.) Kabanata 32 (Ang Panghugos)


Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano ilipat ang
malaking bato na gagamitin sa paglilibing sa pundasyon ng gusali ng
paaralan. Napakalaki ng bato kaya kailangan itong buhatin ng mala-
crane na gamit na may mga lubid. Naghanda si Ibarra para sa
pagpapasinaya ng gusali ng paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay
ng pagkain at inumin para sa mga panauhin. Tumulong din ang mga
guro at estudyante sa paghahanda. May mga banda at musikero din
para magbigay ng libangan.

3.) Kabanata 33 (Malayang Kaisipan)


Nakipagkita si Ibarra kay Elias at hiniling sa kanya na huwag ihayag
ang kanyang sinabi kahit sinuman. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-
ingat dahil mayroon siyang mga kaaway kahit saan, kasama na ang
"taong madilaw". Inihayag ni Elias na siya ang nagligtas ng buhay ni
Ibarra, lalong dumarami ang mga kaaway ni Ibarra. Marami at
matatagpuan sa halos lahat ng lugar, kabilang ang kanyang sariling
pamilya at mga ninuno.

4.) Kabanata 34 (Pananghalian)


Nagkakainan ang mga kilalang tao sa San Diego sa isang malaking
hapag, nasa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang Alkalde.
Dumating si Padre Damaso at bumati sa kanya ang lahat maliban kay
Ibarra. Nagsimula ang patutsadahan ni Padre Damaso kay Ibarra
tungkol sa nangyari sa kanyang ama. Nahalata ng Alkalde na panay
ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra.

5.) Kabanata 35 (Haka haka)


Nagkaroon ng mga usap-usapan sa buong bayan ng San Diego
tungkol sa mga kaganapan sa nangyaring pananghalian, nagkaroon
ng mga usap-usapan sa buong bayan ng San Diego tungkol sa mga
kaganapan sa nangyaring pananghalian. Nagkakaisa ang lahat na
4
kung naging matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang mga
pangyayari. Ipinagtanggol ni Kapitan Martin si Ibarra at sinabi na
walang makapipigil kay Ibarra dahil wala itong kinatatakutang
awtoridad. Tanging si Kapitana Maria lamang ang pumili kay Ibarra at
sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatangol at
mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama. Natakot ang
mga matatandang babae sa bayan dahil baka mapunta sila sa
impyerno kung hindi nila panigan si Padre Damaso. May mga
magsasaka na naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral at
kaya hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan.

6.) Kabanata 36 (Suliranin)


Isang malaking kaguluhan ang nangyari sa bahay ni Kapitan Tiyago
dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria
Clara ay umiiyak at hindi nakikinig sa payo ng kanyang tiyahin at ni
Andeng. Siya ay pinagbawalan ng kanyang ama na makipag-usap kay
Ibarra hanggang sa maalis ang dating pakikipagtalastasan sa kanya.
Natuklasan ni Elias ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng
kanyang ama.

7.) Kabanata 37 (Kapitan Heneral)


Nang dumating ang Kapitan Heneral, hinanap niya agad si Ibarra.
Ngunit nakita niya ang binatang taga-Maynila na lumabas habang
nagmimisa si Padre Damaso na naging dahilan para pagalitan siya
nito. Kinausap ni Kapitan ang binata na kanina pa balisa. Nang
matapos ang kuwentuhan nila, nakangiti na ang binata, senyales ng
kabutihan ng Kapitan. Pagkatapos ay dumating ang mga pari ngunit
wala si Padre Damaso. Naroon din sina Maria at Tiago at napansin ng
Kapitan. Pinapurihan niya si Maria dahil sa pamamagitang ginawa
nang makabangga sina Ibarra at Damaso. Maya-maya pa, dumating
na si Ibarra. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na exkomunikado na si
Ibarra ngunit di siya pinansin nito. Nag-usap sina Ibarra at Kapitan at
pinuri siya nito sa ginawang pagtatanggol sa alaala ng ama. Nang
matapos mag-usap, binilinan ng Kapitan na papuntahin ni Ibarra si
Tiago para kausapin din. Nag-usap ang dalawa habang si Ibarra
naman ay nagtungo

8.) Kabanata 38 (Ang Prusisyon)


Maraming paputok ang narinig at ito ang hudyat na nag-umpisa na
ang prusisyon mula sa simbahan. Nakasilip ang marami na may
hawak na parol. Kasama sa paglalakad sina Kapitan Heneral, Kapitan
Tiago, alkalde, alperes, at mga kagawad. Nang marating ang kubol na
ipinagawa ng Kapitan Heneral sa tapat ng kanilang bahay na
5
pagdarausan ng tulang papuri o loa sa pinatakasi ng bayan, huminto
ang karo. Isang batang may pakpak ang lumabas at sinimulan ang
pagpupuri sa wikang Latin, Espanyol, at Tagalog. Sumunod naman ay
umawit si Maria Clara ng Ave Maria, nabighani ang lahat sa tinig ni
Maria Clara lalo na si Ibarra. Napukaw lang ang atensiyon nito nang
kausapin siya ng Kapitan Heneral tungkol sa pagkawala nina Crispin
at Basilio.

9.) Kabanata 39 (Donya Consolacion)


Si Donya Consolacion ay nagpakita at nagpakilala bilang asawa ng
isang alperes. Gusto niyang magmukhang taga-Europa kaya panay
ang paglalagay ng kolorete sa mukha at pagsasalita ng wikang
Kastila. Sa kaniyang paningin, ay siya ang pinakamagandang babae
sa San Diego at mas maganda pa kay Maria Clara. Dating labandera
lamang ang ginang at umangat sa buhay dahil sa alperes. Gayunman,
mababakas pa rin sa kaniya ang kawalan ng edukasyon.

10.) Kabanata 40 (Karapatan at Lakas)


Sinimulan nang sindihan ang mga kuwitis bandang ika-sampu ng gabi
at ito’y hudyat na ng pagsisimula ng dula. Si Don Filipo ang
nangasiwa sa gabi ng pista. Noong mga oras na iyon ay magkausap
sina Tinyente at Pilosopo Tasyo tungkol sa pag-ayaw ng Don sa
kanyang tungkulin. Hindi tinanggap ng Kapitan ang pagbibitiw ng
Tinyente kaya masama ang loob niya dito. Hinuli ng mga
kuwadrilyero sa tribunal ang dalawang gwardya sibil dahil sa
pagtatangkang pagpapatigil sa mga musikero. Sakto namang
nakabalik na si Ibarra sa mga sandaling iyon at hinanap kaagad ang
katipan. Kumapit ang dalaga sa bisig ng binata samantalang si Tiya
Isabel na kaniyang kasama ay naglitanya ng panalangin. Sa galit ng
mga kalalakihan ay pinagbabato nila ang dalawang gwardya sibil.
Huminahon lamang ang mga ito sa pakiusap ni Elias na inabisuhan ni
Ibarra dahil wala silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon.
Lantaran namang nakatitig kay Maria Clara si Padre Salvi habang ang
lahat ay nakatuon ang pansin sa dula.

11.) Kabanata 41 (Ang Dalawang Panauhin)


Nagbihis si Ibarra at pumunta sa bahay ni Kapitan Tiago. Sa daan,
nakasalubong niya si Lucas, ang kapatid ng lalaking namatay sa
unang batong ibinato sa paaralan. Pinilit ni Lucas si Ibarra tungkol sa
perang makukuha niya sa pagkamatay ng kanyang kapatid, ngunit
hindi siya pinansin ni Ibarra at sinabing maaari silang mag-usap
mamaya. Biglang dumating si Elias at sinabi kay Ibarra na may sakit si
Maria Clara. Kinuwento rin niya kung paano niya napigilan ang
6
kaguluhan kanina. Nagpasya si Ibarra na puntahan ang maysakit na si
Maria Clara at iniwan si Lucas, ibinulong ni Lucas sa sarili na si Ibarra
ay apo ng matandang nagdulot ng paghihirap ng kanyang ama.
Inihayag si Donya Victorina na isang social climber na gustong
magpakasal sa isang dayuhan at maging bahagi ng mataas na
lipunan.

12.) Kabanata 42 (Ang mag-asawang De Espadaña)


May sakit si Maria Clara at ipinaloob siya sa kanyang kuwarto upang
magpagaling. Dumating sa bahay nina Kapitan Tiago ang mag-
asawang Don Tiburcio at Donya Victorina De Epsadaña kasama ang
isang lalaking nagngangalang Linares. Si Don Tiburcio ay isang
nagpapanggap na doktor at nireseta si Maria Clara ng mga gamot. Si
Linares ay nagkagusto kay Maria Clara. Si Tiburcio ay isang dating
tagalinis sa ospital at nang mapangasawa si Victorina, naisip niyang
magpanggap na doktor. Si Tiburcio ay isinumbong sa Protomediko de
Manila ng mga tunay na mediko dahil sa kanyang panggagamot.

13.) Kabanata 43 (Mga Balak)


Halatang nag-aalala si Padre Damaso nang malaman niya na may
sakit si Maria Clara. Nagpakita ng kakaibang emosyon si Padre
Damaso sa harap ni Maria Clara at ng ibang tao. Ipinakilala ni Donya
Victorina si Linares, na anak ng bayaw ni Padre Damaso. Binasa ni
Padre Damaso ang sulat ni Linares at sinabi na madali niyang
maihanap ng trabaho ang binata.

14.) Kabanata 44 (Ang Pag-uusig ng Budhi)


Nabinat si Maria Clara matapos magkumpisal, patuloy siyang
inaalagaan ng kanyang mga kaibigan at ng Tiya Isabel. Ibinigay ni
Kapitan Tiago ang kanyang gintong baston sa Birhen ng Antipolo.
Nagsimula ang paguusap tungkol sa paglipat ni Padre Damaso sa
Tayabas, at sinabi ni Kapitan Tiyago na labis na daramdamin ni Maria
Clara ang pagkakalayo ni Padre Damaso dahil para na rin niya itong
ama.

15.) Kabanata 45 (Ang Mga Pinag-uusig)


Dahilan ng pagpunta ni Elias sa kagubatan ay upang hanapin si
Kapitan Pablo. Si Elias ay nakilala bilang kasapi ng mga tulisan sa
kabanatang ito. Nagpunta siya sa kagubatan at hinanap si Kapitan
Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim
ng lupa.

16.) Kabanata 46 (Ang Sabungan)


Dumating si Kapitan Basilio sa arena ng sabong at may hinahanap.
7
Lalong tumindi ang sabong, at ang magkapatid na Tarsilo at Bruno ay
nasangkot sa sugal.

17.) Kabanata 47 (Dalawang Dona)


Namamasyal ang mag-asawang De Espadana upang pagmasdan ang
bahay ng mga Indiyo. Inutos ni Donya Victorina kay Don Tiburcio na
mamalo ng sumbrero ng mga hindi nagpupugay sa kanila sa kanilang
paglalakad. Si Linares ay inutusan ni Donya Victorina na hamunin ang
Alperes sa pamamagitan ng baril o sable at kung hindi ay ibubulatlat
nito sa madla at kay Kapitan Tiyago ang tunay nitong pagkatao.
Dumating ang Alperes at umawat si Don Tiburcio sa nangyayari. Si
Linares ay humingi ng paumanhin kay Donya Victorina.

18.) Kabanata 48 (Ang Palaisipan)


Pumunta si Don Crisostomo Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiago upang
bisitahin si Maria Clara. Nakita niya sina Maria at Linares na masayang
nag-aayos ng mga bulaklak. Nagulat si Linares habang namutla
naman si Maria Clara. Nais sanang tumayo ng dalaga para pumunta
kay Ibarra ngunit hindi pa siya lubusang magaling. Ibinahagi ni Ibarra
kay Maria Clara ang balita na hindi na siya ekskomunikado. Ngunit,
hindi nagtagal ay lumayo na si Linares.

19.) Kabanata 49 (Tinig ng mga Pinag-uusig)


Hindi masaya si Ibarra nang lumulan ito sa bangka ni Elias. Sinabi ni
Ibarra ang kay Elias dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto
siya nitong makausap. Nag-aalala si Ibarra na baka makita si Elias
kaya ito’y nagdahilan na may kailangan siyang asikasuhin sa Maynila.
Humingi ng paumanhin si Elias kay Ibarra dahil batid nitong
nagambala niya ang binata

20.) Kabanata 50 (Ang Angkan ni Elias)


Nagkaroon ng pagkakataon si Elias na ipaliwanag ang dahilan ng
kanyang pagiging takas. Ibinunyag niya kay Ibarra na ang kanyang
pamilya ay mula rin sa uri ng api at ang kanyang lolo ay isang tenedor
de libros sa isang bahay-kalakal na pagaari ng mga Espanyol sa
Maynila. Isang gabi, nasunog ang opisinang pinagtatrabahuhan ng
kanyang lolo, at ang kanyang lolo ay inakusahan ng panununog at
pinarusahan sa kabila ng pagiging inosente. Ang lolo ni Elias ay
mahirap at hindi kayang magbayad ng abogado, kaya nahatulan siya
at kinaladkad ng kabayo. Si Elias mismo ay naging obrero sa Tayabas
at nagpakasal sa isang mayamang babae, ngunit pinaghiwalay sila ng
kanilang mga magulang nang malaman nilang buntis ito ng kambal.

21.) Kabanata 51 (Pagbabago)


8
Nakatanggap si Linares ng liham mula kay Donya Victorina, nag-isip si
Linares kung sino ang magiging padrino niya sa paghamon sa alperes.
Pinagsisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad lamang na makapagsamantala. Dumating si Padre Salvi
sa bahay ni Kapitan Tiago at ibinalita ang tungkol sa sulat na padala
ng Arsobispo tungkol sa pag-alis ng ekskomunyon kay Ibarra.

22.) Kabanata 52 (Baraha ng mga Patay)


Tatlong anino ang naghihintay sa sementeryo at pinag-uusapan kung
nakausap na nila si Elias. Ang mga anino ay naghihintay sa
sementeryo upang kunin ang mga sandata na gagamitin sa
rebolusyon.

23.) Kabanata 53 (Ang Mabuting Araw)


May tatlong anino na nakita na nag-uusap sa tabi ng sementeryo.
Sumunod pa ang isa pang tao. Kinabukasan, kumalat ang balita
tungkol sa mga ilaw na nakita sa sementeryo noong nakaraang gabi.
May mga naniniwala na ito ay gawa ng mga demonyo o ng mga
kaluluwa sa purgatoryo. Sa sermon ng pari, binigyang-diin niya ang
tungkol sa kaluluwa sa purgatoryo.

24.) Kabanata 54 (Walang Lihim na Hindi Nabubunyag)


Si Ibarra ay tinulungan ni Elias sa pagpili ng ilang mga dokumento.
Nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia mula sa mga
dokumento at tinanong siya ni Elias tungkol sa relasyon nila ni Don
Pedro. Nagkaroon ng maringal na piging sa bahay ni Don Santiago de
los Santos, na kilala rin bilang Kapitan Tiyago. Pumunta si Elias sa
laboratoryo ni Ibarra at sinabi sa kanya ang tungkol sa planong
pagaalsa. Nakita rin niya ang isang dokumento tungkol kay Don
Pedro Eibarramendia at tinanong niya si Ibarra tungkol sa relasyon
nito sa kanya. Sinabi ni Ibarra na si Don Pedro ang kanyang ninuno.
Nais ni Elias na gamitin ang kanyang patalim laban kay Ibarra dahil si
Don Pedro ang nagdulot ng paghihirap sa kanyang mga ninuno.
Gayunpaman, pinigilan niya ang sarili na gawin iyon.

25.) Kabanata 56 (Ang Pala-Palagay)


Natagpuang patay si Don Filipo, at pinaniniwalaan na ang
kuwadrilyero, na kaaway ng sibil, ang may pananagutan sa kanyang
pagkamatay. Sa oras ng hapunan, ang bawat isa ay gumagawa ng
kanilang sariling mga bagay. May mga usap-usapan na nag-iibigan
sina Ibarra at Maria at binalak nilang tumakas para maiwasang
pakasalan ni Maria si Linares. Pinigilan sila ni Kapitan Tiyago sa
tulong ng sibil. Nang maglaon ay napatunayan na totoo ang mga sabi-
sabi, at sinunog ng sibil ang bahay ni Ibarra.
9
26.) Kabanata 57 (Ang mga Tauhan)
Inutusan ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ngunit
tumanggi ito. Nakita niya sa mga patay ang kanyang kapatid na si
Bruno, kasama si Pedro. Nagalit ang alperes nang tumangging
magsalita si Tarsilo at inutusan siyang bugbugin ng patpat hanggang
sa dumugo. Pagkatapos ay ibinalik si Tarsilo sa bulwagan ng bayan.
Nakatagpo si Tarsilo ng isang bilanggo na umiiyak at tumatawag sa
mga santo. Ipinakita sa kanya ang bilanggo, na nagsabing minsan
lang niya nakita si Ibarra. Dumating ang kura at tinanong ang alperes
tungkol kina Ibarra at Don Filipo, ngunit hindi sila tumugon. Muling
binugbog si Tarsilo nang tumanggi siyang kumanta, at ibinalik siya sa
bulwagan ng bayan. Ang mga taong bayan ay nag-aalala sa mga
bilanggo at nagbanta sa mga sundalo. Naroon ang alperes at Donya
Consolacion, at ang kapitan ay malungkot.

27.) Kabanata 60 (Ang Kasal ni Maria Clara)


Ikakasal si Maria Clara kay Linares. Masaya si Kapitan Tiyago dahil
hindi siya nahuli o natanong ng gobyerno. Pumunta si Maria Clara sa
rooftop at nakita niya sina Elias at Ibarra na nakatakas sakay ng
bangka. Saglit silang nag-usap at sinabi ni Maria Clara na mahal pa rin
niya si Ibarra. Ang mag-asawang De Espadaña at Linares ay bumisita
sa bahay ni Kapitan Tiyago, at sinabi ni Donya Victorina na si Ibarra ay
nararapat na parusahan sa kanyang ginawa. Ang pag-uusap ay
humantong sa paksa ng kasal nina Maria Clara at Linares, at
napagkasunduan na si Tiyago ang mag-isponsor ng kasal.
Kinabukasan, ginanap ang kasalan at ang bahay ay napuno ng mga
panauhin, kabilang ang mga bisitang Tsino at Espanyol, at ang mga
pari na sina Salvi at Sibyla. Usap-usapan ang kasal, at may mga
nagsasabi na si Linares lang ang ikakasal ni Maria Clara dahil
papatayin na si Ibarra.

28.) Kabanata 61 (Ang Panunugis sa Lawa)


Iniligtas ni Elias si Crisostomo Ibarra at dinala sa bahay ng isang
kaibigan sa Mandaluyong upang magtago. Inalok ni Elias na sumama
kay Ibarra, ngunit tumanggi si Ibarra. Ibinigay ni Elias kay Ibarra ang
perang itinago niya sa puno ng balete upang magamit sa pag-alis ng
bansa. Sina Elias at Ibarra ay nakasagupa ng mga kawal na
nagtangkang barilin sila. Sinabi ni Elias kay Ibarra na makipagkita sa
kanya sa Bisperas ng Pasko sa libingan ng mga ninuno ni Ibarra at
tumalon siya mula sa bangka upang makagambala sa mga kawal. Si
Elias ay binaril ng mga kawal at itinuring na patay.

29.) Kabanata 62 (Ang Pag-amin ni Padre Damaso)


10
Ipinagtapat ni Padre Damaso kay Maria Clara na siya ang kanyang
ama. Nalungkot si Maria Clara sa balita at hiniling na ipagpaliban ang
kasal nila ni Linares. Humingi ng tawad si Padre Damaso kay Maria
Clara at napaluha sa pagmamahal nito sa kanya. Nagpahayag din siya
ng kalungkutan sa sitwasyon at kinikilala na pinarurusahan ng Diyos
ang mga nagkakasala.

30.) Kabanata 63 (Noche Buena)


Si Basilio ay nanatili sa isang kubo sa kabundukan at pinatira ng isang
pamilyang Tagalog na namumuhay sa pamamagitan ng pangangaso
at pangangalap. Ang Noche Buena ay ipinagdiwang sa San Diego,
ngunit ang bayan ay tahimik at malungkot. Walang mga palamuti o
kasiyahan, at maging ang tahanan ni Kapitan Basilio ay kulang sa
enerhiya. Si Sisa ay nakitang gumagala sa bayan, at hinanap siya ni
Basilio ngunit hindi niya ito makita sa bahay. Nang maglaon ay
natagpuan niya ito sa labas ng tahanan ng Alperes at hinabol siya.
Napunta sila sa isang gubat na may libingan, at si Sisa ay nahimatay.
Niyakap siya ni Basilio, at nang magising siya, nalaman niyang
namatay na si Sisa. Si Elias na mahina ay lumapit kay Basilio at sinabi
sa kanya na may malaking halaga ng pera na nakabaon sa ilalim ng
puno ng balete. Inutusan niya si Basilio na gamitin ang pera para sa
kanyang pag-aaral.

31.) Kabanata 64 (Katapusan)


Si Maria Clara ay pumasok sa kumbento upang maging isang madre,
at si Padre Damaso ay lumayo sa Maynila, si Padre Damaso ay
natagpuang patay sa kanyang higaan, at ito ay ispekulasyon na siya
ay namatay dahil sa altapresyon o isang bangungot, si Kapitan Tiyago
ay nakaranas ng emosyonal na kaguluhan, natalo. timbang, at
nagiging kawalan ng tiwala sa kanyang mga kasama sa pag-inom. Si
Donya Victorina ay nagdagdag ng mas maraming kulot sa kanyang
buhok at pinahuhusay ang kanyang mga kasanayan sa pagsasalita ng
Espanyol, habang ang kanyang asawa ay nabigo na matuto kung
paano sumakay ng kabayo at sa halip ay naging isang kutsero. Si
Linares, na iniwan ni Maria Clara, ay nagkasakit ng dysentery at
namatay. Nilunod ni Donya Consolacion ang kanyang kalungkutan sa
alak matapos mawala ang kanyang kagandahan at maging payat.

11
REVIEW
MGA TALASALITAAN AT NILALAMAN NITO
SA BAWAT KABANATA

balaraw – panghiwa, panaksak


huminghing – di tiyak ang naririnig
ibinunton – itinumpok
malamlam – malabo
sulingin – nagugulumihanang lakarin
kumbento – simbahan
mongha – madre
pinipintakasi – kapistahan
takip-silim – paglubog ng araw
balatkayo – mapagkunwari
bugso – biglang pagdami
ihasik – ikalat
maampat – mapatigil
simbuyo – biglang pag-iral ng galit
takipsilim – dapithapon
di matatamong-pala – kailanma’y hindi maaabot
magtakipsilim – bago ang gabi, malapit na ang gabi
napahinuhod – napapayag o napasang-ayon
pandarambong – panggugulo
ekskomulgado – ang kalagayan kung saan itinitiwalag o
itinatakwil mula sa relihiyon
nababalisa – hindi mapalagay
sagabal – hadlang

12
REVIEW
ANG KABUUANG BUOD NG NOLI ME
TANGERE

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya


ay pinag-aral ng ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong
taon itong tumira sa Europa bago ito muling bumalik ng Pilipinas.
Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang
salubungin ang binata. Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad
nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya
Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.

Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra


ngunit wala itong ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang
pari. Magalang itong nagpaalam at nagdahilang may ibang
pupuntahan.

Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya


ang anak-anakan ni Kapitan Tiago, mayamang taga-Tondo.

Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo


sa pagtitipon. Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na
muling balikan ang kanilang mga ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang
liham na binigay ng binata bago pa ito tumungo sa Europa.

Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis


upang ipagtapat ang pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na
naakusahan ang ama na erehe at pilibustero dahil sa hindi nito
pagsisimba at pangungumpisal.

Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa


kasalanang di naman siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas
ang paglilitis nang magkasakit at kalauna’y namatay ang ama ni
Ibarra.

Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang


bangkay nito at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan
ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay kung kaya’t itinapon nalang
ito sa lawa.

Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapag


13
-higanti, sa halip ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na
makapagtayo ng paaralan.

Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng


pagbabasbas. Muli na namang tinira ni Padre Damaso ang binata.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan


na niyang saksakin ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria
Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay naging ekskumunikado siya.

Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra


at inutusan si Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara
kay Ibarra.

Nagpasya si Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso


Linares. Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa
tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang bisa ang pagiging
ekskomunikado ni Ibarra. Subalit may mga taong sumalakay sa
kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit walang kasalanan ay
dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni
Elias.

Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-


usap bago gawin ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si
Padre Damaso ang totoong ama ni Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa
pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.

Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa


ilang gwardiya sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang
sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang mga humahabol sa
pamamagitan ng paglusong nito sa tubig.

Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng


mga sibil hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asa
si Maria Clara dahil pag-aakalang patay na si Ibarra.

Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang


madre. Napilitang pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil
magpapakamatay daw ito pag hindi ito pumayag.

Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na


sugatan at nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig
13
na bangkay ni Sisa.

Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay


siyang hindi nakikita ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit
para sa mga makakakita, bilin niya na batiin ito at huwag ding
makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.

Note: Paumanhin kung hindi na ako nakapagbigay ng mga adisyonal


na impormasyon bawat sa kabanata dahil sa kakulangan ng oras.

14

You might also like