You are on page 1of 1

I.

Pang-ugnay

A. Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at tukuyin kung ito ba ay pang-angkop, o pang-ukol.

__________________1. Ang kasamaan ay hinding hindi mananaig sa mundo kaya palaging gumawa ng kabutihan.

__________________2. Tumataas na presyo ng gasolina at mga bilihin ang lalong nagpapahirap sa mga tao.

__________________3. Alinsunod sa Republika 7394 na ang mga mamimili ay may karapatang pumili.

__________________4. Ang ating bansa ay hindi umuunlad dahil sa laganap na korapsyon ng mga tiwaling opisyal.

__________________5. Ayon sa balita ay tataas ng P2.00 ang bawat litro ng gasolina bukas.

__________________6. Ang aralin ng ika-siyam na baitang ay tungkol sa Economic System at ang apat na uri nito.

__________________7. Hindi madaling solusyunan ang problema kung palagi tayong magrereklamo.

__________________8. Laban sa korapsyon ang mga mamamyang Pilipino.

B. Punan ng wastong pang-ukol ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa nito. Piliin ang sagot sa kahon.

ayon sa/kay alinsunod sa/kay laban sa/kay para sa/kay tungkol sa/kay ng sa

1. Ang mga pagsasakripisyo ng mga magulang ay _________________ ikabubuti at ikasasaya ng mga anak.

2. Ang balitang narinig ko kanina ay ___________________ aksidenteng nangyari ng dalawang nagbanggang trak.

3. ___________________ Dr. Jose Rizal, “ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa

paroroonan.”

4. Responsibilidad __________________ bawat mamamayan na ipaglaban ang kanilang karapatan.

5. __________________ Republic Act 7610, ang pagprotekta ng mga kabataan mula sa pang-aabuso.

6. Gustong-gusto ni Juan na makapunta ang kaniyang pamilya _________________ Japan kaya siya ay nag-iipon ng pera.

7. Ang mga kababaihan ay __________________ pang-aabuso, pang-aapi at pananakit ng mga kalalakihan.

You might also like