Ang likas na batas moral ay isang hanay ng mga layuning
etikal na prinsipyo na nakabatay sa kalikasan ng tao at natutuklasan ng katwiran. Ang sistemang ito ng moralidad ay hindi nagmula sa anumang relihiyoso o sekular na awtoridad, ngunit sa halip ay nakabatay sa likas na mabuti at masama sa kalikasan ng tao Unang Prinsipyo awin ang mabuti, iwasan ang masama G Mula sa pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kanyang isip, kaya nga kahit hindi ganap na hubugin, kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama. Kung mananatiling matibay na nakakapit ang mga tao sa unang prinsipyong ito sa proseso ng paghubog ng kaniyang konsensiya, kailangan na lamang ang pagiging matatag laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban sa masama. Mga Pangalawang Prinsipyo Mahalaga ring maunawaan ang mga pangalawang prinsipyo na makukuha sa kalikasan ng tao: 1. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay 2. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak. 3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.