You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
TUY DISTRICT
GUMAPAC BRGY. SCHOOL

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSUIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III

ITEM PLACEMENT

R
e
m E
A A
e v C
Und p n
No. of m al re
No.of erst pl al
Most Essential Learning Competencies Days b u at
Items andi yi yz
Taught % e at in
ng n in
r in g
g g
i g
n
g

60% 30% 10%

Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa 1


na may karamdaman sa pamamagitan ng
2 7
mga simpleng gawain
3 8
1.1.pagtulong at pag-aalaga 10 10 25%
4 9
1.2.pagdalaw, pag-aliw at
5 10
pagdadala ng pagkain o anumang bagay na
kailangan EsP3P- IIa-b – 14 6

Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga


kapansanan sa pamamagitan ng:

2.1.pagbibigay ng simpleng tulong sa


kanilang pangangailangan 11 16

2.2.pagbibigay ng pagkakataon upang 12 17


sumali at lumahok sa mga palaro o larangan
ng isport at iba 10 10 25% 13 18

pang programang pampaaralan 14 19

2.3 pagbibigay ng pagkakataon upang 15 20


sumali at lumahok sa mga palaro at iba pang
paligsahan sa pamayanan

EsP3P- IIc-e – 15

21 26
Naisasaalang-alang ang katayuan/
kalagayan/ pangkat etnikong kinabibilangan 22 27
ng kapwa bata sa pamamagitan ng:
pagbabahagi ng pagkain, laruan, damit, 10 10 25% 23 28
gamit at iba pa.
24 29
EsP3P- IIf-g –16
25 30
Nakapagpapakita nang may
31
kasiyahan sa pakikiisa sa mga
32 35
gawaing pambata
10 10 25% 38
33 36
Hal. Paglalaro programa sa paaralan
34
(paligsahan, pagdiriwang at iba pa) EsP3P-
IIh-i – 17

TOTAL 40 40 100 0 15 9 2 10 4

Inihanda ni:

FATIMA L. BUTOR
Guro I

Binigyang Pansin ni:

ROSARIO A. CONSIGO
Ulong Guro I
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
TUY DISTRICT
GUMAPAC BRGY. SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III
Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ____________
I. Basahin ang bawat sitwasyon. Sagutin ito ng Tama o Mali. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1. Ang pagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may karamdaman ay hindi lamang sa mga nakatatanda kundi pati
rin sa mga kabataang katulad mo.
_____2. Maituturing na pakikialam ang pagtulong sa pagpapainom ng gamot sa iyong lolo at lola.
_____3. Walang kakayahan ang mga batang katulad mo na magalaga ng mga may karamdaman.
_____4. Magagawa mong makatulong sa pag-aalaga ng mga may sakit kahit sa simpleng mga paraan.
_____5. Para higit mong matulungan ang nanay mo na may karamdaman, umiiwas ka na maging pasaway, bagkus ay
tumutulong ka sa gawaing bahay.

II. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng wastong sagot.
_____6. Anong kaugaliang Pilipino ang nagpapakita ng pagtulong at pag-aalaga sa mga taong may sakit?
A. Pagkamahiyain B. Pagkamalikhain
C. Pagmamalasakit D. Pagkamadasalin
_____7. Masakit ang ngipin ng iyong nakababatang kapatid. Oras na ng pananghalian at hindi pa umuuwi ang inyong
nanay. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Patutulugin ko na lang ang aking kapatid
C. Hihintayin ko ang nanay hanggang makauwi
D. Bibigyan ko muna siya ng pagkaing malambot upang hindi siya mahirapang kumain
_____8. Nadatnan mong nakahiga ang iyong nanay pagkauwi mo mula sa paaralan. Masama ang kaniyang pakiramdam.
Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pagtulong at pag-aalaga sa iyong nanay na may sakit?
A. Hihintayin ko ang pagdating ng tatay
B. Magpapatulong sa nakatatandang kapatid sa pagluto ng sopas upang may makain si nanay
C. Paiinumin ko siya ng kahit na anong gamot upang siya ay gumaling
D. Lahat ng nabanggit
_____9. May benda ang sugatang binti ng iyong kamag-aral na katabi mo sa upuan dahil sa aksidente. Nakasaklay pa siya
pagpasok sa inyong silid-aralan. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa kaniya?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Aayain ko siyang maglaro sa labas
C. Aakayin siya at hindi na gagamitin ang saklay
D. Hindi ako maglilikot upang hindi ko masagi ang kaniyang binti.
_____10. Sumasakit ang likod ng iyong lolo. Tinawag ka niya upang magpatulong na bumangon sa higaan ngunit hindi mo
kaya dahil sa iyong kaliitan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko siya papansinin
B. Hihintayin kong makauwi ang tatay
C. Magdadahilang masakit ang katawan ko
D. Manghihingi ako ng tulong sa aking mga nakatatandang kapatid.
_____11. May kaklase kang putol ang isang kamay at siya ay magaling maglaro ng basketball. Paano mo maipakikita ang
iyong pagmamalasakit upang mabigyan ng pagkakataon na makalahok sa mga panlarong isport.
A. Tutulungan mo siyang mapabilang sa mga manlalaro ng inyong paaralan.
B. Sasabihin mo sa kanya na kahit siya ay magaling hindi siya makukuha dahil siya ay pilay.
C. Hahayaan mo ibang kaklase mo ang tutulong sa kanya para makasali sa panlarong isport ng inyong paaralan.
D. Hindi ko siya papansinin.
_____12. Naglalaro ng badminton ang kapatid mo at ang kanyang kaklase na may kapansanan ang isang mata.Narinig mo
na pinagtatawan at sinabihan ng di maganda. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan mo nalang ang ginawa ng ka klase mo.
B. Sasali sa pagtawa at pagsabihan nang di maganda ang batang may kapansanan sa mata.
C. Sasawayin ang kaklase mo at sasabihin sa batang may kapansanan na lalo niyang pagbutihan upang makasali
siya sa mga laro sa paaralan.
D. Magkukunwari na hindi nakita o narinig ang ginagawa ng mga kaklase.
_____13. Gustong sumali ng kaklase mong pilay sa larong “track and field”. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin mo sa kanya na hindi hadlang ang kanyang kapansan upang upang maipakita ang kanyang galing.
B. Sasabihin mo sa kanya na huwag na siyang sumali dahil baka siya ay pagtatawanan lamang.
C. Pagagalitan mo ang iyong kapatid at pagbawalan na makipaglaro sa kanyang kaklase.
D. Lalayuan ang kaklaseng pilay.
_____14. Oras ng uwian. Nakita mo ang iyong kamag-aral na lumpo at nahihirapang itulak ang kanyang wheel chair. Ano
ang gagawin mo?
A. Aalis ako na parang walang nakita.
B. Lalapitan ko siya at pagtatawanan.
C. Lalapitan ko siya at tutulungang itulak ang wheel chair.
D. Hahayaan ko na lamang siya na mag-isang magtulak ng wheel chair.
_____15. Nakasakay si Tina sa bus. Sa isang kanto, umakyat ang isang matandang lalaki. Wala ng bakanteng upuan. Ano
kaya ang maaring gawin ni Tina?
A. Hahayaan niyang nakatayo ang matanda.
B. Pababain na lamang niya ang matanda.
C. Ibibigay niya ang kanyang upuan sa matanda.
D. Hintaying may bumaba saka paupuin ang matanda.

Suriin ang larawan, anong tulong ang ating maibibigay sa kanila upang kanilang madama ang ating pagpapahalaga
sa kanila?

_____16. A. Tutulungan sa mga gawaing gamit ang kamay.


B. Tutulungang sumubo ng pagkain.

_____17. A. Itutulak at samahan siya sa kanyang pupuntahan.


B. Makipaglaro ng takbuhan at taguan.

_____18. A. Mag-aaral ng sign language upang siya ay maintindihan


B. Lakasan ang boses upang marinig ang iyong sinasabi.

_____19. A. Ituturo ang daan na kanyang pupuntahan.


B. Siya ay alalayan sa paglalakad.
_____20. A. Siya ay laging bibigyan ng pagkain.
B. Siya ay laging uunawain at lilibangin.

Basahin at pag-aralan mo ang nilalaman ng tula sa ibaba. Pagkatapos mong basahin ang tula, sagutan ang mga
tanong at bilugan mo ang titik ng tamang sagot.

Magkaiba Man Tayo


Ni Michel M.Pevida

Siya, ikaw saka ako, Sila kami saka tayo


Mayaman, mahirap o may pangkat-etniko
Tayo’y pantay-pantay, magkaiba man tayo.
Pagka’t tayong lahat ay nilikha ng Diyos
Ginawang kawangis niya dahil tayo’y mahal niyang lubos
Marahil ito nga ang nais ipabatid
Pagtutulungan at pagmamahal sa bawat isa’y ipahatid
Ang kalagayan sa buhay ay makamundong pagpapangkat Sa pakikipag-kapwa
walang mayaman at mahirap
Ita, bisaya, muslim o tagalog man ang pangkat
Tayo’y iisang lahi na dapat magtulungan sa hinaharap

_____21. Ano ang pinapabatid ng tula?


A.Tayo ay mga Pilipino.
B. Maging mabuting Pilipino.
C.Lahat tayo ay pantay-pantay.
_____22.Alin sa mga pangkat etniko ang nabanggit sa tula?
A. Tausug B. Negrito C. Tagalog
_____23. Bakit dapat nating ituring ng pantay-pantay ang bawat tao?
A. Dahil tayo ay mga Pilipino.
B. Dahil sila rin ay tao na gaya natin.
C. Dahil tayo ay nilikha ng Diyos ng pantay-pantay.
_____24. Ang pagtingin ng pantay-pantay ay isang mabuting .
A. pagkaPilipino B. pagmamahal C. pakikipagkapwa-tao
_____25. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang HINDI nagpapakita ng pagkakapantay-pantay?
A. Pagtatanggol kapag may naapi.
B. Pangmamaliit sa mga taong mahirap.
C. Pagbibigay ng tulong sa batang lansangan

Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa ibang pangkat etniko? Isulat ang iyong sagot sa patlang. Piliin ang
iyong sagot mula sa kahon.

a. May respeto sa ibang pangkat etniko.


b. Nagbabahagi ng pagkain, laruan at damit.
c. Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko.
d. Marunong makipagsalamuha sa ibang pangkat etniko.
e. Paglayo o pag iwas kapag may lumalapit na kabilang sa pangkat etniko.
f. Panghuhusga ng kabilang sa pangkat na Aeta dahil sa kanilang itsura.
g. Iginagalang ang kanilang tradisyon at paniniwala.
h. Pagtulong sa kapuwa na walang pinipiling pangkat na kinabibilangan.
26. ______________________________________________________________________________________
27. _____________________________________________________________________________________
28. _____________________________________________________________________________________
29. _____________________________________________________________________________________
30. _________________________________________________________________________________________

Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha kung
Mali.
______31. Makiisa sa mga gawain pambata na magiging masaya sa mga gawain sa paaralan.
______32. Mahalagang maipakita ang pakikiisa sa gawaing pambata.
______33. Huwag suportahan ang mga programa ng paaralan.
______34. Sumali sa mga palatuntunan ng paaralan.

Buuin ang salita na nagpapakita ng mga gawaing pambata at ang epekto ng pakikibagay at pakikiisa rito? Isulat mo
ang mga nawawalang titik.

35. Pagkakaroon ng maraming K a _ b i _ a _

36. Pagkakaroon ng t _ w _ l _ sa Sarili

Iguhit sa kahon ang gawaing sinalihan mo sa paaralan. Pagkatapos ay sumulat ng 1 o 2 pangungusap kung ano ang
natutunan mo sa gawaing ito. (37-40)

You might also like