You are on page 1of 8

AP

Mga Bagong Imperyo SA


TIMOG ASYA
By Vincenzo Immanuel G. Perez
Mga Griyego sa India

 Unang dumating ang Griyego sa Kanlurang Asya noong 334 BCE.


Nagpatuloy ang kanilang pananakop hanggang sa hilagang-
kanlurang bahagi ng Timog Asya noong 326 BCE. Nang pumanaw
si Alexander ay nagkaroon ng puwang sa kapangyarihan sa
imperyo ng mga grigoryo. Ito rin ang dahilan sa pagwatak-
watak ng mga kaharian sa India. Sinamantala ni Chandragupta
ang pagkakataong ito upang salakayin at pabagsakin ang
kaharian ng Magadha.
Maurya 1st Part
 Ang dinastiyang Maurya ang unang imperyo na nagbuklod sa mga
mamamayan ng India ng Timog Asya. Umusbong ang imperyo ng Maurya
sa pangunguna ni Chandragupta nang kanyang patalsikin si Dhana Nanda
bilang ninuno ng kaharian ng Magadha. Humina ang kapangyarihan ng
Magadha dahil sa marahas na paraan ng pamumuno ng dinastiyang
Nanda. Matapos makontrol ang Magadha ay matagumpay ring Nabawi ng
puwersa ni Chandragupta ang iba pang kaharian sa India. Mayroon ding
mga tagapayo si Chandragupta sa tumulong sa kanya sa pamamahala ng
imperyo. Isa na dito si Kautilya. Isang halimbawa ng estratehiya ng
itinuro ni Kautilya ay biglaang pakikidigma. Bukod sa pagbibigay ng
paying pangpolitika sinulat ni Kautilya ang akdang Arthashastra.
Bumaba sa pagiging hari si Chandragupta sa edad na limanpang taon at
pinatalitan ng kanyang anak si Bindusara.
Maurya 2nd Part

 SaIlalim ng pamamahala no Bindusara ay higit pang lumawak


ang imperyong Maurya na umabot hangang sa katimugang
bahago ng kontinente. Ipinatuloy ang palawak sa imperyo ni
Ashoka ang paglawak sa imperyo. Nagkaroon ng malaking
epekto kay Ashoka ang pagkasawi ng maraming tao. Naging
masugod na tagasunod ng Budismo si Ashoka at ipinalaganap
niya ang kaisipang ahimsa o pagpigil sa paggamit ng karahasan.
Sa panahoon ng kanyang panunungkulan ay nagpatayo ang
imperyo ng mga monastery para sa mga mongheng Budista,
Nagsimula ang paghina ng imperyong Maurya sa pagpanaw ni
Ashoka noong 232 BCE.
Dinastiyang Shunga

 Pinaslangni Pushyamitra ang huling hari ng Maurya upang


maluklok sa puwesto at maitatag ang dinastiyang Shunga. Dahil
dito ay muling nagwatak-watak ang mga kaharian na bahagi ng
Imperyo. Sa ilalim ng pamumuno ni Pushyamitra ay ibinalik ang
hinduismo bilang opisyal na rehiliyon sa India. Sa panahon ng
dinastiyang Shunga ay pinagyaman at tinangkilik ang kulturang
Indian. Umiral ang dinastiyang Shunga sa maikling panahon
lamang.
Gupta
 Namayani ang kaguluhan sa India dahil sa pagsalakay ng ibat ibang
nomadikong grupo at kawalan ng mahusay ng pinuno ng mga kaharian. Nag
wakas lamang iyo sa pagsibol sa pamumuno ni Chandra Gupta I noong 320 CE.
Ang mga pinuno bukod kay Chandra Gupta I ay si Samudragupta (335-375 CE)
at Chandra Gupta II (376-416 CE) Sa tatlong nabanggit na pinuno ay pinaka-
tanyang si Chandra Gupta II. Ito ay dahil sa panahon ng kanyang
panunungkulan ay yumabong ang kultura ng India. Kasama dito ang mga
drama at epikong Shakuntala Mahabharata at Ramayang Bukod sa pagyabong
ng panitikan ay naitala rin ang mataas na uri ng pamumuhay sa ilalim ng
imperyong Gupta. Nasulat ang mahalagang aklat sa medisina sa India, ang
Agnivesha Charaka Samhita at ang Shushruta Samhita. Patuloy na
nakipagtunggali ang Imperyong Gupta sa nomadikong Grupo ang isa nadito ang
mga Hun, noong 450 CE ay tuluyang bumagsak ang Imperyo.
Budismo

 Sapanahong klasiko ng India ay tunay na yumabong at


lumaganap ang ilang relihiyon. Isa ba dito ang budismo. Ang
rehiliyon na ito ay pinasimulan ni Siddharta Gautama.
Nagsagawa si Siddharta ng taimtim na meditasyon o pagninilay
habang nakaupo sa ilalim ng punong Bodhi. Pagkatapos ng
kanyang meditasyon ay nakamit ni Siddharta ang kaliwanagan
at ngunawaan niya ang dahilan ng paghihirap ng tao at kung
paano ito wawakasan. Lumaganap at napagyaman ang mga aral
ni Buddha. At nagkaroon ng magkakahiwalay na sangay o sekta
na ito ang Budismong Theravada. Isa pangsekto ng budismo ay
Budismong Zen.
Jainismo

 Maliban sa Budismo, lumaganap din ang paniniwalang Jainismo


na itinatag ni Vardhamana Mahavira. Katulad ni Siddharta ay
ipinanganak din si Mahavira sa isang mayaman at
makapangyarihang pamilya. Ayon sa Jainismo ang pagalabag sa
ahimsa ay magbubunga ng karma sa tao. Ang karma ang
pumipigil sa tao na makalaya mula sa tao na makalaya mulas sa
siklo ng muling pagsilang at kamatayan. Sa pagpanaw ni
Mahdvira ay nahati sa dalawang sekto. Ang Digambara at
Svetambara. Bagaman lumaganap ang Jainismo sa India,
nanatiling maliit ang karamihan ng miyembro nito. Karamihab
sa mga Jain ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ni India

You might also like