You are on page 1of 11

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino 7 – Ikalawang

Markahan

I. LAYUNIN

Matapos ang 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

• Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng


awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal) F7WG-IIa-b-7

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Ikalawang Markahan – Modyul 1. Aralin 2: Antas ng Wika

Sanggunian: Filipino – Ikapitong Baitang – Ikalawang Markahan – Modyul 1. Aralin


2: Antas ng Wika

DepEd (2020). Antas ng Wika. Patnubay ng Guro. Unang Edisyon.

Mga Kagamitan: Powerpoint, Kartolina, Bondpaper, Chalk

III. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


Pangunahing Gawain

Pagbati

Magandang Umaga mga Magandang araw din po,


mayuyuming Binibini at matitikas na Ginoo! Binibining Lorraine!

Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating Opo, Ma’am. Yumuko tayo at damhin


talakay, maaari ko bang hingin kay Binibing natin ang presensya ng Panginoon.
Andrea na pangunahan tayo sa panalangin Panginoo, maraming Salamat po sa
sa umagang ito? umagang
ipinagkaloob nyo sa bawat isa, isang
umaga na maaaring kapulutan namin ng
bagong aral at memorya. Nawa’y bigyan
nyo po kami ng katalinuhan at
kalakasang nanggagaling sa inyo upang
matapos nang matiwasay ang aming
klase. Ipinagkakatiwala po namin sa inyo
ang lahat sapagkat sa inyo po kami may
katiyakan. Amen.

Pagtatala ng Lumiban sa Klase

Sino ang kalihim ng klase? Si Princess po, Ma’am.

Binibining Princess, maaari ko bang


Ma’am ang lahat po ay narito.
malaman ang mga pangalan ng lumiban
ngayon sa ating klase?

Mabuti naman. Maraming


Salamat,Binibini.

Pagbabalik-aral

Sa nakaraang markahan, napag-aralan


natin ang tungkol sa mito, alamat at
kuwentong-bayan ng kabisayaan na
sumasalamin sa tradisyon at kultura nito.
Sa markahang ito ay iuugnay natin ang
tulang romansa at may kinalaman sa Ibong
Adarna maging sa kagiliran nito. May
katanungan lamang ako, mayroon ba
kayong ideya tungkol sa korido?

Binibining Erica ? Maaari mo bang ibigay Ma’am ang korido po ay isang tulang
ang iyong ideya. pasalaysay

Tama! Karagdagan, ito ay mahabang tulang


pasalaysay at alam nyo ba na ang korido
ay isang anyo ng tulang romansa?
Mayroong ba kayong katanungan? Kung
wala, ipagpapatuloy natin ang ating
talakayan sa pamamagitan ng isang
gawain.
Pagganyak

Ngayon naman mga Binibini at Ginoo ay


magkakaroon tayo ng isang masayang
gawain. Magbibigay ako ng mga jumbled
letters at iaayos nyo ito sa tamang
pagkakaayos.

Hahatiin ko kayo sa anim na grupo at kung


sino ang may pinakaraming puntos ay may
karampatang premyo pagkatapos ng ating
klase

Handa na ba ang lahat? Opo Ma’am!

Limang salita lamang ang ibibigay ko kaya


paganahin ang talas ng mata at isip at
maging ang pakikipagtulungan ng bawat isa
upang mas madali ninyong mabuo ang
bawat salita

Ang unang jumbled letters ay….


Ma’am, balbal po!

L B B A L A

Tama! Ang unang puntos ay mapupunta sa


Ikalimang Pangkat.

Huwag kayong mag-alala dahil mayroon


pang apat na letra kaya makakahabol pa
kayo. Ma’am pormal!

Ang pangalawang salitang bubuuin ay…

O R L P A M

Tama! Ang pangalawang puntos naman ay


mapupunta sa Ikatlong Pangkat.

Maari pang humabol ang ibang grupo dahil


mayroon pa tayong tatlong salita na
kailangang buuin.

Ang pangatlong salita ay…


B P A A S A M N
Ma’am pambansa po!

Mahusay, nakakadalawang puntos na ang


ikalimang pangkat. Dumako na tayo sa pang-
apat na salita.

Ang pang-apat na salita ay… .

`
I O L R M A M P
Ma’am impormal po!

Tama! Ang ikaapat na puntos ay mapupunta


sa unang pangkat.

Ang panghuling salita ay…

O K L O K A L Y
Ma’am, kolokyal!

Tama! Dahil nagsabay ang pangalawa at


pang- apat na pangkat ay pareho silang may
tig-iisang puntos.

Gayunpaman, ang nagwagi sa ating palaro


ay ang Ikalimang Pangkat.

Maraming Salamat sapagkat pumasok


kayong handa sa klaseng ito at natitiyak
kong natuwa kayo sa ating naging gawain.
Nawa’y maging aktibo rin ang ating
talakayan. Handa na ba ang lahat sa ating
pagpapalalim sa aralin sa araw na ito? Opo, Ma’am!

Pagtalakay sa Paksa
Katatapos lamang ng ating
pansamantalang pag-aaliw bago natin
tuluyang palalilim ang diskusyon sa araw na
ito.
Nais kong simulan ang ating Ma’am may kinalaman po ang ating magiging
talakayan sa isang katanungan. Ano ang aralin sa mga ibinigay ninyong jumbled letters
inyong obserbasyon
sa naging gawain natin kanina lamang?
Ma’am pag-uusapan po natin ang patungkol
sa pormal at di-pormal na salita

Mahusay na mga obserbasyon mga


Binibini at Ginoo! Nakikita kong nakinig kayo
at isinaisip din ang ating gawain.

Kaya samahan nyo pa ako upang mas


mapalawig pa natin ang ating aralin sa araw
na ito.

Ang una nating tatalakayin ay ang


antas ng wika at tama kayo sapagkat
matatalakay natin ang mga salitang nakita
ninyo sa ting pagganyak.
Magbigay ka nga ng iyong ideya Ma’am sa tingin ko po ay ang mga uri ng
Binibining Laurizz, kung ano nga ba ang salita o ang lebel ng mga salita na ating
antas ng wika? naririnig.
Mahusay. Maraming salamat, Binibini.

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang


kategorya sa antas na ginagamit ng tao
batay sa kaniyang pagkatao, sa lipunang
kaniyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan, at okasyong
dinadaluhan? Ang mga wikang ito ay
nahahati sa dalawang kategorya at bawat
kategorya ay may tinatawag na antas ng
wika.

Ano sa tingin nyo ang dalawang kategorya na Ma’am, ang dalawang kategoryang tinutukoy
tin utukoy ko? niyo ay ang pormal at di-pormal
Mahusay! Ang mga wikang ating
nababanggit sa pang-araw-araw ay
mayroong dalawang kategorya: ang pormal
at di-pormal.

Ito po ang mga salitang nakasulat o ginagamit


Ano sa tingin mo ang kahulugan ng pormal?
sa mga binabasa nating mga libro.

Mahusay! Ang pormal ay antas ng wika na


pamantayan at kinikilala o ginagamit ng
nakararami. Ito ang mga salitang ginagamit
sa paaralan, sa mga panayam, seminar, mga
aklat o maging sa mga ulat.

Samantala, ang impormal o di- pormal ay Ma’am ito po ang mga salitang ginagamit natin
ano? Sige nga, Binibining Lhara? sa pakikipag-usap sa pang-araw-araw.

Magaling! Ito ay antas ng wika na karaniwan,


palasak, pang-araw-araw, at madalas gamitin
sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan.

Sa dalawang kategoryang ito, sila ay kapwa


mayroong ding kategorya.

Ang pormal na salita ay nahahati sa


dalawang kategorya: ang pambansa at ang
pampanitikan o panretorika.

A. Pambansa – Ito ay ginagamit ng


karaniwang manunulat ng aklat at
pambalarila para sa
paaralan at pamahalaan.

Ngayon ay bibigyan nating ng nga halimbawa


sa pangungusap ang mga salitang bayan,
ama at ina, mahirap at kapatid. Ito ay mga
salitang nasa ilalim ng kategoryang
pambansa.

Halimbawa:
1. Malaki ang kinakaharap na problema ng
ating bayan.
2. Sa kabila ng pandemya, hindi kami
pinababayaan ng aming ama at ina.
3. Kahit mahirap ang sitwasyon natin
ngayon, pinagbubutihan pa rin naming ng
aking kapatid ang aming pag- aaral.
B. Pampanitikan o panretorika – Ito ay
ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang
mga salita ay karaniwang malalim, makulay
at masining.

Ngayon ay bibigyan nating ng nga halimbawa


sa pangungusap ang mga salitang ginintuang
puso. Ito ay mga salitang nasa ilalim ng
kategoryang pampanitikan.

Halimbawa:
1. Sa panahon ng kalamidad, marami pa
rin ang mga taong may ginintuang
puso

Saamantala nahahati naman sa tatlo ang


impormal. Ang balbal, kolokyal at lalawiganin

A. Balbal – Ito ay slang sa Ingles.


Nagkakaroon ng sariling kahulugan. Mababa
ang antas na ito.

Ngayon ay bibigyan nating ng nga halimbawa


sa pangungusap ang mga salitang datung,
arat, at bagets. Ito ay mga salitang nasa
ilalim ng kategoryang balbal.

Halimbawa:
1. Mahirap kumita ng datung (pera) sa
panahon na ito dahil sa pandemya.
2. Arat (tara) sa bukid, mamitas tayo ng
gulay na maganda sa ating kalusugan.
3. Ipinagbabawal na lumabas ang mga
bagets (kabataan) dahil sa COVID-19.

B. Kolokyal – pang-araw-araw na salita.


Maaaring may kagaspangan nang kaunti.
Maaari itong maging kagalang-galang ayon
sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa,dalawa o higit pang titik sa
salita ang karaniwang halimbawa nito.

Ngayon ay bibigyan nating ng nga halimbawa


sa pangungusap ang mga salitang kelan,
pinoy, merong. Ito ay mga salitang nasa ilalim
ng kategoryang kolokyal.

Halimbawa:
1. Hindi natin alam kung kelan (kailan)
matatapos ang pandemyang ito.
2. Maraming pinoy (Pilipino) ang nahihirapan
sa kasalukuyang panahon dala ng
virus.
3.Bawat isa sa atin ay merong (mayroong)
mabuting puso.

C. Lalawiganin – Ito ay gamitin ng mga tao sa


partikular na pook o lalawigan. Makikilala
ito sa kakakaibang tono o punto.

Ngayon ay bibigyan nating ng nga halimbawa


sa kanta sa iba’t ibang lalawigan. Ito ay mga
salitang nasa ilalim ng kategoryang
lalawiganin. Ang dalawang antas po ng wika ay ang pormal
at di-pormal
Halimbawa:
1. Manang Biday, ilukat mo man ta Ang pormal ay antas ng wika na pamantayan at
bintana. (Manang Biday buksan mo ang kinikilala o ginagamit ng nakararami. Ito ang
binatana) mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga
panayam, seminar, mga aklat o maging sa mga
*Halaw mula sa awiting- bayan ng mga
ulat.
Ilocano
2. . Ili-ili,tulog anay, Wala diri imong nanay
(Batang munti, matulog ka na, wala rito ang Samantala, ang impormal o di- pormal ay
iyong ina) antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-
araw-araw, at madalas gamitin sa pakikipag-
* Halaw mula sa awiting-bayan ng mga
usap o pakikipagtalastasan.
Ilonggo

Oh ‘di ba, ang akala natin pare-pareho lang


Ang pormal po ay binubuo ng dalawang
ang mga wika na ating sinasalita, mayroon
kategorya: ang pambansa at pampanitikan.
pala itong tinatawag na mga antas. Kaya
Samantalang ang di-pormal ay mayroong tatlong
maaari mong uriin ang mga salitang sinasabi
kategorya: ang balbal, kolokyal at lalawiganin
ng iyong kaibigan o pamilya sa pamamagitan
ng kaalaman mo patungkol dito.

Paglalahat
Sa puntong ito nais kong malaman kung
mayroon kang naunawaan sa ating mga
naging talakayan.

• Ano nga ulit ang dalawang antas ng


wika?

• Ano naman ang ibig sabihin ng


dalawang ito?
• Maaari mo bang ibigay ang kanilang
mga kategorya o sanga?

• Magbigay nga ng pangungusap na


ginagamitan ng salitang balbal?
• Magbigay nga ng pangungusap na
ginagamitan ng salitang kolokyal?
• Magbigay naman ng pangungusap na
ginagamitan ng salitang pambansa?

Paglalapat
PANUTO: Suriin ang antas ng wika na
ginamit sa usapan. Isulat sa sagutang papel
kung ito ay balbal, kolokyal, lalawiganin,
pambansa o pampanitikan.
______________ 1. Nanay: Tila ako ay
nakalutang sa langit dahil sa kasama ko ang
aking pamilyang matagal kong hindi
nakapiling.
______________ 2. Ate: Kako na nga ba eh,
matutuwa ka sa inihanda namin at masaya
kami na ikaw ay aming napasaya.
______________ 3. Kuya: Oh! Tama na ang
drama at baka magkaiyakan pa. Nakahanda
na ang chibog!
______________ 4. Tatay: Ang bagong balay
na ito ay pupunuin natin ng tawanan at
pagmamahalan.
______________ 5. Nanay: Tama yan mahal
ko. Lalo pa tayong magsumikap para sa ating
mga anak. Sila ang ating tunay na yaman.

IV. PAGTATAYA
Gumawa ng iskrip at isadula ito sa pamamagitan ng pag-akto ng isang
senaryo na kung saan ay makakapagbanggit kayo ng mga salitang pormal at
di-pormal. Ipakikita ito sa inyo sa inyong mga kaklase sa pamamagitan ng
isang presentasyon. Ang presentasyon ay dapat na nasa tatlo hanggang
limang minuto lamang.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Nagamit ang mga salita sa 10
limang kategoryang nasa ilalim
ng pormal at di-pormal
Mahusay ang presentasyon 10
Mayroong pagkakaugnay-ugnay 10
ang lahat ng napiling salita

KABUUANG PUNTOS 30

V. TAKDANG-ARALIN
Sa inyong kuwaderno, sumulat o magbigay ng tiglilimang (5) halimbawa ng
salitang balbal, kolokyal, lalawiganin, pambansa at pampanitikan. Ang bawat
isang salita ay katumbas ng isang puntos kung ito ay tama at walang puntos
kung mali. Ito ay may kabuuang dalawamput limang (25) puntos

Inihanda ni:

LORRAINE T. RICARTE

You might also like