You are on page 1of 8

Araling Panlipunan 7

Pagtugon sa hamon ng Kasaysayan 7: Araling Asyano


Kabanata 3- Aralin 2
Mga Pangkat-Etniko sa Asya
Pangkat-Etniko
Ang populasyon na bumubuo sa isang bansang Asyano ay nahahati sa maliliit na pangkat na
kung tawagin ay pangkat-etniko. Ang pangkat-etniko ay isang grupo ng mga tao na nagtatakda
ng kanilang sariling pagtatangi batay sa kanilang kasaysayan, paniniwala, kultura, at wika.

Isang mahalagang katangian ng mga pangkat-etniko ay ang kanilang wika. Mahalagang pag-
aralan ang wika sapagkat sinasalamin nito ang kultura ng isang pangkat-etniko at ginagamit
itong batayan sa pagpapangkat ng tao. Ang paraan ng pagpapangkat ng mga tao batay sa
kanilang wika ay tinatawag na etnolingguwistika. Makikita sa talahanayan 2.10 ang mga pangkat
etnolingguwistiko na bumubuo sa iba’t ibang populasyon ng Asya.

Mga Katutubong Mamamayan ng Asya


Ang talahanayan 2.10 ay tumutukoy sa mga pangunahing pangkat-etniko na bumubuo sa bawat
bansa sa Asya. Kung susuriin ay masasabing komprehensibo ang datos na inulat tungkol sa mga
pangkat-etniko. Subalit ito ay pinapasubalian ng pag-aaral na ginawa ng Cultural Institution for
Small Anthropological Groups Act na naghayag na mayroong 75 pangkat-etniko sa Bangladesh
at hindi 27 gaya ng inulat ng pamahalaan nito.

Ang pagkakaiba sa bilang ng mga pangkat-etniko sa isang bansa ay nangyayari dahil sa


kakulangan ng kaalaman tungkol sa mga tinatawag na mga katutubong mamamayan (indigenous
peoples). Ang katutubong mamamayan ay isang grupo ng tao na naunang nanirahan sa isang
rehiyon at mayroong natatanging kultura, kaugalian, at pamamaraan ng pakikitungo sa kanilang
kapaligiran at kalikasan na naiiba sa mga umiiral sa ibang mga pamayanan. Ang kanilang mga
tradisyon bago pa man ang pananakop ng mga banyaga ay kanilang napanatili hanggang sa
kasalukuyan. Dahil natatangi ang katutubong mamamayan kung ikokompara sa mas
nakararaming miyembro ng lipunan, sila ay nagiging isang pangkat minorya (minority group) sa
bansa.

Mahalagang bigyang-diin na hindi lahat ng pangkat minorya ay maaaring ibilang sa katutubong


mamamayan. Ang pangkat minorya ay tumutukoy sa mga grupo ng tao na may mas maliit na
bilang kompara sa ibang mga grupo na bumubuo sa populasyon. Maaaring ang mga pangkat
minorya na ito ay galing sa ibang bansa na nagdesisyong lumipat at manirahan sa bansa kung
saan sila ay tinuturing na minorya. Sa paglipat sa ibang bansa ay dala-dala pa rin nila ang
kanilang katutubong wika, paniniwala, at tradisyon. Dahil kakaunti lamang ang kabilang sa
pangkat minorya, may mga pagkakataon na nakararanas sila ng diskriminasyon at panunuya sa
mga dominanteng grupo sa lipunan. Upang protektahan ang karapatan ng mga pangkat minorya,
gumawa ang United Nations ng isang pandaigdigang deklarasyon na tinawag na Declaration on
the Rights of Persons Belonging to National or Ethnic, Religious and Linguistic Minorities na
magiging batayan ng mga karapatan ng mga taong kabilang sa pangkat minorya.

Ang mga katutubong mamamayan ay nabibilang sa pangkat minorya. Ngunit, kompara sa


pangkat minorya, higit na masigasig ang mga katutubong mamamayan na pangalagaan ang
kanilang karapatan bilang isang grupo dahil sa kanilang natatanging kultura at kasaysayan.
Upang mapangalagaan ang mga karapatan ng katutubong mamamayan, binuo ng UN noong
2007 ang United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples (UNDRIP).
Nakapaloob sa deklarasyon ang pagbibigay ng halaga sa kolektibong karapatan ng mga
katutubong mamamayan na pamunuan at pamahalaan ang kanilang sarili at magsagawa ng mga
gawaing ekonomiko, panlipunan, at kultural. Sa pamamagitan ng UNDRIP ay nagkaroon ng
karapatan ang mga katutubong mamamayan na pangasiwaan ang kanilang sariling pamayanan at
mga likas na yaman. Ang UNDRIP ay nakatutulong din upang mapanatili ang mga kaugalian at
katangian ng mga katutubong mamamayan tulad ng kanilang ugnayan sa kapaligiran. Kung
karamihan sa mga tao ngayon ay tinitignan lamang ang kapaligiran na mapagkukunan ng likas na
yaman, tinuturing ng mga katutubong mamamayan ang kapaligiran bilang bahagi ng kanilang
pagkatao. Isang halimbawa na lamang ay ang paniniwala ng mga taga-Kalinga na ang kaluluwa
ng kanilang mga yumaong ninuno ay bumabalik sa kapaligiran at naninirahan sa mga puno sa
kagubatan.

Ang paniniwala ng mga katutubong mamamayan tungkol sa pagmamay-ari ng lupa ay


nagpapakita ng kanilang malalim na pagpapahalaga sa lupain na kanilang kinagisnan. Sa
kasamaang palad, nalalagay sa panganib ang mga lupaing tinitirahan ng ilang katutubong
mamamayan dahil sa urbanisasyon. Bukod dito ay napagsasamantalahan din ang kanilang lupain
ng mga kompanya sa industriya ng pagmimina at pagtotroso na sumisira ng kapaligiran. Sa
pamamagitan ng UNDRIP ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga katutubong mamamayan na
protektahan ang kanilang mga likas na yaman sa pang-aabuso ng mga dayuhang grupo at
organisasyon.

Sa kabila ng paglagda ng maraming bansa sa UNDRIP, may mga pamahalaan pa rin na hindi
kinikilala ang mga katutubong mamamayan na naninirahan sa kanilang mga bansa. Isang
halimbawa nito ay ang pamahalaan ng Tsina na ginagamit ang katagang minority nationalities sa
halip na katutubong mamamayan. Ito ay upang makaiwas ang pamahalaan ng Tsina sa pagsunod
sa mga programa at alituntunin ng UNDRIP na may kaugnayan sa paggamit ng likas na yaman
na nasa lupain ng mga katutubong mamamayan. Ito rin ang dahilan kung bakit iba-iba ang
katawagan na ginagamit ng mga bansa sa Asya sa pagkilala sa mga katutubong mamamayan
gaya ng pangkat minorya sa Burma/Myanmar, katutubong minorya sa Cambodia, at scheduled
tribes sa India. Sa kasalukuyan ay patuloy ang ganitong kakulangan ng implementasyon ng
UNDRIP sa ibang mga bansa, sa loob at labas ng Asya kaya patuloy rin ang pagmamanman ng
UN sa kalagayan ng mga katutubong mamayan.
Ang populasyon ng Asya ay
binubuo ng iba’t ibang pangkat-
etniko. Ang mga pangkat-etniko
na ito ay nahahati batay sa
kanilang natatanging kasaysayan,
paniniwala, kultura, at wika.
Marami
sa mga pangkat-etniko ng Asya
ay nasakop ng mga dayuhan gaya
ng mga Olandes, Pranses, Briton,
Espanyol, at Amerikano. Subalit
may ilang mga grupo ang hindi
matagumpay na nasakop ng mga
banyaga. Dahil dito ay napanatili
nila ang kanilang mga sinaunang
kultura at naipasa ang mga ito sa
mga sumunod na henerasyon
maging hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga grupong
ito ay tinatawag
na katutubong mamamayan.
Dahil kakaunti lamang ang
kanilang bilang ay itinuturing
silang
pangkat minorya sa mga bansang
kanilang kinabibilangan. May iba
ring mga grupo na nagpasiyang
dumayo sa ibang mga lugar sa
Asya dala ang kanilang
natatanging kultura. Bagaman
hindi sila
katutubong mamamayan ay
natatangi pa rin ang kanilang
kultura.
Upang kilalanin ng mga bansa
ang kanilang mga karapatan ay
gumawa ng mga deklarasyon
ang UN na naglalayong
protektahan ang mga ito - ang
UNDRIP at ang Declaration on
the Rights of
Persons Belonging to National or
Ethnic, Religious and Linguistic
Minorities. Ang mga
deklarasyong
ito ang gumagabay sa mga
miyembro ng UN na kilalanin at
igalang ang karapatan ng iba’t
ibang
pangkat minorya. Ngunit sa
kabila ng mga hakbang na ito,
hindi pa rin nawawala ang
diskriminasyon
o prehuwisyo (prejudice) sa ilang
pangkat ng tao. Ang paniniwala
na may lahi o pangkat ng tao
na nakahihigit sa iba ay tinatawag
na rasismo. Upang maiwasan
ang rasismo, kinakailangan na
alamin at unawain ang
kasaysayan, kultura, at paraan ng
pamumuhay ng iba’t ibang
pangkat ng tao.
Ang pagtakwil sa rasismo ay
makatutulong upang mapabuti
ang pakikitungo at ugnayan ng
mga
mamamayan ng Asya lalo na’t
patuloy ang globalisasyon sa ika-
21 dantaon.
Ang populasyon ng Asya ay binubuo ng iba’t ibang pangkat-etniko. Ang mga pangkat-etniko na
ito ay nahahati batay sa kanilang natatanging kasaysayan, paniniwala, kultura, at wika. Marami
sa mga pangkat-etniko ng Asya ay nasakop ng mga dayuhan gaya ng mga Olandes, Pranses,
Briton, Espanyol, at Amerikano. Subalit may ilang mga grupo ang hindi matagumpay na nasakop
ng mga banyaga. Dahil dito ay napanatili nila ang kanilang mga sinaunang kultura at naipasa ang
mga ito sa mga sumunod na henerasyon maging hanggang sa kasalukuyan. Ang mga grupong ito
ay tinatawag na katutubong mamamayan. Dahil kakaunti lamang ang kanilang bilang ay
itinuturing silang pangkat minorya sa mga bansang kanilang kinabibilangan. May iba ring mga
grupo na nagpasiyang dumayo sa ibang mga lugar sa Asya dala ang kanilang natatanging kultura.
Bagaman hindi sila katutubong mamamayan ay natatangi pa rin ang kanilang kultura.

Upang kilalanin ng mga bansa ang kanilang mga karapatan ay gumawa ng mga deklarasyon ang
UN na naglalayong protektahan ang mga ito - ang UNDRIP at ang Declaration on the Rights of
Persons Belonging to National or Ethnic, Religious and Linguistic Minorities. Ang mga
deklarasyong ito ang gumagabay sa mga miyembro ng UN na kilalanin at igalang ang karapatan
ng iba’t ibang pangkat minorya. Ngunit sa kabila ng mga hakbang na ito, hindi pa rin nawawala
ang diskriminasyon o prehuwisyo (prejudice) sa ilang pangkat ng tao. Ang paniniwala na may
lahi o pangkat ng tao na nakahihigit sa iba ay tinatawag na rasismo. Upang maiwasan ang
rasismo, kinakailangan na alamin at unawain ang kasaysayan, kultura, at paraan ng pamumuhay
ng iba’t ibang pangkat ng tao. Ang pagtakwil sa rasismo ay makatutulong upang mapabuti ang
pakikitungo at ugnayan ng mga mamamayan ng Asya lalo na’t patuloy ang globalisasyon sa ika-
21 dantaon.
Pag-usapan Natin
1. Ano-ano ang mga pangunahing pangkat etnolingguwistiko sa Asya? Tukuyin ang mga
pangunahing pangkat sa bawat bansa ng Asya. Maaaring gumamit na isang tsart para rito.
2. Ano ang papel na ginagampanan ng wika para sa isang pangkat-etniko?
3. Ilarawan ang ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran sa pananaw ng isang katutubong
mamamayan.
4. Maliban sa wika, ano pa ang maaaring gamitin na batayan upang pangkatin ang populasyon
ng tao sa mas maliliit na pangkat? Ipaliwanag.
5. Magbigay ng halimbawa ng diskriminasyon na iyong nasaksihan. Maaaring mula ito sa iyong
sariling karanasan o sa iyong napanood sa telebisyon. Sa iyong palagay, bakit kaya nagkakaroon
ng diskriminasyon? Paano maiiwasan na maulit ang pangyayaring ito?

You might also like