You are on page 1of 22

6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 11:
Balangiga Massacre
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 11: Balangiga Massacre
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marilen G. Puno


Patnugot: Rosalin S. Muli EdD, CESE
Ricky C. Balingit
Tagasuri: Janet Y. Paras
Romeo P. Lorido
John Paul C. Paje EdD
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Archilyn S. Semanero
Tagalapat: Jacqueline E. Libut
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Celia R. Lacanlale PhD
Ruby M. Jimenez PhD
June D. Cunanan

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
6

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 11:
Balangiga Massacre
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Balangiga Massacre!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
ika-21 siglong mga kasanayan habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Balangiga Massacre!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng marka o sulat
ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay matututunan mo ang pagpapatuloy ng mga


makasaysayang pangyayaring naganap tungkol sa pakikibaka ng mga Pilipino sa
panahon ng Digmaang Pilipino at Amerikano.

Isa ito sa itinuturing na pinakasikat at malagim na pangyayari sa ating


kasaysayan.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga pangyayari sa labanan sa Balangiga;


2. napahahalagahan ang ginawa ng mga natatanging Pilipino na
nakipaglaban sa mga Amerikano; at
3. nakalilikha ng islogan tungkol sa naging labanan sa Balangiga.

Mga Tala para sa Guro


Mahalagang mapag-aralan ang mga makasaysayang
pangyayari noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano
sa Pilipinas.
Higit pa rito ay ang pakikipaglaban ng mga Pilipino
upang makamit natin ang ating kalayaan mula sa kanila.
Basahin itong mabuti at tandaan ang mga
importanteng detalye.

1
Subukin

Basahin ang bawat pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Sinong Pilipinong heneral ang namuno sa labanan sa Balangiga?


A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Gregorio del Pilar
C. Heneral Miguel Malvar
D. Heneral Vicente Lukban

2. Anong probinsya ang sumasakop sa bayan ng Balangiga?


A. Bohol
B. Iloilo
C. Samar
D. Zamboanga

3. Ilan ang tinatayang bilang ng mga sundalong Amerikanong napatay ng mga


Pilipino sa labanan sa Balangiga?
A. mahigit apatnapu
B. mahigit animnapu
C. mahigit walumpu
D. mahigit isang daan

4. Kailan nangyari ang labanan sa Balangiga?


A. Setyembre 28, 1901
B. Setyembre 28, 1902
C. Setyembre 28, 1903
D. Setyembre 28, 1904

5. Sino ang Amerikanong nag-utos na patayin ang mga Pilipinong batang lalaki na
may edad mula sampu pataas?
A. Koronel Frederick Funston
B. George Dewey
C. Koronel Jacob Smith
D. William McKinley

6. Sino ang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano?


A. Heneral Emilio Aguinaldo
B. Heneral Gregorio del Pilar
C. Heneral Juan Luna
D. Heneral Miguel Malvar

7. Bakit ipinag-utos na patayin ang mga batang Pilipino na may edad sampu
pataas?
A. ayaw nilang mag-aral
B. may kakayahan na silang gumamit ng armas
C. masyado silang marami
D. para hindi makapaglaro

2
8. Bakit masasabing matagumpay ang ipinakitang pakikipaglaban ng mga Pilipino
sa labanan sa Balangiga?
A. May maayos na armas ang mga Pilipino.
B. Nagpakita ng pagiging makasarili ang mga Pilipino.
C. Nagpakita ng kagitingan at pagkamakabayan ang mga Pilipino.
D. Nagpakita ng may kakulangan sa pagkakaisa ang mga Pilipino.

9. Sa naging labanan ng mga Amerikano at Pilipino sa Samar, itinuturing na isa ito


sa malagim na pangyayari sa ating kasaysayan. Ano ang itinawag dito?
A. Balangiga Day
B. Balangiga Festival
C. Balangiga Massacre
D. Sayaw sa Balangiga

10. Hindi biro ang ginawang paglaban ng mga Pilipino sa mga dayuhang
Amerikanong mananakop noon. Kahit buhay pa ang kapalit, sumagupa sila sa
laban. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. duwag ang mga Pilipino
B. hindi nila kayang harapin ang mga kalaban
C. naniniwala silang lalaya ang Pilipinas kahit wala silang gagawin
D. tunay na makabayan ang mga Pilipino

Mahalagang paalala:

Kung nakuha mo lahat ang tamang sagot,


maaari mo ng laktawan ang modyul na ito.
Binabati kita!

Kung hindi naman, ipagpatuloy lamang


ang pagbabasa sa modyul at sagutin ang mga
inihandang gawain para sa iyo.

3
Aralin

1 Balangiga Massacre

Nagpatuloy pa ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Isa na


rito ay ang malagim na pangyayari na naganap sa Balangiga, Samar.

Balikan

1. Nagpalipat-lipat ng punong himpilan sina


Aguinaldo upang hindi matugis ng mga
Amerikano.

2. Hinarang ni Heneral Gregorio del Pilar ang


daan papasok sa paso.

Mga 3. Itinuro ng isang Kristiyanong Igorot na si


Naganap
Juanuario Galut ang lagusan papuntang
sa
Tirad Pass kaya madaling nakubkob ng mga
Labanan
Amerikano ang mga Pilipino.
sa Tirad
Pass

4. Namatay sa labanan si del Pilar kaya


tinagurian siyang “Bayani ng Tirad Pass”.

5. Tuluyang nahuli si Aguinaldo at pinasumpa


ng katapatan sa Estados Unidos.

4
Tuklasin

Basahin at unawain ang tula at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa


inyong kwaderno.

MASAKER
ni Marilen G. Puno

May sadyang kagitingan at pagkamakabayan ang mga Pilipino


Angking lakas at talino’y ibubuhos nang buong puso
Sa kahit sinumang dayuhan ay ‘di susuko
Amerikano nga sa Balangiga, Samar ay pinataob ng mga rebolusyonaryo
Kaya naman gumanti ang hukbong Amerikano
Edad sampu pataas na batang lalaki’y pinatay ng walang kaano-ano
Resulta ay naging makasaysayan ang labanang ito

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa tulang iyong binasa?
2. Isalaysay ang iyong naging damdamin pagkatapos mo itong nabasa?
3. Makatuwiran ba ang pagpatay sa mga Pilipinong kalalakihan na may edad
sampu pataas? Bakit?
4. Kahanga-hanga ba ang hindi pagtigil ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga
dayuhan makamit lamang ang ating kalayaan? Ipaliwanag.

Suriin

Patuloy na nakipaglaban ang mga Pilipino sa mga Amerikano. Isa sa


pinakatanyag na labanan sa pagitan nila ay ang labanan sa Balangiga.
Nangyari ito sa Balangiga, Samar noong Setyembre 28, 1901 sa pamumuno
ni Heneral Vicente Lukban.
Mahigit apatnapung sundalong Amerikano ang napatay sa labanan sa
sorpresang pag-atake ng mga Pilipino.
Dahil dito, tinagurian ang labanan na Balangiga Massacre.

5
Bilang paghihiganti, ipinag-utos ni Koronel Jabob Smith na patayin ang mga
batang Pilipinong lalaki edad sampu pataas.
Sinunog din ng mga Amerikano ang buong bayan ng Balangiga.
Tingnan mabuti ang kanilang mga larawan.

Heneral Vicente Lukban


Pilipinong heneral na namuno sa labanan sa
Balangiga.

Koronel Jacob Smith


Nag-utos na patayin ang mga batang
lalaking Pilipinong may edad na sampu
pataas at sunugin ang buong bayan ng
Balangiga.

Pagyamanin

Gawain A
Punuin ang talata gamit ang mga salita na nasa kahon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Noong ___________ ay nangyari ang labanan sa ___________. Pinangunahan ni


______________ ang laban ng mga rebolusyonaryong Pilipino kontra Amerikano.
Namatay ang mahigit apatnapung sundalong Amerikano.
Bilang paghihiganti ng mga Amerikano, iniutos ni__________ na patayin ang
mga batang lalaki na may edad ______ pataas at sunugin ang buong bayan ng
Balangiga.

Koronel Jacob Smith Balangiga


sampu Heneral Emilio Aguinaldo
ika-28 ng Setyembre 1901 Heneral Vicente Lukban

6
Gawain B
Piliin ang titik na kaugnay ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_______1. lugar kung saan nangyari ang Balangiga
Massacre
A. Vicente Lukban
_______2. nanguna sa labanan sa Balangiga
B. Sampu
_______3. tinatayang bilang ng mga Amerikanong
C. Balangiga
nasawi sa labanan
D. George Dewey
_______4. lider ng mga Amerikano na nag-utos na
E. Mahigit apatnapu
sunugin ang bayan ng Balangiga
F. Jacob Smith
_______5. simula ng edad ng mga lalaking
pinapatay

Gawain C
Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin kung sino o ano ang tinutukoy sa
pamamagitan ng pag-aayos ng mga pinaghalong letra. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Nanguna sa labanan sa Balangiga.


N I V C T E E LNABUK
2. Nag-utos na patayin ang mga batang lalaki at sunugin ang bayan ng Balangiga.
BOCAJ HTIMS
3. Edad ng mga batang lalaking pinapapatay.
PUSAM
4. Pinangyarihan ng tinatawag na “Balangiga Massacre”.
GANGILABA
5. Probinsyang sumasakop sa bayan ng Balangiga.
ARMAS

7
Gawain D
Unawain ang bawat pahayag. Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat
pangungusap ay katotohanan o opinyon. Isulat ang K kung totoo at O kung
opinyon. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

_______1. Ang Labanan sa Balangiga ay nangyari noong Setyembre 28, 1901.


_______2. Malamang kulang sa armas ang mga Amerikano kaya hindi sila
nakapaghanda sa sorpresang pag-atake ng mga Pilipino.
_______3. Siguro naging masaya ang mga Pilipino nang malamang pinapapatay
ang mga kabataang lalaking may edad sampu pataas.
_______4. Si Heneral Vicente Lukban ang nanguna sa labanan sa Balangiga.
_______5. Labis na nalungkot ang mga Pilipino nang makitang parang disyerto
na ang bayan ng Balangiga dahil sa pagsunog ng mga Amerikano.

Gawain E
Punan ang mga bilog ng mga pangyayari ng labanan sa Balangiga. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Labanan sa Balangiga

8
Gawain F
Tingnang mabuti ang kartun na nasa ibaba. Suriin ang inilalarawan nito at
sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

Mga tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa kartun?
2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong nasuri ito?
3. Makatarungan ba ang ginawang pagpatay sa mga kabataang Pilipino?
Ipaliwanag.

Napakahusay!
Nasagot mo ang lahat ng mga gawain.
Binabati kita.

9
Isaisip

Buuin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pinagpipilian sa loob ng


panaklong. Sipiin ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. (Nagpatuloy, Nagwakas) pa rin ang labanan ng mga Amerikano at Pilipino.


2. Nangyari ang isa sa makasaysayang labanan sa (Balangiga, Bataan) noong
Setyembre 28, 1901.
3. Pinamunuan ni (Heneral Miguel Malvar, Heneral Vicente Lukban) ang mga
rebolusyonaryong Pilipino sa Samar.
4. Tinaguriang “Balangiga Massacre” ang labanan dahil marami ang mga nasawing
sundalong (Amerikano, Pilipino).
5. Bilang paghihiganti, iniutos ni Koronel Jacob Smith ang pagpatay sa mga batang
lalaking edad mula (sampu, dalawampu).
6. Nagmistulang parang (disyerto, gubat) ang bayan ng Balangiga pagkatapos
sunugin ito ng mga Amerikano.

Isagawa

Gamit ang anumang uri ng puting papel, gumawa ng isang makabuluhang


islogan na nagpapakita ng kagitingan ng mga Pilipino sa naging labanan sa
Balangiga.

10
Pamantayan Puntos Puntos ng Guro

Malinaw ang pagkakalahad ng mensahe 5

Angkop ang mga salitang ginamit 5

Masining ang pagkakagawa 5

Maayos ang pagkakagawa 5

Kabuuang Puntos 20

5 – Mahusay 4-3 Katamtaman 2-1 Kailangan pang Magsanay

Tayahin

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Siya ang Pilipinong heneral na namuno sa labanan sa Balangiga?


A. Heneral Antonio Luna
B. Heneral Gregorio del Pilar
C. Heneral Miguel Malvar
D. Heneral Vicente Lukban

2. Ang probinsyang sumasakop sa bayan ng Balangiga ay ang _______.


A. Davao
B. Pangasinan
C. Samar
D. Sarangani

3. Ito ang bilang ng tinatayang namatay na sundalong Amerikano na napatay ng


mga rebolusyonaryong Pilipino sa Balangiga?
A. mahigit tatlumpu
B. mahigit apatnapu
C. mahigit walumpu
D. mahigit isang daan

4. Kailan nangyari ang labanan sa Balangiga?


A. Setyembre 28, 1901
B. Oktubre 28, 1901
C. Nobyembre 28, 1901
D. Disyembre 28, 1901

11
5. Siya ang Amerikanong nag-utos upang patayin ang mga batang Pilipinong
lalaking may edad sampu pataas?
A. Frederick Funston
B. George Dewey
C. Jacob Smith
D. William McKinley

6. Isang malagim na pangyayari sa Samar kung saan sinunog ng mga sundalong


Amerikano ang bayan ng Balangiga.
A. Balangiga Massacre
B. Balangiga Festival
C. Kasunduan sa Balangiga
D. Kasunduan sa Paris

7. Ano ang ipinakitang tagumpay ng mga Pilipino sa paglaban sa Balangiga?


A. may modernong armas na ginamit
B. nagpakita ng pagiging makasarili
C. nagpakita ng kagitingan at pagkamakabayan makamit lamang ang
kalayaan
D. patunay na may kakulangan sila sa pagkakaisa

8. Dapat bang bigyan ng pagpapahalaga ang ginawang pakikipaglaban ng mga


Pilipino para sa ating kalayaan?
A. Hindi, dahil hindi naman kailangan
B. Hindi, dahil hindi naman uunlad ang bansa
C. Oo, dahil inialay nila ang kanilang lakas at buhay upang ipakita ang
pagiging makabayan
D. Oo, para sumikat sila

9. Kung ikaw ay isang Pilipinong heneral noong panahon ng Digmaang Pilipino at


Amerikano, paano mo haharapin ang mga Amerikanong nais sumakop sa ating
bansa?
A. Hindi ko na lamang sila papansinin
B. Ipagtatanggol ko ang aking bayan kahit ikamatay ko pa
C. Makikipagkaibigan na lamang ako sa kanila
D. Wala akong gagawin dahil takot akong mamatay

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkamakabayan?


A. Ibubuwis ang buhay maipagtanggol lamang ang bayan
B. Lihim akong sasama sa sandatahang lakas ng ibang bansa
C. Mas pipiliin kong tumanggap ng trabahador na Tsino kaysa Pilipino
D. Pababayaan kong makapasok ng ilegal ang mga dayuhan sa ating bansa

12
Karagdagang Gawain

Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay na may tatlong talata


tungkol sa iyong saloobin sa ginawang pagsalakay ng mga Amerikano sa mga Pilipino
sa Balangiga, Samar. Ang bawat talata ay hindi bababa sa limampu ang mga salita.
Masayang pagsulat.

Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay


Mga Napakahusay Mahusay Husayan pa 2- Nakuhang
Pamantayan 5 puntos 4-3 puntos 1 puntos Puntos
Nilalaman Makabuluhan ‘Di gaanong Maraming
ang saloobing makabuluhan ideya ang
ipinakita ang saloobing hindi malinaw
ipinakita
Kaisahan Napakahusay May mga Nahihirapang
ng pangungusap magpayahayag
pagkakabuo na hindi ng pagbubuo
ng mga nagkakaisa ng
pangungusap ang nais pangungusap
iparating
Pagkakasulat Napakalinis Hindi Hindi malinis
ng masyadong ang
pagkakasulat malinis ang pagkakasulat
pagkakasulat

Maluwalhati mong natapos ang mga pagsasanay.


Nawa’y marami kang natutunan sa modyul na ito.
Binabati kita!

13
14
Karagdagang Gawain
Sundan ang pamantayan sa pagpupuntos
Tayahin Isagawa Isaisip
1. D Sundan ang 1. Nagpatuloy
2. C pamantayan sa 2. Balangiga
3. B
pagpupuntos 3. Heneral Vicente Lukban
4. A
5. C 4. Amerikano
6. A 5. sampu
7. C 6. disyerto
8. C
9. B
10. A
Gawain F Gawain E
Tanggapin ang sagot kung naaayon sa Tanggapin ang sagot kung naaayon sa
detalye ng kartun detalye ng paksa
Gawain D Gawain C Gawain B
1. K 1. Vicente Lukban 1. C
2. O 2. Jacob Smith 2. A
3. O 3. sampu 3. E
4. K 4. Balangiga 4. F
5. K 5. Samar 5. B
Gawain A Tuklasin Subukin
Ika-28 ng Setyembre 1901 Tanggapin ang 1. D
Balangiga maaaring isagot 2. C
Hen. Vicente Lukban ng bata 3. A
Koronel Jacob Smith 4. A
sampu 5. C
6. B
7. D
8. C
9. C
10.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

"Araling Panlipunan K To 12 Curriculum Guide". 2020. Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/kenjoyb/araling-panlipunan-k-to-12-curriculum-
guide.

Antonio, Banlaygas, Dallo, Eleonor D., Emilia L., Evangeline


M.n.d. Binagong Edisyon -Kayamanan – 6. Manila,
Philippines: Rex Book Store.

Baisa-Julian, Lontoc, Ailene G., Nestor S. 2017. Bagong Lakbay Ng Lahing


Pilipino 6. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Koordineytor: Alma M. Dayag
Phoenix Publishing House.

K-12 Most Essential Learning Competencies (MELC) – Teach Pinas. Teach


Pinas, 2020. https://www.teachpinas.com/ k-12-most-essential-learning-
competencies-melc/.

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles, and Be Contributor.


2020. "Most Essential Learning Competencies (MELC) KG to Grade 12 SY
2020-2021". DepEd Click. https://www.deped-click.com/2020/05/most-
essential-learning-competencies.html.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region III
Learning Resource Management Section (LRMDS)
Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)

Telefax: (045) 598-8580 to 89


Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like