You are on page 1of 6

Banghay Aralin ng Filipino 7

Ikalawang Markahan
Linggo 2 ( unang araw)
Layunin: Naihahayag ang nakitang mensahe ng napakinggang alamat
Nanghihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang alamat

LC Code:F7PN-11c-d-8/ F7PS-IIc-d-8

Paksang Aralin:
Paksa: Alamat
Sanggunian: Suplemental Filipino
Kagamitan: Module, kwento, larawan, yeso, atbp.
Pamamaraan:
A.Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng silid-aralan
c. Pagtala ng mga liban
B. Balik-aral: sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ito ay isang paniniwala ng kabisayaan sa mga nilalang na hindi nakikita.
2. Ano-ano ang mga uri ng awiting bayan ng kabisayaan.
3. Nasasalamin ba ang kultura ng taga-bisayas sa kanilang panitikan? Patunayan
4. Paano nakatutulong ang awiting bayan ng taga-bisayas para makilala ang pinagmulan nito?
C.Presentasyon ng Layunin: Pagpresenta ng layunin
D. Paglalahad:
a. Pagganyak: Pagkukwento ng guro sa isang alamat.( Alamat ni Tungkong Langit ni Anonuevo )
b. Pagtalakay sa Aralin:
1. Sino-sino ang pangunahing Tauhan?
2. Ilarawan ang mga tauhan. ( pisikal at emosyunal)
3. Ano ang sanhi ng pag-aaway ng mag-asawa?
4. Ano ang mga bagay na nagawa ni Tungkong Langit?
5. Ano- ano ang mga bagay na nagawa ni Alunsina?
6. Tama ba ang ginawa ni Tungkong Langit na hindi patutulungin sa gawain si Alunsina?Bakit?
7. kung ikaw si Alunsina gagawin mo rin ba ang paglalayas? Ipaliwanag ang sagot.
8. Matapos mong mapakinggan ang kwento, ano ang iyong nagiging damdamin?
9. May bagay ba o Pangyayari na nabuuo nang matapos ang Kwento? Ano ito?
10. Anong anyo ng panitikan ang may nabubuong isang bagay?
Gawain 1: Pangkatan ( 5 minuto)
Panuto: Ibigay ang mensahe sa napakinggang Alamat
Unang Pangkat: Para sa Pamilya
Ikalawang Pangkat: Para sa mamamayan
Ikatlong Pangkat: Para sa Kabataan

indikador Napakahusay (5) Mahusay (4) Katamtaman(3)


Kaangkopan ng mensahe
pagbabahagi
Kabuuan 10pts

c.Pagpapalawig:
Maliban sa alamat ni Tungkong Langit, Ano pa ang mga kwento ang inyong nalalaman kung bakit
nabuo ang daigdig?
Hayaang magpresenta ang mga mag-aaral sa kanilang nalalaman.
d.Paglalahat: Bakit mahalaga na makuha ang mensahing hatid ng Alamat sa mga mambabasa?
e. Paglalapat:
Gawain 2: Pangkatan (10 minuto)
Intergration: Paano nabuo ang daigdig ayon sa Bibliya? Ayon sa Siyensya?

Ebalwasyon: ¼ Tama o Mali


Panuto: Isulat ang Tama kung ang mensaheng hatid ng napakinggang alamat ay tama at Mali kung hindi
naaayon.
1. Pahalagahan ang mga bagay-bagay sa paligid.
2. Ang mag-asawa ay dapat nagtutulungan sa anomang gawain sa tahanan.
3. Hindi na dapat ipalaalam sa kabiyak ang kanyang gagawin kahit anong oras.
4. Ang tiwala at pagkakaisa ang mamamayani sa puso ng tao.
5. Maglayas kung kailangan para matuto ang isa’t isa.
Takdang Gawain: ¼
Ano ang Alamat?
Bakit mahalagang pag-aralan ang alamat?

Inihanda ni G. VELJUN M. CUIZON


Ikalawang Araw:
Layunin: Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan
Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na ginamit sa akda
LC Code: F7PB-IIc-d-8/ F7PT-IIc-d-8
Paksang Aralin:
a. Paksa: Alamat ( Baysay)
b. Sanggunian: suplemental Filipino
c. Kagamitan: Babasahin, Grapic Organizer, yeso atbp.
Pamamaraan:
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng silid
c. Pagtala ng mga liban
d. Pangungulikta ng takdang aralin

Balik- Aral:
1. Diyos na lumikha ng kalawakan.
2. Diyosa na lumikha ng kalupaan?
3. Bakit sila nag-away? Makatakungan ba ito?
4. Paano natin makikilala ang akdang Alamat?
Presentasyon: Pagpresenta ng layunin
Paglalahad:
a. Pagganyak: Picture puzzles
Bubuuhin ng mga mag-aaral ang larawan at pagkatapos ibibigay nila ang kanilang hinuhang sagot
basi sa gabay na ipinakita ng larawan.
Unang larawan: Isla ng Bisayas na napaligiran ng katubigan
Tanong: Lugar na napapaligiran ng katubigan o karagatan.
Ikalawang Larawan: Magelan Krus
Tanong: Lugar na kinatatayuan ng krus ni Ferdinand Magelan
Ikatlong Larawan: Sinulog Pistibal
Tanong: lugar na ipinagdiriwang ang Sinulog Pistibal.
 Anong Isla ng Pilipinas ang tinutukoy ng mga larawan? Patunayan.
b. Pagtalakay sa Aralin: Ipababasa nang dugtungan ang Alamat ng Baysay.

Talasalitaan: Ipatala sa mga mag-aaral ang salitang nakaitalisado

Mga salitang nakaitalisado Kahulugan ayon sa pagkagamit sa


pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.

Mga Tanong:
1. Sino ang namumuno sa pagtayo ng Baysay?
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang Baysay?
3. Sino ang kanilang kalaban?
4. Bakit nila naitayo ang Baysay?
5. Bakit ayaw sumama ng mga Taga- Omit sa pagtayo ng Baysay?
6. Ano ang ibig sabihin ng salitang Walo-walo sa kwento? Paano ito nakaapekto sa kanilang buhay?
7. Matapos ang malagim na pangyayari, saan inilipat ng mga tao ang kanilang kuta Baysay?
8. Bakit nila naisipang ilagay sa tutok ng burol?
9. Tama ba ang kanilang Plano na ilagay sa tuktok ng burol ang kuta?
10. Bakit naituturing na alamat ang nabasang kwento? Patunayan.
Gawain 1: Pangkatan ( Drama, balita, Talk Show atbp)
Panuto: Sa loob ng 10 minuto bawat pangkat ay nakapapresenta ng kasaysayan kung bakit napunta sa itaas ng
burol ang lugar na Baysay.
Gawain 2: Pangkatan
Panuto: Itala ang mga salitang paulit-ulit na binanggit sa Alamat na nabasa at ibigay ang sariling interpretasyon
kung bakit paulit-ulit itong nabanggit.
Isulat sa ibaba.

1. 2. 3.

Interpretasyon:_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

Paglalahat: Bakit mahalagang malaman ang pinagmulan ng isang lugar?


Paglalapat: Hambingan Tayo
Panuto: gamit ang Venn Diagram, ihambing ang alamat na nabasa sa sariling lugar na tinitirhan mo o
napuntahan mo.
Ebalwasyon: sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Saan unang itinayo ang Baysay?
2. Sino ang kanilang mga kalaban?
3. Bakit nailipat ang Baysay sa tuktok ng burol?
4. Paano nabuo ang salitang Baysay?
5. Bakit maituturing na panitikan ang binasang akda?
Takdang Aralin: Magsaliksik ng mga impormasyon mula sa pinakamatanda sa inyong nayon at itatanong ang
mga sumusunod na katanungan..
1. May dati bang pangalan ang ating lugar? Ano ito?
2. Sino ang bumuo ng pangalang ito?
3. Ano ang ikinabubuhay ng mga tao rito?
4. Ano ba ang kultura ng mga tao rito?
5. May kaugnayan ba ang kultura sa pagkabuo ng lugar na ito?
Ikatlong Araw
Layunin: Naihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa mga elemento nito
Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di - gaano, di gasino, at iba pa)

LC Code: F7PD-IIc-d-8/ F7WG-IIc-d-8


Paksang Aralin:
a. Paksa: Alamat ( Baysay)
b. Sanggunian: suplemental Filipino
c. Kagamitan: Babasahin, Chart, yeso atbp.
Pamamaraan:
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng silid
c. Pagtala ng mga liban
d. Pangungulikta ng takdang aralin
Balik-Aral: Pagsasaayos ng salita na ginagabayan ng guro
Panuto: Basahin ang letra sa kung ano ang kasunod nito sa alpabeto pagkatapos buuhin bilang salita.
1. CBZTBZ= BAYSAY
2. UVMJTBO-EBHBU= TULISANG DAGAT
3. IFTXJUB= HESWITA
Presentasyon ng layunin:
Paglalahad ng bagong Aralin:
a. Pagganyak: Manonood ng maikling video tulad ng Encantadia o Mulawin pagkatapos himukin ang
mga mag-aaral na alamin ang elementong taglay ng isang alamat. Ipalagay sa chart sa pisara.
b. Pagtalakay sa Aralin:
1. Ano ang katangiang taglay ng tauhan?
2. Ilarawan ang kanilang tagpuan?
3. Paano nilutas ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin?

Gawain 1: Pangkatan
Gamit ang mga salitang paghahambing tulad ng ( higit, mas, di-gaano, di gasino atbp.) ihambing ng
mga mag-aaral ang pagkakaiba ng napanood at nabasang alamat.
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. suliranin
4. pangyayari
5. wakas

Gawain 2: Isahan
Panuto: kupletuhin ang pangungusap gamit ang salitang paghahambing.

1. __________malaki ang Mindanao kaysa Bisayas.


2. Ang Mindanao ay_________maunlad tulad ng Bisayas.
3. _______malawak ang sakop na karagatan ng Bisayas kumpara sa Mindanao.
4. Maraming makapagsalita ng bisaya dito sa Midanao _______Bisayas.
5. ________na malalim ang lingwahing bisaya ng mga Taga-Bisayas sa Mindanao.

c. Paglalahat: Bakit mahalagang malaman ang tamang paggamit ng salitang paghahambing?


d. Paglalapat:

You might also like