You are on page 1of 2

ASYMPTOTES

By Group 2&3

PROBABILITY, labing isang letrang mahihirapan ka,

Nais kong aminin na iniibig kita,

Ngunit Hindi ko Alam kung may pagasa ba tayong dalwa,

Dahil nawawalan ako Ng pagasa kapag nakikita kang masaya sa iba.

Kaibigan kong binigyan ko ng kahulugan,

Kahulugan na hindi ko alam kung kanyang nararamdaman,

Parang SYMMETRICAL na akala ko tulad kami ng pagkakaalam,

Ngunit hindi ko alam ako lang pala ang nakakaalam.

Mahal naman kita ngunit nakaharang ang salitang “pagkakaibigan”

Sa mga oras na ‘yon na aking nalaman,

Higit pa pala ang iyong nararamdaman,

Para tayong VENN DIAGRAM mahal natin ang isa’t-isa, pero hanggang, “kaibigan lang kita”.

Aking naiintindihan, JUDGEMENT SAMPLING iyong naging basehan.

Wala na ‘kong magagawa sa kung ano ang iyong nararamdaman.

Wala akong karapatan upang ika’y pigilan,

Isa mo nga lang pala akong kaibigan.

Inakala kong sa buhay ko’y may SURE EVENT na,

Ngunit nararamdaman natin ay ASYMMETRICAL pala.

Bumabagay ang salitang “IMPOSSIBLE EVENT” sa nangyari sa’ting dalwa.

Wala na nga, hindi na nga. Hindi pala tayo para sa isa’t-isa.

Ikaw ang PARABOLA at ako ang linya, kahit anong piIit


hindi tayo maaaring magdikit.

OUTCOME ay masakit,

Ngunit itinadhana tayong maging ASYMPTOTIC.

You might also like