You are on page 1of 11

Eksplisitong Banghay-Aralin

Filipino III
I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. INSTRUKSYONAL/MGA KASANAYAN
1. Naibibigay ang kahulugan ng pangngalang pantangi at pambalana.
2. Natutukoy ang mga pangngalang pantangi at pambalana sa napakinggang pangungusap at
kwento.
3. Nakapagbibigay ng halimbawa ng pangngalang pantangi at pambalana sa pamamagitan ng
pangungusap.
B. PAGPAPAHALAGA
1. Naibibgay ang kahalagahan ng paghingi ng kapatawaran.
2. Naibibigay ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa.
II. PAKSANG-ARALIN
GLR-CT
PAMAGAT NG KWENTO: Alamat ng MAnika
ISINULAT NI: Jeana Lyn Lindo/ John Ranioco
IGINUHIT NI:
INILIMBAG SA: Jade Publishing
GOLD
ARALIN: Filipino
PAKSA: Pangngalang pantangi at pambalana
MGA SANGGUNIAN: AD-Ramos (2020). Filipino Unang Markahan –
Modyul 2 Pangngala (Pantangi at Pambalana).
Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500
MGA KAGAMITAN:
KONSEPTONG TATALAKAYIN/CONTENT:
Pangngalang Pantangi- ang tawag sa tiyak na ngalan ng tao,
bagay, hayop, at lugar. Ito ay nagsisimula sa malaking letra
Pangngalang Pambalana- ang tawag naman sa karaniwan o
pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar. Sa maliit na
letra lamang ito nagsisimula
III. PAMAMARAAN
A. MGA PANIMULANG GAWAIN
a. Pagbati
b. Pagdarasal
c. Pag-awit
d. Pagtatala ng mga pumasok
e. Larong Pinoy Henyo
B. PRONGS 1 & 2: Genuine Love for Reading and Critical Thinking
Bago magbasa
PAGGANYAK NA MGA TANONG
“Alam nyo ba kung saan nagmula ang manika?”
KATANUNGAN PARA SA BABASAHING KWENTO
“Sa babasahin kong kwento ay alamin natin kung saan nga ba
nagmula ang manka”
PAGHAHAWAN NG MGA BALAKID
PAGHAHANDA SA PAKIKINIG/PAGBASA NG KWENTO
a. Pag-alaala sa Pamantayan sa Pagbasa ng Tahimik.
Kapag tayo ay nakinig ng kwento kailangan
nating:
1. maupo ng matuwid
2. tumahimik
3. making ng mabuti
4. basahin ang kwento ng malakas kapag
tayo ay naatasang basahin ito.
5. Itaas ang mga kamay kung may mga
katanungan.
PAKIKINIG SA KWENTONG BABASAHIN
“Ngayong araw, tayo ay magbabasa ng isang kwento tngkol sa
manika. Ang pamagat ng kwentong ito ay “Alamat ng Manika” na isinulat
ni Jeana Lyn Lindo at John Ranioco. Ang librong ito ay inilimbag nong
2009”

PAGTALAKAY SA KWENTONG BINASA


Discussion of the story
Literal level:
Sino ang mag-asawang nakakita ng sanggol?
Ano ang itinawag nila sa sanggol?
Interpretation level:
Kung kayo ang nakakita ng sanggol sa inyong pintuan ano ang
gagawin ninyo?
Ano kaya ag mararamdaman ni Marika pag ipinanganak na ang
tunay na anak ng mag-asawa?
Integration of values
Sa palagay ninyo ano ang pakiramdam ni Marika nang mapabayaan siya ng mag-asawang Ben at
Lily? Bakit nyo nasabi?
Sinasadya kaya ng mag-asawang pabayaan si Marika? Bakit?
Kung kayo si Marika ay magiging malungkot din ba kayo? AT bakit?
Kung kayo namn si Ben at Lily ano ang mararamdaman ninyo pag
nagkasakit si Marika dahil sa kapabayaan ninyo?
Sino sa inyo ang gusting magsadula dito sa harapan ng narinig ninyong kwento?
Activity (Malikhaing Pagsulat)
“Sa inyong mga papel ay nais kong isulat ninyo ang naramdaman
ninyo sa narinig ninyong kwento. ”
C. Prong 3: Grammar and Oral Language Development
1. Introduction (Transition from the Story)
Alamin natin kung ano-ano ang mga pangngalang pantangi at pambalana na
ginamit sa ating binasang kwento. May mga salita akong nakuha mula sa
ating kwento ang mga nasa hanay A ang mga pangngalang pantangi at sa
hanay B naman ang pangngalang pambalana.

Ang nasa hanay A ay tiyak na pangalan ng tao at nakasulat ang unang


letra sa malalaking titik. Ang sa hanay B naman ay hindi tiyak at nakasulat sa
maliit na titik ang unang letra.
Pantangi ang tawag sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar. Ito ay nagsisimula sa
malaking letra. Pangngalang pambalana ang tawag naman sa karaniwan o pangkalahatang
ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar. Sa maliit na letra lamang ito nagsisimula.
2. Teaching/Modeling (Presentation of Learning Concept)
Maaari ba kayong magbigay ng pangungsap mula sa kwentong binasa
na ginamitang ng pangngalang pantangi at pamalana na?
Hal. 1. Limang taon na si MArika nang mabuntis si Lily
2. May sanggol sa batang sanggol sa tapat ng pintuan.
3. Guided Practice
Gawaain 1
Panuto: Pumalakpak kung ang pangngalang nabanggit at pambalana at
pumadyak naman kung ito ay pangngalang pantangi.

4. Practice Exercise
Gawain 2
Panuto: Gumawa ng grupong may limamng miyembro. Ang bawat grupo ay
maglilista ng pangngalang pambalana at pangalang pantangi sa loob ng
sampong minute. Ang grupong makakapaglista ng pinakamaraming
pangngalan ay ang itatanghal nating panalo.
5. Independent Practice (see notes from TS)
Gawain 3
Panuto: Magbigay ng pangungusap gamit ang pangngalang pantangi at
pambalana mula sa larawan.

IV. Homework or Assignment


Panuto: Maglista ng limang pangngalang pantangi at limang pangngalang
pambalana na makikita sa inyong tahanan.
V. Evaluation
Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat sa patlang ang  Kapag ang
salitang nasalungguhitan at pangngalang pambalana at  naman kung
pangngalang pantangi.
Masusing Banghay Aralin sa Filipino
7:30 – 8:30 am
I. Mga Layunin
Sa araling ito inaasahan ang mga mag-aaral na,
1. Matutukoy ang dalawang uri ng pangngalan.
2. Makakapagbigay ng halimbawa sa mga uri ng pangngalan.
3. Makikiisa nang may pagkukusa sa mga gawain.
I. Paksang Aralin
A. Paksa
“Uri ng Pangngalan”
B. Sanggunian
Batayang Aklat sa Filipino III (Pahina 119 – 120)
C. Mga Kagamitan
Bisual (manila paper), pentelpen, speaker, togtog, flags, makukulay na papel
(pula,asul)
D. Konsepto
Gintong Diwa
E. Metodo at Estratehiya
Leksyon – Diskusyon, Pagtatanong, Kolaborasyon
F. Pagpapahalaga
Pagkakaroon ng kawilihan at pakikibahagi sa talakayan at aktibidad
Ang pangngalan ang tawag sa
ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook, pangyayari, at gawa.
Ngayon mga bata ay mayroon
kayong sasagutan kung saan
subukin ang inyong kakayahan sa
pag-unawa.
Panuto: Isulat sa patlang ang T
kung ang uri ng pangngalan ay
pantangi at B kung pambalana.
____1. Ang mga (Amerikano)
man ay nanakop din sa Pilipinas.
____ 2. Ang mga (timawa) ay may
pag-aari at hidi naglilingkod
bilang alipin.
____ 3. Mga (hukbo) ng mga
Pilipino at amerikano ang
lumaban a mga Hapon.
____ 4. Si (Ferdinand Magellan)
ang nakatuklas sa Pilipinas.
____ 5. Ang (koponan) ng mga
Hapon ay natalo sa pagbabalik ng
mga amerikano.
gayong umaga ating itatalakay
ang uri ng pangngalan. Ang
pangngalan ay may dalawang
pangunahing uri.
Ito ang pantangi at pambalana.
Pagkakahat ng Pangngalan
1. Pantangi – pangngalang
tumutukoy sa tiyak at tanging
ngalan ng tao, bagay, lugar,
hayop, Gawain at pangyayari.
Ito ay nagsisimula sa malaking
titik.
Halimbawa: Jose Rizal,
Luneta, Gloria Macapagal-
Arroyo, Bathala
2. Pambalana – mga
pangngalang nagsisimula sa
maliit na titik na tumutukoy
sa pangkalahatang ngalan ng
tao, hayop, bagay, lugar,
pangyayari at iba pa. Kasama
rin ang mga basal na salita.
Halimbawa: bayani, aso,
katamisan, pagdiriwang, pusa
At dahil nakikinig kayo, ngayon
tayo ay magkakaroon ng isang
laro. Ang larong ito ay tatawagin
nating “Hulaan Niyo Ko”. Sundan
lamang ang panuto sa
pagsasagawa ng laro.
Panuto:
1. Ang dalawang uri ng bandera
na may kulay na pula ay
magrerepresenta bilang
pantangi, at kulay asul na
magrerepresenta bilang
pambalana. Bawat isa sainyo
ay magkakaroon ng dalawang
uri ng bandera.
2. May mga salita akong
ipapakita, kung saan
kailangan niyong hulaan kung
ito. Itataas niyo ang pulang
bandera kung ito ba ay
pantangi at asul naman kung
pambalana.
Kumuha kayo ng papel at lapis at sagutan ninyo ito. Sundin lamang ang panuto sa
baba.
Panuto: Iugnay sa pangngalang pambalana sa Hanay B ang pangngalan pantangi
sa bawat bilang sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
Pantangi Pambalana
1. Isko Moreno a. bansa
2. Pilipinas b. parke
3. Fabella Hospital c. lapis
4. Luneta Park d. mayor
5. Mongol e. aso
6. Goofy f. ospital
7. Nike g. sapatos
8. Araw ng Kalayaan h. guro
9. Ang Probinsyano i. pagdiriwang
10. Teacher Ria j. teleserye

A. Lagyan ng PT ang patlang kung ang pangngalan ay pantangi; at PB kung pambalana.


a. _____ laruan
b. _____ Pokemon
c. _____ Lungsod ng Makati
d. _____ lalawigan
e. _____ Paaralang Xavier
f. _____ simbahan
g. _____ tindahan
h. _____ Gng. Aquino
i. _____ pagkain

Salungguhitan ang pangngalan sa pangungusap. Isulat ang PT sa kahon kung pantangi at


PB kung pambalana.
a. _____ Maganda mamasyal sa Rizal Park.
b. _____ Gusto kong bumisita sa probinsya.
c. _____ Napanood mo na ba ang Transformers?
d. _____ Ang Pagsanjan Falls ay pinupuntahan ng mga turista.
e. _____ Magaling magluto and aming kusinera.
f. _____ Gusto kong sumakay sa eroplano.
g. _____ Ang pinsan ko ay nakatira sa Amerika.
h. _____ Ang paborito kong prutas ay saging.
i. _____ Maraming proyekto sa aming paaralan.
j. _____ Magbabasa sila ng aklat mamaya.

You might also like