You are on page 1of 2

Ang Mito ng Mindanao ay tungkol kay Prinsipe Maranao ng Lanao at

kay Prinsesa Minda. Si Prinsesa Minda ay maingat na pinangangalagaan


ng kaniyang ama na si Datu Dipatuwan. Ayon sa datu, ang lahat
ngmagtatangkang manligaw sa prinsesa ay dapat munang dumaan sa
tatlong matinding pagsubok: 1) maibalik ang ikinalat na monggo sa
isang sako sa loob ng 12 oras, 2) makuha ang singsing ng datu mula sa
ilalim ng dagat, 3)ang makabalik sa ibabaw ng mundo mula sa isang
malalim na underground kung saan walang makakapitang bato o puno sa
pag- akyat.Nang marining ni Prinsipe Maranao ang tungk ol kay
Prinsesa Minda, agad itong nagpaalam sa kaniyang magulang para ito‟y
puntahan. Hindi naging madali ang panliligaw ni Prinsipe Maranao kay
Prinsesa Minda. Tuladng ibang manliligaw, hinarang ng datu ang binata
at binigyan ito ng tatlong pagsubok.Sa unang pagsubok pa lamang ay
nahirapan na ang binata. Tatlompung minuto na lamang ang natitira
ngunit wala pa siyang napupulot ni isang munggo. Hindi naglaon,
nakarinig siya ng isang matinis na boses. Nang siyaay napatingin sa
lupa, isang pulang langgam ang tumatawag sa kaniya at nais maghatid ng
tulong. Agad-agad dumami ang pulutong ng mga pulang langgam. Wala
pang sampung minuto at napuno na ng prinsipe ang isangsako ng
munggo.Ang pangalawang pagsubok ay mas mahirap kaysa sa nauna.
Hindi magaling na maninisid ang prinsipe, kaya lubos itong kinabahan
nang siya ay inihagis sa dagat para hanapin ang singsing. Ngunit nang
oras na siya ayitinapon sa dagat, siya ay napadpad sa isang malawak na
daanan. Ilang minuto ang nakalipas at nakarinig ng malalim na boses ang
binata. Ito ay ang Hari ng Kaharian ng mga Isda. Inutusan nito ang
kaniyang mga isda nahanapin ang singsing. Walang kahirap-hirap,
nakuha ng prinsipe ang singsing.Pinakamahirap sa lahat ng pagsubok ay
ang pangatlong utos ng datu. Ihahagis ang prinsipe sa isang balon na
walang puno o bato na mapagkakapitan. Kailangan niyang makabalik sa
mundo para makuha ang prinsesa.Nalaman ito ni Prinsesa Minda, at
kaniyang kinasundo ang mga tauhan ng ama at agad sumama sa prinsipe
sa ilalim ng balon.
Nang sila‟y nasa baba na, dumating ang datu. Sa takot ng mga tauhan,
pinutol nila ang tali. Takot na takot ang dalawang magka sintahan dahil
alam nilang wala ng paraan para sila ay maka-akyat. Ngunit sila ay
nakatagpong isang ibon na tumulong sa kanila sa kanilang pag-
akyat.Nakita ng prinsesa ang kaniyang ama sa kanilang pagbalik at
humingi ito ng kapatawaran. Tinanggap na ng datu ang prinsipe at
pinayagang pakasalan ang kaniyang anak. Nang yumao ang datu, si
Prinsipe Maranao atPrinsesa Minda ang namuno sa naiwang kaharian ni
Datu Dipatuwan. Ang alamat ng mga katawang pangkalawakan ay nag-
uumpisa sa pagbubuo ni Azean kina Andaw (

You might also like