You are on page 1of 6

Ikalawang Markahang Pagsusulit

Filipino

Pangalan: Pangkat:
Paaralan: Guro: Petsa:

Panuto: Basahin at unawain ang bawat teksto at pangungusap. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang numero.

Isang Sabado, nagkaayaang mamasyal ang mag-amang Delgado sa Luneta dahil na rin sa
kagustuhan ng kanyang anak na si Carolina. “Maganda pala talaga dito sa Rizal Park,”pahayag ni
“Carolina, bunsong anak ni Ginoong Deguito Delgado.“Talagang maganda itong Rizal Park, anak.
Bukod dito, makasaysayan pa ang pook na ito. Dito kasi binaril ang ating pambansang bayani, ang
patuloy na kwento ni G. Delgado sa anak.“Eh, ‘tay saan po matatagpuan ang bantayog ni Dr. Jose
Rizal?” tanong ng bata sa tatay.“Doon sa bandang gitna ito matatagpuan. Halika puntahan natin.”

Naglakad-lakad pa ang mag-ama sa Rizal Park hanggang sa marating nila ang bantayog ni Rizal.
Tinitigan ito ng husto ng bata habang nakatayo sila sa harapan ng bantayog. Tuwang-tuwa rin ang
bata sa dalawang guwardiya ni Rizal na palitan sa pagbabantay.
“Tay, bakit po may mga guwardiya ang bantayog? Hindi po ba gawa lamang ito sa semento?”
pag-uusisa ni Carolina.“Anak diyan din kasi nakalibing si Dr. Jose Rizal. Dahil sa pambansang bayani,
dapat itong bantayan bilang paggalang sa kanya ng mga Pilipino,” paliwanag ng ama habang
nakangiti ito sa anak.
“Ano po, itay iyong may maraming upuan na may bubong”? patuloy na tanong nito.
“Ah, iyon ba? Quirino Grandstand ang tawag doon.”
“Ano naman po iyong malaking gusali sa kanan?”
“Manila Hotel ang tawag doon.”patuloy na pagpapaliwanag ng ama sa anak.
“Mabuti pa, anak kumain muna tayo sa banda roon. Nagugutom na ako. Kasasagot ko sa mga
tanong mo.”
“Sige po itay, gutom na rin ako,” natutuwang pahayag ng bata.

Kumain na nga ang mag-ama, pero tuloy pa rin ang tanong ng bata at nakiusap pa itong
mamasyal din sila sa Manila Zoo.

1. Ano ang pangunahing ideyang nais ibigay sa atin ng kuwento?


a. Maganda ang Rizal Park
b. Isang makasaysayang pook ang Rizal Park
c. Malawak ang Rizal Park

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong binasa?


a. Ginoong Deguito Delgado at Carolina C. G. Delgado
b. Carolina d. Dalawang guwardiya

3. Saan nagpunta ang mag-ama sa ating kuwento?


a. Luneta o Rizal Park c. Paco Park
b. Manila Zoo

4. Ano ang ginawa ni G. Delgado at Carolina sa Rizal Park?


a. Namasyal c. namitas ng bulaklak
b. Namalengke d. naglinis

5. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng mag-ama pagkatapos nila mamasyal?


a. Nainis c. nalungkot
b. Nasiyahan d. nabigla

6. Basahin at pag-aralan ang pahayag sa ibaba.


1.Naglakad-lakad ang mag-ama sa Rizal Park hanggang sa marating ang
bantayog n Rizal.
2.Nagkayayaang mamasyal ang mag-amang Delgado sa Luneta.
3.Makasaysayan pa ang pook na ito.
4.Dito binaril an gating pambansang bayani.

Ano ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?


a.1-2-3-4 c. 3-2-1-4
b.2-3-4-1 d. 4-3-2-1

7. Naglakad-lakad pa ang mag-ama sa Rizal Park hanggang sa marating nila


ang bantayog ni Rizal. Ano ang dapat ipuno sa pahayag?
a.Una b.Sumunod c. Pagkatapos c.Isang

8. Kumain na nga ang mag-ama, pero tuloy pa rin ang tanong ng bata at
nakiusap pa itong mamasyal din sila sa Manila Zoo.Ano ang dapat ipuno sa pahayag?
a.Una b.Sumunod c. Pagkatapos c.Isang

9. Ano ang mensahe na nais iparating ng kuwento?


a. Ang Rizal Park ay matatagpuan sa Maynila
b. Ang Rizal Park ay maraming tao
c. Ang Rizal Park ay makasaysayang pook
d. Maraming halaman sa Rizal Park

10. Anong katangian mayroon ang ama ni Carolina?


a.Mapagmahal c. Masipag
b.Masunurin d. Maliksi

Pag-aralan ang grap. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Mga Punong Naitanim ng Mag-anak na Ramos sa Bundok

2010 2011 2012 2013

11. Ilang puno ang naitanim ng mag-anak na Reyes noong taong 2012?
a. 4 b. 3 c. 5 d. 6

12. Anong taon may pinakamaraming naitanim na puno ang mag-anak na Ramos?
a. 2010 b. 2010 c. 2012 d. 2013
13. Malawak na pasyalan ang Rizal Park. Ano ang kasing-kahulugan ng salitang may
salungguhit?
a.Makitid c. Malayo
b.Malapad d.Maikli

Malakas ang tulo ng tubig sa silid ni Dan dahil sa patuloy na pag-ulan. Ganito rin ang nangyari
sa bahay nila noong nakaraang taon. Gusto na niyang takpan ng trapo ang butas sa bubong.
Masakit na ang kaniyang braso sa kalalampaso ng tubig sa sahig. Ang krus na nakasabit sa dingding
ay nabasa na rin kaya inilipat niya ito ng lugar. Puno na rin ang dram na sumasahod ng tubig sa
alulod. Maghapon na ring naglilinis ng silid ang kanyang kapatid na sina Ben at Mara ay di parin
matapus-tapos. Prutas lamang ang kaniyang tanghalian dahil wala na siyang mabili sa labas, baha
na ang paligid at wala na ring mga traysikel na bumibyahe at pumapasada. Mahina na ang ulan
ngunit malakas a rin ang tagas ng tubig sa bubong. “Saan kaya ito nagmumula?” pagtataka ni Dan.

14. Mahina na ang ulan ngunit malakas pa rin ang tagas ng tubig sa bubong.
Ano ang magkasulungat na salita ang ginamit sa pahayag?
a. mahina-bubong c. tagas-malakas
b. ulan-malakas d. mahina-malakas

15. Gusto na niyang takpan ng trapo ang butas sa bubong. Aling salita ang may kambal-
katinig na ginagamit sa pahayag?
a. trapo b. takpan c. butas d. bubong

16. Masakit ang braso niya sa kalalampaso ng tubig sa sahig. Aling salita ang may kambal-
katinig na ginamit sa pahayag.
a. masakit b. tubig c. braso d. sahig

17. Ang krus na nakasabit sa dingding ay nabasa na rin kaya inilipat niya ito ng lugar.
Aling salita ang may kambal-katinig na ginamit sa pahayag?
a. dinging b. nabasa c. lugar d. krus

18. Puno na rin ang dram na sumasahod ng tubig sa alulod. Aling salita ang may kambal-
katinig na ginamit sa pahayag?
a. puno b. dram c. tubig d. alulod

19. Prutas lamang ang kaniyang tanghalian dahil wala na siyang mabili sa labas, baha na
ang paligid. Aling salita ang may kambal-katinig na ginamit sa pahayag?
a. labas b. prutas c. baha d. paligid

Pag-aralan ang mga bilang at katumbas nitong letra. Sundin ang panuto upang makabuo ng
pantig o salita mula rito.

1=A 5=I 9=R


2=B 6=G 10=M
3=T 7=S 11=N
4=K 8=O 12=D

20. Kapag pinagsama ang mga bilang na 2-8-3-1, ano ang mabubuong salita?
a. BASA b. BISA c. BOTA d. BATO

21. Ano ang mabubuong salita kapag pinagsama ang bilang na pinagsama ang mga bilang
10-1-7-8?
a. MISA b. MASO c. MISO d. MATA
22. Ano ang tamang pagpapantig sa salitang traysikel?
a. tray-si-kel b. tra-y-si-kel c. tr-ay-sik-el d. tray-sik-el

23. Si Dan ay maghapong naglinis ng kaniyang silid. Anong panghalip panao ang dapat ipalit
sa bahaging may salungguhit?
a. Ako b. Tayo c. Sila d. Siya

24. Maghapon na ring naglilinis ng silid sina Ben at Mara ay di pa rin matapus-tapos. Anong
panghalip panao ang dapat ipalit sa bahaging may salungguhit?
a. Kami b. Sila c. Sina d. Tayo

25. Ang bubong nilo Dan ay tumutulo. ay dapat nang takpan. Anong panghalip
pamatlig ang dapat ipuno sa patlang?
a. Ganyan b. Dito c. ito d. Doon

26. Masakit na ang kaniyang braso sa kalalampaso ng tubig sa sahig. Anong panghalip paari
ang ginamit sa pahayag?
a. na b. ang c. kaniyang d. sa

27. “Saan kaya ito nagmumula?” pagtataka ni Dan. Anong panghalip pananong ang ginamit
sa pahayag?
a. Kaya b. ito c. ni d. saan

28. rin ang nangyayari sa bahay nila noong nakaraang taon. Anong panghalip
pamatlig na patulad ang dapat ipuno sa patlang?
a. Ganito b. Ganoon c. Narito d. Naroon
29. Ganito rin ang nangyayari sa bahay nila noong nakaraang taon. Ano ang kailanan ng
panghalip na may salungguhit?
a. isahan b. dalawahan c. tatluhan d. maramihan

30. sa dingding inilagay ni Dan ang krus na nabasa. Anong panghalip panlunan ang
dapat ipuno sa patlang?
a. Narito b. Nito c. Doon d. Ganyan

31. Sina Ate at Kuya ay mabibilis tumakbo. ay laging nananalo kapag may
paligsahan.
a. Kami b. Sila c. Ako d. Siya

32. Si Vicky at ako ay magkapatid. Kambal .


a. Kami b. Kayo c. Sila d. Tayo

33. Ang mga bata ay nagbabasa. ay nagbabasa.


a. Sila b. Kami c. Kayo d. Ako

34. Dumating sa bahay si Tiya Maria. siya magpapasko.


a. Doon b. Diyan c. Dito d. Rito
35. Sa tabing-ilog ay may punong mangga. ay maaaring magpiknik.
a. Dito b. Doon c. Diyan d. Roon

Bilugan ang tamang panahon ng pandiwa sa pangungusap.

36. (Naligo, Maliligo) kami sa ilog bukas.


37. Si Nanay ay (pumunta, pupunta) sa palengke kahapon.

38-40 Isulat ang mga sumusunod sa paraang kabit-kabit.

38. Ang batang magalang.


39. Siya ay masunurin.
40. Ang mga paru-paro.

Maligayang Pagsusulit
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
IKALAWANG MARKAHAN
FILIPINO 2

KASANAYAN/KOMPITENSI DAMI NG BILANG KINALALAGYAN NG


AYTEM
Natutukoy ang mga pangunahing ideya sa nabasang 1 1
teksto.
Nasasagot ang mga simpleng tanong sa nabasang teksto. 2 2-3
Nakapagbibigay-hinuha sa nabasang teksto. 1 4
Natutukoy ang damdaming ipinahihiwatig sa kuwento. 1 5
Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kuwento. 1 6
Nagagamit ang mga pang-ugnay na salita gaya ng una, 2 7-8
pangalawa, sumunod, pagkatapos, huli atbp.
Nasasabi ang mga katangian ng mga tauhan sa kuwento. 1 9
Naibibigay ang mensahe ng kuwentong binasa. 1 10
Nasasagot ang mga tanong sa bar graph at table. 2 11-12
Natutukoy ang kahulugan ng di-pamilyar/bagong salita batay 1 13
sa paggamit ng kasingkahulugan.
Naiintindihan na ang ibang salita ay magkasingkahulugan at 1 14
ang iba nama’y magkasalungat.
Nababasa ang mga salitang may kambal katinig na DR, PR, 5 15-19
KR, BR at TR.
Napagsasama ang mga pantig upang makabuo ng salita na 2 20-21
may 2 pantig.
Napapantig ang mga ponema ng salita. 1 22
Nagagamit ang mga panghalip panao bilang pamalit sa 2 23-34
pangalan.
Nagagamit ang mga panghalip pamatlig. 1 25
Nagagamit ang mga panghalip panao na paari. 1 26
Natutukoy ang mga panghalip pananong. 1 27
Nagagamit ang panghalip pamatlig na patulad. 1 28
Natutukoy ang kailanan ng panghalip panao. 1 29
Nagagamit ang panghalip na panlunan bilang pamalit sa 1 30
pangngalan.
Nagagamit sa pangungusap ang panghalip panao (ikaw, ako, 3 31-33
siya, kami, sayo,sila)
Nagagamit sa pangungusap ang panghalip na tumutukoy sa 2 34-35
pook (dito, diyan, doon)
Natutukoy ang panahunan ng pandiwa (nagawa na, 2 36-37
ginagawa pa, gagawin pa lamang)
Pagsulat ng wasto at maayos ng mga salita/pangungusap sa 3 38-40
paraang kabit-kabit.
KABUUAN 40 AYTEM 40 AYTEM

You might also like