You are on page 1of 21

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI

Arts
Ikalawang Markahan - Modyul 5
Linggo 5: Kulay ng Kapaligiran

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Arts 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Module 5:( Kulay ng Kapaligiran)
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module


Authors: Rutchel D. Felias

Editor: Marina A. Impig, MT-II

Reviewers: Freddie L. Palapar – PSDS


Ronnie A. Nietes

Illustrator: Agnes Valerie D. Noval

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintenden

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Jourven B. Okit, EPS – MAPEH
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org
4
Arts
Ikalawang Markahan - Modyul 5
Linggo 5: Kulay ng Kapaligiran

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
propesyonal na nasa larangan ng Edukasyon na magpadala
ng kanilang puna o komento at rekomendasyon sa Kagawaran
ng Edukasyon sa pamamagitan ng email:
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Panimula

Mga mag-aaral, ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Ito


ay makatutulong na mapadali ang inyong pag-unawa sa mga araling
napapaloob nito.

Ang gagawin niyo lamang ay basahin at intindihin nang mabuti


ang mga panuto sa bawat gawain upang makamit ang mithiin ng
modyul na ito.

Sa modyul na ito, matutukoy mo ang mga kulay na matingkad at


malamlam. Magagawang inspirasyon ang tanawin sa pamayanang
kultural sa pagkukulay ng iginuhit na larawan.

Pagkatapos mong alamin ang mga kulay ng Kapaligiran


makukulayan at mabibigyang- buhay ang iginuhit na tanawin gamit
ang matingkad at mapusyaw na kulay.

Mga paalala sa mga Guro

Hinihikayat ang mga guro na


subaybayan ang lahat na mga gawain ng
mga mag-aaral upang lubusang
mapakinabangan nila ang kaalaman na
napapaloob sa modyul na ito.

i
Alamin

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Natutukoy ang mga kulay na matingkad at malamlam.


2. Nakukulayan at nabibigyang-buhay ang iginuhit na
tanawin gamit ang matingkad at mapusyaw na kulay.
3. Nagagawang inspirasyon ang tanawin sa pamayanang
kultural sa pagkukulay ng iginuhit na larawan.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


sumusunod na mga hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na mga tanong sa pagtataya at pagsasanay.

ii
Mga Icons sa Modyul

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa paanong paraan nakakalikha ng isang mapusyaw na kulay?


A. Pagkukuskos ng pintura C. Paglalagay ng ibang kulay
B. Paghahalo ng puting kulay D. Pagpapatuyo sa mga kulay

2. Kung hinahaluan ng itim na kulay ang isa pang kulay, anong kulay
ang maaaring malikha?

A. Malamlam na kulay C. Matingkad na kulay


B. Mapusyaw na kulay D. Maliwanag na kulay

3. Ang kulay na berde ay karaniwang ginagamit sa aling sumusunod


na mga bagay?

A. Buhangin, araw, tubig C. Dagat, kalawakan


B. Bundok, damuhan, dahon D. Mansanas, kanin, baka

4. Paano nakatutulong ang mga kulay sa pagbibigay ng mensahe ng


larawan?

A. Ang mga kulay ay nagtataglay ng mga tekstura na


puwedeng bigyan ng kahulugan .
B. Ang mga kulay ay may kahulugan na ipinapabatid.
C. Ang mga kulay ay nagpapatingkad ng larawan o dibuho.
D. Ang mga kulay ay nagbibigay aliw sa mga nanunuri.

5. Paano pinakikita ng artist ang isang mainit na mood ng larawan o


dibuho?

A. Gumamit siya ng kulay bughaw at berde sa kaniyang


mga obra.
B. Gumuguhit siya ng mga umuusok at mga apoy sa
kaniyang mga disenyo.
C. Gumagamit siya ng mga kulay na pula at dilaw sa
kaniyang obra.
D. Wala siyang gagamiting kulay.

iv
Z

Aralin
Kulay ng Kapaligiran
5

Balikan

Panuto: Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik sa patlang.

A. Pahiyas B. Dilaw C. Panagbenga

D. Pista E. Lucban, Quezon

____1. Ito ay pagdiriwang na idinaraos sa Lungsod ng Bagyo.

____ 2. Sa mga pista at masasayang pagdiriwang, anong kulay ang


kadalasan kulay na makikita?

____3. Ito ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15


ng Mayo sa Lucban, Quezon.

____4. Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang


tuwing ika- 15 ng Mayo sa__________.

____5. Ito ay parangal sa santong patron ng bayan at ginagawa


isang beses isang taon.

8
Tuklasin

Panuto: Titigan ang mga kulay sa color wheel.

Paano ang pagkapangkat-pangkat ng mga kulay? Ilan kaya ang


maaari mong mabuo na pangkat ng mga kulay sa color wheel?

Simulan mo sa kulay dilaw, anu-ano ang dalawang magkabilang


kulay nito? Di ba dilaw-dalandan at dilaw-berde? Ano kayang komon
na kulay sa tatlong magkasunod-sunod na mga kulay? Oo, dilaw ang
komon na kulay sa tatlo. Kaya, ito ang unang pangkat sa mga kulay
sa color wheel.

Kung itutuloy mong titingnan naman ang kasunod na mga kulay


mayroon din bang komon na kulay ang sumusunod na mga pangkat?

9
Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga kulay ng kapaligiran.

Lahat ng makikita natin sa paligid ay may iba’t ibang kulay. Ang


kulay ang siyang nagpapatingkad o nagbibigay-buhay sa ating
kapaligiran. Bukod sa kagandahang naidudulot ng mga ito, mayroon
din itong kahulugang ipinapahiwatig. Ang mga kulay ay nakakatulong
din sa pagpapahayag ng damdamin.

Ang mga mainit na kulay tulad ng pula, dalandan at dilaw ay


nagpapahiwatig ng kasiyahan at kaganyakan.

Ang mga kulay ring malalamig tulad ng bughaw at lila ay


nagpapagaan ng pakiramdam.

10
Ang matingkad na kulay ay maaring gawing madilim, mapusyaw
o malamlam. Nagagawang madilim ang matingkad na kulay kung ito
ay dinaragdagan ng itim habang puti naman ang idinaragdag upang
gawing mapusyaw ang kulay.

Pagyamani
n

Panuto: Ihanda ang mga materyales tulad ng watercolor, recycled


plastic na kutsara at dalawang baso. Gawain mo itong
eksperimento sa ibaba.

Ano ang idagdag sa matingkad na kulay upang ito ay magagawang

Madilim?_______________________________________

11
Ano naman ang idagdag na kulay upang maging mapusyaw?

_____________________________________

Subukan mo rin ang iba pang mga kulay.

Isaisip

Mahalaga ang tamang paggamit ng mga kulay. Gumamit ng


matitingkad na kulay sa mga bagay na bibigyang diin at
mapupusyaw sa mga maliwanag na bahagi. Ang mga kulay ay
nagpapahiwatig ng damdamin at kahulugan sa mga dibuho.

12
Isagawa

Panuto: Basahin at sundin ng mabuti ang hakbang sa paggawa.

Pagkukulay ng mga naiguhit na mga bagay sa paligid na


naglalarawan ng mga iba’t ibang pamayanang kultural

Kagamitan: oslo paper, brush, krayola o watercolor


(Maaaring gumamit ng anumang natural na pangkulay
gaya ng katas ng dahon, bulaklak, o balat ng prutas)

Mga hakbang Sa Paggawa:

1. Planuhin ang mga kulay na gagamitin sa krokis ayon sa


kahulugan na gustong ipahiwatig.

2. Gumamit ng matitingkad na kulay para sa mga detalye na


gustong bigyang- diin at mapupusyaw naman na kulay
para sa mga iba pang detalye.

3. Takpan ng lumang dyaryo ang mesang gagamitin sa


pagpipinta.

4. Simulan ang pagkukulay sa idinitalyeng larawan.

5. Kung gagamit ng watercolor, patuyuin ang papel bago


ipaskil.

6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

13
Tayahin

Panuto A: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kulay na berde ay karaniwang ginagamit sa aling


sumusunod na mga bagay?

A. Buhangin, araw, tubig C.Dagat, kalawakan


B. Bundok, damuhan, dahon D. Mansanas, kanin, baka

2. Paano nakatutulong ang mga kulay sa pagbibigay ng mensahe


ng larawan?

A. Ang mga kulay ay nagtataglay ng mga testura na


puwedeng bigyan ng kahulugan.
B. Ang mga kulay ay may kahulugan na ipinapabatid.
C. Ang mga kulay ay nagpapatingkad ng larawan o
dibuho.
D. Ang mga kulay ay nagbibigay aliw sa mga nanunuri.

3. Paano pinakikita ng artist ang isang mainit na mood ng larawan o


dibuho?

A. Gumamit siya ng kulay bughaw at berde sa kaniyang


mga obra.
B. Gumuguhit siya ng mga umuusok at mga apoy sa
kaniyang mga disenyo.
C. Gumagamit siya ng mga kulay na pula at dilaw sa
kaniyang obra.
D. Wala siyang gagamiting kulay.

4. Sa paanong paraan nakakalikha ng isang mapusyaw na kulay?

A. Pagkuskos ng pintura C.Paglalagay ng ibang kulay


B. Paghahalo ng puting kulay D.Pagpapatuyo sa mga kulay

14
5. Kung hinahaluan ng itim na kulay ang isa pang kulay, anong kulay
ang maaaring malikha?

A. Malamlam na kulay C.Matingkad na kulay


B.Mapusyaw na kulay D. Maliwanag na kulay

B. Panuto: Isulat sa patlang ang tama kung sang-ayon ka sa


isinasaad ng pangungusap at mali kung hindi ka sang-
ayon.

______1. Kulay ang nagbibigay ng buhay sa mga bagay


sa paligid.

______2. Ang mainit na kulay tulad ng pula, kahel, at dilaw ay


nagpapahiwatig ng kasiyahan at kagalakan.

______3. Ang mga kulay na malalamig tulad ng bughaw at lila ay


nagpapabigat ng pakiramdam.

______4. Nagiging mapusyaw ang kulay kung hahaluan ng itim.

______5. Ang matitingkad na kulay ay pula, dalandan at dilaw.

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang tanong.

1. Itala ang mga kulay na matingkad.


a.
b.
c.

2. Itala ang mga kulay na malamlam.


a.
b.

16
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. B
2. A
3. B
4. B
5. C
Balikan
1. C
2.B
3. A
4. E
5. D
Tuklasin:
1. pula
2. asul

Pagyamanin
1. Itim
2. puti

Tayahin A B.
1. B 1. tama
2. B 2. tama
3. C 3. mali
4. B 4. mali
5. A 5. tama

17
Sanggunian:

Cynthia Montañez et al., (2015) Musika at Sining 4 LM Department of


Education.

18
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

You might also like