Professional Documents
Culture Documents
Test Questions
Test Questions
NAME:_____________________________________________ SCORE:_________________
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong karagatan sa daigdig na nakapalibot sa Asya?
A. Karagatang Pasipiko B. Karagatang Indian C. Karagatang Artiko D. Karagatang Atlantiko
14. Anong bansa ang may taunang pagtaas ng populasyon sa Asya na tinatayang 1.8 porsyento?
A. Pilipinas B. Tsina C. India D. Brunei
19. Anong bansa sa Asya ang may pinakamataas na antas ng karunungan o marunong bumasa at sumulat?
A. Japan B. Taiwan C. Russia D. Philippines
21. Ayon sa Teorya ng Ebolusyon, alin sa mga sumusunod na pangkat ng pinagmulan ng tao ang nasa tamang
pagkakasunod-sunod?
A. Home Erectus, Homo Sapiens, Homo Habilis
B. Homo Habilis, Homo Erectus, Homo Sapiens
C. Homo Habilis, Homo Sapiens, Homo Erectus
D. Homo Sapiens, Homo Habilis, Homo Erectus
22. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa katangian ng makabagong tao?
A. Pagbabago sa anyo at gamit ng ngipin
B. Paglaki ng utak kumpara sa isang “primate”
C. Paglalakad sa pamamagitan ng dalawang paa at sa tuwid na tindig
D. Pagputi ng tao mula sa maitim na balat dulot ng mainit na kapaligiran
23. Alin sa mga sumnusunod ang HINDI tumutukoy sa katangian ng mga taong namuhay sa Panahon ng Lumang Bato o
“Paleolithic Age”?
A. Gumamit ng magagaspang na bato C. Nanatili sa permanenteng lugar o tirahan
B. Kauna-unahang nakatuklas sa paggamit ng apoy D. Nangalap ng pagkain sa kapaligiran
24. Ang Ziggurat ay sentro ng pamumuhay sa bawat pamayanan sa Kabihasnanag Sumer. Kapag sinabing Ziggurat ito ay
tumutukoy sa isang likhang arkitektura noon bilang:
A. Dakilang pader laban sa mga barbarong mananalakay
B. Kanal para sa irigasyon ng matabang lupain
C. Malaking piramide sa disyerto
D. Templo na maraming palapag
25. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa katangian ng Harappa bilang punong-lungsod sa
Kabihasnang Indus?
A. May maayos na arkitektura ng mga bahay na yari sa bato
B. May mga kalyeng mayroong paagusan ng tubig
C. May sariling kusina at karaniwang binubuo ng tatlong palapag
D. May sistema ng pagsulat na cunieform na nababasa sa mga pampublikong lugar
26. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI kabilang sa mga nagawa ni Shih-Huang-Ti?
A. Nagtatag ng sentralisadong pamahalaan at nagpasimula ng pagtatayo ng Dakilang Pader ng Tsina
B. Ninais niyang magsimula sa kanyang panunungkulan ang kasaysayan ng Tsina
C. Sa panahon niya nagwakas ang lipunang alipin sa Tsina dahil hindi na buhay na alipin ang kasama sa libingan kungdi
mga rebulto na lamang
D. Tumanggap sa pangkat na Marco Polo bilang mangangalakal mula sa Europa.
27. Ang mga sumusunod na katangian ay tumutukoy kay Darius I bilang pinuno MALIBAN sa:
A. Hinati niya ang Imperyong Persia sa mga lalawigan na tinawag na Satraphy
B. Isa sa mga pinunong humalili kay Cyrus the Great
C. Kinilalang pinakadakilang emperador ng Imperyong Persia
D. Lumusob sa Gresya at lumaban kay Alexander the Great
28. Sino sa mga sumusunod ang kilala sa tawag na “The Enlightened One”?
A. Izanagi at Izanami C. Muhammad
B. Kung-Fu-Tzu D. Siddharta Gautama
29. Alin sa mga sumusunod na relihiyon ang naniniwala na ang lahi nila ay nagmula sa mga diyos at sila ay patuloy na
ginagabayan nito?
A. Buddhismo B. Confucianismo C. Shintoismo D. Zoroastrianis
30. Ang Dakilang Pader ng Tsina (Great Wall of China) ay naitayo sa layunin na:
A. Maging pook dalanginan sa pananampalatayang Tsino
B. Magkaroon ng maunlad at sentrong kalakalan sa lumalaking populasyon ng Tsina
C. Maharang o mahadlangan ang pananalakay ng mga Han mula sa Hilagang Asya
D. Makapagbigay karangalan at paggalang sa namatay na Emperador ng Tsina bilang libingan
31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa bahagdang pangkabuhayan noong sinaunang kabihasnan?
A. “Nomadic Pastoralism’ C. Pag-unlad ng agrikultura
B. Pagtitipon at paghahanap D. Pakikipagkalakalan sa mga kanluranin
32.Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa kalagayang panlipunan ng mga kababaihan noong sinaunang
kabihasnan sa Asya MALIBAN sa isa:
A. Pagbebelo ng mga kababaihang mananamplataya sa relihioyng Islam
B. Pagsunog ng babae sa asawang lalaki kapag kulang ang dote o bigaykaya.
C. Pagsuot ng sapatos na bakal para para sa mga babaeng Tsino upang di makalayo sa tahanan
D. Pagyukod sa kausap bilang pagpapakita ng paggalang lalo na sa nakatatanda.
33. Sa pagtatapos ng Imperyong Romano, ang Tsina ay mayroon nang maunlad na kultura at kabuhayan, dahil dito ang
Tsina ay nakilala bilang:
A. “Dynastic Cycle” B. Estadong Dharma C. Gitnang Kaharian D. Panginoong ng Daigdig
34. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa katangian ng institusyong Shogunato na naitatag
sa bansang Hapon?
A. Ang bawat fief ay pinamumunuan ng isang piyudalismong amo na ang tawag ay Daimyo.
B. Ang bawat pinunong daimyo ay may mga mandirigmang Samurai.
C. Ang pagkilala ng bawat Hapon kay Jimmu Tenno bilang unang emperador ng bansa
D. Ang pagkilos ng bawat Samurai ay nakapaloob sa Bushido - ang batayan o alituntunin ng kabutihang asal.
35. Ang bansang Korea ay may malalim at malawak na ugnayan sa ibang bansa tulad ng Tsina at Hapon, subalit may
bahagi sa kasaysayan ng Korea na nakilala ito bilang Ermitanyong Kaharian dahil sa:
A. Nagsara ang Korea sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
B. Napalaganap ang relihiyong Confucianismo at Buddhismo sa Korea
C. Napasailalim ng bansang Hapon ang Korea
D. Nilusob at nasakop ng Imperyong Mogul ang Korea
36. Maliban sa Imperyong Sri-Vijaya sa Sumatra, ano pa ang isang imperyo na lumaganap at nakilala sa halos buong
Indonesia noong 532 P.K. hanggang 802 P.K.?
A. Imperyong Khmer C. Imperyong Maurya
B. Imperyong Madjapahit D. Imperyong Sailendra
37. Ang pagdating ng mga dayuhang taga-kanluranin sa India ay naganap sa panahon ng Imperyong Mogul at sila ay
naging matagumpay na nakialam dahil sa:
A. Mabilis na pagdami ng populasyon at pangangailangan ng tao sa pang araw-araw
B. Magulong pagpili ng opisyal ng rehiyon para sa Imperyo
C. Mahinang sistema at patakarang pampulitikal
D. Malawak na kalakalan sa ibang imperyo lalo sa Timog-Silangan ng Asya
38. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pamanang materyal ng kabihasnang Asyano sa sangkatauhan?
A. Kasanayan sa matematika tulad ng multiplikasyon at dibisyon
B. Masjid na may palamuting tulad ng marmol at mosaic
C. Mga pinta ng kawayan at pagoda sa telang seda
D. Stupa ng mga templong Buddhista na yari sa bato
39. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na mahalagang sangkap sa pagpapalaganap ng kaisipan, karanasan, mithiin,
paniniwala, kaugalian at pagpapahalaga?
A. Agham
B. Arkitektura
C. Kalikasan
D. Wika
II. Panuto: Subukan mong sagutin ang mga katanungan upang malaman kung may ilang kaalaman ka na tungkol sa
paksang ito. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa puwang sa kaliwang bahagi.
Prepared by:
LEA C. CARDINEZ
Subject Teacher
GINO T. ASPIRAS
School Principal