You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Schools Division of Sorsogon
Castilla West District
Salvacion Elementary School
114132

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5


UNANG MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. Natatalakay ang paglaganap at katuruan ng Islam sa Pilipinas.
B. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng
Relihiyong Islam sa Bansa.
C. Naiintindihan at nabibigyang respeto kung bakit mahalagang pag-aralan ang paglaganap
ng Relihiyong islam sa bansa.

II. NILALAMAN
Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: MELC, K to 12 Curriculum Guide sa Aralin Panlipunan


2. Mga Pahina sa Gabay ng Pang mag- aaral
3. Mga Pahina ng Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Mga Bata bago tayo magsimula sa ating talakayan, kayo ay inaasahan kong maging
MASIGLA.

M - Mapanatili ang Kasiglahan


A - Alamin ang Bagong Kaalaman
S - Sumali sa Talakayan
I - Iwaksi ang Kasamaan
G - Gawin ang Makabuluhan at Magaan na Gawain
L - Lahat ay Makilahok
A - Angkinin ang Magandang Attitude

Ipasagot ang Gawain sa ibaba bilang pagbabalik-aral sa nakaraan na leksyon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipakita ang larawan ng Simbahan at itanong ang mga sumusunod na katanungan sa


ibaba.
Ano kaya ang nasa larawan?
Sino ang mga nagsisimba dito?

Kinakailangan na tayo ay magsimba upang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang ating


natatanggap.

C. Pag-uugnay n mga halimbawa sa bagong aralin

Maliban pa sa relihiyong Katoliko, may alam pa ba kayo na ibang relihiyon?


Ipakita ang larawan sa ibaba at ipasagot ang mga katanungan sa mga bata

Sino-sino kaya ang nakikita mo sa larawan?


Ano kaya ang kanilang relihiyon?
Saang bahagi ng Pilipinas nakatira ang karamihan sa kanila?
Sila ba ay mamamayang Pilipino tulad mo?
Sila ba kailangan din nating igalang?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Bago pa man tayo masakop ng mga dayuhan ay may sarili ng Sistema ng paniniwala ang mga
sinaunang Pilipino. Isa na rito ang Relihiyong Islam.
Suriin ang Timeline sa ibaba.
Ano ang ibig sabihin ng Timeline?
Kung isasalin natin sa salitang tagalog ito ay kronolohiya. Ang timeline o kronolohiya ay
isang paraan ng pag-aayos ng impormasyon na may kaugnayan sa oras upang
maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o kaganapan.

Kung ang Relihiyong Islam ay unang lumaganap sa panahon ni Abu Bakr, gaano na ito
katagal hanggang sa taong kasalukuyan?

Sagot: 2023 - 1450 = 573 taon


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Si Abu Bakr ang nagpalaganap ng Islam sa Sulu. Pinagkalooban siya ng pangalang Sharif ul-
Hashim nang maging kauna-unahang sultan ng itatag niya ang pamahalaang batay sa
Sultanato ng Arabia.
Mula sa Mindanao ay mabilis na lumaganap ang Islam sa Luzon at Visayas.
Karamihan sa mga nainiwala ng relihiyong Islam ay matatagpuan sa Mindanao.

Allah - ang pangalan ng diyos ng mga muslim.


Imam - ang tawag sa mga pinuno sa pagsamba
Qur’an - banal na aklat ng mga muslim
Muslim - tawag sa mga taong naniniwala kay Allah
Mosque - lugar ng pagsamba kung saan nagaganap ang mga ritwal at panalangin ng
mga Muslim.

Ipakita ang mapa ng Piliinas at ipasagot ang mga katanungan.

Ano-ano ang tatlong pulo kung saan lumaganap ang Relihiyong Islam?
Saang Pulo ng Pilipinas Unang lumaganap ang relihiyong Islam?
Paano lumaganap ang Relihiyong Islam sa Pilipinas?

Dahil sa pagdating ng mga mangangalakal na Arabo at mga dayuhan na nanggaling sa


ibang bansa at nahikayat ni Raja Baginda ang mga katutubo na sumapi sa relihiyong Islam.

Pangkatang Gawain:

Ang mga mag-aaral ay dapat na tapusin ang mga gawain, gamit ang mga konsepto na
kanilang natutunan.
Magsabi ng mga pamantayan sa paggawa.

G - Gagabay sa Isa't-Isa
R - Responsableng Pagsasagawa ng Tungkulin
U - Ugnayan at Kooperasyon
P - Pagtutulungan ang Lahat
O - Organisado at Maayos na Paggawa

Unang Pangkat: Punan ng tamang pangalan ang tsart para mabuo ang timeline ng
pagdating ng Islam sa bansa. Idikit ang cut-outs sa espasyo.

Pangalawang Pangkat:
Tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga pahayag.
Idikit ang cut-outs sa tapat ng mga pahayag.

Pangatlong Pangkat:
IDIKIT ang taon kung kailan nangyari ang isinaaad sa pahayag o ang paglaganap ng
Relihiyong Islam.

Pang-apat na pangkat:
Gamit ang ibinigay na kahulugan, ayusin ang mga titik upang makabuo ng bagong
salita.

F. Paglinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment)

Sagutan ang sumusunod: Pumalakpak ng dalawang beses kun tama ang pangugusap
at ipadyak ang paa kung mali ang sinasabi sa pangungusap.

1. Ang Relihiyong islam ay dala ng mga mangangalakal na Arabong Muslim.


2. Si Tuan Masha’ika ang itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng Relihiyong Islam sa
Pilipinas.
3. Unang lumaganap ang Relihiyong Muslim sa Mindanao.
4. Si Rajah Baginda ay hindi nagtagumpay sa paghikayat ng ilang katutubo sa Sulu na
lumipat sa Relihiyong Islam.
5. Mula sa Mindanao ay mabilis na lumaganap ang Relihiyong Islam sa Luzon

G.Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Mahalaga ang respeto sa mga paniniwala at kultura ng iba, at ang layuning maging mas
mahusay na tao at mamamayan sa pamamagitan ng pag-unawa sa iba't-ibang relihiyon at
kultura, kasama na rin ang Islam.
Kung naaalala pa ninyo ang aralin sa Health, ang ang magbuting pakikipag-ugnayan sa kapwa
ay nakapagbibigay ng masayang pamumuhay. Anuman ang estado sa buhay, kailangan natin
silang igalang.

H. Paglalahat ng Aralin

Paano lumaganap ang Relihiyong Islam sa bansang Pilipinas?


Ang nag-iisang Diyos na pinaniniwalaan ng mga Muslim?
Ito ay ang Relihiyon ng mga Muslim?

I. Pagtataya ng Aralin

Basahing mabuti ang bawat aytem.. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang
papel.
1. Isang Relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.
A. Islam C. Hudaismo
B. Animismo D. Kristiyanismo

2. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?


A. Luzon C. Samar
B. Mindanao D. Visayas

3. Dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas upang ___________.


A. bumisita C. makipagkalakalan
B. makipaglaban D. manakop

4. Kailan ang kauna-uanahang ipinakilala ang Islam sa bansa?


A. 1280 C. 2014
B. 1996 D. 1450

5.Siya ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.


A. Janjalani Abdulah
B. Rajah Baginda
C. Sharif Kabungsuan
D. Tuan Masha’ika

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin at Remediation

Isulat sa kwaderno kung papaano mo maipapakita ang paggalang o pag respeto sa mga
paniniwala ng mga muslim at iba pang mga relihiyon sa ating lugar.

Prepared by:

JOSE LOWELL B. ARMEÑA


T-I/GRADE V-ADVISER

Noted by:

NILA P. GRANADILLOS
ESHT- I

You might also like