You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Pamantayan sa Bilang Bahag- Bilang

Understanding
Remembering

Analyzing

Evaluating
Applying
ng Araw ng

Creating
dan
Pagkatuto % Aytem

1. Nakapagpapadama ng
malasakit sa
kapwa na may
karamdaman sa
pamamagitan ng mga
simpleng
3, 6,7,8
gawain 1,
10 25 10 4, ,9,
1.1. pagtulong at pag- 2
5 10
aalaga
1.2. pagdalaw, pag-aliw
at pagdadala ng pagkain
o anumang bagay na
kailangan
EsP3P- IIa-b – 14
2. Nakapagpapakita ng 10 25 10 11, 14, 16,
malasakit sa 12, 15 17,
May mga kapansanan sa 13, 18
pamamagitan ng: 19,
2.1. pagbibigay ng 20
simpleng tulong
sa kanilang
pangangailangan
2.2. pagbibigay ng
pagkakataon
upang sumali at lumahok
sa mga
palaro o larangan ng
isport at iba
pang programang
pampaaralan
2.3 pagbibigay ng
pagkakataon
upang sumali at lumahok
sa mga
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
palaro at iba pang
paligsahan sa
pamayanan
EsP3P- IIc-e – 15
3. Naisasaalang-alang
ang katayuan/
kalagayan/ pangkat
etnikong
kinabibilangan ng kapwa 21, 27,
23,
bata sa 10 25 10 22, 26 28, 30
24
pamamagitan ng: 25 29
pagbabahagi ng pagkain,
laruan,
damit, gamit at iba pa
EsP3P- IIf-g –16
4. Nakapagpapakita nang
may kasiyahan sa
pakikiisa sa mga 31,
gawaing pambata 35,
38, 33,
Hal. paglalaro 10 25 10 36, 32
39 34
programa sa paaralan 37,
(paligsahan, 40
pagdiriwang at iba pa)
EsP3P- IIh-i – 17
TOTAL 40 100% 40 12 12 6 6 2 2

Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III


Noted by:

School Principal I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
1. Ang mga simpleng gawain tulad ng pagtulong at pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw, at
pagdadala ng pagkain o anomang bagay na kailangan ay nagpapakita ng
sa kapwa.
A. pagkamasipag C. pagkamasinop
B. pagmamalasakit D. pagkamatiyaga

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katambal ng pagmamalasakit?


A. kapakanan ng kapwa C. kaligtasan ng kapwa
B. kabutihan ng kapwa D. ikasasama ng kapwa

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?


A. Nagpapatugtog ako nang malakas na malakas kapag may sakit ang aking kapatid
upang siya’y sumaya.
B. Ibinibili ko ng malalaking sitsirya ang aking pinsan na may sakit upang mabusog siya.
C. Sa tuwing maysakit ang nakababata kong kapatid ay pinupunasan ko ng maligamgam
na tubig ang kaniyang noo gamit ang bimpo.
D. Pinapasalubongan ko ng maraming tsokolate ang bunso kong kapatid na may ubo’t
sipon.

4. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pag-aalaga sa maysakit MALIBAN sa isa, ano ito?
A. Siguraduhing komportable ang táong may sakit.
B. Paliguan ng isang beses sa isang linggo.
C. Pakainin ng masustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay.
D. Patulugin ng tama at sapat upang manumbalik ang lakas.

5. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang makatulong sa may kapansanan?


A. Pagtulak tuwing dumaraan dahil siya’y mabagal.
B. Pagpilahin siya sa mahabang pila dahil ikaw ang nauna.
C. Hayaan siyang nakatayo sa sasakyan dahil ika’y nagbayad naman ng pamasahe.
D. Aalalayan siyang tumawid ng daan upang siya’y makatawid ng maingat.

6. Papunta ka ng palengke. Nakita mong mahaba ang pila sa sakayan ng traysikel.


Nagmamadali ang lahat sapagkat pabuhos na ang malakas na ulan. Nakita mo ang isang aleng
bulag na inaaninag ang kaniyang pila. Ano ang gagawin mo?
A. Aakayin ang aleng bulag at ihahatid sa unahan.
B. Pagmamasdan lamang ang aleng bulag.
C. Tumalikod na kunwari ay hindi siya nakita.
D. Uunahan siyang makasakay ng traysikel.

7. Habang lulan ka ng dyip patungong paaralan, may biglang pumara upang sumakay. Akay–
akay ng ate ang kaniyang kapatid na pilay. Napansin mong hirap siyang sumakay. Ano ang
gagawin mo?
A. Maingat na tulungan ang kapatid sa pagsakay.
B. Simangutan sapagkat sanhi sila ng pagtagal.
C. Magtulog–tulugan.
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
D. Huwag silang pansinin.

8. May sakit ang nakababata mong kapatid. Nagkataon na wala ang iyong ina at nasa trabaho.
Ano ang gagawin mo?
A. Siguraduhing komportable siya, painumin ng tamang gamot, punasan at bigyan siya
ng makakain o mainit na sabaw.
B. Umalis ng bahay at makipaglaro na lamang sa mga kaibigan.
C. Sabihan na matulog na lamang siya.
D. Ipagpatuloy ang paglalaro sa cellphone at hintayin na lang na makauwi ang nanay.

9. Naglalambing ang kapatid mong maysakit. Gusto niya ng prutas. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag siyang pansinin dahil may ginagawa kang takdang-aralin.
B. Bumili na lamang ng sitsirya bílang pamalit sa hinihiling na prutas.
C. Iutos na lamang sa iba sapagkat tinatamad ka.
D. Ibili ng prutas upang makakain ito.

10. Umiiyak ang kapatid mong maysakit sapagkat natatakot siyang mag-isa. Ano ang gagawin
mo?
A. Matulog na lang dahil inaantok ka na.
B. Samahan at aliwin ang kapatid.
C. Buksan ang TV at sabihan na manood na lamang siya na mag-isa.
D. Sigawan siya na huwag matakot.

11. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa may


kapansanan?

A. C.

B. D.

Panuto: Basahin ang kuwento. Sagutin ang sumusunod na mga tanong at piliin ang titik ng
tamang sagot.
Ang mga Kalahok sa Patimpalak
GDViloria

Isang araw habang naglalakad papasok ng paaralan si Jun ay nabasa niya ang isang
anunsiyo na nakapaskil sa tarangkahan ng kanilang paaralan na nag-aanyaya sa mga may
kapansanan na magkakaroon ng patimpalak sa pagguhit at pagkanta sa darating na
Biyernes.
Sa tuwa’y dali–daling nagtungo si Jun sa kaibigan niyang si Bernard na may polio
Theupang ibalita
creator/editor of thisito. Batid
Periodical Test niya
does notkasi na mahusay
claim ownership sa pagpipinta
over its contents ang
such as (pictures, kaibigan.
illustrations, stories,Kinuha niya
etc.). This PT at
is only
intended as reference for teachers.
inihanda ang gamit sa pagpipinta ng kaibigan.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay

Nagsanay nang mahusay si Bernard sa tulong ng kaibigan niyang si Jun. Matiyaga


12. Ano ang nabasa ni Jun sa tarangkahan ng paaralan?
A. Ang anunsiyo na nag-aalok ng trabaho sa mga may kapansanan.
B. Ang anunsiyo na nag-aanyaya sa mga may kapansanan na lumahok sa pagguhit at
pagkanta.
C. Ang anunsiyo na nag-aanyaya sa mga tao na magpabakuna.
D. Ang anunsiyo na nag-aalok sa mga tao na makilahok sa pista.
13. Bakit pinuntahan ni Jun si Bernard?
A. Upang isali ang kaibigan niyang si Jun sa patimpalak sa pagkanta.
B. Upang yayain ang kaibigang manood sa plasa.
C. Upang ibalita sa kaibigan niyang si Bernard na may polio ang tungkol sa patimpalak
sa pagpinta.
D. Upang anyayahan si Jun na manood sa programa.

14. Paano ipinakita ni Jun ang pagmamalasakit sa kaibigang may kapansanan?


A. Hinikayat niya ang kaibigan na makilahok sa patimpalak kahit ito’y may kapansanan.
B. Hinayaan ang kaibigan na makilahok mag-isa.
C. Nakilahok na lamang si Jun imbes na ang kaibigang si Bernard.
D. Hindi na lang pinansin ni Jun ang anunsiyong nakita.

15. Kung ikaw si Jun, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
A. Oo, dahil nais kong pahalagahan at ipakita ni Bernard ang talentong binigay sa kaniya
ng Diyos.
B. Oo, dahil mananalo siya ng malaking pera kapag siya ay mananalo sa patimpalak.
C. Hindi, dahil ayokong pagtawanan siya ng mga taong manonood.
D. Hindi, dahil naniniwala ako na mas marami pang mas magaling sa pagpipinta.

16. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapahayag ng pagmamalasakit sa kapuwang may
kapansanan?
A. Nakita mong mali ang direksiyong tinatahak ng mamang bulag. Siya’y iyong
pagtatawanan.
B. Pinagtawanan mo ang batang nakasaklay na nadapa.
C. Nakita mong may nakapila sa likod mo na aleng may saklay. Siya
ay iyong pauunahin sa pila.
D. Hinayaan mong nakatayo sa sasakyan ang matandang nakasaklay.

17. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamalasakit sa taong may
kapansanan?
A. Sinisimangutan ko sila minsansapagkat sanhi sila ng pagtagal.
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
B. Sa tuwing nakakakita ako ng may kapansanan ay nagbibigay-daan ako upang sila ang
mauna sa pilahan.
C. Kapag nakakakita ako ng may kapansanan ay hindi ko siya kinukutya.
D. Hinihikayat ko ang mga kaibigan kong may kapansanan na huwag mahiyang sumali sa
iba’t ibang programa.

18. Alin sa mga sumusunod na paraan ang dapat gawin para makatulong sa may kapansanan?
A. Pagpapabaya sa kanila na manlimos na lamang sa kalsada.
B. Pandidirihan sila dahil sila’y kakaiba.
C. Pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho o makatulong sa ibang gawain kung
nais o kaya naman nila.
D. Pagpapaalis sa kanila dahil di sila nabibilang.

19. Dapat bang pagmalasakitan ang mga taong may kapansanan?


A. Oo B. Hindi C. Di kailangan D. Pwede

20. Dapat bang pantay ang tingin natin sa mga taong may kapansanan at sa mga taong walang
kapansanan?
A. Oo B. Hindi C. Di kailangan D. Pwede

21. Sino sa kanila ang hindi nabibilang sa isang pangkat-etniko?

A. B. C. D.

22. Ano ang kahulugan ng pangkat-etniko?


A. Ang pangkat etniko ay ang pangkat ng mga tao na ang mga kasapi ay nakikilala ang
isa’t isa sa pamamagitan ng magkakamukhang kultura.
B. Ang pangkat etniko ay ang pangkat ng mga tao na magkakaiba ng kultura.
C. Ang pangkat etniko ay ang pangkat ng mga tao na iisa ang Diyos.
D. Ang pangkat etniko ay ang pangkat ng mga tao na iisa ang lugar.

23. Ano ang sasabihin mo sa batang nabibilang sa isang pangkat-etniko?


A. “Umalis ka rito, ang itim mo!”
B. “Ang kapal ng kaniyang labi, haha!”
C. “Ambaho mo, umalis ka rito!”
D. “Sa iyo na itong laruan ko, kaibigan.”

24. Alin sa mga diyalogo ang HINDI nagpapakita ng paggalang o pagpapahalaga sa kapwa
batang nabibilang sa pangkat etniko?
A. “Ando, heto ang iba kong damit, sa iyo na lámang.”
B. ”Wala ka bang gamit na krayola, halika hiramin mo ito”
C. ”Hahaha, bakit ganyan ang buhok mo, kulot. Napakapangit!”
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
D. “Halika kaibigan, sa’yo na lang itong baon ko.”

25. Ano ang iyong dapat iparamdam sa bago mong kaklase na nabibilang sa pangkat-etniko?
A. hiya C. galit
B. pagmamalasakit D. takot

26. Nakita mong pinagtatawanan at kinukutya ng mga batang naglalaro ang isang batang Ayta
dahil sa maitim na kulay nito. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko sila.
B. Sasawayin ko sila dahil hindi maganda ang ginagawa nila.
C. Isusumbong ko sila.
D. Makikisali sa mga nagtatawanang bata.

27. Hindi gaanong maintindihan ng kaklase mong Igorot ang panuto na ibinigay ng inyong guro
kaya’t hindi niya masimulan ang kaniyang gawain. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin na lamang siya.
B. Pagtatawanan siya dahil hindi niya alam ang ginagawa niya.
C. Ipapaliwanag sa kanya ang panuto para ito’y kanyang maintindihan.
D. Hahayaan na lamang siya dahil may ginagawa ka din.

28. May bago kayong kapitbahay na Ilongot, napansin mo na luma at puro mantsa lagi ang
kaniyang isinusuot. Ano ang gagawin mo?
A. Pagtatawanan ko siya dahil madumi parati ang damit.
B. Pagbabatuhin ko dahil mukha siyang pulubi.
C. Hahayaan ko na lamang at hindi na mangingialam.
D. Bibigyan ko siya ng damit para may magamit siya.

29. Napansin mo na napakarami mo na palang laruan na hindi ginagamit samantalang ang mga
batang Badjao na malapit sa inyo ay lata lamang ang laruan. Ano ang gagawin mo?
A. Ipamimigay ko sa kanila ang ibang laruan ko na di na nagagamit.
B. Hahayaan lamang na nakatambak ang mga laruan ko sa kuwarto.
C. Pagtatawanan sila dahil lata lamang ang kanilang nilalaro.
D. Ipagmamayabang ko sa kanila ang marami kong laruan.

30. Hirap sa buhay ang kaibigan mong Agta dahil wala na itong ama. Tanging ina na lamang
niya ang nagtataguyod sa kaniya. Tuwing recess ay nilagang kamoteng kahoy lamang ang
kaniyang baon. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko na lamang siya.
B. Bibigyan ko siya ng baon ko.
C. Hindi ko na lang papansinin.
D. Pagtatawanan ko siya.

31. Nararapat bang ikaw ay sumali sa mga gawaing pambata? Bakit?


A. Oo, upang mapagyaman ang sarili sa kagandahang–asal at pakikipagkapwa.
B. Oo, dahil nagbibigay lamang ito ng kasiyahan.
C. Hindi, dahil nakakahiyang makihalubilo sa maraming tao.
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
D. Hindi, dahil wala itong naibibbigay na Maganda sa akin.

32. Ang mga sumusunod ay mga kabutihang dulot na naibibigay ng pakikilahok sa mga
gawaing pambata, MALIBAN sa isa.
A. Mahubog sa iyo ang tiwala sa sarili.
B. Napagyayaman mo ang iyong kakayahan.
C. Nawawala ang hiya sa sarili.
D. Natututong mapag-isa para magawa ang mga gustong gawin.

33. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pakikiisa sa mga gawaing
pambata?
A. Lagi kang umiiwas sa tuwing naghahanap ang iyong guro ng kakatawan sa mga
patimpalak o paligsahan. Batid mong kaya mo naman ito.
B. Sa tuwing sinasabihan ka ng iyong guro na sumali sa palaro ay lagi kang nagdadahilan
ng hindi totoo upang makaiwas lamang.
C. Sumali ka sa paligsahan sa pagtula. Nang ikaw ay nasa bulwagan na, nakita mong
napakaraming tao ang nanonood. Huminga ka ng malalim at nilakasan ang iyong loob.
D. Nang ikaw ay nanalo sa tagisan ng talino. Ikaw ay nagyabang sa iyong mga kalaro.

34. Alin sa mga sumusunod na diyalogo sa ibaba ang nagpapakita ng pakiisa sa mga palaro o
paligsahan at iba pang gawaing pambata?
A. “Ben, ikaw na lang ang sumali sapagkat nahihiya ako kasi napakaraming manonood.”
B. “Lina, mauna ka na sa paaralan, tinatamad akong dumalo sa programa.”
C. “Benny, ayaw kong sumali dahil natalo tayo. Naiinis ako!”
D. “Marites, halika at tayo’y dumalo sa programa sa paaralan tungkol sa pagbabasa. Nais
kong matunghayan ito at matuto.”

35. Kung ikaw ay natalo sa isang paligsahan, ano ang iyong gagawin?
A. Aawayin ko ang nanalo.
B. Igagalang ko ang pasiya ng hurado kapag ako ay natalo.
C. Hindi ko babatiin ang aking kalaban.
D. Magrereklamo sa mga hurado tungkol sa resulta ng paligsahan.

36. Nais mong sumali sa patimpalak sa pagsasayaw ngunit tila mayroon kang pag-aalinlangan.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Mag-ensayo at lakasan ang loob.
B. Huwag na lamang sumali.
C. Sabihin sa guro na palitan na lamang ako.
D. Magdadahilan na ako ay may sakit.

37. Pawang magagaling ang lumahok sa tagisan ng galing sa pag-awit. Nang ianunsyo ang
nanalo ay hindi ninyo ito nakamit. Ano ang gagawin mo?
A. Magsisisigaw na hindi patas ang desisyon.
B. Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang pagkatalo.
C. Magdadabog sa entablado.
D. Aawayin ang mga nanalong grupo dahil kayo ang karapat-dapat manalo.
The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay
38. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong tanggalin sa tuwing nagtatangka kang sumali sa
palaro o paligsahan?
A. Hiya B. Galing C. Talino D. Lakas ng loob

39. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong linangin sa iyong pakikiisa sa iba’t ibang gawain?
A. Pag-aalangan C. Tiwala sa Sarili
B. Pangamba D. Hiya

40. Alin sa mga sumusunod ang naidudulot ng pakikipaglaro sa kapwa bata?


A. Napapaunlad ang pakikipagkapwa-tao.
B. Nalalamangan mo ang kalaban mo.
C. Nakakapagyabang sa kanila.
D. Nalalaman ko ang tunay nilang ugali.

Prepared by:
Checked and Reviewed by:

Teacher I

Noted by:

School Principal

Answer Key: ESP 3 Q2 Periodical Test

1. B 11. C 21. D 31. A


2. D 12. B 22. A 32. D
3. C 13. C 23. D 33. C
4. B 14. A 24. C 34. D
5. D 15. A 25. B 35. B
6. A 16. C 26. B 36. A
7. A 17. A 27. C 37. B
8. A 18. C 28. D 38. A
9. D 19. A 29. A 39. C
10. B 20. A 30. B 40. A

The creator/editor of this Periodical Test does not claim ownership over its contents such as (pictures, illustrations, stories, etc.). This PT is only
intended as reference for teachers.
The creator/editor shall/does not allow/permit any individual to sell this Periodical Test or to share without his/her permission. @edumaymay

You might also like