You are on page 1of 11

Filipino sa Piling Larang REVIEWER Q1

MOD1
Akademikong Pagsulat
Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.”
(Willam StrunE.B White)
Kalikasan ng Pananaliksik Kahulugan
Ang Pananaliksik ay pagtuklas, pagtugon, pagkuha ng dati ng kaalaman kaugnay sa bagong, kaalaman.
Ang pananaliksik ay pagsasaliksik na ngangailangan ng mahabang panahon oras, at tiyaga.
Katangian:
Ang Pananalikisik ay obhetibo, napapanahon, sistematiko, masuri, maparaan, gumagamit ng mga
mapagkakatiwalang datos, empirical, kritikal, masinop, malinis at tumutugon sa pamantayan, at
Dokumentado
Layunin ng Pananaliksik:
Hangarin nito ang maghanap, tumuklas, magbigay interpretasyon, sumang-ayon / sumalungat sa dati
ng pag-aaral. Nais din ng pananaliksik ang mailahad ng tama ang mga teorya at kasaysayan. Layunin din
nitong makita ang lunas sa isang suliranin at makagawa ng solusyon sa bawat problema, mithiin din ng
pananaliksik ang makapag-ambag ng bagong tuklas sa pag-aaral.
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik
Responsibilidad
Madalas na nating naririnig ang salitang responsibilidad, gaano nga ba ito kahalaga? Obligasyon bang
matatawag ang salitang ito? marahil hindi na bago o sanay na tayong marinig ang salitang
responsibilidad, katulad ng magulang sa anak, resposibilidad mo bilang mag-aaral, bilang isang
mamamayan at marami pang iba. Ngunit sa pag-aaral na ito mas malaki ang magiging tungkulin mo o
responsibilidad, hindi bilang ordinaryong anak o mag-aaral.
Mananaliksik
Ang mananaliksik ay tumutukoy sa tao nagsasaliksik ng pag-aaral ng isang pananaliksik, may mga
katangian na dapat taglayin ang isang mamanaliksik. Kabilang na dito ang paging matiyaga, maparaan,
maingat, analitikal, kritikal, matapat at reponsable. Kaugnay nito dapat din na ang isang mananaliksik
ay mapagmasid, mapagtanong, mausisa, mahaba ang pasensya, magalang at sinisigurong tama ang
paggamit ng mga salita at wastong gamit ng wika.
Akademiko vs, Di-Akademiko
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang European
(Prances: Academique; medieval Latin; acaddemicus) noong gitnang bahagi ng ika16 na Siglo.
Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarship, institusyon, o larangan ng pag-aaral na
nagbibigay – tuon sa pagbasa, pagsulat at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na Gawain.
Hindi na bago sa mga akademikong institusyon ang salitang akademik o akademiko, bagamat halos
nakatuon ito sa mataas na edukasyon sa kolohiyo.
- Isa itong pangngalan na tumutukoy sa tao (halimbawa, (“Nagmiting ang mga akademik. “) kung
minsan ginagamit na rin ang salitang akademisyan bilang katumbas nito.
-Isa ring itong pang-uri na tumutukoy sa Gawain, (akademikong aktibidad) at bagay (akademikong
usapan at institusyon. Halos katumbas din ng akademikong institusyon ang akdemiya.
Dahil pangunahing pinagtutuunan ng akademiya ang mga gawaing
akademiko, ang mga gawaing labas dito ay tinatawag na di-akademik o diakademiko.
Akademikong Sulatin
Ang Akademikong sulatin ay isang sulatin na nangangailangan nang masuring pag-aaral. Nililinang nito
ang kahusayan, galing, talento at pinatatas din nito ang kamalayan sa iba’t ibang larangan at maging
ang antas ng kaalaman sa makrong kasanayan. Nagsasalaysay ito ng mga pang yayaring nagpakita ng
kaparaanan kilos ng mga tao sa isang lipunan.
Akademikong sulatin ayon sa Layunin, Gamit, Katangian at Anyo. Naglalahad ng mga ideya at
impormasyon na magagamit ng ibang sektor ng lipunan, upang makapagbigay impormasyon na
makatutulong ng ayon sa kanilang pangangailangan, na ginamitan ng masusing pag-aaral. Ang kahusayan
sa pagsulat ng akademikong sulatin ay may mga katangian ng sumusunod:

1. Kompleks-may kasanayan sa mga komplikadong pangungusap na mabigyang diin, na may tamang


gamit ng wika.
2. Pormal-nangangailangan ng wastong pakipag-usap sa paraang pasulat, hindi kakikitaan ng mga
balbal na wika.
3. Tumpak- tamang terminolohiya ang ginamit sa bawat pangungusap, hindi nagbibigay kalituhan sa
isipan ng mambabasa na naayon sa sitwasyon.
4. Obhetibo – totoo, may sapat na batayan sa mga inilahad na salaysay, walang pinoprotektahan at
hindi nagpakita ng bias na pananaw.
5. Eksplisit –reponsibilidad ng manunulat na maging malinaw ang nais iparating sa mambabasa na kung
papaanong naiuugnay ang ibang teksto sa isa’t isa.

6. Wasto – ang isang manunulat ang unang kritiko ng kanyang isinulat, upang maiwasan ang mga
maling baybay o gamit ng mga salita.

7. Malinaw na layunin – sa simula pa lamang, naipababatid na kung ano ang mithiin ng manunulat,
hindi dapat magkaroon ng kalituhan ang mambabasa sa kanyang isipan, buo at malinaw ang nais
ipabatid ng manunulat.

8. Malinaw na Pananaw – ikinikintal nito sa mambabasa ang kahusayan ng manunulat sa pagbibigay ng


malinaw na pagkaugnay ugnay ng mga ideya na makatulong sa mambabasa.

9. Responsable –Binigyang tuon ng isang manunulat sa pagkakaroon responsibilidad sa kanyang


isinusulat, pinangangalagaan ang kanyang ginawa, naglahad ng matibay na datos o basehan sa kanyang
mga ipinahayag. Hindi umaangkin ng teksto ng ibang manunulat, bagkus kumikilala sa karapatang ari
ng isang may akda.

10. Pokus – malinaw, wasto, tumpak at hindi naglalagay na mga salitang magbibigay ng ibang
pagkaunawa.

11. Lohikal –Maayos, magkakaugnay ang mga ideya ng isinulat.


12. Matibay na suporta- Nagbibigay mga datos na mapagkatiwalaan at hindi pawang mga opinyon at
ideya ng isang manunulat.

13. Malinaw at kompletong eksplanasyon - Malinaw na nakapagbibigay ng tamang pakahulugan


paliwanag, kaayusan, at kahusayan ng kanyang isinulat.

14. Epektibong pananaliksik – naibibigay ng manunulat sa mambabasa ang mga datos at impormasyon
sa makatohan, sumusunod sa tamang proseso, sumusulat na ang mga impormasyong inilalahad ay
obhetibo.

15. Iskolarling estilo sa pagsulat – nangangailangan ito ng masuring pagaaral, na may gabay sa tamang
proseso ng pagsulat.

MOD 2

• BILANG MANANALIKSIK, KAILANGAN MONG MAGING...

• MATIYAGA sa paghahanap ng mga datos mula sa ibat-ibang mapagkukunan maging ito’y sa


aklatan, opisina, institusyon, tao, media, komunidad at maging sa Internet.

• MAPARAAN SA PAGKUHA NG DATOS NA HINDI MADALING KUNIN AT NAG-IISIP NG


SARILING PARAAN PARA MAKUHA ANG MGA ITO.

• SISTEMATIKO sa paghahanap ng materyales, sa pagdodokumento dito at pag -iiskedyul ng mga


gawain tungo sa pagbubuo ng pananaliksik. Kailangang nakaprograma ang mga gagawin.

• MAINGAT sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan sa


pagsiguro na lahat ng panig ay sinisiyasat, at sa pagbibigay ng mga konklusyon. interpretasyon,
komento at rekomendasyon.

• Ang katotohanan ay mahirap pasubalian kung ito’y napatunayan ng mga ebidensya.

• Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay napapatunayan sa motibo, awtoridad, at


realidad ng datos.
• Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang hahanapin ang lahat ng datos ukol sa
paksa kahit may makitang negatibong epekto sa ginagawang pananaliksik.

• Ang mga konklusyon, interprretasyon, puna at rekomendasyon ay hindi mo basta


basta gagawin o ibibigay kung hindi mo pa nabibistay, natitimbang o nasusuri ang mga
argumento at mga batayang datos.

• ANALITIKAL sa mga daros at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay na paksa.

• KRITIKAL sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa paksa. Hindi lahat


ng datos at mga pag-aaral ay basta mo to tinatanggap kung hindi sinusuri muna at tinitingnan
ang mga implikasyon, kabuluhan, pinagmulan, at kaugnayan ng isang ideya sa iba pang ideya o
kaya’y ng mga partikular na ideya sa kabuuang ideya

• ANALITIKAL sa mga daros at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay na paksa.

• KRITIKAL sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa paksa. Hindi lahat


ng datos at mga pag-aaral ay basta mo to tinatanggap kung hindi sinusuri muna at tinitingnan
ang mga implikasyon, kabuluhan, pinagmulan, at kaugnayan ng isang ideya sa iba pang ideya o
kaya’y ng mga partikular na ideya sa kabuuang ideya

• RESPONSABLE SA PAGGAMIT NG MGA NAKUHANG DATOS, SA MAG TAO/INSTITUSYONG


PINAGKUNAN MO NG MGA ITO ATSA PAGSISIGURONG MAAYOS AT MAHUSAY ANG
MABUBUONG PANANALIKSIK MULA PORMAT HANGGANG SA NILALAMAN AT S PROSESONG
PAGDADAANAN.

Iba’t ibang Anyo ng Sulating Akademiko

Abstrak - Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel

- Maipabatid ang kabuuan ng isang pananaliksik.

Sintesis/Buod - Uri ng pagbubuod sa paraang kung ano ang kumintal sa isipan ng mambabasa

Bionote - Tala ng isang manunulat sa kanyang mga kredential.

Panukalang Proyekto - Proposal ng isang ng isang plano

Katitikan ng Pulong - Sulatin na itinatala ng isang kalihim o naatasan na gumawa ng ulat, mula sa
ipinakalat na Memorandum, adyenda ng isang pulong mga taong dumalo, lugar at oras, mga usapan
maging sa pinakamaliit na detalye.

Posisyong papel - Ito ay pagsangayon o pagsalungat sa binasang pagaaral, na nilalaptan ng batayan.

Replektibong Sanaysay - Salaysay na kung paano mo , bibigyan ng koneksyon ang iyong binasa sa iyong
sarili.

Adyenda - Naglalaman ng maaring paksa ng isang usapin na nais tugunan


Pictorial/ Photo Essay - Isang pagsasalaysay na nagpapakita ng mga larawan, upang mas maging
kapani-paniwala ang kanyang inilalahad.

Lakbay Sanaysay - Sa papel na ito ipinapakita ng may-akda ang kasaysayan ng lugar na nais niyang
bigyan ng pansin.

Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom

Pagsulat ng Abstrak

• Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.

• Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng


pananaliksikpagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

• Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat

Elemento o bahagi ng sulating akademikong ABSTRAK

• 1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.

• 2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,mapanghikayat ang


bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat

• 3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa


para sa mga mambabasa.

• 4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.

• 5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin

• 6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng pala-


isipan kaugnay sa paksa

Filipino sa Piling Larang


Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang
tao.
Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga
personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.
Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:
1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa
networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na
pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. (3rd
person pov)
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong
maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at
tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa mga babasa,
gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano
at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa muna ito sa iba
bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.
KATANGIAN NG BIONOTE
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon,
2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan, laging gumagamit ng
pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang mambabasa
sa pagsulat ng bionote.
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok (reversed pyramid) - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa
bionote
5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili lamang ng
mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.
6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung
paminsan-minsa ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap
sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan.

Talumpati – magalang na pananalita sa harap ng publiko patungkol sa isang napapanahong paksa.


Layunin ng Talumpati
Maghatid ng tuwa o sigla
Magbigay impormasyon
Magpahayag ng katwiran
Mangumbinsi ng mga tao

Bahagi ng talumpati
 Pamagat o Introduksyon – ito sinasaad ang layunin ng talumpati
 Katawan – dito nakasaad ang paksang tatalakayin ng mananalumpati
 Katapusan – ditto ilalahad ang pinakamatibay na katwiran o katibayan upang mahikayat
ang mga tao.
Mga Uri ng Talumpati
 Talumpating nagbibigay aliw – isinasagawa sa mga handaan, pagtitipon, o salu salo.
 Talumpating nagdaragdag kaalaman – madalas isinasagawa sa mga lektyur at pag-uulat.
 Talumpating nanghihikayat – ginagamit upang mapakilos, mag impluwensiya sa
tagapakinig.
 Talumpating nagbibigay galang – ginagamit sa pagtanggap sa bagong kasapi o baong
dating.
 Talumpating nagbibigay papuri – ginagamit sa pagbibigay ng pagkilala sa mga pumanaw.
Dalawang uri ng paraan ng pagtatalumpati
1. Impromptu o Biglaang talumpati – isinasagawa ang talumpating ito ng walang
paghahanda.
2. Ekstemporanyo o pinaghandaang talumpati – ito ay maingat na ininhahanda,
pinagpaplanuhan, at ineensayo bago isagawa.
Mga gabay sa pagsulat ng talumpati
1. Piliin ang isang pinakamahalagang ideya.
2. Magsulat kung paano ka mag salita.
3. Gumamit ng konkretong salita at halimbawa.
4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensiya at datos na ginagamit sa
talumpati.
5. Gawing simple ang pag papahayag sa buong talumpati.

Katangian ng isang mahusay na mananalumpati


• May magandang personalidad
• Malinaw magsalita
• May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay
• May kasanayan sa pagtatalumpati
• Mahusay gumamit ng kumpas

Dapat isaalang-alang sa entablado


• Ang Mananalumpati
- dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig;
ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita; kanyang pananamit,kanyang asal sa entablado,
kumpas ng kamay; at lagging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at
pinapanood ng mga tao.
Ang Talumpati
- Kailangang isaalang alang ang nilalaman talumpati upang matukoy ang wasto at
pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipan
na nais iparating ng talumpati upang maiabot nito nang malinaw sa mga tagapakinig.
Ang Tagapanood/Tagapakinig
- Higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig
upang makapag isip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng mga ito
at nang mahikayat ang mga ito na making hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga rin
malaman kung sino ang tagapakinig uapng maibigay sa kanila ang talumpati at maging malinaw
ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila.
Mga dapat tandaan sa pagtatalumpati
Tinig – napakahalaga ng tinig sa isang magtagumpay na pagtatalumpati.
Tindig – mahalaga sa isang mananalumpati ang magkaroon ng tinatawag na “tindig panalo”
Pagbigkas – nararapat na sikapon ng mananalumpati na mabigkas nang malinaw at mataas ang
kanyang talumpati.
Pagtutuunan ng pansin – ang mananalumpati ay dapat magkaroon ng ugnayan sa kanyang
tagapakinig.
Pagkumpas – ang kumpas ay mahalaga upang mabigyang diin ng mananalumpati ang mga
bahaging dapat pagtuunan ng pansin.

Mga halimbawa ng kumpas


Kumpas na paturo – ginagamit sa paghamak, pagkagalit, pagkapoot at pagtawag ng pansin sa
bagay na itinuturo.
Kumpas na pasubaybay – ginagamit kung nais bigyang-diin ang pagkakaugnay ng diwa.
Dalawang nakabukas na bisig pantay balikat – nagpapahiwatig ng kalawakan.
Dalawang kamay na marahang ibinababa – nagpapahiwatig ng panlupaypay at pagkabigo.

Mga ayos ng palad


Palad na nakalahad – nagpapakilala ng pagbigay o kaya ay pagtanggap.
Palad na nakataob – nagpapahiwatig ng galit.
Bukas na palad na marahang ibinababa – nagpapahayag ng mababang uri ng damdamin o
kaisipan.
Kuyom ng palad – nagsasaad ng pagkapoot o nagpupuyos na damdamin.

Dapat Iwasan sa Pagtatalumpati


Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang maging kaiga-
igaya sa mga makikinig.
Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot.
Iwasang manalumpati ng hindi nagsasanay, dapat laging handa.
 Huminto kung tapos na. Huwag ng dagdagan ng dagdagan pa upang hindi lumabo at maging
paligoy ligoy.
 Kung maganap ang puwang o sandaling mga pagtigil, huwag matakot at mangamba.
 Iwasan maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng katawan.
 Huwag mangamba o kabahan, maging tuwid at payak lang sa pakikipagusap na tila ba ay
ginagampangan lamang ng isang kaswal na pakikipag komunikasyon.
 Iwasan mautal para malinaw na maintindihan ng mga tagapakinig ang ninanais mong ipabatid
sa kanila.

Uri ng talumpati ayon sa paghahanda


 Talumpating walang paghahanda – kilala bilang impromptu speech o daglian.
 Talumpating pabasa – ito ay isinulat at binabasa ng nagtatalumpati.
 Talumpating pasaulo – ito ay talumpating sinulat o minimeryo.

LAKBAY SANAYSAY
Ang paglalakbay ay kinapalolooban ng mayamang karanasan. Ito ay pumupuno sa mga
masasayang karanasan sa napuntahang lugar na nagiging bahagi ng buhay ng isang tao. Ang mga
kilalang lugar na sa mga aklat mo lamang nababasa o nakikta ay nagiging totoo at buhay na
buhay saiyong paningin at pandama, ngunit ang mga alaalang ito ay agad ding naglalaho.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.
Mahalagang malinaw sa kanyang isip ang kanyang pakay o layunin. Para sa isang manlalakbay,
sinisikap niyang maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at
maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista
Ang karamihan sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita, narinig, naunawaan, at
naranasan ng manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig ng lakbay-sanaysay.
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.
Tandaang iba-iba ang kinahihiligan o kinawiwilihang paksang maaaring itampok sa paglalakbay
at maging sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon
habang naglalakbay.
Ang mga pangunahing gamit ng dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay ay ang panulat,
kuwaderno o dyornal, at kamera
5. Ilahad ang mga reyalisasyon o matutuhan sa ginawang paglalakbay.
Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay, mahalaga ring maisama sa
nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa ang paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.
• Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng wika.

You might also like