Professional Documents
Culture Documents
La-as
Kurso at Taon: BEED 1st year Seksyon: Filipino 1J Iskedyul: TThS 8:00am-9:00am
Kabanata 2
Mga Gawaing Pamgkomunikasyon ng
mga Pilipino
Learning Competencies
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas
at larangan.
2. Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon
sa lipunang Pilipino.
3. Nakagagawa ng mga maalikhaing sitwasyong pangwika na aakma pag-aanalisa ng mga
ekspresyong local na gamit sa karaniwang usapang Pilipino.
4. Nakapagpapalalim ng pagpapahalaga sa sariling paraan ng mga Pilipino sa iba’t ibang
antas at larangan.
1
5. Naisasaalang-alang ang kontekstong kultural at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang-ideya.
Pre-Assessment
Panuto: Gumawa ng isang kombersasyon na kakikitaan ng mga element ng
komunikasyon ayon sa modelo ni Halliday. Punan ang mga sumusunod na
elemento ayon sa ginawang halimbawa ng diskurso.
Paraan ng Pagpupuntos:
Pamantayan: Puntos
Kabuuang Puntos: 20
Paliwanag: Ito ay ang mga elemento na ginagamit upang mabuo ang komunikasyon.
Halimbawa: Ako ay gumawa ng mensahe at ihahatid ko sa aking kaibigan at ang
aking kaibigan ang makakatangap ng menahe.
Concept Map
Sa bahaging ito ng aralin nabibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na
makita ang daloy o proseso ng paksang pag-aaralan.
2
Gawaing
Pangkomunikasyon
Mga Salik na
Komunikasyon
Nakaaapekto
Paano ba tayo naghahayag ng ating mga kaisipan at nararamdaman? Angkop ba ang paraan
ng pagpapahayag sa mga sitwasyong kinasasangkutan?
Noong ikalabindalawang siglo, ang salitang gossip o tsismis ay hango sa sinaunang Ingles na
kung saan nagmula ito sa “god-sibbs” na tumutukoy sa mga ninong o ninang na pinag-
uusapan ang mga nangyari sa binyag o kahit na anong okasyon ng kamag-anak (Berkos,
2003). Pagkalipas ng apat na siglo, ang terminong ito ay nagkaroon ng panibagong kahulugan
na idle chat o pagkukuwento dahil walang magawa. Ito ay karaniwang nauugnay sa mga
kababaihan na mahilig magsabi ng mga pahayag na hindi naman dapat ikalat.
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang kastila na “chismes.” Karaniwan, kapag sinabing
tsismis ay mga kwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi
ng kwento o pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay maging
usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t ibang bersyon. Nangyayari ito
sapagkat mabilis ang pagsasalin-salin mula sa isang tao tungo sa isa pang indibidwal.
UMPUKAN
Ayon kay De Vera (1989), ang pakikipagkwentuhan ay waring mahusay na paraan sa pagkuha
ng datos tungkol sa mga bagay na mahirap aminin ng tao, sapagkat sa pakikipagkwentuhan,
Malaya ang isa na magpahayag ng anumang opinion o karanasan.
PAGBABAHAY-BAHAY
3
Isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-usap sa mga mamamayan sa kanilang
mga bahay. Karaniwan, may mga isyu sa barangay na nais ipahatid kaya ang ilang piling
opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang barangay upang ipagbigay-alam ang isyu o
mga isyu. Sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng
impormasyon hinggil sa mga gawain at layuning nais isakatuparan sa lugar.
PULONG-BAYAN
Isyung politikal ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain at
layuning pambarangay at pambayan. Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga namumuno sa
isang barangay o bayan kasama ang mga mamamayan upang pag-usapan ang mga layunin,
proyekto at/o mga batas na isasakatuparan sa lugar.
Lugar- tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang komunikasyon. Malaki ang epekto
nito sa gawaing pangkomunikasyon sapagkat ito ang nagtatakda sa uri, paraan at gawi ng
pananalita.
Mga Taong Naninirahan sa Lugar- napakalaki ang epekto sa gawing pangkomunikasyon ang
mga taong naninirahan sa lugar. Ito ay sapagkat sila ang humuhubog ng kultura sa lugar.
Sosyo-ekonomiko- ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang kanyang estadong sosyo-
ekonomiko ay nauugnay sa gawaing pangkomunikasyon.
Kasarian- may mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng lalaki ay hindi
ayon sa kanyang kasarian. Gayundin, may mga salitang ginagamit ang mga lalaki na hindi
akma kapag ginamit ng isang babae.
Ayon kay Covar (1988; sa Mangahis, 2011), upang lalong maunawaan ang Filipinolohiya –
sistematikong pag-aaral ng Filipinong kaisipan (psyche) at Filipinong kultura at Filipinong
lipunan –iminumungkahi na masusing pag-aralan ang teorya sa Filipinolohiya. Sa ganitong
punto, sinipat ang aralin sa pag-aaral ng komunikasyon na ginagawa ng mga Pilipino at sa
kung saan nagkakaiba-iba ang gawing ito sa kahulugan ng Pilipino.
Sitwasyong Pangwika
Sapagkat patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang paggamit
ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Sa komunikasyon, maraming pamamaraan upang ibahagi
ang kaalaman, ideya, damdamin at iba pa gamit ang wika. Sa ibaba, makikita ang iba’t ibang
sitwasyong pangwika na kasalukuyan nating ginagamit.
4
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet
Code Switching
Paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang pahayag. Madalas na nagaganap ito sa salitang
pagpapahayag (Carpio at Castillo, et al., 2012).
Ang text message o text ay pagpapadala ng mensahe o Short Messaging System (SMS)
gamit ang mobile/cellular phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan sa kasalukuyan.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa na nangunguna sa paggamit ng cellphone o pagpapadala ng
mensahe kaya kapansin-pansin din ang dami ng tao na naiimpluwensiyahan ng wika sa text
kapag sila ay nakikipagpalitan ng mensahe.
Dahil ang gamit ng teknolohiya ay upang mapadali ang Gawain ng tao, ang pagpapaikli
ng salita ay isang paraan para makatipid ng oras at dami ng tina-type na letra na limitado
lamang sa text.
Mga layunin:
Komunikasyon
Ayon sa aklat nina Sanchez, et al. (2014), ang komunikasyon ay proseso ng paghahatid ng
isang mensahe o pakikipagpalitan ng ideya, impormasyon, karanasan, damdamin at
karanasan ng kapwa.
Sa aklat na, Komunikasyon sa Akademikong Filipino nina Castillo et al, (2008), ang
komunikasyon ay isang proseso ng paghahatid ng impormasyon na binabalangkas ng tatlong
antas ng semiotikong tuntunin gaya ng:
Antas ng komunikasyon
5
Elemento ng Komunikasyon (Halliday)
Hadlang
Balik-Tugon
Uri ng Komunikasyon
Komunikasyong Berbal
Ito ay uri ng komunikasyon na ginagamitan ng wika. Maaaring nasa anyong pasalita o pasulat.
Komunikasyong Di-Berbal
Ito ay komunikasyong hindi gumagamit ng wika. Kabilang sa komunikasyong ito ang kilos,
amoy, kulay at iba pa na nagbibigay ng kahulugan.
1. Kinesics- (body language) ginagamit ang katawan bilang mensahe. Tinatawag din itong
body language.
2. Proxemics- ito ay ang paggamit ng distansya o espasyo sa sarili sa ibang tao.
3. Haptics- paggamit ng pandama, ang paghawak ay may mga mensahe.
4. Iconics- paggamit ng simbolo bilang mensahe sa pagpapahayag ng komunikasyon.
5. Colorics- komunikasyong ginagamitan ng kulay sa pagpapahayag ng mensahe.
6. Oculesics- tumutukoy sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe.
7. Chronemics- ito ay ang paggamit ng oras bilang mensahe sa komunikasyon.
8. Paralanguage- komunikasyong batay sa paraan ng pagbigkas ng paghayag.
9. Olfactorics- komunikasyong gumagamit ng pang-amoy sa pagpaparating ng mensahe.
10. Pictics- ito ay ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe.
Layunin Halimbawa
6
Pagtatampok ng sarili Bidahan, pabonggahan, pabida
Pinatunayan din ng mga pahayag nina Fortunato at Valdez (2003) na marami ang
nagsasabi na hindi isang direktang wika ang Filipino, dahil ang mga Pilipino ay isang lahi na
hindi diretsong magsalita, ibig sabihin, hindi prangka. Kaya dahil hindi maprangka ang
kinakausap, mas nakabatay ang validity o katotohanan ng mensahe sa mga extra-verbal na
mga pananda.
Samantala, kung susuyurin naman ang mga tiyak na ekspresyong local sa iba’t ibang panig ng
Pilipinas, maitatampok ang pagkakahawig o pagkakaugnay ng mga ito. Dagdag pa, ang
angking paraan ng komunikasyon ng mga Pilipino.
Bakit bakit Kay-ano apay Ngatta Kay nano, Kay uno ngaa nganoman
nyata man
saan nukarim diin idiay sitaw Diin, saen haman diin Asa dapit
Learning Exercises
I. Panuto: Magsaliksik ng isang sitwasyong pangwika sa Lipunang Pilipino.
Magtala ng mga salitang madalas gamitin sa napiling sitwasyon at
bigyang-pansin ang mga ekspresyong local na makikita rito. Pagkatapos,
7
bigyang kahulugan ang mga salitang ginamit ayon sa konteksto nito. Ipakita sa
pamamagitan ng table presentation ang pagsagot. Sampung (10) salita lamang
ang gamitin sa presentasyon. (Halimbawa ng sitwasyon: FX, Jeep, Bus, tricycle
driver sa kanyang pasahero; simbahan; health worker sa kanyang pasyente; pag-
uusap sa bahay; pag-uusap sa paaralan, atbp.
Pagpupuntos sa Gawain:
Pamantayan: Puntos
Kabuuang Puntos: 25
II. Panuto: Gumawa ng isang maikling kwento gamit ang sampung ekspresyong lokal na
nailista sa panuto 1. Isaalang-alang ang kahulugang inilagay sa table presentation na ginawa
sa panuto 1 upang hindi malihis ang wastong gamit ng mga salita sa konteksto nito.
Pagpupuntos sa Gawain:
Pamantayan: Puntos
● Kasiningan ● 10
● Balarila ● 5
8
● Wastong paggamit ng mga bahagi ● 10
ng maikling kwento
Kabuuang Puntos: 25
Sagot: Ang mga paaralan ng Mlang ay magaganda at meron ding pasyalan na makukulay at
kaakit akit sa mata. Simbahan na parang kaharian ang ganda na dinadayo ng mga nagsisimba
tuwing may mesa. Ang Ospital ng Mlang ay mapag-alaga at malinis, dahil sa pinapatupad na
kalinisan ng ating Munisipyo. Pulis estasyon ay palaging alerto sa mga nangyayari sa paligid at
gym na malapit dito malinis at malaki. Ang palengke ay naka ayus at malinis bilihin ay mura.
Plaza stage ay maganda kinawiwilihan ng mga tao tuwing pista mayroong mangaawit na
maganda ang boses. Hali na sa bayan ng Mlang marami kang madidiskubrehan at matutunan.
Biblical Integration
Exodo 4:15 At ikaw ay magsasalita sa kanya, at iyong isasabibig niya ang mga salita;
at ako’y sasaiyong bibig at sasakaniyang bibig, at aking ituturo sa inyo, kung ano ang inyong
gagawin.
References
Mga Aklat:
Mortera, Melvin O. (2019). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Books Atbp.
Publishing Corp.: Mandaluyong City.
Peña, Jessica Marie I. at Nucasa, William P. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa
Filipino. St. Andrew Publishing House: Bulacan.
Zapico, Marvin M. et. al. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Jimczyville
Publications: Malabon City.
Sanchez, Remedios A., et. Al. (2014). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Unlimited
Books Library Services and Publishing Inc.: Intramuros Manila.
Tumangan, Alcomtiser P. (2011). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Grandwater
Publishing: Pateros-Metro Manila.
Dinglasan, Resurreccion D. (2007). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rex Bookstore,
Inc.: Quezon City.
Alcaraz, Cid V., et. Al. Quezon City. (2005). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lorimar
Publishing Co., Inc.: Quezon City.
9
Prepared By:
Approved By:
10